Share

KABANATA 15

Hindi nakakilos si Yvonne noong magkatitigan sila ni Margarita. Para siyang nanalamin matapos makitang parehong-pareho ang kislap ng berde nilang mata. Bahagya siyang nanghina. Tumikwas ang kilay nito, marahil ay nainsulto sa pagtitig niya. Nangingnig tuloy ang labi niya na ngumiti.

"Mocha latte? C-omin' up," mabilis niyang bigkas bago hinila si Nina na namamangha pa kay Margarita.

"Gumawa ka ng Mocha latte. Sarapan mo, Nina," bulong niya rito.

"Ah? Ano? Kinakabahan ako, sh*t!" ani pa nito, "Paano kung hindi niya magustuhan? Modela iyan, Yvonne," tarantang paliwanag nito na tila ba napakaimportante ng customer nila. Importante naman talaga!

Kinagat niya ang labi at muling sinulyapan si Margarita na papaupo sa isang mesa malapit sa pinto. Ang mga mata nito ay umiikot pa sa loob ng shop. Noong magtama muli ang paningin nila ay ngumiti na ito ng tipid sa kanya.

Mabilis siyang nagyuko. Pati siya ay kinakabahan sa presensya nito. Lalapit ba siya at sasabihing kapatid siya nito? Paano naman
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status