Share

foam

Author: Nelia
last update publish date: 2026-09-17 09:46:03

Alice’s POV

Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin sa banyo, nakatitig sa sarili ko — hubad, walang suot na kahit ano. At habang pinagmamasdan ko ang bawat kurba, bawat bahagi ng katawan ko, unti-unting bumigat ang dibdib ko.

Malaki nga talaga ang pinagkaiba.

Tumingin ako sa dibdib ko — meron naman pero maliit, hindi tulad ng sa kaniya na malaki at bilugan. Tapos dumulas ang tingin ko sa balakang ko na masyadong diretso, hindi ganoon kalapad, hindi ganoon ka-emphasize ang curve. At ang balat ko… hindi kasing kinis, hindi kasing puti, hindi kasing perpekto ng sa babaeng laging nasa screen niya. May mga bakas ito, may maliliit na pilat, may mga bahaging hindi pantay-pantay. Wala akong dating. Wala akong kislap na mayroon yung babaeng nasa video.

Huminga ako nang malalim pero parang hindi pumapasok ang hangin sa baga ko. "Hindi ko pala talaga siya masisisi," bulong ko sa sarili ko, mahina, parang tinatangay lang ng hangin sa loob ng banyo. "Masyadong diretso ang katawan ko. Wala akong hugis. Wala akong ganda na mayroon siya."

Pinagpatuloy ko ang pagtingin sa salamin — mula sa mukha pababa, pabalik sa mukha.

"Baka kaya hindi siya n*********n sa akin… kasi wala akong dating. Walang nakakaakit sa akin. Siguro hindi si Wenner ang may problema… nasa akin pala talaga."

Napahawak ako sa dibdib ko, parang may kumakapit na lamig sa loob. Lahat ng ito — ang paggaya, ang pagbabago, ang pagiging iba — hindi pala dahil sa kaniya. Dahil sa akin. Dahil kulang ako. Kulang na kulang. Kaya kailangan ko siyang gayahin. Kailangan kong maging katulad niya. Dahil kung ako lang… hindi talaga sapat.

Tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Bumagsak ito sa pisngi ko, dumaloy pababa sa leeg, at tumigil sa dibdib ko — mainit, mabigat.

"Kaya pala…" bulong ko habang pinupunasan ko ito gamit ang likod ng kamay ko. "Kaya pala kailangan niya siyang panoorin. Kailangan niya akong baguhin. Dahil ako… hindi ko siya kayang pasayahin sa sarili kong paraan."

Lumapit pa ako sa salamin, tinitigan ang mata ko — mapungay, pagod, puno ng pagdududa.

"Kailangan kong magbago. Kailangan kong maging katulad niya. Siguro kapag nagaya ko na siya nang buong-buo… sapat na ako. Mahal na niya ako nang totoo."

Pero sa kaibuturan ng puso ko, may malambot na tinig na nagsasabi — kapag nagbago ka na nang tuluyan, Alice… sino na ang mamahalin niya? Ikaw ba… o ang anino ng ibang babae?

May dinner date kami ngayong gabi. Si Wenner na ang pumili ng restaurant. Syempre doon sa elegante at sosyal, yung tipong pupuntahan lang ng mga taong sanay sa luho. Ihahatid lang ako ng driver doon, at doon na kami magkikita.

Pero kanina pa ako nakatayo sa harap ng malaking salamin sa kwarto, punong-puno ng damit sa paligid ko. lahat sinukat ko, lahat tinanggal ko rin agad.

Hinila ko ang isang mahabang pulang damit. maganda nga sana, pero nang isinuot ko na, parang nakabalot lang ako sa tela. Walang hugis. Walang kurba. Parang wala akong dibdib, parang wala akong balakang.

"Hindi… ayoko nito!" bulong ko nang pilit kong hinila pababa ang laylayan. "Hindi bagay sa akin! Ang pangit!"

Tinanggal ko ito nang mabilis, itinapon sa kama. Kinuha ko naman ang isa — kulay itim, mas maikli, mas hapit sa katawan ko. Pero nang makita ko ang sarili ko… lalo lang lumitaw ang lahat ng kulang. Masyadong diretso. Wala akong dating. tuod yarn?

"Hindi rin!" mahina kong sigaw, hinubad ko agad at itinapon sa tabi ng iba.

Isa-isa kong sinubukan — yung kulay ginto, yung may palda, yung fitted sa balat. Pero lahat, sa paningin ko, nagmumukha lang akong bata na nagdamit ng malaki. Wala akong ka hugis hugis.

