Share

First Kiss

Author: AtengKadiwa
last update Last Updated: 2022-03-06 14:30:22

PAGKADATING nila sa Sago Restaurant. Isang sikat na Restaurant sa aming bayan. Na-feature na ito sa TV dahil sa sarap ng mga pagkain dito. Pinagbuksan ako ni Charles ng pinto. Namangha ako sa kanyang nakita. Hindi ko akalain na makakapunta ako sa ganitong mamahaling restaurant. Napatingin ako sa sasakyan na nagpark di kalayuan samin. Napakunot noo ako. Iisa lang destinasyon namin. Posible kayang si Luke yun?

"Tara. Ano ba tinitingnan mo?" napatingin ako kay Charles. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa Restaurant. 

"Ah wala. Tinitingnan ko lang kabuuan ng parking area ng restaurant. Sobrang lawak pala." Pagdadahilan ko. Hindi naman pwede sabihin ko sa kaniya na may sumusunod samin. 

"Magandang gabi po." anang dalawang babae na empleyado ng naturang restaurant ng makapasok kami. Mararamdaman mo talaga na welcome ka sa Restaurant pagpasok mo palang dito. 

Iginiya kami ng mga ito sa bakanteng mesa na may dalawang upuan. Hinila ni Charles ang upuan para sakin. Umupo ako. Pumunta na siya sa katapat kong upuan. Inabot niya ang menu na ibinigay ng isang lalaki. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng Restaurant. 

Sobrang ganda. Napakalawak, napakaganda at napakaliwanag. May dalawang lalaki na may dalang violin ang lumapit samin at nagsimulang tugtugin ang violin. Ibinigay na ni Charles ang menu sa naghihintay at itinuro niya ang mga pagkaing oorderin. 

"Nagustuhan mo ba ang lugar?" 

Tanong niya sakin. Makikita mo sa mukha niya ang saya. Saya na nakasama ako. Pero bakit hindi ko maramdaman ang sayang yun. Iba ang gusto kong makasama sa gabing ito. Hayyss. Dapat di ko iniisip iyon dapat ang pinagtutuunan ko ng pansin ay siya hindi kung sino-sino.

"Salamat." yun lang ang namutawi sa aking bibig.

At dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain  Habang kumakain nagkwentuhan kami ng mga bagay tungkol sa aming sarili.

Pauwi na kami ng mga pagkakataong yun. Alas syete na ng gabi. Tinatahak na namin ang daan pauwi, gusto kong ipikit ang aking mga mata. Isinandal ko ang ulo sa upuan at pumikit.

NAGISING ako sa pagyugyog ni Charles. Agad kong iminulat ang aking mga mata at makitang nasa tapat na kami ng bahay namin. Agad akong pinagbuksan ni Charles ng pinto. Lumabas na ako at tsaka isinara ni Charles ang pinto. Matangkad siya. Hindi nagkakalayo ang taas niya kay Luke.

"Nandito na pala tayo. Pasensya na napasarap ang tulog ko."

Hinging paumanhin ko sa kaniya. Gwapo naman siya, lalaking lalaki ang dating pero bakit hindi niya ito matutunan na magustuhan. Sabagay, ilang araw palang naman sila magkakilala. It takes time para matutunan ko siyangng magustuhan.

"Wala iyon, pumasok ka na."

"Salamat ah. Napuntahan ko rin ang isang sikat na Restaurant. Gusto mo bang pumasok muna?" Anyaya ko sa kaniya.

"Hindi na. Pumasok ka na para makapagpahinga ka, pasensya ka na napagod ka tuloy sa byahe imbes na umuwi ka na sana at nakapagpahinga" hinging paumanhin niya.

"Ayos lang yun nag-enjoy naman ako. Sige na mauna ka na. Papasok ako kapag diko na natatanaw sasakyan mo."

