Share

Kabanata 5

Author: MeteorComets
last update Last Updated: 2025-07-28 14:31:32

Pagkatapos ng trabaho, pinulot ko na ang mga gamit ko. Kailangan kong umuwi ng maaga dahil gagawin ko na yung design na hinihingi ni Escalante para wala na siyang masabi.

 Bwesit na bwesit ako sa kaniya kanina pa.

Papalapit na ako sa elevator nang tumunog ang phone ko at tumatawag si Marky.

“Hello?”

“Babe? Pauwi ka na? Nasa parking lot na ako.”

Natigilan ako. “Huh? Bakit?”

“Anong bakit? Sinusundo ka. Nagpareserve na ako sa isang resto.”

“Hala.”

“Bakit? Nakauwi ka na ba? Puntahan nalang kita sa apartment mo.”

Tumingin ako sa orasan ko. Yeah, sinabi ko nga sa sarili ko kanina na magdidinner nalang kami pero hindi natuloy dahil sa biglaang pagdating ni Escalante. At mabuti nalang hindi ko siya naaya kasi hindi ako pwede ngayon dahil naghahabol ako ng oras.

“Marky, kasi ano… hindi ako pwede.”

“Why?” rinig ko na ang pagkairita sa boses niya.

“Marami kasi akong gagawin. Kanina, pinagalitan ako ng boss ko. Naghahanap na kasi siya ng bagong design sa amin.”

Nakita ko sa phone ko na 2% nalang ang batt health niya at any moment ay mamam@tay na ito.

“Pwede mo naman yang gawin mamaya e. Magdinner na muna tayo saka ka magtrabaho.”

“Hindi talaga pwede, Marky. Babawi nalang ako sa susunod.”

“Mas mahalaga pa ba ang trabaho mo kesa sa akin?”

Dali-dali akong pumunta ng elevator pero sa kasamaang palad nabitawan ko ang ilang papeles na hawak ko.

“Huh? Hindi naman sa ganoon. Yung boss ko kasi demonyo. Hindi pwedeng ipagpaliban ang gusto niya.”

“Puro ka nalang boss mo, Vida. Nauubusan ka na ng oras sa akin.”

Kumunot ang noo ko habang nagpupulot ng gamit. Siya nga kapag busy siya e hindi ko naman siya sinusumbatan.

“Marky naman. Kung sana lang biniyayaan kami ng boss na mala-anghel sa kabaitan, hindi sana parang impyerno ang buhay namin.” Nang maalala ko na naman yung nangyari sa office kanina, bumabalik na naman ang init ng ulo ko.

“Kainis talaga kasi ang Escalante na yun. Sana mamaya hindi siya matunawan sa kinakain niya.” Bulong ko pa at nang mapulot ko lahat ng gamit, tumayo ako pero…

“Ay kabayo!” Napasigaw ako sa gulat nang makita si Escalante na nakakunot ang noo sa akin.

Parang gusto ko nalang maglaho bigla. Narinig ba niya ang pinagsasabi ko sa kaniya?

Tinaasan niya ako ng kilay at si sir Dane naman sa likuran e tinatawanan ako. Patay na. Nakikita ko na ang mangyayari sa akin bukas.

Mukhang mawawalan na ako ng trabaho nito.

Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko pero bumukas na ang elevator sa gilid namin, at pumasok na sila ni sir Dane…

Kinagat ko muna ang labi ko sa kaba at pumasok na rin. May mga empleyado pa ang pumasok kaya hindi ako makasorry. Tapos natutulak pa nila kami hanggang sa napadpad kami sa likuran at nagdikit ang balikat namin ni Escalante.

Ang lamig na ng pawis ko dahil sa kaba. Hindi ko na rin maigalaw ang kamay ko dahil wala ng space. Talagang dikit na dikit kami na ultimo hangin ay mahihiyang dumaan sa gitna namin.

Sinasabi ko nalang sa sarili ko na maghintay pero para akong tinakasan ng bait nang maramdaman ko ang daliri niya sa ibaba na pinaglalaruan ang daliri ko.

Agad akong napalingon sa kaniya at nakita ko siyang nakapikit lang na para bang wala siyang ginagawang kakaiba.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mabilis niya itong hinuli at pinagsiklop. Nagpanic ako dahil baka mamaya may makakita. Marami pa namang mga tao ang narito.

Kahit na sinubukan kong kunin ang kamay ko, ayaw niya pa ring bitawan. Kung may tao lang na lilingon sa amin, tiyak na maiissue kami nito.

Nang makarating kami sa ground floor at naglabasan ang mga empleyado, buong lakas kong kinuha ang kamay kong hawak niya.

“Vida, hatid ka na namin.” Sabi ni sir Dane nang makalabas kami ng elevator.

Nang mapatingin ako kay Escalante, nakita ko siyang nakatitig sa akin. Kanina lang, nag-aaway kami sa office niya kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung banas na banas ako sa kaniya ngayon.

