Chapter 6
"Carlo gising na! Baka malate ka kapag di ka pa bumangon dyan!""OHO!" Sigaw ko habang nakatingin sa pinto.Ang totoo nyan kanina pa naman talaga akong gising eh. Tulala lang ako at nag-iisip ng malalim. Yung tipong nagtetest ka tapos nirerecall mo yung pinag-aralan mo. Oo, parang ganon.Ang totoo nyan, nag-iisip ako kung ano ang pwede ko iregalo kay Michael. O kung mas mabuti ba na wag ko nalang siyang regaluhan tutal yun din naman ang sabi ko sa kanya. Para hindi na rin ako mahirapan mag-isip.Pero nakakahiya naman kasi kung di ako magbibigay. Ang binigay nya kasi sa'kin last birthday ko Jordan na sapatos. At ehem, orig po kung matatanong nyo.AAAARGH! Bahala na nga! Sigaw ko sa isip ko habang ginugulo ang buhok ko.- - - - - - - -"Sir para sa inyo po ba?"Napatingin ako sa sales lady nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Ngiting-ngiti sya at umaasang makabenta.Ano ba ang ginagawa ko dito sa department store?Ah, naghahanap nga pala ako ng maiiregalo kay Michael. Napag-isip-isip kong kahit wala akong pera, ibibili ko sya ng mura na regalo.Kelan ko ba sya huling naregaluhan o nailibre? Di ko na matandaan. Basta last week binigyan ko sya ng max na candy dahil amoy yosi sya. Samantalang sya, kagabi nilibre nya ako sa isang fast-food chain ng hapunan bago umuwi. Lagi lang ako iyong tumatanggap, syempre dahil mayroon din naman akong konsensya at hindi ganoon kakapal ang aking mukha, bibili ko ng regalo nya. Sigurado na 'to.It looks cheap. Isip ko habang nakatitig sa isang damit na may nakapaskil na sale 50% sa itaas. Manipis din ang tela nito. Ibang-iba sa mga uri ng damit na isinusuot nya. Sa tingin ko naman ay isusuot nya 'to, pero konsiderasyon nalang siguro nya dahil niregalo sa kanya iyon. Baka nga ipangbahay nya lang to."Nagtitingin lang po." Sabi ko kay ate Sales lady at ngumiti. Ngumiti naman din siya pabalik sa akin.Lumabas na ako ng Department Store at napadaan isang sa Pastry Shop. Tama, kung hindi damit bakit hindi nalang cake. At least nakakabusog at masarap. Di lang yun, matamis pa---"Urgh, how could I even forget? Michael hates sweet foods." Nanlulumo na pagkausap ko sa sarili ko.Laglag balikat naman akong nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa napadaan ako sa Penshoppe at napatingin sa cap na nakadisplay sa loob.Don't even think about it, Carlo. Michael doesn't wear caps. Marahas na napakamot ako sa ulo ko dahil sa simpleng problema na dinaranas ko ngayon."Shit, patapos na ang first period namin." Bulong ko sa sarili ko. Naisipan ko kasi wag muna umattend ng first subject at humanap muna saglit ng regalo. Pero naubos ang oras ko sa katitingin ng mga damit dun sa dept. store. Tch.Nagtingin din kasi ako kanina ng branded na damit at napa-uhlala~ ako sa presyo. Di po kaya ng budget ko.Biglang nagvibrate ang cellphone ko sa kamay ko na kanina pang basa ng pawis. Agad ko naman binasa kung sino yung caller.Michael's calling...09xx-xxxx-xxxEh? Si Michael? Naku ano ang sasabihin ko kapag tinanong ako kung nasaan ako?Nagpanic ako, di ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi.Patayin ko kaya? Kaso paniguradong magagalit yun sakin. Binalak kong antayin nalang na si Michael na mismo ang magpatay ng tawag pero di iyon nangyari. Patuloy