Nagpaalam na siya. Ng di ko na matanaw ang sasakyan niya, akma ko nang bubuksan ang gate ng may magsalita sa gilid ko.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo. Akala ko pa naman pag umuwi ako masusulit ko ang mga taon na di kita nakasama pero nagkamali ako dahil may iba ng kumukuha ng atensyon mo" si Luke ang nagsalita.

"Luke, anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na magkasama kami? Ibig sabihin ikaw yung sumusunod samin kanina?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo. Sinundan ko kayo dahil gusto kong makasiguro na ligtas ka. Wala akong tiwala sa lalaking yun." 

Lumapit si Luke sa akin. Ano gagawin niya sa akin. Napasandal ako sa may rehas ng gate. Itinukod niya ang mga kamay sa gate at tinitigan ako sa aking mga mata.

"Luke, anong gagawin mo?"

"Namiss kita Athalia, kulang nalang hatakin ko ang taon para makabalik lang dito sa Pilipinas para makasama at makita ka. Kung alam mo lang kung gaano ako nangungulila sayo."

 Tinitigan nito ang aking labi. Matagal ang pakakatitig niya, hanggang sa dahan dahan niyang inilapit ang labi niya sa labi ko. At naglapat na ang aming mga labi. Ganito pala ang pakiramdam ng unang halik. Nakakapanghina. Nakakawala ng urirat. Napakalambot ng labi niya, dahan-dahan kong ibinuka ang mga labi at hinayaang samsamin niya ang labi ko. 

Dahan dahan niyang ipinasok ang dila niya sa loob. Pagkatapos, bumaba ang labi niya sa leeg ko at hinalikan iyon. Naalarma ako. Nasa daan kami baka may makakita sa amin. Gamit ang buong lakas itinulak ko siya. Bigla nawala ang init na nararamdaman ko ng humiwalay siya sa akin. 

"Baka may makakita satin Luke. Nasa tabi tayo ng daan." sabi ko sa kaniya. Bumuntong-hininga siya.

"Pumasok ka na sa loob. Gumagabi na. Good Night." aniya. 

Lumakad na siya patungo sa sasakyan at pinaharurot paalis. Tinanaw niya ang sasakyan niya hanggang sa mawala sa aking paningin. Pumasok na ako sa loob ng bahay. Nadatnan ko ang aking ina na nagtutupi ng mga damit namin. 

"Saan ka nanggaling? Sino naghatid sayo pauwi?" Tanong niya sa akin. 

"Galing kami ni Charles sa Sago Restaurant Nay. Si Charles din po naghatid sakin dito." 

"Anak, kung gusto kang ligawan ng tao dito muna sa bahay. Hindi sa kung saan saanka niya dinadala. Hindi mo pa siya gaanong kilala." payo ng aking ina sa akin.

Umupo ako sa tabing upuan niya. Sa mesa kasi siya nagtutupi. Naiintindihan ko ang aking ina, nagmamalasakit lamang siya sa akin dahil ako nalang ang meron siya. Niyakap ko siya.

"Pasensya na po Nay. Hindi po ako nakapagpaalam. Sa susunod magpapaalam napo ako at dito sa bahay ko na po siya papuntahin." hinging-paumanhin ko.

"Ayos lang yun. Basta huwag mo na uulitin huh. Umukyat ka na sa taas para makapagpalit ka makapagpahinga ka na. Tatapusin ko na rin itong ginagawa ko at matutulog na rin ako." 

Hinalikan ko sa pisngi ang aking ina at tsaka ako paumanhin sa itaas. Pagkabihis ko ay nahiga na ako sa kama. Hinawakan ko ang labi na hinalikan ni Luke. Unang halik ko yun. Ganun pala pakiramdam kapag hinahalikan. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata kaysa mag-isip ng kung ano-ano. Dahil sa pagod agad akong nakatulog.

GUMISING ako ng mga alas syete ng umaga. Pagkababa ko ay nakahain na ang pagkain sa mesa. Salamat sa aking ina na laging naghahanda ng pagkain sakin.

