Share

Chapter Sixty Six 

PAKIRAMDAM ni Jillian ay isa siyang ‘kriminal’ na tumatakas kaya naman abot-abot ang kabog ng kanyang dibdib nang marating niya ang bankang de motor na ginagamit ni Lance. Para nga mas madali ang pagtakas ay sumakay na siya rito at maya-maya lang ay nakita na niya si Lance na tumatakbo. Nang mapaandar na ni Lance ang sasakyan ay parang nakahinga na siya nang maluwag. Ngunit, saglit lang niyang naramdaman iyon dahil lumitaw si Mark Wayne.

Hindi naman ito humabol sa kanila, nanatili lamang itong nakatayo sa may labasan, nakahalukipkip at nakakunot ang noo. Kaya, para hindi na siya ma-guilty pa, iniwas na niya ang tingin dito. Alam niyang mali ang kanyang ginagawa dahil ito ang asawa niya at sumama siya sa ibang lalaki pero talagang hindi niya kayang pigilin ang sinasabi ng kanyang puso. 

“I love you, Jillian,” wika sa kanya ni Lance.<

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status