Share

My Best Friend Is My Husband Mistress
My Best Friend Is My Husband Mistress
Author: MsSungit

CHAPTER 1

Celestina POV

~ BEGINNING ~

Naalimpungan ako dahil sa sinag ng araw na dumapo sa aking mukha. Napamulat agad ako at kinapa ang asawa KO.

"Teka? Bakit wala sya? Hindi kaya sya umuwi kagabi?". Bulong KO at saka ako bumangon.

Tinignan KO ang banyo pero walang tao! Bigla akong kinabahan. Tinignan KO ang cellphone KO pero wala ni isang tawag o texts man lang na galing sa kanya. Bumaba Ako at nakita si manang sa lamesa na sa tingin KO ay tapos na syang nag luto.

" Manang Si Zander Po?". Tanung KO. Napakunot naman ang noo nito. Kaya napakamot nalang ako sa batok dahil sa nahihiya ako.

"Hindi umuwi si Zander kagabi iha. Hindi kolang alam kung bakit". This time ay ako naman ang nakakunot ang noo.

Imposibleng Hindi umuwi ang asawa KO kagabi? Saan sya natulog? O baka naman meron syang appointment.

"

A-ah ganun ho ba manang. Sige Po tatawagan KO nalang sya". Tugon ko.!

"Ah sige. Naka handa na ang almusal. Aalis muna ako". Sagot ni manang.

" sige Po".magalang kung sabi at saka ako ngumiti sa kanya ng tipid.

Pumunta ako sa May sala at saka ako umupo. Wala anong trabaho ngayon dahil weekend. Isa akong guro sa isang private school na pag mamay-ari ng asawa KO.

Bigla akong nalungkot. Tatlong taon na kaming kasal ni Zander at noon sobrang maalaga sya , mapagmahal at laging tumatawag o texts kung sakaling malelate sya ng umuwi.

Pero ngayon Hindi na sya nag paparamdam sakin. Umuwi sya ng dis oras ng Gabi at umaga din umalis dahil sa kanyang trabaho.

Oo inaamin kung Hindi ako mahal ni Zander. Pero imposible naman diba? Tatlong taon na kami at alam kung may puwang na ako sa puso nya.

Si gab. Ang mahal nya at higit sa lahat nagparaya si Gab. Para sakin. Kaya nga mahal KO yon eh at tinuri kung kapatid dahil sa kabaitan nya.

Nabalitaan KO rin na nakabalik na sya sa pilipinas at hanggang ngayon Hindi kupa sya nadadalaw sa condo nya. Sobrang busy KO kasi lalo na ang pag aalaga KO sa asawa KO.

Kahit masungit at cold yon sakin mahal na mahal KO parin sya.

'Ring'ring'ring'

Nabalik ako sa ulirat ng mag ring ang cellphone KO. Bigla akong nakangiti baka si Zander to.

'Calling Gab'.

Bigla akong nadismaya ng Hindi si Zander ang tumawag sakin. Iwan KO ba bakit ako Malungkot.

"Hello besh". Hyper na sabi ni Gab. Hindi ba dapat masaya ako dahil tumawag sakin ang best friend KO? Pero bakit parang nagagalit ako?

'Hays pwede ba Celestina umayos ka'.

Siya KO sa sarili KO at saka ako huminga ng malalim at nag salita.

" hello din besh! Musta kana? Namiss na kita?". Tugon KO. Oo na namiss kuna ang bruhang to. Tatlong taon din kaming Hindi nag kita.

Hmm. Eh kung puntahan KO kaya sya sa condo nya total weekend naman ngayon. Haha bakit Hindi KO yon naisip kanina.

"Ito okey lang naman besh. Namiss kita". Sagot nya sa kabilang linya.

Iwan KO ba pero halata mo sa kanyang boses ang lungkot. May probleama ba ang lukang to.

" besh! Chikahan naman tayo ohh! Please punta ako dyan sa condo mo.". Magiliw kung sagot. Narinig KO naman ang pag singhap nito sa kabilang linya.

"A-ah b-besh b-baka m-magalit a-asawa m-mo?". Teka? Bakit sya nauutal? At bakit parang natatakot sya?

" HUH? Besh my problema ba? Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako namimiss kita eh! At saka Hindi KO alam kung nasan si Zander ngayon. Hindi kasi umuwi kagabi sa bahay. At Hindi KO alam kung San sya natulog. O di kaya meron sya ng ibang appointment ". Bigla akong na lungkot at ngumiti ng mapait.

" besh! Sensya kana huh. Pero sunod nalang ako na ang pupunta sa bahay mo. At saka baka natulog lang yon sa h-hotel". Sagot nito at tila nabunutan sa tinik ng lalamunan.

Minsan talaga ang babaeng ito Hindi KO maintindihan.

"Honey bref------tot tot tot". Nagulat ako ng bigla nya akong binabaan ng tawag.

" anyari doon?". Bulong KO sa sarili KO. At saka bakit pamilyar ang boses ng lalaking yon.