"Magandang umaga Nay. Pasensya po tinanghali ako ng gising. Dala siguro ng pagod."

"Ayos lang yun anak. Masaya ako na nagagampanan ko ang tungkulin ko bilang iyong ina, ikaw nalang meron sakin anak kaya masaya ako sa ginagawa kong ito." aniya. Lumapit ako sa kaniya at niyakap.

"Salamat inay. Maraming Salamat po sa lahat." 

"Halika na kumain na tayo at baka lumamig pa to" sabay kaming nagtawanan at sabay na din kumain ng almusal.

Nagcommute ako papuntang opisina. Nagtext si Charles na hindi niya ako maihahatid dahil may emergency meeting daw siya sa mga kliyente niya. Pagdating ko sa opisina, agad akong binati ng mga katrabaho ko. 

"Good Morning din" bati ko sa kanila. Umupo ako sa mesa at may nakita akong bouquet ng bulaklak.

"Grabe. Iba din manliligaw mo ah. May pabula-bulaklak talaga." Si Ate Melissa ang nagsalita na kapapasok pa lamang.

Ngumiti ako sa kaniya. Inamoy ko ang bulaklak. Ang bango. May liham ito na nakalagay sa bulaklak. Mamaya ko na ito babasahn. May inilapag si Ate Melissa na folder.

"Basahin mo yan. Liham yan galing sa CEO natin na si Mr. Michael Lereño. Mukhang may meeting ka kasama siya."

Inilapag nito ang folder sa mesa ko at umalis na. May sari-sarili kamng opisina lalo na kapag mataas position mo. 

Binuksan ko ang folder. Ang nakalagay sa liham ay,

 "Miss Ramos. Iniimbitahan kita sa isang meeting ng isang business partner namin. At may magandang balita ako sayo. Dahil ikaw ang napili nito na maging Secretary. Tatlong araw sa isang linggo. Pag-uusapan natin ang magiging schedule mo. At may good news ako. Pag-usapan natin lahat. Ang meeting ay mamayang 4pm. Ipapasundo kita at 3:30 pm."

Magiging Secretary ako? Kanino?

LUNCH BREAK.

Papunta ako ngayon sa Canteen ng gusali na kung saan ako nagtratrabaho. Mag-isa kong nilalakad ang hallway papunta sa canteen. By batch kasi ang Lunch, ng may tumawag sa likuran ko. Si Ate Melissa. Huminto ako para hintayin siya.

"Pasensya na ate akala ko kasi magkaiba tayo ng time."hinging-paumanhin ko sa  kaniya. Kami lagi ang magkasama kapag lunch basta sabay ang oras namin.

"Ayos lang yun. Diko rin alam na ito yung time ko kasi napromote ako!" tuwang-tuwa niyang balita sa akin.

"Talaga ate? Anong position?"

Nasa canteen na kami at umupo na kami sa may bakanteng mesa. Lumapit samin si Ate Sally. Ang tagalista ng mga order.

"Hello. Good afternoon sa inyo mga magandang dilag. Ano order natin ngayon?" tanong niya sa amin.

"Chicken Curry po" aniya.

May baon akong kanin. Sayang naman kung pati kanin ioorder ko pa. Lalo mahal ang kanin sa kanilang Canteen. Hindi kasi pwede kumain sa iba ang mga empleyado dahil nagrerenta din ang mga ito. 

"Pakbet po at isang kanin" ani Ate Melissa.

"Anong position ba kamo tanong mo kanina Athalia?" tanong ni Ate Melissa sakin.

Tumango ako. Magaling kasi siya at matagal na rin sa kompanya. Dalaga palang siya dito na nagtratrabaho hanggang sa nag-asawa na.

"Marketing Manager na ako! Marketing Assistant lang ako dati tapos ito Marketing Manager na." tuwang-tuwang balita niya sakin.

"Masaya ako para sayo ate." Nagpasalamat siya sakin.

