Alice’s POVNakatayo ako sa harap ng malaking salamin sa banyo, nakatitig sa sarili ko — hubad, walang suot na kahit ano. At habang pinagmamasdan ko ang bawat kurba, bawat bahagi ng katawan ko, unti-unting bumigat ang dibdib ko.Malaki nga talaga ang pinagkaiba.Tumingin ako sa dibdib ko — meron naman pero maliit, hindi tulad ng sa kaniya na malaki at bilugan. Tapos dumulas ang tingin ko sa balakang ko na masyadong diretso, hindi ganoon kalapad, hindi ganoon ka-emphasize ang curve. At ang balat ko… hindi kasing kinis, hindi kasing puti, hindi kasing perpekto ng sa babaeng laging nasa screen niya. May mga bakas ito, may maliliit na pilat, may mga bahaging hindi pantay-pantay. Wala akong dating. Wala akong kislap na mayroon yung babaeng nasa video.Huminga ako nang malalim pero parang hindi pumapasok ang hangin sa baga ko. "Hindi ko pala talaga siya masisisi," bulong ko sa sarili ko, mahina, parang tinatangay lang ng hangin sa loob ng banyo. "Masyadong diretso ang katawan ko. Wala akong
最終更新日 : 2026-09-17 続きを読む