Parang boses ni Z-zander , tsk. Imposible naman yon. Bakit ba ang dami kung iniisip ngayon.

Hays siguro kulang lang ako sa tulog dahil sa kakahintay KO kagabi Kay Zander.

At saka baka may kaboses lang ang asawa KO. Kahit na nararamdaman kung Hindi ako mahal ni Zander ay ramdam kung Hindi nya ako lolokohin lalong lalo na ang best friend KO.

Hays. Sa tingin KO nga kailangan kulang ipahinga ito. Kanina pa ako tumatawag Kay Zander pero out of coverage ito.

Seguro itexts KO nalang sya. Baka wala yon dalang charger o di kaya naiwan kung San , san ang cellphone nya. Pabaya pa naman yon sa gamit nya.

To: Hubby

'Hi hubby! Saan ka natulog kagabi? Kumain kana ba? Bakit Hindi kita makontak? Okey kalang ba? Hwag kang mag papagod huh. Please texts mo ako. Nag aalala na ako sayo? I love you so much Hubby'.

Sent.

Napangiti ako at saka na ako umakyat sa taas. Mamaya nalang ako kakain total Hindi pa ako nagugutom gusto kulang muna matulog.

______

CELESTINA POV

Naalimpungan AKO ng kumulo ang sikmura ko. Hala Hindi pa pala AKO kumain. Tinignan ko ang oras at pasado ng alas dose ng tanghali.

Dali-dali akong bumangon at saka bumaba. Baka kasi dumating na si Zander.

"MANANG". tawag ko . pero Hindi ito nag sasalita , ayss oo nga pala malamang umuwi na sya.

Napakamot nalang Ako sa batok at saka AKO umupo sa silya. Kumuha AKO ng Plato at nag simulang kumain.

Lagi ko itong ginagawa Yong tipong nagugutom ka pero kapag nasa harapan muna ang pagkain Mo ay mawawalan ka nalang ng gana dahil wala dito ang asawa ko.

Naalala ko pa noon na sabay kaming kumain ng umaga , tanghalian at syempre Gabi. Pero isang araw bigla nalang syang nag bago.

Lagi syang cold sakin , Hindi na tumatawag o mag texts man Lang. Minsan uuwi ng bahay masyado ng late , at saka Hindi rin umuuwi gaya kagabi.

" Ano nabang nangyayari sayo Hubby". Bulong ko at ngumiti ng mapait.

Naramdaman ko nalang ang mainit na likidong humagos sa aking pisnge.

I'm crying again. Haha tumawa AKO ng mapakla at saka ko ito pinunasan. Tumayo AKO at saka kukuha na Sana AKO ng tubig pero bigla akong nahihilo. Pakiramdam ko bumaliktad ang sikmura ko.

'Anong nangyayari sakin? Bakit umiikot ang paligid ko'. Ani ko sa aking isip.

Pero kahit papano ay pinipilit ko paring makapunta ng lababo para doon Simuka.

"Acckkkk". Tanging suka ko nalang ang naririnig sa loob ng dining area. Pero puro laway Lang ito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Pagkatapos kong Sumuka ay dahan-dahan akong naglakad patungong sala. Umupo AKO sa sofa at hinilot ko ang aking noo.

Minsan tuloy naisip ko na baka buntis AKO. Kasi dalawang linggo na akong nahihilo. At lagi kung kinakain ang mansanas na green , pero this time sumuka na AKO.

'Hindi kaya buntis Ako?'. Bigla akong kinabahan dahil sa naisip ko.

At saka Hindi pa AKO dinadatnan. Paano kung totoo ang kutob ko? Paano kung buntis nga AKO?

Napangiti AKO at saka tumulo ang luha ko. Sana nga buntis AKO para matuwa sa akin si Zander.

Baka seguro kaya sya naging malamig sakin dahil gusto nya ng baby. Hinawakan ko ang flat kung tyan at saka ko ito kinausap. Para tuloy akong baliw.

" baby! Kung nandyan kaman sa loob ng tommy ni mommy! Kapit kalang ah". Saad ko at saka ko pinikit ang mga Mata ko.

Hiniling ko ang ulo ko dahil sa nahihilo na Naman Ako.

"Zander nasan kana kailangan kita". Bulong ko sa hangin at saka tuluyan akong kinain ng dilim.

__________

CELESTINA POV

Naalimpungan ako dahil Sa lakas ng pagbukas Sa pintuan. Napadilat ako at nanlalaki ang mga mata ko ng makitang nakahandusay si Zander Sa pintuan.

"Oh my God. Hubby!". Gulat kung sigaw at dali-dali ko syang pinuntahan.

" hubby! Wake up?". Pang gigising ko Sa kanya. Pero ngumiti lang ito. Kaya napapahiling nalang ako at ngumiti din.

Pasadong alas dos na ng hapon at imposibleng umuwi ito ng ganito kaaga. At ang mas malala pa eh lasing sya.

"Hubby halika! ". Saad ki at dahan-dahan syang hinalayan. Hindi naman ito nag pupumiglas at saka ko nilagay ang kamay nya Sa balikat ko.