Napaupo ako sa gilid ng kama, nakatingin sa tambak ng damit sa sahig. Nangingilid na ang luha ko. Paano ko siya haharapin? Paano kung makita niya akong pangit sa suot ko? Date namin ngayon si expected niya na mag-aayos ako. Tapos madidisappont lang siya ulit dahil nga hindi ako perpekto.

Tapos… nakita ko ito — sa dulo ng drawer. Isang tube bra na may makapal na makapal na foam. Ang klase na talagang magpapalaki, magpapabilog, magpapakurba. Napalunok ako sa aking biglang naisip. "Dayain ko kaya?"

Mabilis ko itong isinuot. Nang tumingin ako sa salamin… napahinto ako.

Lumaki nga. Nagkaroon ng hugis. Yung damit na kanina ay parang walang buhay sa akin — biglang umangat, bumagay, nagkaroon ng kurba. its fake! Alam ko yun. Pero sa paningin ko… sa wakas, hindi ako mukhang straight body. Nagkaroon na ako ng bitaw.

"Salamat…" bulong ko, hinaplos ko ang ibabaw ng damit kung saan nakatago ang kapal nito. "Salamat sa kahit kaunting kumpiyansa."

Hindi pa rin ako katulad nya. Alam ko yun. Pero ngayon… kahit paano, kaya ko nang humarap sa kaniya. Kaya kong ngumiti, kahit alam kong peke ang bawat kurbang nakikita niya.

Isinuot ko ang itim na damit — ang pinakasimpleng natira — pero ngayon, may suot na akong nagbibigay sa akin ng hugis. Tumingin ako sa salamin nang huling beses.

"It’s enough…" bulong ko, pinunasan ang natitirang luha. "Kahit peke… sapat na pansamantala."

Lumabas ako ng kwarto, papunta sa sasakyan. Ang tibok ng puso ko ay mabilis — hindi sa saya, kundi sa takot na malaman niya. Pero kasi ang importante sa akin ngayon is ma-impress ko ang asawa ko ngayong gabi. i want him to find me attractive.. Gagawin ko ang lahat… para magmukhang sapat sa paningin niya.

Sumakay na ako sa mamahaling sasakyan na pagmamay-ari niya — malambot ang upuan, tahimik sa loob. Hawak-hawak ko ang dulo ng aking damit, at sa ilalim nito, ang makapal na foam bra ang nagbibigay sa akin ng hugis na wala naman talaga. Pero somehow… naramdaman ko ang ibang klase ng kumpiyansa. Ngayon lang ako tumingin sa salamin at nakitang may dating ako. Ngayon lo lang naramdaman na sexy na sexy ako— kahit alam kong may tulong ng foam. Makapal na foam!

Pagdating ko sa restaurant, nandoon na siya. Nakaupo sa aming mesa, nakatalikod nang bahagya, at hawak ang cellphone — nakayuko, nakatutok ang atensyon sa screen.

Huminga ako nang malalim. Kaya mo 'to, Alice. Dahan-dahan akong lumapit.

Tila narinig niya ang yabag ko. Napalingon siya — at sa sandaling iyon, tumigil ang mundo ko.

Bumaba ang cellphone mula sa mukha niya. Namulat ang mata niya nang bahagya, at dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi — malapad, totoo, parang may nakita siyang talagang nagpabuti sa kaniyang gabi. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa — dahan-dahan pero puno ng paghanga.

"You look… stunning," bulong niya nang tumayo siya para salubungin ako. "I didn't expect you to look this beautiful tonight."

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Napangiti ako — totoo, walang pagkukunwari sa sandaling iyon. "Talaga ba?"

"Absolutely," hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang hinila ako palapit para halikan sa pisngi. "Come… sit. I’ve been waiting for you."

Umupo ako sa harap niya, at sa bawat tingin niya sa akin, parang lumalakas ang tibok ng puso ko. Siguro… siguro hindi na kailangang maging katulad ko siya. Siguro ako rin — in my own version — I'm enough.

At doon ko naisip… Oo nga noh. Parang ngayon niya lang ako ulit tinignan ng ganito — yung tingin na puno ng paghanga, parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Gandang-ganda siya sa akin ngayong gabi dahil ang sexy kong tignan sa suot ko.

Halos hindi na huminto ang pagpuri niya habang kumakain kami.

"You glow tonight, Alice…" sabi niya habang nakatingin sa akin nang matagal. "I’ve never seen you look this radiant."

"Really?" tanong ko, hindi makapigil ng ngiti.

