My Beautiful Stranger

My Beautiful Stranger

By:  Yenoh Smile  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
10 Mga Ratings
101Mga Kabanata
15.6Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Yvonne Buenavista ay lumaki sa pangangalaga ng kanyang Lolo. Noong mamatay ang kanyang Lolo Isko ay naawa sa kanya si Don Frederick Castellanos. Ipinagkasundo siya nito sa apo nitong si Alaric Harlan Castellanos na noon ay iniwan ng girlfriend nitong modelo. Labag man sa loob niya ay pumayag siya sa engagement matapos makitang mukhang mabait ang apo nito. Ngunit hindi niya inasahan na pagkatapos ng engagement ay ang lalaki mismo ang magpapalayas sa kanya dahil hindi pa ito handang magpakasal. Binigyan siya nito ng pagkakataong lumayo at takasan ang nakatakda nilang kasal. Paglipas ng limang taon, nagulat na lamang siyang makita si Alaric Harlan Castellanos sa harap ng apartment niya at sinisingil siya ng kasal.

view more
My Beautiful Stranger Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Rechell Ann
I love the story so much,I didn't stop until I finish till the end in just 3 days... whoooaaah nice ending love it.
2023-06-03 06:15:38
3
user avatar
Yenoh Smile
May bagong story po ako na hot and spicy! Ang title ay Entangled with Mr. Ruthless. Everyday update! Iba pang kwento: 1. Isang gabing pagsasalo (completed) 2. My Bittersweet Mistake (completed) 3. Treat Me Right, Misis! (completed) 4. Help me: West Severino (completed)
2023-03-02 19:38:33
3
user avatar
Lara Lara
Hello! Pasensya na po kung mabagal ang update kay Alaric. Tapusin ko lang po Isang Gabing Pagsasalo para makatuloy-tuloy na rin ako ng update dito. Kaunting panahon na lang :)
2023-02-06 16:51:54
2
user avatar
Cheryle Lobrino
salamat po sa update sana po tuloy tuloy na po plssss
2023-01-29 05:52:57
3
user avatar
Cheryle Lobrino
hi po. ask qoh lng po kung may nabibili po bang book ang my beautiful stranger at isang gabing pagsasalo
2023-01-26 16:58:45
1
user avatar
Cheryle Lobrino
hi po...ask ko lng po bakit wala na po update po kau?
2023-01-19 06:44:27
1
user avatar
Merlyn Gomez
Amazing story
2022-12-29 11:54:25
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful atory
2022-12-04 08:25:31
2
default avatar
Corazon
maraming salamat po sa ganda nang story nyo,,, hintay po ako nang update nyo
2022-10-25 04:49:14
2
user avatar
Yenoh Smile
Bukod po sa story na ito, my iba pa po akong stories na available sa App at site. Other stories: 1. Isang Gabing Pagsasalo 2. My Bittersweet Mistake 3. Help Me: West Severino 4. Treat Me right, Misis
2022-10-21 14:30:02
2
101 Kabanata
KABANATA 1
"Lumayas ka na ditong bata ka! Isang taon kayong hindi nagbayad sa akin!" sigaw ng landlady nila."Manang Rose, hahanap na apo ako ng pera bukas. Huwag niyo lang po akong palayasin ngayon. Wala po akong ibang mapupuntahan." Pinagkiskis niya ang mga palad sa harap nito. Kulang na lang ay lumuhod siya huwag lang siya nitong palayasin. Wala na siyang mapupuntahan. Walang kakilala sa ibang kamag-anak nila."Naku, Yvonne. Simula ng mamatay ang Lolo mo, pinagbigyan na kita! Pinaabot mo pa ng isang taon ang utang ninyo! Aba, may pamilya din akong pinapakain, kailangan ko ang pera!" Winaksi nito ang kamay niya at tinulak pa siya palayo sa kahoy na bahay.Naninikip ang dibdib ni Yvonne. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin pagkatapos nito. Hinawakan niya ang palda ng Ginang ngunit muntik pa siyang lumipad sa ere sa sipa nito. Sumubsob siya sa lupa. Ni walang nagtakang tumulong sa kanya sa mga kapitbahay nila."Lumayas ka na ngayon, Yvonne. Huwag mo ng hintayin pang magdilim ang paningin k
Magbasa pa
KABANATA 2
Matagal na tinitigan ni Yvonne ang sarili sa harap ng salamin. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakapagsuot ng magarang damit. Kumikinang ang bawat beads ng kulay rosas na gown. Hapit na hapit iyon sa kanya. Kahit chubby siya, nasa tamang pwesto ang bawat kurba niya. Pero kahit nakasuot siya ng magarang damit at naka-make-up ay kinabahan siya. Eighteen years old pa lang siya ngunit nakatakda ng ikasal. Malayo sa pangarap niyang magtapos ng pag-aaral.Napabuntong hininga siya. Wala naman siyang pagpipilihan, mas gusto na niya ito kaysa matulog sa lansangan.Pag-angat ng tingin ay kuminang ang pagkaberde ng kanyang mga mata sa tama ng ilaw. Madalas siyang tuksuhin sa mga mata niyang iyon. Tinatawag pa nga siyang halimaw. Hindi iyon katulad sa kanyang Lolo Isko na itim ang mga mata. Ang sa kanya ay malalim ang berde na aakalain mong itim kung hindi sisinagan ng araw o ilaw. Pansinin iyon kapag nakabilad siya sa araw. Wala naman siyang pakialam noon kung bakit berde ang mga mata
