After kong makatanggap ng letter mula sa isang di kilalang tao, pakiramdam ko ay parati na may nagmamatyag sa bawat kinikilos ko. Pakiramdam ko palaging may mata na nakasunod sa bawat galaw ko. Nararamdaman ko ang presenya nya sa paligid ngunit hindi ko sya makita. Simula noon, palagi din akong nakakatanggap ng rosas na nakalagay sa loob ng locker ko. Ang totoo nyan, napapalitan ko ang lock ng locker ko pero sa di malamang dahilan ay patuloy parin ang pagtanggap ko ng mga rosas.Natatakot man ako ay wala akong ibang pinagsabihan. Tulad ng palaging rason ko, ayoko nang mandamay pa ng ibang tao. Isa pa lalaki ako kaya walang dapat ikabahala. Medyo liko man ang sekswalidad ko, may lakas parin naman ako ng tulad sa iba pang mga lalaki. Hindi ko na rin masyadong iniisip at binibigyang pansin ito. Lalo na at malaki ang posibilidad na babae ang may kagagawan ng prank na ito, hanggang sulat lang ang magagawa nya.Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko na na
"D-Dark?" Mahinang sabi ko.Tama, si Dark nga ang nakabungguan ko. Bigla naman akong nakaramdam ng relief nang malaman kong nandito siya sa harapan ko. Tila nabawasan ang sakit sa loob-loob ko. Ngunit kahit na naibsan ang sakit sa dibdib ko, andun parin ang luha na gustong kumawala mula sa mata ko.Inilahad naman sa'kin ni Dark ang kamay nya para tulungan akong tumayo ngunit di ko na iyon natanggap dahil nag-umpisa nang tumulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.Halata ang gulat mula sa mukha ni Dark dahil sa biglaan kong pag-iyak sa harap nya. Ngunit hindi sya nagtanong sa akin.Marahang inalalayan nya akong patayo at hinila papunta kung saan. Dinala nya ako sa likuran ng bahay nina Michael kung saan naroroon pool at kung saan walang tao kundi kaming dalawa lang.Hindi sya nagsalita at inantay nya lang akong matapos ng pag-iyak. Nakaupo lang kami sa isang upuan doon habang tahimik nya akong pinagmamasdan."You alright now?" Tanong nya nang mapansin nyang hindi na ako naiyak. M
"Kuya, do I really have to attend school wearing this outfit?" Nahihiyang tanong ko kay Kuya Dark na nagda-drive ngayon papuntang school. "Baka hindi bagay sa'kin." Dagdag ko pa at tiningnan ang suot kong off-shoulder dress na above knee ang haba. Tinapunan naman ako ni Kuya ng tingin at agad ding binalik ang mata nya sa daan, "Hikari, have faith in your self. You look stunning today." Pagpuri sa akin ni Kuya Dark dahilan para mamula ako. Hindi kasi ako sanay na pinupuri ako ng tao, kung kutya siguro baka kasanayan ko pa. Napakagat ako sa labi ko, "Hindi ba malaswang tingnan?" Paninigurado ko pa. Eh kasi naman, medyo labas ang hita at balikat ko sa suot ko. Nakakailang talaga para sa akin. Nagulat ako nang tumawa nang malakas si Kuya, "Patawa ka, 'neng!" Sabi nya. "Ikumpara mo naman 'yang sa mga suot ng kaklase mo na halos labas na 'yung kuyukot at hinaharap nila, di hamak na disente kang tingnan." Sabi nya na naiiling-iling pa. "Kuya naman, eh!" Ungot ko sa kanya. Kinakabahan na
I want to violate you.Napakunot ng bahagya ang noo ko ng mabasa ang sulat na nakalagay na naman sa locker ko. Tulad ng mga nakaraang araw, may kasama na naman itong rosas na pula. At aaminin ko, nag-uumpisa na akong mabahala dahil mukha wala talagang balak na tumigil ang taong nagpapadala nito sa'kin.Nabahala din ako sa nilalaman ng sulat ngayon. Isang pangungusap lang iyon pero parang may halong ibig sabihin ang mga salitang iyon. Nakaramdam tuloy ng kilabot ang buong katawan ko.Kailangan ko na bang humingi ng tulong?Nabigla ako nang magbukas ang locker ni Michael. Binuksan na naman pala iyon ni Avy at may kung anong kinalikot na naman sa loob ng locker ni Michael. Mabilis ko naman naitago sa loob ng locker ang sulat na hawak ko bago pa sya tuluyang mapatingin sa akin."Hi, Carlo." Sabi nya habang may nakapaskil na pekeng ngiti sa labi nya. Paano ko nasabi peke? Halata kasi. "Bakit bigla ka nalang nawala kagabi?"Dahil sa hindi ko inaasahan na itatanong nya ang bagay na iyon, di
