"G*go ka ba? Bakit mo sinabi iyon kay Connor?!" naiinis niyang singhal kay Alaric.Tumiim-bagang lang ito at binalik ang cellphone niya kay Fufu. Ngumisi pa si Fufu."Bagay lang iyon sa kanya. Pero di nga, kasal pa kayong dalawa?" Tinaasan pa sila ng kilay ni Fufu.Naningkit ang mga mata niya at hindi sumagot."I'll ask for extra securities. I'll be back here later," pagpapaalam ni Alaric.Akmang paalis na 'to pero hinila ni Chelsea ang longsleeve nito."Thank you, Uncle Gwapo," mahinang bigkas nito.Bumuntong hininga si Alaric at humarap muli sa kanilang dalawa. Sumilay ang ngiti nito at marahang ginulo ang buhok ni Chelsea."Shh, call me Daddy, Princess, and you're always welcome, hm."Nagulat siya noong humikbi si Chelsea, "I have a daddy now? You love me even if you told me before that Mommy doesn't love me?"Namilog ang mga mata niya sa narinig habang si Alaric ay natigilan. Naningkit ang mga mata niya rito at mahinang kinurot sa tagiliran."Ikaw pala ang salarin kung bakit nagta
Wala yatang gustong magsalita sa mga naroon. Maging ang ama niya ay umiwas ng tingin. Napalunok tuloy siya."Don't be rude to my wife, Lo."Napalingon siya kay Alaric na mula sa kusina. Buhat-buhat nito si Chelsea."Your wife? Kasal pa kayong dalawa?" malamig na turan ng matanda.Siya na mismo ang napakapit kay Alaric. Umikot naman agad ang braso nito sa bewang niya."Carry Chelsea first," bulong nito kaya't kinuha niya si Chelsea."Just put me down, Mommy. I'm heavy, the baby might not breathe."Narinig niya ang mga singhapan dahil doon."Buntis ka, Yvonne?" si Margarita na namilog ang mga mata."Ah? H-indi—""She will, but soon. This is the reason why I invited all of you here—""Hindi mo pa ako sinasagot, Alaric. Huwag kang magmadali," putol ng Lolo nito.Kita niyang umigting ang panga ni Alaric bago huminga nang malalim at nilingon ang Lolo niya."Give her back to her father.""Lo, we're still married—""Wala akong pakialam kahit kasal kayo. Bakit? Sinabi mo na ba sa kanilang ikaw
"Shh, maririnig ka nila," mahinang bulong niya kay Alaric.Ngumisi ito at mahinang dum*ing habang patuloy sa paggalaw sa ibabaw niya.Umawang ang mga labi niya at kumapit sa braso nito."Pasaway ka talaga, gabi-gabi ka na lang nandito," paos niyang sermon.Walang mintis kasi itong nagpupunta sa kwarto niya simula noong umuwi sila sa mansyon. Buong isang buwan itong laging umaakyat sa bintana. Saktong papadilim pa lang yata ay naroon na ito tapos aalis na bago pa man sumikat ang araw. Siya nga ang kinakabahan at baka mahuli sila ng Daddy niya.Diniin niya ang hawak sa braso nito noong bumilis ang galaw nito. Sabay silang napaungol pagkatapos. Binagsak nito ang ulo sa leeg niya. Dinig niya ang mahinang hingal nito kasabay ng sa kanya."Umuwi ka na. Maliwanag na sa labas," mahinang utos niya."Tss. Mamaya na, I still want to cuddle you." Nag-iwan ito ng mumunting h*lik sa leeg niya.Mabigat siyang huminga at pumikit."Susunduin ko na kayo mamaya."Napamulat siya roon, "Naayos mo na ang k
"I'm excited! Ano na, Yvonne?" Kinikilig na bigkas ni Mayu mula sa labas ng banyo.Tuwang-tuwa ito habang siya ay kinakabahan. Pinagamit kasi siya nito ng pregnancy test kit kaninang nagduwal siya. Ngayon ay hinihintay niya na lang ang resulta.Kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri habang naka-abang ngunit kusa siyang natigilan at namilog ang mga mata matapos makita ang pagpula ng dalawang linya."Oh my God," hindi niya mapigilang bulalas."Uy, ano na? Baka himatayin na sa sala si Alaric kakahintay," pang-aasar pa ni Mayu.Huminga siya nang malalim ngunit nanginginig pa ang kamay noong kuhanin ang kit. Ilang beses siyang lumunok upang pigilan ang pagbagsak ng luha niya. Agad din siyang lumabas, agad na napatayo ng tuwid si Mayu."Ano? I'm sure it's positive." Ngumiti ito at hinawakan ang balikat niya.Kinagat niya ang ibabang labi at marahang tumango. Namilog ang mga mata nito at gusto yatang sumigaw sa tuwa pero ito mismo ang nagtakip sa sariling bibig."Uhm, nasaan si Alaric?"Bin