Saka hindi ako sasama dahil nasa labas si Marky. Baka mangyari ulit yung nangyari sa parking lot kaninang umaga.

“S-Salamat sir Dane. Pero kasi ano, nakalimutan ko, may trabaho pa pala akong nakalimutang gawin. Sige po, balik lang muna ako sa office ko.”

Hindi ko na sila hinintay na makasagot. Sumakay ulit ako ng elevator at bumalik ng office. Nang tignan ko ang phone ko, nakap@tay na.

Siguro kung hindi ako bababa ay aalis na rin si Marky. Wala rin ako sa mood makipagdate sa kaniya ngayon e.

Dito ko nalang sa office pinagpatuloy ang trabaho ko. Ako lang ang mag-isang dahil nakauwi na ang lahat. At mukhang napasarap ang pagdidesign ko dahil nang tumingin ako sa oras, malapit ng mag alas-dose ng madaling araw.

“Hala! Patay!”

Dali-dali akong sumakay ng elevator pababa pero natigilan ako nang makita na lock na ang company building.

“Guard!!! May tao pa diyan sa labas? May naiwan pa po sa loob!”

Pero kahit na anong sigaw ko, walang nagbubukas. Kinuha ko ang phone ko at halos mapamura ako nang maalala na wala ng battery ito. Wala akong charger, wala akong power bank na dala.

Naiiyak ako sa katangahan ko. Napaupo ako sa sahig. Takot akong maiwan mag-isa. Ayokong matrap sa malaking building na ito na mag-isa lang ako.

Habang nakayuko ang ulo ko sa sahig, may jacket na nagpatong sa balikat ko na ikinagulat ko. Nang magtaas ako ng tingin, nakita ko si Escalante.

Para akong nabuhayan nang makita ko siya. Ni hindi ko na napigilan ang luha ko kahit pa pagalitan niya ako. I felt relieved by his presence. Akala ko talaga ay ako lang ang natrap sa building.

Tinitigan niya ako at agad niyang inabot ang pisngi ko para punasan ang luha sa mga mata ko.

“Shh… It’s alright. I’m here.”

Sabi niya na para bang ina-assure niya na hindi ko na kailangang matakot kasi narito na siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Arrogant Boss Is My Secret Lover   Kabanata 169

    Nakapasok na rin kami sa wakas matapos ng ilang pilitan na nangyayari. Grabe naman kasi magselos tong onggoy na to. Talagang kailangan mo pang ipaglandakan sa harapan niya na siya ang favorite mo, siya ang love mo, na siya ang lahat. Di ko na tuloy alam kung 30 years old ba siya o 10. Dinaig pa niya ang isang bata sa assurance. Kahit iyong panglalait ko sa kanila ni Caldon na onggoy at butiki ay pinapapili ako. Napailing nalang tuloy ako. Pagkapasok namin sa bahay, nadatnan namin si mama at Caldon na nakaupo na sa hapag-kainan at nag-uusap. Kitang kita kay mama na natutuwa siya na makita ang kababata ko na naging sakit rin ng ulo sa kaniya dati. Trinato rin kasi niya noon si Caldon na anak. Umupo na kami sa harapan nila. "Oo nga pala Caldon, ito ang aking son-in-law, asawa ni Vida, si Aris Escalante." Pagpapakilala ni mama kay Escalante. Tumingin si Caldon samin. Alam kong gusto niya akong kausapin pero di niya magawa kasi ibubuka pa lang niya ang bibig niya ay para ng

  • My Arrogant Boss Is My Secret Lover   Kabanata 168

    Patay na! Iyon ang unang pumasok sa utak ko nang makita ko si Escalante sa likuran na lukot na lukot ang mukha at kulang nalang ay sugurin na si Caldon.May muta pa siya sa mata niya. Kakagising lang niya at mukhang ako agad ang hinanap tapos timing pa na ito ang naabutan niya.Malalaki ang hakbang niya na lumapit samin at agad akong hinigit palayo kay Caldon.“I’m her husband.” Sabi pa niya, na para bang hindi enough yung sinabi niya kanina na ‘oo at ako yun’.Tumingin sakin si Caldon. Matalik kaming magkaibigan niyan noon pero umalis siya at nagpunta ng New York at doon na nanirahan kaya natigil ang friendship namin.Hindi naman ako nalungkot kasi no’ng nawala siya e nakilala ko rin noon si Toneth na kalaunan ay naging best friend ko rin.“Ah pre, ako pala si Caldon. Bff kami niyang si Vidachoy.”Vidachoy na naman ang sinabi ng lalaking to. Ano nga ang tawag ko sa kaniya noon? Bu—ah, tama. Butiki!“Pwede ba Caldon, malalaki na tayo oh. At FYI lang, hindi na ako tabachoy ngayon. Ikaw