" You know how much I miss you baby". Natahimik at nagulat ako dahil Sa sinabi nya.

'Paano naging baby ang tawag nya sakin? Eh samantalang hubby naman ang tawagan namin'.

Ani ko Sa aking isip. Hindi ko alam pero biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil Sa kaba.

'Ano kaba Celestina. Baka naman gusto nya na ng babay'. Kombinsi ko Sa aking sarili.

Oo nga tama. Dahan-dahan ko syang Hinalayan kahit medyo mabigat ito , lalo nat nasa second floor pa ang kwarto namin.

__

Hiniga ko sya Sa kama at saka ako kumuha ng bimbo at malamig na tubig Sa banyo.

Tinanggal ko ang damit nya at napapangiti nalang ako ng makita ang pandesal nya.

Dahan-dahan ko itong pinunasan at saka pag katapos ay dinamitan ko sya.

"Hubby! Sana bumalik na tayo Sa dati. Kasi hanggang ngayon umaasa parin akong maging masaya tayo ulit". Tugon ko at ngumiti ng tipid.

Hinalikan ko sya Sa labi at lalabas na sana ako ng narinig ang sinabi nya.

" I Love You Ga------?".

Utomatiko akong napatigil at nakakunot ang noo ko. Sinung Ga?

'Hubby my tinatago kaba sakin'.

Ani ko Sa isip at tuluyang nag sibagsakan ang luha ko.

Lumapit ako at saka ko hinawakan ang pisnge nya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako Sa Hindi ko malamang dahilan.

Pakiramdam ko tuloy niloloko ako ng asawa ko. Pero imposible Hindi iyon gagawin sakin ni Zander alam kung mahal nya ako.

Ano batong iniisip ko. Baka naman Guevara yon. O di kaya ayss hwag na nga lang Yan ang iisipin ko.

Mas mabuti pang mag luto ako para Sa dinner namin mamaya. Alam kung gutom na sya.

"Hubby! Sana Mali ang kutob ko. Magluluto lang ako ng paborito mo ah. I love you too". Bulong ko Sa tenga nya pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas Sa kwarto namin.

___

'Ring'Ring'Ring'

Napatingin ako Sa Cellphone ko ng mag ring ito Sa may sala. Nag prepare kasi ako para Sa lulutuin ko.

'Beshy Calling'

Napangiti ako ng makita Sa screen ang pangalan ni beshy.

" hello besh". Masayang sabi ko. Iwan ko ba dahil seguro umuwi ng maaga si Zander.

'Hello besh kamusta kana?'. Tanung nito sakin. Ngumiti ako na Parang baliw kahit naman Hindi nya nakikita.

"Besh! Umuwi ng maaga si Zander. Kaya lang lasing sya. Pero okey na rin yon. Kung tutuusin nga eh nag luto ako ng paborito nya para Sa dinner namin". Masayang balita ko. Narinig ko naman ang pag buntong hininga nito iwan ko ba pero bakit Parang may gusto syang sabihin.

" a-ah mabuti naman besh. Siege patayin kuna ito. Chineck kulang kung okey ka.". Saad nito. Ehh ? Chineck? Okey lang naman ako ah. Ang weird naman ng best friend ko.

"Haha alam mo besh. Himala ka ata ngayong araw ah. Kaylan ba tayo magkita besh? Miss na kasi kita eh. Marami akong sasabihin sayo". Saad ko.

" sorry besh ah. Pero marami talaga akong ginagawa eh. Pwede bang next time nalang. ". Saad nito. Iwan ko ba Hindi naman ito katulad dati. Minsan nga araw araw kaming mag kita at lagi rin akong pumupunta Sa condo nya.

" Ah siege besh! Next time nalang bye,". Kunwaring nag tatampo ako. Pero nailayo ko nalang ang cellphone ko dahil binabaan ako.

"Among problema nun?". Na bulong ko nalang at hinihiling ang ulo ko.

Dati kapag nag tatampo ako sinusuyo nya ako, at pumupunta sya ng bahay mag kabati lang kami. Pero ngayon Parang nag bago na sya. Seguro dahil may asawa na ako. Ayyss makapag luto na nga lang.

___

Tapos na akong nag luto at nilagay ito Sa mesa , chicken minudo , adobong manok , tinolang manok , at sabaw na bangus. Napangiti ako nag lagay na ako ng dalawang plato ganun din ang kutsara at tinidor.

Nakarinig agad ako ng mga yapak na paa pababa. Alam kung si Zander na ito.

" Yes I'll be there! Give me 15 minutes". Huling narinig ko at nakita ko nalang si Zander na nakabihis.

'San sya pupunta?'. Ani ko Sa isip ko. Sinu ang kausap nya. Bakit malapad ang ngiti nya Sa labi.

"Hubby!". Tawag pansin ko Sa kanya. Kung kanina ay nakangiti ngayon naman ay naging blangko ang mukha nito at ang kulay berde nitong mga mata.

" I need to go". Malamig nitong sabi. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti ng mapait.