Magbasa pa
KABANATA 3
After 5 years"May lead ka na?" tanong ni Yvonne sa kanyang private investigator. Mura lang iyon kumpara sa iba. Baguhan pa, pero umaasa siyang may mahahanap ito kahit katiting."Miss Yvonne, ano, wala pa akong lead sa pamilya mo—""Jeffrey, naman! Hindi kita binabayaran ng libo-libo para lang sa wala!" putol niya sa sinasabi nito."Miss Yvonne, naman," panggagaya nito, "Sampong libo pa lang binayad mo. Kulang pa iyon para sa mga gasgas ko pagkatapos kong suyurin itong eskinita," protesta nito.Napataas ang kilay niya. Kailangan lang naman niya ng isang lead. Kahit isang tao lang, tapos siya na ang mag-iimbestiga."So ano, may nahanap ka?""Limang libo muna," hiling nito."Hindi ako nakikipaglokohan, Jeffrey. Tatanggalan kita ng trabaho o magsasabi ka na—""Oo na. May nahanap na ako. Dating katrabaho daw ng Nanay mo sa club. Hostess din. Matalik yatang kaibigan. Kaso mahirap kausapin. Matanda na. Ilang ubo na lang din yata ang natitira nito sa mundo."Sa lahat ng sinabi nito ay isa la
Magbasa pa
KABANATA 4
"Ah? Kasal?!" hindi mapigilang bulalas ni Yvonne.Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang mga labi sa sinabi nito. Hindi niya sigurado kung nabingi lang ba siya o ano."Shh. Lower down your voice, Missy. This is an agreement between the two of us only. I don't want other people to know this," bulong nito.Simple pa itong sumandal sa counter at nagyuko nang kaunti, tinatago ang mukha sa mga customer.Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang d*bdib. Nakapa niya roon ang engagement ring nila noon na ginawa niyang kwintas. Hindi siya makapaniwalang niyaya siya ulit nitong ikasal. Five years ago ay tinanggian siya nito, pero heto at gusto pang maging mabilisan ang kasal nila.Pinasingkit niya ang mga mata. Pinagmasdan niya ang lalaki kung seryoso ba ito. Wala siyang makitang biro sa mga mata nito. Pero paano siya papayag gayong may pera na siya? May pambili na siya ng pagkain at may apartment na. In short, hindi na niya kailangan ang yaman nito."You mean, as in wedding? Are you kidding
Magbasa pa
KABANATA 5
"Ano'ng sabi mo?" Nanliit ang mga mata ni Yvonne kay Alaric.Saan ba nito kinukuha ang kakapalan ng mukha at ganito ito umasta sa kanya? Pagod na ba ito sa paghahanap ng mga babae?Mapanganib itong ngumisi bago siya tinangay papasok sa mismong apartment niya. Ito pa ang nagbukas ng ilaw na para bang kabisado nito ang bahay."Since we're getting married—""Hindi ako pumayag na magpakasal sa'yo," madiing putol niya sa pag-a-assume nito.Marahas niyang tinulak ang matipuno nitong braso palayo sa kanyang bewang. Nakahinga siya nang maluwag dahil doon. Humalukipkip siya at pinagkaluwang ang bukas ng pinto ng apartment niya."As far as I know, you don't like me since I am too innocent for you," mapait niyang ulit sa mga sinabi nito noon sa kanya.Akala ba nito makakalimutan na lang niya basta iyon? Bumaba ang self-esteem niya at confidence noong tanggian siya nito. Kakabawi pa lang niya sa kakapalan ng mukha pero heto at nanggagambala na ito."But you're not innocent anymore," makahulugang
Magbasa pa
KABANATA 6
Nagtiim bagang si Yvonne. Mahigpit ding kumuyom ang mga kamao niya. Gusto niyang sumigaw sa sobrang inis kay Alaric. Gigil na gigil siya sa pangba-blackmail nito. Bakit ba hindi na lang siya nito lubayan?!"Hm, is that a no deal? Fine. I will call someone to turn your business—""Don't!" malakas niyang pigil noong tinaas nito ang sariling cellphone.Tumikwas ang kilay ni Alaric. Tila naghihintay sa desisyon niya at handang tawagan ang kung sino kapag hindi nito nagustuhan ang sagot niya. Hiningal yata siya sa inis. Ano bang laban niya rito? Marami itong koneksyon at kayang totohanin ang banta nito."Fine. Payag na ako," mahina at labag sa loob na pagpayag niya."Huh? Are you saying something? Wala yata akong narinig," kunwaring inosenteng pang-aasar nito bago nagtipa sa cellphone.Napapikit siya nang mariin upang pigilan ang inis niya sa lalaki. Agad din siyang nagmulat at mabilis na inagaw ang cellphone nito noong akmang ilalagay nito iyon sa kanyang tainga. Nanlaki ang mga mata niya