  • My Arrogant Boss Is My Secret Lover   Kabanata 167

    After that day, pakiramdam ko e naging malinaw na rin sakin ang kalahati sa nakaraan ni Escalante. Pakiramdam ko e parang mas nakilala ko na siya ngayon.Natulog kami kagabi na maayos at nang magising ako ay okay ang mood ko. Niyakap ko pa nga siya at hinayaan siyang haIikan ako sa noo.One thing I realized, I have no right to criticize him for his past dahil ako ay may past rin. Bale patas lang kami. Parang ang toxic naman kung aawayin ko siya dahil lang sa may naging girlfriend siya na minahal niya.Ako rin naman. Kahit gago si Marky e minahal ko rin naman yung tao.Nauna akong bumaba sa kaniya at naabutan ko si mama na siyang nagluluto ng breakfast namin.“Oh, si Aris?”“Tulog pa po ma.” Naalala ko na parang may problema siya kahapon. Ayos na kaya si mama? “Ma, kamusta na ang pakiramdam niyo? Ayos na po ba kayo?”“Oo naman anak. Ayos na ako. Bakit mo naitanong?”“Kahapon po kasi mama, parang pakiramdam ko ay may problema po kayo.”Natawa siya at napailing. “Masakit lang ang ulo ko k

  • My Arrogant Boss Is My Secret Lover   Kabanata 166

    Vida’s POV“Anong masasabi mo?” tanong ni Escalante matapos niyang ikwento sakin kung sino si Andinne sa buhay niya.Pinagsingkitan ko siya ng mata.“Hindi mo ba ako ginawang panakip butas o replacement lang niya or something?”Mahina siyang natawa at kinuha ang kamay ko para ilapit sa kaniya. Pinaupo niya ako sa kandungan niya.“Why would I do that? Ibang iba kayo ni Andinne ng personalidad. I fell for her before and I fell harder for you now. Nagustuhan kita bilang ikaw at hindi bilang multo ng kung sino mang babae.”Ngumuso ako. Aaminin ko, medyo kumikirot ang puso ko nang malaman na may past siya na minahal niya. At alam kong ang petty kung ikukumpara ko ang sarili ko doon sa ex niya.Saka isa pa, sa sinabi ni Escalante, mother-figure niya si Andinne kaya grabe ang pagka-attach niya dito. Dapat ay hindi na ako magselos pero di ko lang mapigilan ng konti.“Nasaan ang anak niya? Bakit hindi mo na nadadalaw? Nasasaktan ka pa rin ba kung nakikita mo ang bata?”Umiling siya.“Noon, hind

  • My Arrogant Boss Is My Secret Lover   Kabanata 165

    Aris’ POV[Hint of past]Isang malakas na sampal ang ginawa ni dad when I dragged our family into this mess because of Ardinne’s death. My cheek felt numb pero yung mata ko ay nanlalabo na dahil sa luhang nagbabadyang tumulo.“Wala ka na talagang ibang ginawa Aris kun’di maging sakit sa ulo sakin! I told you many times, hiwalayan mo ang babaeng yan! Pero hindi ka nakinig. And look! You even killed her!”I bit my lips. Galit na galit ko siyang tinignan.“I did not kill her! She ended her life at wala man lang ako doon para mapigilan siya.” Nanginginig ang kamay ko at gustong gusto ko siyang suntukin. I never consider this man as my dad. He never been a father to me.“Yes. You killed her! Hindi mo ba naintindihan? She chose to end her life than to face you dahil wala na siyang mukhang maihaharap sayo. Dahil sinisisi niya ang sarili niya na nangyari sa kaniya ang bagay na yun. She killed herself than to suffer with guilt. Yan ang nagagawa mo Aris, you pressured the people surround you to

  • My Arrogant Boss Is My Secret Lover   Kabanata 164

    Dane’s POVThey say, nakakatanggal ng stress ang anak and I think it’s true. Though, Cheng is not really my son. Pero ako kasi ang palaging nagchi-check sa kaniya kung may oras ako dahil walang oras si sir Aris. At sa tagal ng panahon na ginagawa ko to, napalapit na rin siya sakin.“Dane!!!”Hindi pa man ako nakakapasok sa gate, may naririnig na akong boses. Napangiti ako nang makita si Cheng na tumatakbo papalapit sakin.“Dane! I missed you!”Yumakap siya sa binti ko… Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.“I missed you, Cheng.”“Dane, kasama mo ba si papa?”Gaya ng dati, umiling ako. Kita ko ang paglungkot ng mukha niya. Alam kong gustong gusto niyang makita si sir.Cheng short for Cheston Engelram Villaluna. Si sir Aris ang nagpangalan kay Cheng. Naalala ko pa ang sinabi niya why he named this kid Engelram, dahil para sa kaniya Cheng is an angel; a pure soul.Anak si Cheng ng dating girlfriend ni sir Aris na nagsuicide pagkatapos manganak.Kinuha niya si Cheng at pinaalagaan pero hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status