"San ang punta mo? Pasado ng alas sais na ng gabi huh? At saka nakapagluto na ako ng dinner natin?". Tugon ko at hinarangan ko sya ng daan.

Iwan ko ba pero ito na naman ako , nag iinit na naman ang gilid ng mga mata ko.

" ipakain mo nalang Sa aso. O di kaya itapon mo Sa basurahan". Para akong binuhos ng malamig na tubing dahil Sa sinabi nya.

Ano daw? Ipakain Sa aso? Itapun Sa basurahan? Nahihibang na ba sya?

"A-ano? Naririnig mo ba yang sinasabi mo Zander? Ano na bang nangyayari sayo huh? Ngayon ka nga lang umuwi Hindi mo pa kakainin ang niluto ko? At saka meron ka pabang trabaho ng ganitong oras?". Hindi ko alam pero nanginginig ang labi ko dahil Sa sinabi ko. Ngayon lang ako nag karoon ng lakas na loob na sabihin ito Sa kanya.

" SINABI KO BANG MAG LUTO KA? AT WALA KANG PAKIALAM KUNG MAY PUPUNTAHAN AKO.? PWES KUNG AYAW MONG ITAPUN KAININ MO LAHAT??". halos nagulat at napaatras ako ng sumigaw sya gamit ang malamig nyang boses.

Ano? Ako wala akong pakialam kung may pupuntahan sya? Nag papatawa ba sya?

"M-may k-karapatan a-ako k-kasi a-asawa k-kita". Hindi kuna napigilan pa ang luha ko at tuluyan na itong bumagsak.

Pero Hindi nya ako pinansin bagkos ay umalis na ito at Hindi man lang ako nilingon. Napaluhod at humagolgol ako.

Ang sakit. Ang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari Sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari Sa asawa ko.

'You know how much I miss you baby'.

'I Love You Ga..'.

Paulit ulit na umeecho Sa utak ang mga katagang sinasabi nya kanina.

" b-bakit (sniff) Hubby". Mga katagang nasabi ko dahil Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Litong litong ako , Hindi ko alam ang gagawin. Pero isa lang ang pumapasok Sa utak ko may

Kabit ang asawa ko...

_____

CELESTINA POV

Pagkalabas nya ay agad akong kumuha ng jacket at susi ko. Iwan ko ba pero parang may Mali Sa kinikilos nya.

Dali-dali akong sumakay ng kotse ko at saka ko ito pinaharurut palabas ng village.

Naalala ko pa noon kung paano nya ako inalagaan at pinaramdam sakin na mahal nya ako. Pero ngayon ni Hindi kona iyon naramdaman Sa kanya. Masakit para sakin na bigla syang nagbago Sa Hindi ko malamang dahilan.

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil Sa mga luhang dumaloy Sa aking pisnge.

'Dios ko sana Mali itong kutob ko. Hindi ko kayang mawala ang asawa ko'.

Taimtim kung dasal habang sinusundan ang kotse nyang matulin ang pag papatakbo nito na tila gusto nya nang makarating agad Sa pinupuntahan.

'Sinu ba yong kausap nya kanina? Kaano-ano nya ang babaeng iyon?'

Parang gusto Kong iuntog ang ulo ko Sa monebela dahil Sa mga iniisip ko.

*shing*

*tugs*

Napakurap ako ng kumidlat at kumulog ng malakas, bumuhos ang malakas na ulan kaya Hindi ko masyadong maaninang ang kanyang sasakyan.

"Lintik na ulan naman ito oh. Ngayon pa talaga". Bulong ko at mas binilisan kupa ang pag mamaneho.

*beeeepppp*

" kayaahhhh". Napasigaw ako ng may sasakyan ang pupunta saaking diriksyon . tila nawalan ako ng dugo at niliko ang aking kotse Sa kabilang daan para Hindi kami mag salpukan dalawa.

Nagulat at tila Hindi nag sisink-in Sa utak ko ang nangyari , kumabog ng malakas ang dibdib ko na tila gusto ng kumawala Sa aking katawan.

Napahawak ako Sa aking noo at dali-dali akong lumabas. Wala akong pakialam kung mababasa ako ang importante malamang ko kung ano ang kalagayan ng taong muntik kunang mabangga.

Pagbaba ko ay napatingin ako Sa itim na sasakyan at napahinga ako ng maluwag ng wala man lang itong gasgas o napahamak.

"Miss mag papakamatay kaba?". Napalunok ako ng lumabas ang isang lalaking nakadrive Sa kotse. Tulad ko ay Hindi nya rin inalintana ang ulan na bumuhos Sa aming katawan.

He has a pointed nose , long eyelashes , red lips , matangkad , medyo singkit na mga mata , at kulay berde , macho at may makapal na kilay na mas bumagay Sa kanya. Inshort isa syang magandang lalaki. Pero para sakin ang asawa ko ang gwapo.

" miss naririnig mo ba ako? Alam mo sayang ka. Ang ganda mo pa naman tapos mag papakamatay kalang". Biglang nag init ang mga pisnge ko dahil Sa sinabi nya. Mabuti nalang at gabi na tapos malakas ang ulan. Base Sa suot nya isa syang businessman na katulad ng asawa ko.