 Simpleng empleyado lang ako noong pumasok ako dito. Hanggang sa napromote ako na maging Marketing Staff Holder. Ito yung nagustuhan ko sa company. Na pinaghihirapan ang promotion, hindi yung porket graduate ka ng mataas na kurso o may karangalan kang natapos.

 Mataas na magiging posisyon mo. Kailangan mong pagdaanan ang proseso, magsisimula ka sa ibaba hanggang sa tumaas ka pero dapat tumataas din skills mo. Dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain. 

"Alam mo ba diko gusto ugali nung girlfriend ni Luke. Yung si Mickaela. Masyadong clingy kay Luke. Akala mo mag-asawa na sila." Sabi niya habang nilalantakan niya ang pagkain nito.

Ano nga bang ugali mayroon si Mickaela?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Bestfriend's Affection   The Surprise (Ang Wakas)

    After 5 yearsLuke'sPOVNang magising ako, nilingon ko ang aking katabi na walang iba kundi si Athalia. Ang aking pinakamamahal na maybahay. Tinitigan ko siya at hindi maiwasan mapangiti dahil sa angkin niyang kagandahan. Kahit lumipas ang mga taon, wala pa rin nagbabago sa kaniya. Siya pa rin ang pinaka-malambing at pinaka-maalaga na babaeng nakilala ko. Sa loob ng limang buwan na pagsasama namin bilang mag-asawa, hindi naging madali iyon. May mga tampuhan at away pero hindi matatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. Hindi namin pinapatagal ang tampuhan at away, at yun ang mas lalong nagpatatag sa aming dalawa. Limang taon na rin si Lath, at nasa kabilang kwarto siya ngayon. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahan lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Ngayon din ang araw ng aming ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Naghikab si Athalia at inunat ang braso tsaka dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nagtama ang aming mata. Ngumiti ako sa kaniya."Good morning, baby."

  • My Bestfriend's Affection   Sacrifice

    Hindi ko maiwasang mapangiti ng madatnan si Athalia na nagluluto ng agahan namin ng umagang iyon. Linggo, kaya wala si Ate Tessa dahil pinag-leave ko muna siya ng dalawang araw para makasama niya ang kaniyang pamilya. Dahil isang buwan siyang walang day-off, pero syempre bayad ang araw niya. Ka-buwanan ngayon ni Athalia, at paniguradong malapit na siyang manganak dahil nangangalahati na ang buwan. Exciten na akong makita ang anak namin. Minsan tinatanong ko kung magiging kamukha ko ba siya o baka magiging kamukha ni Athalia? Lumapit ako kay Athalia at niyakap siya mula sa likuran tsaka hinalikan sa taenga."Ano niluluto mo?" tanong ko sa kaniya habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. "Bacon, sausage and ham." aniya. Bigla siyang humarap kaya agad akong dumistansya sa kaniya. Tinitigan ko siya, mata sa mata."Good morning baby." bati ko sa kaniya na may ngiti sa mga labi. Ngumiti siya pabalik."Good morning too, baby. Mas maganda na maupo ka na sa mesa at ipaghahain kita." aniya at

  • My Bestfriend's Affection   Pregnant

    Athalia'sPOVIminulat ko ang aking mga mata ng magising ako. Iginala ang paningin sa kung saan naroon ako. Oo nga pala, nakatulog pala ako nang makasakay kami ni Luke sa van kanina. Hindi ko alam pero ramdam ko yung bigat ng katawan ko kanina. Huminga ako ng malalim at bumangon, pero pagbangon ko bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo. Sh*t! Dali-dali akong nagtungo sa banyo at doon naduwal. "Anak, okay ka lang?" Lumingon ako para tingnan kong sino iyon. Si inay! Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang bimpo na nakasabit sa wall tsaka hinarap si inay."Bakit po kayo nandito? Di po ba dapat nasa reception kayo? Asan po si Luke?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Natawa ng mahina si inay."Pinakiusapan ako ni Luke na bantayan ka at siya muna ang umasikaso sa kasal." ani inay. Tumango-tango ako at tsaka lumabas ng banyo. Nakasunod naman si inay sakin. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Nakatayo naman si inay sa aking harapan."Kailangan ko na siguro magpa-checkup bukas inay.