parin sa pagriring ang cellphone ko. At dahil naawa ako kay Michael, sinagot ko nalang yung tawag. Tsk, nakakahiya pagnagkataon kung malalaman nya na bumibili ako ng regalo para sa kanya."H-hello?" Mahinang bati ko."Bat ang tagal mong sumagot?" Sigaw ni Michael sa kabilang linya, dahilan para ilayo po ang cellphone sa tenga ko."Bakit ka ba sumisigaw? Ano'ng gagawin mo kapag nabasag ang eardrums ko?" Sigaw ko pabalik at binalewala ang tanong nya.Galit-galitan kunwari para di halatang kabado ako. Pero teka bakit ba ako kakabahan?"Where are you? Right now." Bigla nyang tanong at binalewala din ang tanong ko. This fcker. Lagot sya sa'kin mamaya."A-Asan ako?" Nauutal na sabi ko. "Asan nga ba ako? AH. Nandito ako sa amin. Liligo palang. Nalate ako ng gising ee. Waaah." Sabi ko at nagkunwari na humihikab.Stupid Carlo! How dumb are you? Pag-aalipusta niya sa sarili niya. Andami-dami na pwedeng gamit palusot tas yan lang ang kinaya ng utak mo? Dammit.Bigla may dumaan sa tabi kong dalawang babaeng nagtatawanan. "Hahaha, grabe talaga yung babae kanina sa Starbucks. Umorder ba naman ng mcfloat. Hahaha." Sigaw nung isang babae."Haha, right? She's so stupid. It must be her first time in Starbucks. For experience siguro." Sabi pa nung isa at humagalpak ulit silang dalawa ng tawa.Tsk, tsk. What a pair of bitches. Sila lang ba pwede umorder dun? Eh halata naman nagsosoyal sosyalan lang sila kaya sila lagi umoorder dun! Tch."Sino 'yun?" Biglang tanong ni Michael sa kabilang linya.Nabalik naman ulit sa kanya ang atensyon ko. Oo, nga pala kausap ko siya."Ha? Sino?" Takang tanong ko at napatingin dun sa dalawang babaeng dumaan kanina. Sila siguro 'yung narining neto. Tsk. Lakas kasi ng mga bunganga. "Ah, yun ba. Kapitbahay namin. Nandito kasi ako sa labas ng bahay, papunta na ako dyan eh." palusot ko."Sabi mo liligo ka palang. Bakit papunta ka na agad dito? Are you fcking lying to me, Carlo?" Napanganga ako.Ah sht sht sht. Ang tanga mo talaga Carlo. Kahit kailan talaga. Pagmumura ko habang tinutuktukan ko ang sarili ko."N-Naisipan ko na wag nalang maligo dahil late na ako, ano ba? Wag ka ngang madaming tanong. Basta papunta na ko dyan. Bye!" Mabilis na sabi ko at pinatay na yung tawag.Hays. Wag na nga bumili ng regalo. Tch. Bahala na sya. Nasabi ko narin naman di ako makakapagregalo ee.Lumabas agad ako ng mall at sumakay ng jeep. Tsk. Badtrip naman , oh. Lugi lang ako sa pagliban ng first subject. Major pa naman 'yun. Tsk.Napailing nalang ako at tumingin sa bintana ng jeep. Hays. Traffic pa. Swerte talaga ng birthday ni Michael kahit kailan. Tanda ko last year, birthday din ni Michael, nadapa naman ako. Di lang yun, napahawak pa ako sa dumi ng aso. Swerte di'ba?Muli, napabuntong hininga na naman ako.I suddenly feel so useless. Hahanap na nga lang ng regalo di ko pa magawa ng ayos. Ang dami na kayang naitulong nya sa'kin. Idagdag mo pa yung niligtas nya ako sa Ricky na 'yun. Bakit pa kasi kailangan nyang maging sobrang yaman?Kung normal lang sana ang stado nya sa buhay madali ko lang syang mabibigyan ng regalo. Tama na siguro sa kanya ang isang alarm clock tutal lagi sya late magising.Napatawa ako dahil sa iniisip ko. Ngunit agad iyong napalitan ng busangot dahil naalala ko ang usapan namin