Feel na feel pa ni Yvonne ang mabining hampas ng hangin habang gumagana ang yate. Kanina ay kasama siya ni Alaric sa pagmamaneho pero pinapunta siya nito sa harap, kung saan kitang-kita niya ang kabuuan ng dagat. Sumandal siya sa railings, pumikit at muling dinama ang hangin. At kahit na naramdaman niya ang pagtigil ng yate ay hindi siya nagmulat ng mga mata."Does it feel refreshing?" mahinang bulong na tanong sa tainga niya kasabay ng pagpulupot ng mga matipunong braso sa bewang niya.Doon na siya napamulat ng mga mata para lang malaman na halos nasa bandang gitna na sila ng dagat. Maliit na lang niyang nakikita ang mga puno sa isla."Hala, wala bang pating dito? Sh*t, ibalik mo nga!" pagpapanic niya.Halos mataranta siyang hinarap ito ngunit napatigil siya matapos marinig ang mahinang tawa nito."Tinatawanan mo ko?" Taas-kilay na tanong niya.Kinagat nito ang sariling ibabang labi upang pigilan ang pagtawa, "Don't panic, My aber. Hindi ka kakainin ng pating, ako lang ang kakain sa'
Literal na nakatulog silang dalawa sa upperdeck ng yate. Kahit mahangin ay hindi siya nanlamig sa suot niyang longsleeve ni Alaric. Idagdag pa ang mainit nitong yakap at mga binting nakayapos sa kanya. Kun'di nga lang paulit-ulit na tumutunog ang cellphone nito ay hindi siya malilingat."Your phone," bulong niya rito ngunit humigpit lang ang yakap nito."Titigil din iyan katatawag," may inis na bigkas nito bago parang bata na siniksik ang ulo sa leeg niya.Maliit siyang napanguso. Naiisip niya kasi na baka ang Ate Margarita niya ang tumatawag rito. Kaya nga pagsikat ng araw at noong maghanda ito ng almusal ay mas pinagtuonan niya ng pansin ang cellphone nito na nasa lapag lang. Lakas-loob niya iyong binuksan para lang tumambad sa kanya ang maraming missed calls ng Lolo Frederick nito.Humigpit ang hawak niya sa cellphone lalo na noong mapindot niya ang message button nito at mabasa roon ang maraming mensahe ng Lolo nito."Do you really think I wouldn't know that you hid your girl? Are
"H-indi naman kailangan na tawagin mo pa si Baron. Umuwi na tayo ngayon. Masyado na tayong nagtatagal sa isla mo," lihis ni Yvonne sa usapan.Kita niyang naningkit lalo ang mga mata ni Alaric ngunit hindi siya nagpatinag. Mas nanaig ang kagustuhan niyang makauwi ngayon. Baka kasi madulas si Nina kay Margarita na nasa honeymoon siya. Pakiramdam niya nga ay paliit na nang paliit ang mundo nila at malapit ng mabunyag ang sikreto niya ngayong kinilala na siya bilang kapatid ni Margarita."Are you hiding something from me?" seryosong tanong ni Alaric sa kanya.Nanlamig siya ngunit hindi siya nagpahalata. Bumalik siya sa kama at tumalikod ng higa."Why would I? Concern lang din naman ako sa'yo. Baka lalong magalit ang Lolo mo kapag nagtagal tayo rito," palusot niya.Hinila niya ang kumot. Hindi naman ito sumagot sa sinabi niya. Alam naman kasi nitong may punto siya. Kahit gaano pa nito kagustong makasama siya ay hindi pupwede. Hadlang ang Lolo nito.Dinig niyang bumuntong hininga ito. Pumik
"What are you doing here, Castellanos?" malamig na tanong ni Michael Montenegro kay Alaric.Gusto na lang magpalamon sa lupa ni Yvonne. Hindi niya alam kung paano tatakasan ang sitwasyon na iyon. Bakit ba naman kasi bumalik pa ito at nanghihingi pa ng h*lik!Naiilang siyang sinilip ang mga ito. Mariin ang tingin ng kanyang ama kay Alaric samantalng sumeryoso ang itsura ng asawa niya. Oo na, asawa niya! Kinakabahan siya sa pwedeng mangyari. Baka malaman ni Alaric na ama niya si Michael Montenegro o di kaya ay malaman naman ng ama niya na asawa niya si Alaric."Shouldn't I be the one asking you that, Mr. Montenegro? What are you doing at this coffee shop?" malamig na tanong ni Alaric.Kita niyang tumikwas ang kilay ng ama niya at sumulyap pa sa kanya. Lalong dumagundong ang puso niya sa kaba. Paano kung sabihin nitong anak siya nito?Kinuyom niya ang kamao sa kaba. Siguro naman ay hindi nito ipapahamak ang sariling pangalan at sabihing may anak ito sa labas. "I just want one Americano