"Pasensya kana. Nag mamadali kasi ako. May sinundan lang". Nanlalaki ang mga mata ko dahil Sa sinabi ko.

'Shit! Susundan ko pala ang asawa ko'.

Ani ko Sa isip ko at saka dali-dali akong tumakbo pabalik Sa kotse ko. Pero bago iyon ay nag hinge pa ako ng paumanhin.

" pasensya na talaga Mr. Hindi na ito mauulit pa pangako. Sadyang may hinahabol pa kasi ako". Sigaw ko at pumasok na Sa loob ng sasakyan ko.

May sinabi pa sya pero Hindi ko iyon narinig. Nilalamig na ako pero wala akong pakialam. Basta ang importante maabutan ko ang asawa ko kung saan man sya nag punta.

Nilibot ko ang paningin ko Sa daan pero walang sasakyan ng asawa ko ang nakita.

Pinahinto ko ang sasakyan ko Sa gilid at doon tuluyang umiyak. Hindi ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang sinasabi ng utak ko na may kabit ang asawa ko? Pero ang puso ko ay sinasabing mabait ang asawa ko , Hindi nya ako sasakyan tulad ng sinabi nya noon Sa harap ng altar bago kami kinasal.

Oo inaamin kung napilitan lang sya Sa kasal namin noon, pero kahit papano ay nagampanan nya ang pagiging isang mabuting asawa para sakin.

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti ng mapait . alam kung may puwang na ako Sa puso nya.

Sa tatlong taon pa naman naming magkakasama imposibleng Hindi nya ako natutunang mahalin kagaya ng pagmamahal nya Kay Gabriela noon.

'Sa tingin ko susurprisahan ko nalang si Gab. Sa condo nya'.

Ani ko Sa isip ko. Gusto kong makipag kwentuhan Sa kanya. Gusto kung huminge ng advice nya. Ng Sa ganun mawala itong sakit na nararamdaman ko ngayon. Sana matulungan nya ako.

_____

Pagdating ko Sa condo ni Gab. Ay agad napakunot ang noo ko ng nakita ang kotse ng asawa ko.

"Teka? Paanong nandito ang sasakyan ng asawa ko?". Bulong ko.

Hindi ko alam pero bigla akong napalunok at nanginginig na lumabas Sa kotse ko.

Seguro dahil Sa lamig lalo nat basa ako at Hindi pa ako nakabihis.

Hindi kaya ? Shit naman Celestina hwag ka nangang umisip ng ganyan. At saka seguro may problema lang si Gab. Pero Hindi ba dapat sakin sya tumawag kung may problema sya? O di kaya baka isusurprisa ako ni Zander at mag tulungan sila. Lalo nat alam na ni Gab. Ang mga paborito ko Sa buhay.

Iwan ko ba pero bigla akong napangiti at saka ko inayos ang sarili ko. Para tuloy akong tanga dahil Sa basa ako. At the same time ay kumabog ng malakas ang Dibdib ko.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang pumasok Sa may gate. Iwan ko ba pero parang gusto kung hwag gumawa ng ingay.

Napapikit ako ng nasa harapan na ako ng pintuan, may ikaw Sa sala pero wala akong naririnig na ingay mula Sa loob. Hindi kaya nabuking ako. Hwag naman sana gusto ko talaga surprisahan ako ni Zander at Gab gaya ng ginawa nila noon sakin nung college pa ako.

Si Gab kasi ang gumagawa ng paraan para pansinin ako ni Zander. Lalo nat alam ni Gab na may gusto ako Kay Zander kaya ayon tinutulungan nya ako Sa kanya. Hanggang Sa dumating Sa point na sinundo kami ng magulang namin. Sobrang saya ko noon dahil ikakasal na ako Sa taong labis kung minahal ng sobra.

Nalaman ko rin noon na si Gab ang mahal nya. Pero si Gab ang nag paraya at lumayo ito. Kaya malaki ang pasasalamat ko Sa kanya. Dahil napakabuti nyang kaibigan sakin.

Bumuntong hininga ako ulit at hinawakan ang doorknob kahit na nanginginig ang kamay ko. Napangiti ako ng bukas ito at Hindi naka lock.

'The best ka talaga Beshie'.

Ani ko Sa isip ko at dahan-dahan ko binuksan ang pintuan. Napakunot ang noo ko ng nakita ang maraming pagkain Sa lamesa. At higit Sa lahat ay halatang binili pa ito Sa labas.

Ay oo nga pala Hindi pala marunong mag luto si Gab. Nilibot ko ang paningin ko pero walang tao Sa sala. Malaki ang condo ni Gab at may second floor pa ito.

Bigla akong kinabahan Sa Hindi malamang dahilan. Hindi kaya may nangyaring masama Kay Gab? Pero bakit maraming pagkain? At isa pa may inumin na dalawang baso pero may laman pa ito.?

