Alas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako para pumasok. Dahil kakatapos lang ng fashion show sa Paris, magiging busy na naman kami nito. Hinahanda ko na ang sarili ko sa paparating na sleepless nights.
Nang matapos ako sa paghahanda, may biglang nag-doorbell. Nang buksan ko ito, tumambad sa harapan ko si Marky. Ngumiti siya at humaIik sa pisngi ko.
Ni hindi man lang ako nakakilos.
“Good morning, babe. Hatid na kita.”
“Sige. Salamat. Kumain ka na?” tanong ko habang naglalakad pabalik para kunin ang bag ko. Natigilan ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod.
“No at may iba akong gustong kainin ngayon.” Sabi niya at sinimulan niya akong haIik-haIikan sa batok ko. He’s my boyfriend pero naiilang ako kapag sinisimulan na niya akong haIikan sa ibang parte ng katawan ko. Bigla akong lumayo sa kaniya.
“Again?” disappointed na sabi niya.
Matagal na siyang nag-aaya na magsex kami pero hindi ko maibigay dahil gusto kong marriage contract muna bago sex. Kaya palagi ko siyang tinatanggihan. Pero dahil sa nangyari sa Paris, hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sa kaniya na isinuko ko ang sarili ko sa boss ko, habang siya ay ilang beses kong hinindian.
Alam kong magagalit siya.
“Marky, I’m sorry.”
“Fine. Hindi ka na naman handa.”
Alam kong galit siya. Akala ko nga ay hindi na niya ako ihahatid sa trabaho pero hinatid pa rin niya ako. Nang makarating kami sa parking lot ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko, pinagbuksan niya ako ng pinto.
“Salamat sa paghatid.”
Tumango lang siya pero nakasimangot pa rin. Nakonsensya ako at gusto kong bumawi sa kaniya kaya aayain ko nalang sana siya magdinner kami mamaya pag-out ko nang may sasakyan na huminto sa harapan namin.
Nang lumabas ang may-ari ng sasakyan, hindi na ako nagulat nang makita ang boss kong arogante. Sa lawak ng pwede niyang parkingan, talagang pinili pa niyang magpark sa tabi namin.
Nagtagpo ang paningin naming dalawa. He leans against his car, arms crossed over his chest, habang pinagsingkitan niya ko ng mata.
Ano bang problema niya?
Nakita ko siyang naglakad palapit sa gawi namin ni Marky.
“Look what we have here? Care to introduce me?”
Pakiramdam ko ay biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. Whatever he’s thinking now, wala na sa ayos. Nababaliw na ang Escalante na to.
“Or should I introduce myself?”
Napalunok ako ng wala sa oras. “Ah Marky, this is my boss, si sir Aris.” Kinakabahang sabi ko. At tumingin ako kay Escalante. “Sir Aris, this is my b-boyfriend.”
Ngumisi siya at kumikislap ang mata niya sa amin ni Marky. “Boss? I see. Alam ba niya kung gaano ka kagaling?”
Agad ko siyang pinandilatan ng mata. Kinakabahan ako na baka sabihin niya kay Marky na may one-night stand kami doon sa Paris.
He chuckled. “Bakit? Can’t handle a little joke? I understand. I’ll keep it professional.” Tumingin siya sa mga mata ko, “for now.” Dagdag niya na para bang may laman ang sinasabi niya.
Sa mukha ni Marky, nagtataka na siya kaya dali-dali na akong nagpaalam. “Marky, pasok na ako sa trabaho. See you later.”
“Okay babe,” aniya at agad akong hinapit sa beywang at siniil ng haIik sa labi.
Nakita ko kung paano umigting ang panga ni Escalante sa tabi namin.
Nang makaalis si Marky, lumapit si Escanlante sa akin. Sa sobrang tikas at laki ng pangangatawan niya, hindi ko na makita ang sasakyan ng nobyo kong palayo sa kinatatayuan ko.
“Mukhang mabait naman ang nobyo mo pero matino ba siyang tao?”
“Sir, what’s your problem?” tanong ko at hindi ako nakipagtalo sa pagtitig sa kaniya.
Nakita ko kung paano umigting ang panga niya at kung paano niya ko tignan ng puno ng galit bagay na hindi ko maintindihan. Wala akong ginawang mali sa kaniya.
“Ikaw. What’s your problem? You know what happened to us.”
Nanlaki ang mata ko at agad na tumingin sa paligid at baka ay may ibang nakarinig. Lumapit ako sa kaniya para maibulong ang sasabihin ko. “Sir, stop. That one-night stand, hindi mo ko kailangan panagutan. Besides, I know you don’t like me and I have a boyfriend too so let’s keep it professional.”
Nakita ko kung paano nagbago ang expression sa mukha niya. Mas lalo siyang nagalit. Iniwan niya ako sa parking lot at pumasok sa kumpanya.
10 pa lang ng umaga, halata na ang kaba sa mukha ng mga employees.