kahapon.Yeah, yeah. He probably won't need an alarm clock anymore since meron na sya'ng Lea na gigising sa kanya. Di na rin nya siguro kakailanganin ng towel kasi may Lea na na magbibigay at magpupunas sa kanya. Ayoko din namang magbigay ng picture frame dahil baka picture lang nila ni Lea ang ilagay dun. Lalo na ang mug, baka kasi ipagamit lang nya kay Lea.Tch, bahala nga sya. Napakaplayboy nya. Di na ako magtataka kung balang-araw mabalitaan ko na may HIV/ aids sya.Napangiti ako ng mapait.Eto ako, kinakain na naman ng selos ko. Ang sasama tuloy ng naiisip ko. Feeling ko tuloy ang sama-sama kong kaibigan.Please, Michael. Wag ka sanang magkaHIV/aids. Wag ka nang mambabae kung pwede. Wag ka na makipaglandian sa iba sa harap ko. Akin ka nalang. Please. Sabi ko sa isip ko habang mariing nakapikit.Ngunit muli na namang bumulong ang negative part ng utak ko. He's straight. He will never like you back. It'll be easier if you just forget your feeling about him. Give up on him.I smile sadly. Yeah, as if it's that easy.Agad na napamulat ako ng mata."Ah shit, malapit na ako sa school." Sabi ko nang nakita ko yung sportswear shop na medyo malapit sa school namin.Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa unahan para tingnan kung bababa na ba ako ngunit may biglang pumukaw sa atensyon ko.Mula doon sa sportswear shop, may nakita akong isang wristband na kulay itim at may nakatatak doon na isang bulto ng tao na may hawak na bola pangbasketball.He will definitely like this, agad ang pumasok sa isip ko. Nang makita ko iyong wristband na'yon, si Michael agad ang unang pumasok sa isip ko."Para po saglit." Sigaw ko at mabilis na bumaba ng jeep.I found it.Finally, nakahanap na ako ng maiiregalo kay Michael.Itutuloy....Chapter 7"Okay, class dismiss."Pagkasabi ng Professor ng mga salitang iyon, automatikong nagtayuan lahat ng estudyante para mag-uwian. Ako naman, tinapos ko munang kopyahin ang mga notes na nakasulat sa white board bago nag-ayos ng gamit. Nang matapos ako mag-ayos ng gamit, ako nalang ang nag-iisang estudyante ang natitira sa room."Carlo, you ready?" Biglang sabi ni Michael pagbukas nya ng pinto. Napaigtad naman ako sa gulat sa kanya."Yeah." Sagot ko sa kanya sabay irap. "Where are thy?" Dugtong na tanong ko pa na ang tinutukoy ay ang 3 kolokoy naming mga kaibigan."Oh yeah, don't worry about them. They're coming with their cars." Sabi nya na may malapad na ngiting nakapaskil sa labi nya.Oo nga pala. Why bother asking? Rich kid nga pala silang apat maliban sakin. Cars are too common for them. Isa yun sa mga bagay na di mawawala sa kanila."So let's go?" Tanong nya sakin at tumango na lamang ako.Ang tinutukoy nya nga pala ay ang birthday celebration nya. Wala lang. Mag-iinuman la
Chapter 8"Take it off... take it off..." Sigaw nung tatlong kumag habang napakagat naman ako sa aking ibabang labi. Napamura muna ako ng mahina bago hawakan ang laylayan ng t-shirt ko."Do I really have to?" Nanghihinang tanong ko sa kanila. Tumango lang yung tatlo. Nilipat ko ang tingin ko kay Michael na seryoso lang na nakatingin sa'kin."Well, ginawa namin so dapat gawin mo din. Saka may tira ka pa namang suot so anong pinag-aalala mo?" Sabi ni Ailan at tinuro pa ang katawan nyang wala nang saplot ngayon maliban sa brief nya. Ganun din ang sitwasyon JR habang si Marvin naman ay may suot pang damit pero nakaboxer nalang. Si Michael naman topless.Nagbago na kasi ang patakaran ng laro namin ngayon. Napagkasunduan namin na sa tuwing tatapatan ka ng bibig ng bote, kailangan mong magtanggal ng isa sa mga suot mo sa katawan mo. Ang swerte naman ni Michael dahil sa limang piercing nya sa tenga nya. Meron din syang relong suot at kwintas. Malas naman kaming apat dahil wala kaming gaanon