Magbasa pa
KABANATA 7
"I think this is long overdue," namamaos na bulong ni Alaric.Napapikit si Yvonne at napasandal sa d*bdib nito. Nanginginig ang tuhod niya't kamay. Bago ang pakiramdam na iyon na pinaparamdam ni Alaric sa kanya. Ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang init at pagka-uhaw."It took me five long years to finally claim you," bulong pa nito.Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Ang atensyon niya ay nakapokus sa malaking palad nito na nasa kanyang d*bdib. Gumagawa ng galaw na nagpapawala sa kaniyang paghinga. Tumahip ang d*bdib niya noong dumiin lalo ang kamay nito roon. May kakaibang hatid sa kanyang k*ibuturan ang mainit nitong palad. Naipagdikit niya ang mga hita noong maramdaman ang kiliti sa kanyang puson. Naglakbay ang init sa kanyang buong katawan at tila kinukuha ang buong lakas niya.Alam niyang dala na nito ang buong bigat niya. Gusto niyang umahon mula sa pagkakasandal rito ngunit nanghihina ang bawat buto niya sa haplos nito. Umawang ang mga labi niya noong maramdaman ang p
Magbasa pa
KABANATA 8
"Ibig mong sabihin ay may tsansa na kapatid ko si Margarita Montenegro?" mahina ngunit madiin na tanong ni Yvonne kay Jeffrey."Oo pero marami pang Montenegro, Miss Yvonne—""Ano ba talaga, Jeffrey?" mataray niyang putol sa sinasabi nito, "Ayusin mo ang trabaho mo, seryosong bagay 'to."Hindi niya mapigilang mainis. Sa totoo lang, ayaw niyang maging konektado kay Margarita. Hindi niya gugustuhing magkaroon ng ugnayan sa ex-girlfriend ni Alaric. Nakaramdam siya ng kung anong insecurity sa puso niya ngunit agad niyang winaksi iyon. Hindi siya dapat mainsecure lalo pa't hindi naman niya gusto si Alaric."Patapusin mo muna kasi ako, Miss Yvonne," maktol ni Jeffrey.Umismid siya ngunit hindi na nagsalita para makapagpaliwanag na ito."Pero gaya nga ng sabi ko, hindi lang sila ang Montenegro dito sa mundo. Kaya lang dahil sikat sila, sa kanila napokus ang atensyon ko, Miss Yvonne. Hindi mo paniniwalaan ang mga nadiskubre ko," may suspense na bigkas nito.Napataas ang kilay niya, "Pa-suspens
Magbasa pa
KABANATA 9
"Scam ba 'to? Wala akong pera!" naiinis na sagot ni Yvonne mula sa kabilang linya.Nakagat ni Alaric ang ibabang labi upang pigilang kumawala ang naaaliw na tawa. Tinakpan niya ng sariling braso niya ang noo bago nagpakawala ng ungol upang akitin ito lalo.Wala siyang narinig na reaksyon dito. Hindi pa yata nakikilala ang boses niya."Did you like the street lights, Missy?" mahina at namamaos niyang tanong.Paos naman talaga ang boses niya dahil kagagaling niya sa pag-idlip. Tinawagan niya ito matapos niya itong mapanaginipan. And that was so damn hot that it made him want to hear her voice. Iyon nga lang, tigre yata ang kausap niyang babae."Street lights? Paano mo nalamang may poste rito?" may kalituhang tanong nito mula sa kabilang linya.Napangisi siya. Pinaayos niya iyon kanina bago umuwi sa mansyon ng Lolo niya."I requested them. I am worried about your safety."Babae ito at madalas na mag-isang umuuwi. Madilim pa ang daan."Sino ka ba talaga?! Madami akong problema ngayon. Sa
Magbasa pa
KABANATA 10
"A-nong ginagawa mo rito?" Nalilitong tanong ni Yvonne kay Alaric.Hindi niya inasahan na bibista ito, mas lalo na dahil gabi na. Hindi niya rin ito gustong makita lalo na't na-eskandalo siya sa sinabi nito kanina sa tawag. Pero ngayon, nakatayo ito sa harapan niya. Binibigay nito ang reaksyon nito kagaya noong una silang magkita. Napipirmi ang mga labi nito, salubong ang kilay, at may talim ang tingin. Tila ba galit sa mundo.Napataas ang kilay niya. Ito pa ang galit samantalang ito ang nanggagambala sa kanya. Umismid siya at pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Bumalik nga lang ang tingin niya sa bitbit nitong bagpack na nakasabit sa isang balikat nito. Naglayas ba ito?"Bumalik ka na sa inyo. Hindi ako tumatanggap ng bisita sa gabi," may katarayan niyang bigkas.Akmang itutulak niya ito ngunit agad nitong sinara ang pinto at sinandal ang ulo doon. Naguguluhan niya itong nilapitan."Uy." Kinalabit niya ang tagiliran nito ngunit mahina itong humiyaw na lalong nagpalalim s
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status