“Bad trip si sir Aris.” Iyon ang bulungan dito. “Alam niyo ba, may pinagalitan siyang isang empleyado kanina?”
“Nag-away kaya sila ng girlfriend niya?”
Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang sila na mag-usap hanggang sa may isang empleyado ang pumasok, umiiyak.
“Vida!”
Napatingin ako sa kaniya.
“Tawag ka ni sir Aris.”
Agad nanlaki ang mata ng mga kasamahan ko.
“S-Sige,” sabi ko at pumunta sa president’s office. Pagdating ko doon, nakita ko kaagad ang nagkalat na mga designs sa sahig at mga kasamahan ko na namumulot ng mga papel habang umiiyak.
“Umalis kayo sa harapan ko. Ngayon din!” Sigaw ni Escalante! Talagang galit siya.
Dali-dali silang umalis. Nang kami nalang ang naiwan, kabadong-kabado na ako.
“Where’s the design?”
“Huh?”
“I told your team na dapat may maipasa kayo ngayong linggo.”
Kumuyom ang kamao ko. “Sir, I’m sorry pero kasama mo ang iilan sa amin sa Paris. Atleast give us some time to finalize.”
“Time? Ganyan ba kayo ka mga incompetent?”
I gritted my teeth.
“Incompetent sir? Do you think hindi kami makakagawa ng project kung may oras lang kami? Busy kami doon sa fashion show.”
“Excuses. Nagdadahilan ka lang para pagtakpan ang mga katamaran niyo.”
Nakagat ko ang labi ko sa inis.
“What’s really your problem sir?” hindi ko na napigilan. Pakiramdam ko e namimersonal na siya.
Tumayo siya at nginisihan ako. “Akala ko ba let’s keep it professional?”
“But you’re being unreasonable!”
He chuckles softly, shaking his head in disbelief. Nagulat ako nang bigla siyang naglakad palapit sakin kaya ako naman ay wala sa sariling napaatras.
Nang masandal ako sa pader, agad niyang itinaas ang kamay niya at hinawakan ako sa pisngi at ako naman ay napapikit. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko.
“Cannot handle my demands? Then accept my offer. Be my wife.”
“E-E-Erin…” nautal ako at kinabahan ng husto.“Ah n-nauhaw l-lang a-a-ko. S-Sige, u-uuwi ako.”Nagmamadali siyang umalis sa kusina at halos hindi siya makatingin sakin. Hindi kami close ni Erin, close siya kay Vaughn. Kaya natatakot akong sabihin niya bukas ang tungkol sa nakita ay narinig niya.“Erin sandali!” Sinubukan ko siyang habulin pero hinawakan ako ni Escalante.“Escalante, a-anong ginagawa mo? Kailangan ko siyang makausap!”“Hindi siya makikinig sayo dahil nagulat pa siya sa nangyari. Bukas mo na siya kausapin.”Hindi sana ako makikinig sa kaniya pero nagising si Drix kaya inayos ko ang mukha ko at lumayo ng bahagya kay Escalante.“Si Erin?” tanong niya.“Kakaalis lang. Uuwi na daw siya.”“Hala. Andaya! Uwi na rin kami.”Sinipa niya si Jace kaya nagising ito. Umuwi na rin sila pagkatapos at hindi na kumain. Dahil wala ng naiwan sa apartment, umuwi na rin kami sa bahay ni Escalante.Nagpalit na ako ng pambahay at lahat na pero hindi pa rin nawala sa isipan ko si Erin. Sa sobr
Nakauwi na si Helena, Vaughn at Mhai. Ang natira ay si Jace, Drix, Eric at sir Dane then saka si Escalante. Nakapagluto na rin ako at inaya ko na sila kumain.Pero yung kumain lang ay si Escalante at sir Dane dahil tulog na yung tatlo sa sala sa sobrang kalasingan.“Feeling ko bukas ay may issue sa inyo.” Sabi ni sir Dane at sinulyapan kaming dalawa. Parang ako lang yung nabahala kasi si Escalante wala namang pakialam.“Sa tingin mo ba, halata kami sir Dane?”“Si sir Aris ang halata, Vida.” Tapos tumawa siya na parang may kumiliti sa kaniya.“Shut your mouth, Dane.”Agad itinikom ni sir Dane ang bibig niya.“Kumain ka na nga,” saway ko kasi sinusungitan niya si sir Dane na hindi naman siya inaano. Sumimangot siya.“Ang sarap mo magluto, Vida.” Nagsalita na naman si sir Dane. Lasing na nga talaga itong taong to kasi naging madaldal na siya kahit pa pinapatahimik na siya.“Thank you, sir!”“Pwede ka na mag-asawa!” At humalakhak ulit ito.“Asawa ko na siya!”Natigilan ulit kami at napatin