Naiinis pa si Alaric noong makarating sa mansyon pero mukhang mas maiinis siya sa bungad ng Lolo Frederick niya sa kanya."I know where have you been, Alaric. And I am telling you now, stop seeing that woman!" galit na sermon nito sa kanya.Nasa sala pa sila noon. Napaiwas ng tingin ang Kuya Aldo niya at napasimsim sa hawak na tasa ng kape habang si Apollo naman ay ngingiti-ngiti. Sinamaan niya ng tingin si Apollo dahil pakiramdam niya ay ito ang naglaglag sa kanya sa Lolo nila."Who's woman? Wala akong babae, Lo," tanggi niya kahit pa alam naman niyang detalyado ang alam nito.Mapakla itong tumawa, "Don't make me a fool, Alaric. Hinayaan na kitang mag-enjoy, harapin mo naman ang responsibilidad mo," madiing bigkas nito.Pumikit siya nang mariin. Saan banda ang sinabi nitong pinabayaan siyang nag-enjoy? Walang tigil nga ito sa pagtawag kaya't napauwi sila ng wala sa oras ni Yvonne.Nailing siya matapos maalala ang asawa. Kung wala lang talaga ang tatay ni Margarita sa coffee shop nito
"Ano ka ba, Yvonne. Meeting lang naman. Ipakikilala ka lang, hindi ka pa naman isasalang sa trono," sita sa kanya ni Nina.Hindi kasi siya mapakali. Hindi nga siya makapaniwalang um-oo siya sa ama niya para maging parte ng kumpanya nito. Ngayon ay nag-schedule ito ng meeting ng mga shareholders nito upang ipakilala siya."Hindi ko yata kayang humarap, Nina. Tsaka, paano kung nandoon ang Mama ni Margarita? Tiyak na magagalit iyon," pag-aalala niya.Hindi pa nga siya umaalis sa coffee shop sa kabang nararamdaman niya."G*ga! Ama mo na nga ang lumapit sa'yo at nakiusap, aatras ka pa? Iyan na ang sign, Yvonne. Deserve mo rin iyan! Pabayaan mo ang Mama ni Margarita, asawa lang siya, anak ka!" pagpapalakas loob nito sa kanya. Maliit siyang nanguso, oo at may negosyo siya pero iba pa rin ang usapan kapag malaking kumpanya na. Hindi na lang iilang empleyado iyon kun'di marami. Marami din ang dapat mong pakisamahan at isaalang-alang. "Huwag kang malungkot diyan! Girl power lang! Uuwian ka pa
Hindi makasagot si Yvonne. Sa oras na iyon ay wala siyang maisip na kasinungalingan. Nataranta pa siya matapos makita ang pagbukas ng conference room at iluwa noon ang matandang Castellanos."Sh*t," mahinang bigkas niya.Napasulyap si Alaric sa likod nito at bago pa man magtungo ang mga mata ng matandang Castellanos sa kanila ay nahapit na nito ang balikat niya at tinangay paalis doon. Lakad takbo sila hanggang sa harap ng elevator."Alaric!" malakas na pagtawag ng Lolo nito na hindi nito pinansin.Saktong pagbukas ng elevator ay agad siya nitong tinulak doon nang marahan at sinandal sa salamin. Inabot nito ang button patungong ground floor bago siya mariin na tinitigan.Napayuko siya ngunit inangat lang nito ang baba niya kaya't wala siyang magawa kun'di tingnan ito ng diretso sa mga mata. Pinunasan pa nito ang pisngi niya pero alam niyang galit ito ngayon."What are you doing here?" malamig na tanong nito muli sa kanya.Nahigit niya ang hininga at halos maduling sa sobrang lapit nit
Bago pa man makasagot si Alaric ay agad na pinatay ni Yvonne ang tawag. Natakot siyang baka um-oo ito o kaya ay magalit ito."Bakit ka ba naman kasi naglasing, Margarita!" inis niyang litanya.Binalikan niya ito sa backseat at kinalkal ang contacts nito sa cellphone. Tinawagan niya ang driver nito at hinintay roon para naman may maghatid sa kapatid niya."Ihahatid ko na rin po kayo, Miss Yvonne," presinta nito.Hindi na siya tumanggi. Ano'ng oras na rin iyon at baka mapahamak pa siya sa daan.Tahimik lang naman siya sa biyahe. Ayaw niyang magtanong kung kumusta ang ama niya. Malamang kasi na galit ito o disappointed dahil hindi siya nagpakita sa meeting. At malamang na nagdidiwang ang asawa nitong si Susan.Nawala sa iniisip niya ang atensyon matapos matanaw sa tapat ng gate niya ang sasakyan ni Alaric. Napaahon siya mula sa pagkakasandal sa upuan at napatitig doon. Binalot siya ng kaba. Sana ay tulog ito!"Diyan na lang po. Tatakbuhin ko na lang po ang distansya," tarantang utos niya