"Alec Yvo Castellanos! Don't run, Buddy!" hinihingal na sigaw ni Alaric sa anak niyang two years old.Kanina pa ito takbo nang takbo sa sementeryo. Ubos na yata ang energy niya mahabol lang ito."Yvo! Come here to Mommy!" malambing na sigaw ni Yvonne.Nagsalubong ang mga kilay niya noong agad na lumapit ang anak kay Yvonne. Dinig niyang mahinang tumawa ang asawa niya at agad na binuhat si Yvo. Nginisihan pa siya nito bago tinalikuran."F*ck! Ako dapat ang kakampi mo, Yvo," bulong-bulong niya sa hangin."That's alright, Daddy. I am here," si Chelsea na humawak sa kamay niya.Kahit pagod ay binuhat niya ito."Daddy, I'm too old! Put me down! I'm already seven years old!" reklamo nito pero hindi siya nakinig."You're still my princess, hm."Ayaw na nga niya itong tumanda o maging dalaga. Ngayong tatay na siya, kinakabahan na siya na baka mapahamak ang mga anak niya.Lumapit sila kay Yvonne. Nakaupo na ito sa harap ng puntod at sinindihan ang kandila. Umupo siya sa tabi nito at binaba rin
"Lumayas ka na ditong bata ka! Isang taon kayong hindi nagbayad sa akin!" sigaw ng landlady nila."Manang Rose, hahanap na apo ako ng pera bukas. Huwag niyo lang po akong palayasin ngayon. Wala po akong ibang mapupuntahan." Pinagkiskis niya ang mga palad sa harap nito. Kulang na lang ay lumuhod siya huwag lang siya nitong palayasin. Wala na siyang mapupuntahan. Walang kakilala sa ibang kamag-anak nila."Naku, Yvonne. Simula ng mamatay ang Lolo mo, pinagbigyan na kita! Pinaabot mo pa ng isang taon ang utang ninyo! Aba, may pamilya din akong pinapakain, kailangan ko ang pera!" Winaksi nito ang kamay niya at tinulak pa siya palayo sa kahoy na bahay.Naninikip ang dibdib ni Yvonne. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin pagkatapos nito. Hinawakan niya ang palda ng Ginang ngunit muntik pa siyang lumipad sa ere sa sipa nito. Sumubsob siya sa lupa. Ni walang nagtakang tumulong sa kanya sa mga kapitbahay nila."Lumayas ka na ngayon, Yvonne. Huwag mo ng hintayin pang magdilim ang paningin k
Matagal na tinitigan ni Yvonne ang sarili sa harap ng salamin. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakapagsuot ng magarang damit. Kumikinang ang bawat beads ng kulay rosas na gown. Hapit na hapit iyon sa kanya. Kahit chubby siya, nasa tamang pwesto ang bawat kurba niya. Pero kahit nakasuot siya ng magarang damit at naka-make-up ay kinabahan siya. Eighteen years old pa lang siya ngunit nakatakda ng ikasal. Malayo sa pangarap niyang magtapos ng pag-aaral.Napabuntong hininga siya. Wala naman siyang pagpipilihan, mas gusto na niya ito kaysa matulog sa lansangan.Pag-angat ng tingin ay kuminang ang pagkaberde ng kanyang mga mata sa tama ng ilaw. Madalas siyang tuksuhin sa mga mata niyang iyon. Tinatawag pa nga siyang halimaw. Hindi iyon katulad sa kanyang Lolo Isko na itim ang mga mata. Ang sa kanya ay malalim ang berde na aakalain mong itim kung hindi sisinagan ng araw o ilaw. Pansinin iyon kapag nakabilad siya sa araw. Wala naman siyang pakialam noon kung bakit berde ang mga mata
After 5 years"May lead ka na?" tanong ni Yvonne sa kanyang private investigator. Mura lang iyon kumpara sa iba. Baguhan pa, pero umaasa siyang may mahahanap ito kahit katiting."Miss Yvonne, ano, wala pa akong lead sa pamilya mo—""Jeffrey, naman! Hindi kita binabayaran ng libo-libo para lang sa wala!" putol niya sa sinasabi nito."Miss Yvonne, naman," panggagaya nito, "Sampong libo pa lang binayad mo. Kulang pa iyon para sa mga gasgas ko pagkatapos kong suyurin itong eskinita," protesta nito.Napataas ang kilay niya. Kailangan lang naman niya ng isang lead. Kahit isang tao lang, tapos siya na ang mag-iimbestiga."So ano, may nahanap ka?""Limang libo muna," hiling nito."Hindi ako nakikipaglokohan, Jeffrey. Tatanggalan kita ng trabaho o magsasabi ka na—""Oo na. May nahanap na ako. Dating katrabaho daw ng Nanay mo sa club. Hostess din. Matalik yatang kaibigan. Kaso mahirap kausapin. Matanda na. Ilang ubo na lang din yata ang natitira nito sa mundo."Sa lahat ng sinabi nito ay isa la