Gusto kung tawagin si Gab pero tila walang boses ang lumabas Sa bibig ko. Pakiramdam ko tuloy may nakabara Sa lalamunan ko.

Napapahiling ako at iniisip na Hindi kotse ng asawa ko iyon. Baka naman BF ni Gab. At pareho lang sila ng asawa ko.

'Oo nga! Bakit Hindi ko yon naisip'.

Ani ko Sa isip ko. Gusto Kong gumawa pero nanatili nalang akong tahimik at dahan-dahan akong umakyat.

Gusto ng utak ko na umuwi nalang at hwag nang distorbuhin si Gab. Pero tila ayaw ng katawan ko. Pakiramdam ko tuloy yong mga paa ko ang kusang gumalaw at may utak.

"Ahh baby". Nagpintig ang tenga ko dahil Sa isang ungol na alam kung Kay Gab ito dahil Sa kanyang boses.

Hindi ko alam pero napakurap kurap ako. Tang'na bakit ako nandito? Makikinig Sa kanila?

Kaya pala ayaw makipag meet sakin ang bruhang ito dahil meron na syang boyfriend. Ayaw pa ipakilala sakin. Lagut ka talaga sakin Gab.

Napapahiling nalang ako dahil Sa naisip ko at iniwaksi Sa isip ko ang narinig.

" ahh ahh fuck baby ! Deeper ohh God". Iwan ko pero biglang nanayo ang balahibo ko dahil Sa narinig ko ulit na boses ni Gab. Napabuntong hininga nalang ako.

Seguro next time ko nalang syang kausapin pag wala ng milagro.

"I'm cumming baby ahhh ". Napahinto at nanlalamig ako ng marinig ang isang pamilyar na Boses na kahit kaylan ay Hindi ako nag kakamali.

Nanginginig ang kalamnan ko. Pakiramdam ko tutulo ang luha ko, kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang hwag umiyak.

'Ano kaba Celestina. Kaboses nya lang Yan. At saka Hindi magagawa ni Gab yan'.

Kumbinsi ko Sa sarili ko. Nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ang senadura ng pintuan kung San ang kwarto ni Gab.

Patuloy parin nag eecho Sa utak ko ang boses na iyon na tila isang sirang plaka ito.

Dahan-dahan Kong binuksan ang pintuan at nanlalaki ang mga mata ko dahil Sa nakita.

Napakurap kurap pa ako at tuluyang bumagsak ang kanina kung pinipigilang luha ko.

Paano nila ito nagagawa sakin? Paano nya ito nagagawa sakin? Tinuri ko syang kapatid tapos ito lang? Ito ang igagante nya sakin?

Ang makita silang n*******d habang bumabayo ng mabilis ang pinakamamahal kung lalaki Sa kanyang ibabaw.

Para akong nandiri Sa nakikita ko. Walang tigil ang pag tulo ng luha Sa aking mga mata na tila isa itong sirang gripo na Hindi maisara.

Nanigas ako Sa kinatatayuan ko habang nanginginig ang katawan ko, natulala at pilit iniisip na isa lamang itong panaginip. Nagulat si Gab ng nakita ako.

Tinulak nito Sa ibabaw nya si Zander na agad kinaungol ni Zander dahil nahulog ito Sa kwarto.

"What's Wrong......?"

Hindi nito natuloy ang sasabihin nya ng makita ako Sa pintuan.

Napapahiling ako at Hindi makapaniwala Sa nakita ko. Gusto kung sumigaw. Gusto ko silang saktan pero Hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"B-besh/C-celestina".

_____

THIRD PERSON POV

"B-besh/C-celestina". Tawag ng dalawang taong mahalaga Sa kanya. Pinagkakatiwalaan at higit Sa lahat ay minahal nya ng sobra.

" n-nanaginip l-lang a-ako d-diba?". Nahihiling at nauutal na sabi ni Celestina habang walang tigil ang pag tulo ng kanyang luha.

'Lord please kung isa lang itong panaginip . gisingin nyo na ako'.

Taimtim na dasal ni Celestina Sa kanyang isip at pumikit pa ito ng ilang ulit.

Pakk

Nabalik lang sya Sa ulirat ng sampalin nya ng malakas ang kanyang sarili at tuluyan syang humagulgul Sa harap nilang dalawa.

"B-besh". Tawag Sa kanya ni Gab. Pero tinaas nito Sa hire ang kanyang kamay at humawak Sa doorknob para doon kumuha ng lakas.

" b-bakit?".halos walang boses ang lumabas Sa bibig ni Celestina dahil Sa nanginginig ito . Hindi nya akalain na kaya syang pagtaksilan ng kanyang matalik na kaibigan at ang kanyang pinakamamahal na asawa.

"B-besh p-patawad?". Hinging patawad ni Gab. At umiyak rin ito. Hindi nya ginusto ang lahat dahil nabulag lang din sya ng pagmamahal at Sa maling tao pa.

Nanatiling tahimik lang si Zander Sa sulok na tila natauhan ito Sa kanyang ginawa. Hindi nya alam kung bakit sya nasasaktan dahil Sa kalagayan ni Celestina.

