"IINOM ka na lang ba diyan sa halip na hanapin mo ang asawa mo?" sarkastikong tanong sa kanya ng isang babae.
Napahinto sa pagtungga ng alak si Mark Wayne dahil talaga namang napaisip siya sa tanong nito. Kaya, matapos niyang titigan ang bote ng alak na tinutungga niya, lumipad na ang tingin niya sa may-ari ng boses. Nang matitigan niya ito'y kumunot ang kanyang noo. Hindi nga niya ito kilala pero pamilyar naman ang mukha nito sa kanya.
"I'm Bianca Francisco," nakangiti pa rin nitong pagpapakilala sa kanya.
Matamis na matamis ang ngiti nito sa kanya na para bang gustong makuha ang kanyang loob pero tiyak naman niyang ang ngiting iyon ay hindi dahil sa gusto siyang akitin. Dahil kung sakali ngang ganoon lamang ang plano nito, hindi ito magtatagumpay.
Kahit duda niya'y nasa piling ni Lance si Jillian ngayon, wala siyang planong gumanti kay Jillian. Alam niyang hindi siya nito pagtataksilan dahil buung-buo ang tiwala niya rito. Ka
"APPLE..." sabik na bulalas ni Jillian nang makita niya ang anak. Miss na miss ma ito kaya naman hindi niya napigilan ang tumakbo. Ngunit, natigilan siya nang tumingin ito sa kanya. Puno ng pagdaramdam ang mga mata nito. "Hindi mo na ba ako mahal?" tanong nito. Sa klase ng tanong nito ay parang dinurog ang kanyang puso. Damang-dama niya ang hinanakit nito. Gusto niyang sabihin na mahal na mahal niya ito pero hindi niya magawa. Parang nawalan siya ng boses. Saka, hindi rin niya alam kung paano siya magpapaliwanag dito. Kinidnap siya ng ama nito at hindi niya alam kung paano siya tatakas. Ngunit, parang tinutukso siya ng isang bahagi ng kanyang isipan. Sabi nito, kapag gusto'y mayroong paraan. Talaga lang marami siyang nahahagilap na dahilan dahil gusto niyang makasama si Lance. "Kawawa naman kami ni Daddy," wika nitong matalim na matalim ang tingin sa kanya. Sukat sa
SABI ni Jillian ay masamang-masama ang kanyang pakiramdam kaya naman hindi mapigilan ni Lance ang mataranta. Kahit naman parang normal lang naman ang temperatura ni Jillian, hindi niya maiwasan ang labis na mag-alala. Nangangalumata naman kasi talaga ito kaya naisip niyang nasa loob ang sakit nito.Para tuloy gusto na niyang murahin ang kanyang sarili. Ang inisip lang kasi niya ay gusto niyang makasama si Jillian. Nais niyang ipaglaban ang kanilang pag-iibigan kahit alam niya namang mali dahil may mga taong masasaktan. Kaya lang, talagang mahirap kalabanin ang pusong labis na nagmamahal."Shit!" bulalas ni Lance dahil wala siyang gamot na mahagilap. Gusto sana niyang maghagilap ng tulong pero ayaw niyang may makaalam ng lugar na ito. Kaya naman, binalingan niya si Jillian. "Okay lang ba kung iiwan kita sandali?""Saan ka pupunta?""Bibili lang ako ng gamot sa Bayan.""Wala bang masamang loob dito?" nag-aalala nitong tanong.
