Share

Chapter 15

Chapter 15

"Aray... po... ate dahan-dahan po!"

Natawa nalang ako nang maluha-luhang sinabi ni Hikari iyong mga salita iyon sa babaeng nagbubunot ng kilay nya. Kasi naman, kahit nasasaktan na sya di parin nya nakakalimutang gumalang. Kakatuwa syang panuorin dahil kakaiba 'yung mga reaksyon nya.

"Wag ka malikot, be! Baka hindi pumantay ang bunot ko!" Sabi pa ng babae na nagbubunot ng kilay ni Hiraki. Pilit nitong inihaharap ang mukha nya pero nanlalaban naman sya.

Tumingin iyong babae kay Dark na para bang humihingi ng tulong. Napabuntong hininga naman si Dark na nasa tabi bago tumayo at lumapit sa kapatid nya.

Nagulat ako nang bigla nya pisilin ang kaliwang pisngi ni Hikari at napaaray naman ito. "Wag ka nga maarte, Hikari! Tinutulungan ka na nga dyan! Pag di pumantay 'yang kilay mo bahala ka, sa halip na mawalan ka ng bully madadagdagan pa dahil mukha kang tanga!" Sabi ni Dark kay Hikari at binigyan ito ng masamang tingin.

Di naman sumagot si Hikari at maluha-luhang tumingin dun sa ba
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status