Chapter 9~ Flashback ~"Uhmm... Kael..." Sabi ko pagkaupo ko sa seat ko.Sobrang naiilang ako dahil nga ng nangyari kagabi. Gusto ko lang din magpasalamat dahil tinulungan nya ako kahit na nakakailang para sa dalawang lalaki gawin ang ganung bagay.Nang lumipat ang mga mata ni Michael sa'kin, may kung anong emosyon akong nakita doon. Parang inis o takot, basta di ko mapangalanan. Napaisip naman ako. Parang ayoko na tuloy banggitin pa sa kanya ang mga sasabihin ko.Ngunit agad din namang nawala ang kung ano mang emosyon iyon sa mata nya nang ngumiti sya sa'kin. "Good Morning, Carlo." Bati nya tulad ng palagi nyang ginagawa.Di ko alam pero pinamulahan ako ng mukha nang binati nya ako. Kimi naman ako ngumiti sa kanya at bumati din, "G-Good Morning din!" Nahihiyang sabi ko pa sa kanya.Binigyan nya ako ng nawiwirduhang tingin. "Ano bang nangyayari sa'yo? Bat ganyan ka magsalita?" Nagtatakang sabi nya.Syempre di nya naman ako masisisi dahil sa nangyari kagabi. Nanunumbalik sa isipan ko
Chapter 10 "I'm sorry, Michael." Hindi sya nagsalita. Ako naman ay nanatiling nayuko at nanginginig sa pagitan ng mga bisig nya. Hinihintay kung kelan lalapat ang mga palad nya para saktan ako. Habang tumatagal ang oras ng di nya pag galaw ay lalong akong kinakabahan. Ilan pang segundo ang dumaan at maya-maya pumulupot ang magkabilang braso nya sa bewang ko. Marahan hinalikan nya ang balikat ko bago nya isinandal dito ang kanyang ulo na naghatid ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko. "No, Carlo. I'm sorry. Please forgive me. I never intend to hurt you. Everything just went black and before I know it, I already did something horrible to you. Forgive me." Bulong nya sa'kin na siyang ikinagulat ko. Tila nagbalik na sa tamang huwisyo si Michael. Ito ang tunay kong bestfriend. Nagpapakumbaba at mahinahon pagdating sa bagay-bagay. At dahil sa mga sinabi nya, tila lumambot ang puso ko. Nawala ang takot sa dibdib ko at kumalma ang buong sistema ko. "Just please, wag ka nang gumawa n
Chapter 11"That fcking asshole..." bulong ko sa hangin habang nakakuyom ang aking mga palad dahil sa nakita ko kanina.Pagkatapos ng lahat ng ginawa nya sa'kin gusto nyang kalimutan ang lahat? Putangna lang, sinong kayang taong nasa tamang pag-iisip na kayang kalimutan na naagrabyado sya? At ang masakit pa dun, pinakamatalik na kaibigan ko pa gumawa ng kahayupang iyon sa'kin. Tapos bigla nalang syang susulpot, kakausapin ako na parang walang nangyari at ang masakit pa dun may katabi syang babae.Bumuga nalang ako ng hangin para mailabas ang sama ng loob ko. Napapagod na akong umiyak. Di lang dahil sa masamang nangyari sa'kin kundi dahil na din sa mga sa na ipinararamdam nya sa'kin. Ang sakit lang na gusto nyang kalimutan lahat ng nangyari. Sya pa talaga ang gustong makalimot, gago sya. Parang sya ang nababoy.Pero sige, gagawin ko ang gusto nya. Alam kong para akong tanga dahil ako naman ang dehado pero parin aakto ako na parang wala nangyari. Mas gusto ko na ito kesa magulo pa ang