  • My Bestfriend's Affection   The Wedding

    Luke'sPOVNgayon ang araw ng kasal namin ni Athalia. Ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magiging Mrs. Luke Sebastian na si Athalia. Narito ako ngayon sa mansiyon at dito magbibihis, bawal daw kasi magkita ang ikakasal bago ang kasal nila. Napatingin ako sa salamin at huminga ng malalim, kinakabahan ako at the same time excited. Nang matapos, lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan tsaka lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan. Nang makapasok ako, nilingon ako ni Tito Michael na siyang nag-insist na magiging driver ko. Supportive father-in law. Napangiti ako sa isiping iyon. "Kinakabahan?" tanong niya sakin. Ngumiti ako sa byenan ko."Opo, kinakabahan na baka umatras si Athalia. At the same time, naeexcite po ako dahil ang matagalk ko ng pangarap ay mangyayari na, kelan lang noong pinangarap ko na sana maging kasintahan ko siya. Pero higit pa pala doon ang ibibgay, dahil magiging asawa ko siya." ani ko. Natawa si itay. Yun kasi ang gusto niya na itawag ko sa kaniya."Kinak

  • My Bestfriend's Affection   Honeymoon

    Athalia'sPOVNgayon ang araw ng kasal nina itay at inay at sobrang excited ako. Pagkatapos kong magbihis, nagtungo ako sa kwarto nila inay, kung saan inaayusan siya ng baklang inupahan namin na mag-aayos sa kaniya. Gusto sana ni itay na isang sikat na make-up artist na upaan, pero ayaw ni inay. Ang mahalaga lang daw sa kaniya ay maayusan siya at ayaw niyang gumastos ng malaki. Kaya walang nagawa si itay kundi ang pumayag. Kumatok ako sa kwarto ng dalawang beses."Inay, si Athalia po ito." ani ko sa medyo may kalakasang boses para marinig niya ako mula sa loob. Ilang sandali pa ay dahan-dahan bumukas ang pinto, si Marlon o Marizza pala ang nagbukas ng pintuan."Tuloy po kayo Ma'am." aniya na may kasamang ngiti sa mga labi. Pumasok ako sa loob at nilapitan si inay. Samantal, bumalik naman si Marizza sa pag-aayos kay inang. Tiningnan ko si inay mula sa salamin, nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya na ginantihan ko rin ng ngiti."Kamusta po?" tanong ko. Ngumiti si inay."Ito anak, e

  • My Bestfriend's Affection   Grieving

    Luke'sPOVPagkatapos kumain ng agahan, inutusan ko si Manang Carina na papuntahin lahat ng trabahador sa mansiyon at maging sina Tita Odessa at Ate Melissa kasama ang asawa nila. Sina Tita Carmen at Tito Mike ay mukhang alam na ang dahilan kung bakit ko sila pupulungin. Nang makompleto kami sa salas ng mansiyon. Nasa tabi ko lamang si Athalia para suportahan ako."Bakit mo kami pinagtipon-tipon, Luke?" tanong ni Tita Odessa na nakakunot-noo. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito. Tumikhim ako."Nandito kayong lahat para malaman ninyo ang totoo kong pagkatao. Kung sino nga ba si Luke Sebastian." ani ko at tiningnan ko sila isa-isa. Hanggang sa napunta ang aking paningin kay Athalia. Tumangop siya sakin na may kasamang pagngiti. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para doon kumuha ng lakas. Hanggang sa binaling ko ang tingin sa kanila. Nagsimula na ako magkwento sa aking totoong pagkatao pero hindi ko kwenento ang parte na hindi maganda ang trato sakin ni mom. Ayaw kong kamuhian nila si m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status