"Absolutely. That dress… it fits you perfectly. Every curve… everything…"

Sunod-sunod ang papuri niya — kung gaano ako kaganda, kung gaano ako kaakit-akit, kung paano ako humarap sa kaniya. At ako naman… kilig na kilig. Pakiramdam ko lumilipad ako. Napapawisan na nga ako hindi dahil sa init, kundi sa sobrang kilig sa bawat tingin niya — matagal, puno ng paghanga, parang ako lang ang babae sa buong mundo.

Pero habang tumatagal… may napapansin akong kakaiba.

Biglang kumati ang dibdib ko. Sobrang kati. Parang may gumagapang sa ilalim ng damit. Dahil siguro sa sobrang kapal ng foam, sa init, sa pawis na naipon sa ilalim… hindi ko na mapigilan. Gusto ko nang kamutin agad.

Hindi ko na kinaya. "Excuse me, babe! Punta ang ako sa powder room ha? Babalik ako agad."

Tumango siya nang nakangiti. "Sure, take your time. Don’t rush."

Tumayo ako nang mabilis, halos tumakbo na papunta sa banyo. Ang kati… hindi ko na talaga kaya. Kailangan ko nang ayusin, kailangan ko nang himasin, kailangan ko nang alisin ang init na nakukulong sa ilalim noon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Bed, Her Moves, His Obsession   A husbands wants

    Ang bigat ng lahat paggising ko. he left me questioning my worth while im just addressing my pain. Hindi naman kami ganito dati. oo busy siya palagi pero hindi naman siya nagsasalita ng mga nakakasakit sa akin.Mali ba talaga yung ginawa kong pagbura ng mga video na yon? Ganun ba ka big deal yun para saktan niya yung feelings ko at hindi niya ako tabihan sa pagtulog? Tumayo ako at naglakad ng dahan-dahan papunta sa harap ng malaking salamin. tinitigan ko ang sarili ko nang matagal. Hinahanap kung saan ba talaga ako kulang? masyado ba talaga akong plain at boring?Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko. Wala naman akong makitang pangit sa akin. Hindi naman ako pangit. Oo, kulang sa boobs at ke-sexyhan pero hindi ako pangit. Kaya naman ako ganitong simple lang pumorma kasi akala ko sa pagiging simple ko kaya niya ako nagustuhan. Ngayon ko lang narinig mula sa bibig niya na kulang na kulang pala ako sa paningin niya. Isang taon pa lang kaming kasal pero ganito na agad yung sitwasyon.

  • My Bed, Her Moves, His Obsession   plain and boring.

    Akala ko aalis siya. Kinuha niya na ang susi at tatalikod na sana— pero hindi. Huminto siya, humarap siya sa akin, at yung mukha niya… parang ibang tao na ‘yung nakatingin. Hindi ‘yung Wenner na minahal ko at pinakasalan ko. Galit na galit siya, parang ako pa ang may mali dito ngayon. Lumapit siya sa akin nang mabilis. Bago pa ako makagalaw, itinulak niya ako nang malakas pabalik sa kama. Napahiga ako, syempre nabigla, nanginginig ang buong katawan sa gulat at takot. Para siyang leon sa bangis ng mga tingin niya sa akin. “Wenner? Anong ginagawa mo? Kaya mo na akong saktan ngayon dahil lang sa mga video na ‘yon?” mapait kong tanong. Tiningnan niya ako nang diretso, nanginginig ang panga. “Bakit hindi? Sumusobra ka na, Alice!! I told you those mattered to me! And what did you do? You deleted everything!” Parang siyang bata na nasira yung paboritong laruan kung makaasta sa harapan ko ngayon. “Video lang ‘yon!” Umupo ako, pinipigilan ang pagtulo ng luha pero hindi ko na kaya. “Vid

  • My Bed, Her Moves, His Obsession   Delete All

    Pag-uwi ni Wenner, madilim na ang kwarto. Nandoon na si Alice sa kama, nakatalikod, tila mahimbing na ang tulog. Nang lumapit siya para halikan ito sa noo, naamoy niya ang amoy ito ng alak. Tulog na tulog kaya hindi na niya ito ginising Hindi naman nagalit si Wenner. Hindi siya mahigpit sa asawa. Kung ano ang makapagpapasaya kay Alice, lagi lang siyang nakasuporta. Hinayaan niya ito. kahit sa pera, hindi masungit si Wenner. Si Alice lang talaga yung hindi pala hingi ng pera sa kaniya kahit na alam niyong multi billionaire ang asawa. Samantala, Dahan-dahan siyang humiga sa tabi niya. Kinuha ang cellphone, at sa ilalim ng mahinang ilaw mula sa screen, nagsimula na naman siya. Dinala niya na naman sa isang video at nag-umpisa ulit siyang manood sa babaeng nagsasarili. Yung babaeng pinagseselosan na ngayon ng asawa niya. Ang hindi niya alam — gising na gising si Alice. Nakadilat ang mata, nakikinig, at kahit medyo hilo pa sa alak, malinaw na nakikita niya ang nangyayari. Na