Chapter 12Napabuntong hininga muna ako habang nakatayo dito sa harap ng gate. Humuhugot ng lakas ng loob para sakaling pag nagkita kami ni Michael ngayong araw, makakausap ko sya ng normal at parang walang nangyari.Kaya ko 'to!Sabi ko sa isipan ko bago tuluyang pumasok ng gate.Habang naglalakad biglang may tumapik sa balikat ko. Agad ko naman tiningnan kung sino iyon."Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong agad ni Dark sa'kin pagkatagpo ng mata namin. Binigyan ko naman sya ng isang taos-puso na ngiti."Ayos na ako. Salamat nga pala kahapon. Pasensya na rin sa inasal ko." Sabi ko sa kanya habang nakahawak sa batok ko.Sobra kasi akong nahihiya sa kanya. Halos kakikilala pa lang namin pero nakita na nya agad ang mga ganung sides ko. Pero labis naman ang pasasalamat ko dahil sya iyong kasama ko kahapon at hindi kung sino-sino lamang. Meron kasi parte sa puso ko na nagsasabing mapagkakatiwalaan sya.Umiling ng marahan si Dark. "Don't worry about it. How's your arm, by the way?" Sabi n
Chapter 13Hindi ako nakasagot nang marinig ko na agad ang galit na boses ni Michael. Napalunok ako ng laway napansing nakatingin sa akin si Dark.Anong gagawin ko? Di nya pwedeng malaman na kasama ko ngayon si Dark. Magagalit si Michael sa akin kapag nalaman nya 'to. Napagbawalan na nya ako dati, ano'ng sasabihin ko?Iniwas ko ang tingin ko kay Dark at nagsalita ng mahina, "M-May pinuntahan lang ako." Sagot ko sa tanong ni Michael at labis hiniling na sana di nya mapansing nagsisinungaling ako."Tell me the exact place. I'm going there." Malamig na sabi nya. Napatikhim naman ako dahil sa sobrang panunuyo ng lalamunan ko."Actually, papunta na ako sa room. Magtitime na di'ba?" Pagsisinungaling ko pa.Tumahimik naman ang nasa kabilang linya. Narinig ko muna syang bumuntong hininga bago nagsalita. "Are you with someone right now?"Muli ako napatingin kay Dark na mukhang naku-curious kung sino ang kausap ko. Marahang lumapit pa sya sa akin at pinagkrus ang braso nya. Nanliit tuloy ako da
Chapter 14Nalipat lahat ng paningin ng mga estudyante sa room namin nang padabog na namang nagbukas ang pintuan.Tulad ng inaasahan, si Michael na naman ang pumasok. Pawisan ito at sinabi na naman ang usual line niya, "Ma'am, sorry for being late." Paghingi nya ang pasensya sa professor namin na tumango at muli nang bumalik sa pagkaklase. Bad mood ata si tanda.Agad akong napaiwas nang tingin nang magtama ang paningin namin ni Michael. Nag-umpisa syang maglakad at tumigil sa tapat mismo ng desk ko. Nagpatay malisya naman ako at kunwari ay may binabasa sa notebook ko.Napansin nya sigurong wala akong balak na pansinin sya kaya naman naupo na sya at naglabas ng kung ano sa bag nya.Maya-maya ay may pumatak na crumpled paper sa desk ko galing panigurado kay Michael. Muli ay nagpatay malisya ako at dahan-dahang siniko iyong papel para mahulog iyon sa sahig.Rinig kong napatakla si Michael sa ginawa ko at di ko naman maiwasang mapangi. Sinigurado ko naman di nya napansin ang pagngiti ko.