MAHAL ni Jillian ang kanyang pamilya kaya dapat lamang na si Mark Wayne ang kanyang piliin, kahit pa alam niyang kay Lance siya magiging maligaya. Talaga naman kasing may mga pangyayari sa ating buhay na hindi na natin magagawa pang baguhin kung ano ang pinili nating desisyon.Ang tatlong araw na magkasama sila ni Lance ay sapat ng alaala na babaunin niya habambuhay. Sa ngayon ay kailangan na niyang bumalik sa piling ng kanyang pamilya. Tiyak niyang masyado ng nag-aalala sa kanya sina Mark Wayne at Apple. Tiyak din niyang sobrang sakit ang nararamdaman ngayon ni Mark Wayne at dalangin niya na kahit nawala siya ng ilang araw ay hindi nito iisipin na pinagtaksilan niya ito.Hindi nga ba?Maaaring wala siyang ginagawang 'milagro' sa piling ni Lance pero sa puso't isipan niya ay okupado na ng kanyang ex-boyfriend. At alam niya, hindi magtatagal ay bibigay na pin ang pagpipigil niya kung hindi pa siya aalis. Pakiwari niya ay mas nadadagdagan l
LAKAD...lakad...lakad... Shucks, hindi napigilang sabihin ni Jillian dahil pakiramdam niya'y isang malaking kahangalan lang ang kanyang ginagawa. Ang buong akala niya kasi kapag umalis siya sa bahay ni Lance ay tuluyan na siyang makakatakas. Ngunit, paano naman mangyayari iyon kung wala na siyang lulusutan para magawa iyon? Gubat ang kanyang pinasok at kasabay ng reyalisasyon na iyon ay naisip din niyang may panganib na ihahatid iyon sa kanya. Kaya naman ngayon ay gusto na niyang huminto at bumalik na kay Lance. Maaari ngang magalit ito sa ginawa niya pero sa palagay naman kasi niya ay iyon ang tama niyang gawin. Pamilyado siyang tao kaya hindi dapat si Lance ang kanyang kasama. Kahit pa sabihing ito ang mahal niya. Ngunit, nang lumingon siya sa kanyang pinanggalingan ay parang biglang nanlaki ang kanyang ulo. Hindi na rin kasi niya alam kung saan siya galing dahil may apat palang lagusan doon. Kaya, hindi na niya alam kung saan siya
ILANG sandaling natulala si Lance nang rumehistro sa kanyang isip ang isang katotohanan. May amnesia si Jillian.Nang imulat kasi nito ang mga mata ay wala siyang makitang galit o kaya takot. Sa halip, ang nasilayan niya roon ay pag-ibig. Kumikislap kasi na para bang christmas light ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Ganoong-ganoon ang mga mata ni Jillian nu'ng magkarelasyon sila.It's my Lance, iyon na ulit ang tawag nito sa kanya kaya hindi niya talaga napigilan ang ma-excite. Matagal na kasi niyang pinananabikan na muling marinig ang pagtawag sa kanya ni Jillian sa endearment na It's my Lance."Bakit natulala ka riyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya."Hindi lang talaga ako makapaniwala na kasama na ulit kita." Kung hindi lang niya napigilan ang sarili ay baka napaiyak na siya. Kahit naman kasi lalaki siya, hindi niya kontrol ang emosyon kung si Jillian ang sangkot.Mahal na mahal niya si Jillian. Nang m
MAAARI ngang wala siyang maalala pero naniniwala si Jillian sa mga sinasabi sa kanya ni Lance. Dama naman kasi niyang mahal niya ito kaya naniniwala siya na asawa siya nito. Napangiti tuloy siya sa kaisipang nakakalimot ang utak pero hindi ang puso.Kaya, bilang asawa ay dapat niya itong asikasuhin ng husto at ibigay mga pangangailangan nito. At hindi naman niya mapigilan ang labis na masiyahan dahil kitang-kita niyang sobrang naa-appreciate ng kanyang asawa ang kanyang ginagawa. Lagi tuloy siyang nakatatanggap dito ng mahigpit na yakap at maiinit na halik na siyempre, tinutugon naman niya rin ng buong alab. Gayunman, hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit parang pinipigilan ni Lance ang sarili na may mangyari sa kanila."My Beloved!"Napapitlag siya sa sigaw na iyon ni Lance. Para kasing
TULAD noon, hindi pa rin magawang iwanan ni Lance ang labi ni Jillian. Para naman kasi iyong honey na hindi niya kayang pagsawaan kahit na magka-diabetes pa siya. At ganoon din naman si Jillian, hindi nito magawang pigilan ang nararamdaman nito. Buong alab nitong tinugon ang kanyang halik."I love you," hindi niya napigilang sabihin nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Iyon naman talaga ang nararamdaman niya. Mula noon hanggang ngayon, tanging si Jillian lang ang sasabihan niya ng mg katagang iyon.Matagal muna siyang tinitigan ni Jillian bago nito sinabi sa kanyang, ""I love you too."Kahit na lalaki siya'y gusto niyang maiyak sa salitang iyon ni Jillian. Alam niya kasing iyon talaga ang nilalaman ng damdamin nito. Na talagang mahal siya nito. Hindi na kasi nito nagagawang isipin ang tama at mali dahil wala sa alaala nito si Mark Wayne at ang alam ni Jillian, sila ang mag-asawa.Alam niyang kapag bumalik na ang alaala ni Jillian
MAGTIWALA ka, sa palagay ni Jillian ay iyon ang kailangan niyang gawin para hindi na sumama ang loob niya kay Lance. Palagi naman kasi nitong sinasabi na mahal siya pero parang nagdadalawang isip naman itong angkinin siya. Pakiramdam tulo'y niya'y may itinatago ito sa kanya.Inaaway na nga niya ito para malaman niya ang sagot sa kanyang katanungan pero kapag niyayakap na siya nito ay parang bulang naglalaho ang galit na kanyang nararamdaman. Talaga naman kasing masarap ang makulong sa mga bisig nito.Trust me, bulong nito sa kanya.Mataman niya itong pinagmasdan. Bakit parang ang bigat bigat ng damdamin ni Lance nang sabihin ang mga katagang iyon?"Malalaman mo ang sagot sa takdang araw.""Ano ka si Kuya?"