  • My Bed, Her Moves, His Obsession   Pain of a ignored wife

    Alice’s POVKinabukasan, pag-alis ni Wenner papuntang trabaho, tinawagan ko agad si Mariel. "Pumunta ka dito, please… kailangan kita."Pagdating niya, may inilabas na akong mamahaling alak mula sa cabinet — yung hindi pa namin nagagalaw. Naglagay ako ng dalawang baso sa mesa."Beh, ano ba 'to?" naguguluhang tanong niya. "Bakit may ganito?"Inilapag ko ang bote nang mariin. "Sis, hindi pwedeng hindi mo 'ko dadamayan. Sobrang bigat ng dinadala ko ngayon. Parang hindi ko na kaya mag-isa."Umupo siya sa tapat ko, nakakunot ang noo. "Oh, ano na naman 'yan? Wag mong sabihin… 'wag mo namang sabihin na 'yan na naman yung panonood ng porn ng asawa mo ang problema mo?"Napayuko ako, pinisil ang mga daliri ko. "Ang hirap kasing ipaliwanag. Tinatry ko naman intindihin siya, talaga. Pero syempre… nasasaktan pa rin ako. Paulit-ulit.""So ano nga ba talaga ang nangyari?"Tumingin ako sa kaniya, puno ng kirot. "Di ko alam kung saan ko sisimulan. Basta… sobrang worse ng araw ko kahapon. Ang daming dis

  • My Bed, Her Moves, His Obsession   Not Enough

    Alice’s POV Buong biyahe namin pauwi, nilalamon ako ng hiya. Tahimik lang ako, nakatingin sa bintana, hindi siya magawang tingnan kahit katabi ko na siya ngayon. Nasaktan ako. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Yung bawat tawa niya kanina sa restaurant — parang tumutusok sa akin hanggang ngayon. Napansin naman iyon ni Wenner. Sinundan niya ako hanggang pagpanik sa hagdan. Pagpasok namin sa kwarto, hinarap niya ako nang malumanay. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at hinaplos ang mga ito. Hindi naman ako galit sa kaniya. Napahiya lang talaga ako sa sarili kong kagagahan. "I’m sorry, Babe…" bulong niya gamit ang malambing na boses. "Hindi ko namam sinadyang matawa. Hindi naman ikaw ang pinagtatawanan ko, eh. Yung foam lang. Nakakatawa lang isipin na kailangan mo pa ng ganun… hindi mo naman kasi kailangan 'yon." Tumingin ako sa kaniya, naguguluhan. "Maganda ka, Alice… kaakit-akit ka kahit wala ang mga 'yan," dugtong niya, hinaplos ang pisngi ko. "Don’t wear tha

  • My Bed, Her Moves, His Obsession   hala nahulog

    Alice’s POV"Hay… ang sarap!" bulong ko sa sarili ko, parang nabunutan ng tinik nang sandali kong tanggalin ang makapal na foam sa loob ng bra ko. Kinamot ko talaga ang dibdib ko — dahan-dahan, malalim, hanggang mawala ang nakakainis na kati. Ang gaan sa pakiramdam. Ang lamig. Natatawa akong mag-isa sa kagagahan ko. Naiiling na lang talaga.Pero biglang may kumatok. "Babe? Why it took you so long there? I’m worried." Boses ni Wenner. Nasa labas siya.Nataranta ako. Mabilis kong ibinalik ang makapal na foam sa loob ng bra ko — nagmamadali, hindi sigurado kung tama ang pwesto. Kailangan magmukhang maayos. Kailangan walang makapansin. Syempre dapat sexy pa rin ulit.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok siya.Napahinto ako. Nagulat ako nang isara niya ito nang tuluyan sa likod niya at lumapit sa akin nang dahan-dahan, ang tingin niya ay iba. Malalim. Mainit.Napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa pader. "Babe?" tanong ko, nanginginig ang boses. "Anong… anong ginagawa mo dito?""I

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status