Agad kinuha ni sir Dane ang attention nila at nagpatuloy sa inuman. Nag-excuse rin ako na magluluto ako para kung sakaling magutom sila ay may makain sila.Pero ang totoo, gusto kong umiwas kasi naiilang ako sa mga tingin nila sakin.Nagpunta ako ng kusina at kinuha ang mga pagkain sa fridge. Nagstock ako ng pagkain kanina umaga dito para may makain mamaya. Di lang ako bumili ng alcohol kasi diko naman alam anong iinumin nila.Habang nakaharap ako sa fridge, nagulat ako ng may kamay ang pumulupot sa bewang ko.Tumikhim ako at alam kong si Escalante ito.“I’m sorry baby… are you mad?”Pakiramdam ko e lasing na siya.“I’m not mad. Sige na, bumalik ka na doon.”“But you’re mad.”Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Sumalubong sakin ang mapupungay niyang mata.“Hindi nga ako galit. Sige na, balik ka na doon.”Ngumuso siya at hinawakan ang kamay ko.“Did I make you uncomfortable earlier? Galit ka ba sakin ng sobra?”Umiling ako.“Hindi. Kakasabi ko lang kanina. Kung galit ako sayo, hindi
Sunday, ang araw kung saan sila iinom sa apartment ko.Kami ni Escalante ang bumili ng mga alak at si sir Dane ang naiwan doon kasama ni Mhai, Vaughn, Helena at tatlo pa na si Jace, Drix, at Erin.Kanina no’ng nakarating sila ng apartment, kasabayan nila sa pagdating si Escalante at sir Dane. Kita ko sa mukha nilang lahat ang pagkagulat at pagkailang kasi di nila aakalain na ang boss na kinakatakutan nila e sasama sa inuman sa apartment ko.“Uy. Kasama si sir Aris?” bulong ni Mhai sakin na hindi ko alam kung gusto pa bang ituloy ang inuman o hindi.“Ah guys, si sir Aris… Inaya ko. Diko kasi aakalain na papayag siya.” Sabi ni sir Dane, na ibig sabihin ay inaya niya si Escalante out of courtesy kahit na ang totoo e alam niya sa simula pa lang na sasama ito dahil sakin.“Ano… Ako na bibili ng alak sa convenience store.” Gusto kong tumakas at naiilang ako na nandito ang mga co-worker ko at si Escalante.“Sasama ako.”Napatingin ako agad kay Escalante na biglang gustong sumama.“I have a ca
“Vida! Let’s talk! What is this?”Sinusundan ako ni Marky ngayon na parang aso. Nong nakaraang araw, matapos naming mag-usap ni Escalante, agad akong kumuha ng wedding gown sa AE Lines worth 15,000.“Marky, mali-late na ako sa trabaho.” Sabi ko. Supposed to be, sasabay ako kay Escalante kanina pero hindi ko tinuloy kasi batid ko ng inaabangan na ako ni Marky sa labas ng AE Lines dahil nagtext siya bigla na gusto niya akong makausap.Stress na stress ang mukha niya nang makita niya ako.“Vida, wait. Mag-usap tayo.” Hinablot niya ang kamay ko kaya wala akong choice kun’di ang tumigil para tignan siya.“Ano bang problema mo?”“May staff ng AE Lines pumunta ng bahay para magdeliver ng wedding gown.”“Maganda. Nahatid na pala agad ang gown ko.”“Vida, teka. Bakit sa AE Lines?”“Ano bang problema? Gusto ko e.”“Kasi ang mahal. Para lang sa wedding gown, gagastos na tayo ng $15,000.”Lihim akong ngumisi. Sa wedding gown pa lang, malaking pera na ang nawala sa kaniya. Kung e-convert sa peso, n
“Drink this!” Sabi ni Escalante sabay lapag ng gatas sa harapan ko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin kasi di ko alam kung iniinis ba niya ako.Nagbukas siya ng beer at ininom niya.“Bakit gatas?”“Because you’re pregnant kaya di ka pwede sa beer.”“Pwede namang juice!”“Nagjuice ka na kanina.”Itinikom ko nalang ang bibig ko kasi baka may tao akong masisipa ng wala sa oras.Pagkatapos namin sa bookstore, umalis na kami pero narinig ko ang buong sinabi ni tita Narsing.“Oo ma, may relasyon ang dalawa pero labas na tayo doon.” Iyon ang sinabi niya kay lola.“Anong labas? Hindi ka ba naaawa kay Vida?”“Naaawa ako, ma. Alam mong mabait si Vida, pero wala na tayong magagawa. Buntis si Toneth at si Marky, desidido siyang panagutan si Toneth.”“Pero paano si Vida? Bakit pa niya inaya ng kasal?”“Hindi ko alam. Baka naghahanap lang si Marky ng pagkakataon para sabihin kay Vida ang totoo.”“Hindi ako papayag dito Narsing. Kung hindi niyo sasabihin kay Vida ang katotohanan, ako ang magsasabi sa