Napaaray ako nang may malakas na dumutdot sa noo ko. Marahan ko naman nahimas iyon at tumingin kay Dark na malawak nakangiti sa akin."Wag mo ikunot 'yang noo mo. Papangit ka pag naging permanente 'yan." Natatawang sabi nya at inirapan ko nalang sya. Walang sabing umupo sya tabi ko at umakbay sa'kin. "Bakit ka andito? Nagcucutting ka?" Tanong nya sa'kin.Napabuntong-hininga ako at napahalumbaba habang nakatingin sa soccer field ng school namin. May mga nag-eensayo doon na mga estudyante. Naghahanda na yata talaga sila dahil nalalapit na ang official game nila laban sa ibang school. Napakahalaga pa naman nito sa school namin dahil panalo kami ng 7 consecutive years sa larong soccer."Hindi. Napalabas ako sa classroom." Nanghihina na sabi ko. "Di lang 'yun, nasigawan pa ko ng prof namin." Walang ganang sabi ko at napabisangot ang mukha dahil naalala ko ang itsura ng prof ko kanina.Narinig ko tumawa si Dark kaya sinamaan ko sya ng tingin. Naitikom naman nya ang bibig nya at tumikhim, "B
"Shit!" Mahinang sabi nang bigla agad umikot ang paningin ko pagkagising ko pa lang. Bukod doon, mainit din ang pakiramdam ng talukap at bung katawan ko.Muling pinikit ko muna ang mata ko hanggang sa wakas ay mabawasan ang pag-ikot ng paningin ko.Ayoko mang tumayo ng kama pero naisip kong baka malalate na ako sa school kaya bumangon na rin ako para maligo.Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili, bumaba na ako agad para mag-agahan kahit na wala naman akong gana.Pagkababa, sumalubong sa akin ang sobrang tahimik naming kusina. Wala si Tita Son doon na nagluluto palagi ng agahan ko. Sobrang nagtaka naman ako dahil ngayon lamang itong mangyari.Nabaling ang atensyon ko sa lamesa. May note iyon na nakapatong sa pantakip namin ng pagkain.'Carlo, anak. Umalis na ako papunta sa reunion namin ng mga kaklase ko dati. Nasabi ko na naman iyon sayo dati hindi ba. Naipagluto na kita ng agahan, ubusin mo ha. Mag-iingat ka papuntang school ha?'"Ah!" React ko nang maalalang nagpaalam nga pala sakin si T
I love you...Napailing ako bahagya nang muling bumalik sa alaala ko ang narinig ko kahapon sa clinic. It really bothers me.Di ko lang masyadong natatandaan kung iyon talaga ang narinig ko o na misheard ko lang pero di ko maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko kapag iniisip kong galing ang mga salitang iyon kay Michael.Was that really Michael? Was that even real? Sa palagay ko, hindi. Baka hangin lang 'yun tapos nagdedeliryo lang ako dahil sa taas lagnat ko kaya ganun iyong nadinig ko.Napabuntong hininga ako ng malalim kasunod niyon ang isang hikab dahil sa kakulangan sa tulog.Sa sobrang kaiisip ko kasi ng mga salitang iyon, late na nga akong nakatulog tas maaga pa akong nagising. Kaya nga andito na ako papasok sa gate ng school namin kahit isang oras pa naman bago ang umpisa ng klase. I love you, I love you.. baka naman sa school nurse nya sinabi 'yon? Kaso di naman napatol si Michael sa matatanda. Ewan ko ba! Parang ang imposible lang kasing magsabi sya ng ganun. Tanda ko p
"Hey, did you cry?" Kunot noo na tanong ni Michael sa akin dahil kanina pa akong sumisinghot dito sa upuan ko. Oo, umiyak ako. I just can't help it. I trusted Dark so much at tinuring sya na isang tunay na kaibigan.Bumuntong hininga ako at pumikit para pigilan ang umaambang luha na lalabas sa mata ko.Naging isa na sa mga importanteng tao si Dark para sa'kin. Di ko sya iiyakan ng ganito kung hindi man. Napakabuti kasi nya na kaibigan sa akin. Pero nag-aalangan na ako ngayon kung mabuti nga ba sya o nagpanggap lang sya para mapalapit sa akin.Ano ba kasi ang dahilan kung bakit nya ako binibigyan ng mga ganung sulat? Ano bang pakay nya? Saka... bakit ganun 'yung mga nilalaman ng mga iyon?Nagulat naman ako nang biglang hinablot ni Michael ang panga ko paharap sa kanya, "I'm talking to you, Carlo." may hint ng galit na sabi sa akin ni Michael.Nagulat ako sa ginawa nya at pinanlakihan ng mata dahil hindi ko napansing nakatayo na pala sya sa harapan ko. Nakalimutan ko kasi na kinakausap