Walang tigil na luha at namumula nitong pisnge , pero mas lalo syang nakaramdam ng awa ng makitang basa ito at namumutla na ang kanyang labi.

" p-paano m-mo i-ito n-nagagawa s-sakin g-gab? T-tinuri k-kitang k-kaibigan , p-pero i-ito l-lang a-ang i-igagante m-mo s-sakin?". Ramdam na ramdam nila ang hinanakit at pighati na nararamdaman ni Celestina dahil Sa kanyang sinabi .

Bawat pag bigkas nito Sa mga sinasabi nya ay tila nakatatak Sa isip ni Zander. Gusto nya nitong lapitan at dal,in pauwi pero Hindi nya magawa . tila napako ang kanyang mga paa Sa sahig .

"DAHIL MAHAL KO ANG ASAWA MO?". this time ay sumigaw na si Gab. At napahilamos Sa kanyang mukha at umupo Sa kama. Hindi nya inalintana ang hubad nitong katawan.

" b-bakit a-asawa k-kupa g-gab?". Muling tanung ni Celestina Sa mahinang boses habang nakahawak Sa kanyang tyan . nahihiling si Celestina Hindi nya akalain na lahat pala ng tulong nito Sa kanya ay purong kasinungalingan ang lahat.

"Hindi mo kasi ako maintindihan Celestina". Sagot ulit ni Gab. Habang nanginginig na tumingin Kay Zander.

'Hindi maaari . naawa lang ako Kay Celestina . si gab ang mahal ko mula pa noon'.

Ani ni Zander Sa kanyang isip at hinahakbang ang mga paang papunta Kay Gab. Na ngayon ay humagulgul Sa iyak.

Biglang napahawak si Celestina Sa kanyang dibdib dahil doble ang kanyang nararamdaman sakit.

"IPAINTINDI MO SAKIN"?. nagulat si Gab at Zander dahil Sa sigaw ni Celestina gamit ang kanyang malamig na boses at walang emosyon' ang kanyang mga mata.

Tila nablangko si Celestina. Parang tinusok ng milyong karayum ang kanyang dibdib. Hindi ba dapat sya ang alalayan ni Zander dahil sya ang asawa? At Sa kanilang tatlo sya ang nasaktan dahil sya ang pinagtaksilan ng kanyang matalik na kaibigan at ang taong lubos nyang minahal.

Tumingin si Gab. Kay Zander pero humiling lang si Zander.

Hindi alam ni Zander kung bakit ayaw nyang ipasabi Kay Celestina ang totoo. Nasaktan na nila sya at ayaw nya pa iyon dagdagan. Pero humiling lang si Gab. At ngumisi na tila sya ang panalo.

" Sige. Makinig ka Sa mga sasabihin ko Celestina ". Tugon ni Gab. Kay Celestina na ngayon ay namamaga ang kanyang medyo singkit na mga mata pero patuloy paring umaagos ang mga luha nito.

" Gab". Tawag Sa kanya ni Zander. Medyo nagulat pa si Gab. Dahil tinawag syang Gab ni Zander. Pero Hindi nya na iyon pinansin pa. Kumuha ng kumot si Gab. At tinapis nito Sa kanyang hubad na katawan . nakasuot na rin ng boxer si Zander at tumingin Kay Celestina na nag aalala.

Blangko ang mga tingin ni Celestina Kay Zander na kinagulat nito. Tila namamanhid na si Celestina Sa kanyang nararamdaman.

"Oo tinutulungan kita noon dahil Hindi kupa gusto si Zander. Ako ang gumagawa ng paraan para maging ON kayo. Kaya lang habang tumatagal nakaramdam na ako ng Selos at sakit dahil lagi na kayong magkasama dalawa. Kaya noong nabalitaan Kong magpapakasal kayo ay nag pakalayo ako para kalimutan kung ano man ang nararamdaman ko Kay Zander. Sinubukan ko yon Celestina dahil ayaw kung nasaktan ka. Pero wala eh. Kasalanan kubang nag ka gusto ako Sa kanya? Kasalanan kubang mahalin sya? Kasalanan kubang mahalin ang taong nakatali na? Nag mahal lang naman ako Celestina? Sinunud kulang ang laman ng puso ko? Sinunod kulang kahit alam kung mali? Kahit alam kung masasaktan ang best friend ko? Kaya gumawa ako noon ng paraan. Hanggang Sa ito naging kami ng isang taon? Kahit kabit nya ako? Wala eh. Mahal ko sya kaya ko to nagawa ". Tila nabinge si Celestina Sa sinabi ni gab.

Hindi nya akalain na isang taon na pala syang niloloko ng matalik nyang kaibigan. Hindi nya akalain na kaya syang lukuhin? Hindi nya akalain na isang taon na pala syang niloko.

Humihiling si Celestina at napahawak Sa kanyang pisnge. Galit at sakit Yan ang nararamdaman nya.

Nandidiri din ito. Tumayo ito ng matuwid at pinunasan nito ang kanyang luha.

" OO MALI YON. NAGMAHAL KA PERO SA MALING TAO. ASAWA KOPA GAB. ASAWA KO. ". halos pumutok ang ugat ni Celestina Sa leeg dahil Sa lakas ng sigaw nya.

" wala akong pakialam kahit kasal na si Zander. At ito ang tandaan mo Celestina. Mag hihiwalay rin kayo. Dahil nag file na ng annulment si Zander hintayin mo nalang bukas. At pagkatapos mag papakasal na kami. Hindi na ako KABIT Celestina ". Nanghihina si Celestina dahil Sa sinabi ni Gab. Humihiling ito at tumingin Kay Zander na ngayon ay umiwas ng tingin.

" t-totoo b-ba?". Nauutal na tanung ni Celestina Kay Zander na ngayon ay kinagat nito ang ibabang labi para Hindi ulit umiyak. Hindi nakasagot si Zander Sa tanung ni Celestina. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin tila may nakabara Sa kanyang lalamunan.

"SUMAGOT KA ZANDER TOTOO BA?". sigaw ni Celestina Kay Zander na agad naman kinasagot ni Zander.

" O-oo". Nauutal na sagot ni Zander na agad kinangiti ni Celestina ng mapait.

"B-bakit nyo ito ginagawa sakin? Pinagkakatiwalaan ko kayo? Bakit? Bakit sya pa Gabriela? Alam mo kung gaano ko sya kamahal? Simula noon? Iniwan mo sya Sa hire at ako ang laging nasa tabi nya? Bakit gab? Ngayon pa na kasal na kami? Ngayon Kapa bumalik at sirain ang nabuo kung pamilyar? Tinuri kitang kapatid pero niloko at inahas mo sya sakin".bawat pag bigkas ni Celestina ay puro hinanakit at walang tigil ang pag tulo ng luha nito.

"Dahal mahal ko sya Celestina. Alam mo na simulat sapul palang ay ako na ang minahal ni Zander? Alam kung alam mo yon Celestina? Nagmamahalan kami ni Zander? Kaya pakiusap palayain muna sya. Alam kung mayron pang mas deserve Sa pagmamahal mo. Pakiusap Celestina kung mahal mo ako palayain muna sya? Patawad kung niloko kita o namin. Patawad bestfriend.". Pakiusap ni Gab. Na agad naman kinahagulgul ni Celestina.

Hindi nya alam ang nararamdaman nya. Halo halong emosyon at Hindi nya sila mapapatawad dahil Sa pag tataksil nila Sa kanya.

" I'll try to love you Celestina. But I'll fail. Alam muna noon na si Gabriela lang ang minahal ko at wala ng iba. I'm sorry and please set me FREE. ". Tila ito ang narinig ni Celestina na mas masakit kisa Sa kanyang nasaksihan kanina. Hindi nya alam na sobrang nasaktan sya lalo nat mismong asawa nya na mismo ang nakikiusap na palayain na sya.

" A-ang daya nyo ? Matagal nyo na akong niloloko? Ang sakit lang dito (sabay turo Sa bandang puso nya) ang sakit lang isipin na pinagtataksilan nyo ako ng dalawa. Ang hirap tanggapin na mismong kayo ang nanakut sakit ng ganito. Bakit Zander? San ba ako nag kulang para saktan mo ako ng ganito? Masama ba akong tao? Deserve ko ba ang masaktan ng ganito? At ikaw Gab. Hwag na hwag mo akong tatawaging BESTFRIEND dahil Simula ngayon wala na akong kaibigang TAKSIL. pinag sisihan kung naging kaibigan kita? Pinagsisihan kung pinagkakatiwalaan kita? At higit Sa lahat IKINAKAHIYA kita?". Natahimik si Gab. Dahil Sa sinabi ni Celestina na walang emosyon ang kanyang namanagang mata.

"At ikaw Zander Ford Sy? Pinagsisihan kung MINAHAL kita.? Akalako matino ka? May tinatago ka palang kalandian Sa katawan? Magsama kayo". Malamig na sabi ni Celestina at tumalikod ito Sa kanya.

Tuluyang nag situluan ang mga luhang kanina nya pang pinipigilan . pero bago pa ito humakbang ay may kataga itong sinabi na agad kinalungkot ni Zander Sa Hindi malamang dahilan.

" hwag kayong mag aalala. Lalong lalo kana Zander . bukas o Sa makalawa makakamit muna ang kalayaan mo. Sa tingin ko tama na ang tatlong taon para tiisin kita". Tumingin ulit si Celestina Kay Zander na ngayon ay nag pakita na ng emosyon.

"Patawad kung Hindi kuna matutupad ang pinangako ko Sa harap ng dios o Sa mga magulang natin. At alam ng dios na Hindi ako ang nagkasala saating dalawa. Zander For Sy I-i L-love y-you g-goodbye". Pumiyok si Celestina at humakbang ito Sa nakatulalang Zander at hinalikan ito Sa pisnge bago nya lisanin ang condo ng kanyang kaibigan...

_____

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status