Share

Chapter Three

"Saan naman tayo pupunta?" I asked Lev. Busy siya sa pagmamaneho at hindi naman papuntang condo unit niya ang tinatahak namin. Hindi naman niya sinabi kung saan, basta ang sabi niya lang ay matutuwa daw ako ng bongga.

Na-curious tuloy ako doon. Panay ang tanong ko, panay din ang pag-iwas niya sa tanong ko. May binabalak ito. Kung ano man iyon, well magiging happy naman ako doon kaya okay lang.

"Umidlip ka muna." He said nang makita ako na humihikab. Inaantok na din kasi ako. Gaya ng sinabi niya, umidlip muna ako. Dala ng pagod at dahil nakainom ako ng alak kanina, mabilis naman ako dinalaw ng antok ko. Nagising nalang ako nang kalabitin ako ni Levi.

Iminulat ko ang isa kong mata at isinunod ko na ang isang mata. Ikinusot ko pa ito at tumingin sa katabi ko. He smiled at me at bigla akong hinalikan sa noo. How sweet!

"Nandito na tayo hon." He said kaya agad kong nilibot ang aking paningin sa labas. Nandito kami sa MOA. Dito niya ako dinala. Dito kami unang nagkita, kung paano niya ako unang kinausap dati.

Kasama ko si Lei at Zy noon, nakapasa kasi kami dati sa exam kaya ang reward namin kala tita, parents ni Zy, na dito kami sa MOA pumunta. Feeling ko that day, I knew Levi is the right man for me.

"Naaalala mo pa ba nang una tayong magkita dito, Hon?" He asked me while we were walking. Ang daming tao since gabi na dito. Ang ganda lang tignan ng mga lights. Idagdag mo pa ang tunog ng hampas ng alon dito sa seaside ng MOA.

Kahit ganito okay na sa akin, maglakad kami hanggang sa mapagod basta ang mahalaga nagkaroon kami ng time for each other. This is the best date ever for me.

"Oo naman never ko iyon nakalimutan. Tandang-tanda ko pa nga yung una mong tanong sa akin e. Ang sabi mo 'Ano pong pangalan niyo? ang ganda mo kasi'" Bigla siyang natawa sa sinabi ko.

"Hon huwag ka naman mang-asar, nakakahiya kaya." Nag-pout pa siya ang cute lang tignan ng lalaki kapag nagpa-pout, lalo na kapag si Levi iyon.

"I am not!"

"Hmm? kasi totoo naman ang ganda mo kaya nga nabihag mo agad ang puso ko." ewan ko pero kinilig ako, bakit bigla-bigla naman siyang bumabanat diyan. Feeling ko ang pula ng mukha ko. "Kinilig ka naman. Joke lang iyon, ginayuma mo kasi ako Hon." bigla akong tumingin sakanya ng masama.

He playfully pinched my both cheeks. Kilalang-kilala talaga niya ako. I really love him so much. Kahit ilang beses na kaming naghiwalay, siya pa din ang iibigin ko, siya pa din ang gusto kong makasama.

"Hon sana ganito nalang tayo palagi." Inakbayan niya ako habang ang isang kamay naman niya nakahawak sa kamay ko.

"Yes hon lagi kong gagawin sa iyo ito, lagi tayong ganito. I just want you to be happy and I want to see your smile, gusto ko ako lang ang dahilan kung bakit ka nakangiti."

"Zyren can make me smile too hon."

"Zyren is your best friend so there's no reason for me to be jealous at him. Zyren is important to you so I will let him to make you happy."

Aww! how sweet he is right? Alam na alam niya kung paano ako mapapasaya. Hindi siya basta-basta magseselos kasi hindi naman talaga siya seloso. Kasi yung ibang boyfriend diyan, once na may boy best friend ang mga girlfriend nila, grabe na sila kung maging over protective. Sa pagiging over protective nila, nasasakal na nila ang mga partners nila.

But in my case, in my partner's case, he won't let that happen. He loves me that much, he trusted me that much kaya hindi niya ako pag-iisipan ng masama. Hindi niya iisipin na niloloko ko siya, na may iba ako kasi si Levi lang sapat na.

I love him so much and I trusted him. Hindi ko naman ibibigay ang sarili ko sakanya kung wala akong tiwala sakanya diba. I am willing to make him happy.

Dumaan na ang ilang araw, linggo at buwan, ganoon pa din kami ni Levi, mas naging sweet siya sa akin, yung isang beses na may nangyari sa amin, naulit. Masaya naman kaming dalawa, at kung nag-away man kami, hindi niya hahayaan na matulog kami hanggat hindi kami nagkakaayos.

"Uuwi daw si mom, hon. Gusto kong ipakilala ka sakanya." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Parang gusto kong ma-tae nalang dahil sa kaba. Paano kaya kapag nagkaharap kami ng mommy niya baka na-tae na ako sa harapan niya.

Base sa kwento ni Levi, strikta daw ang mommy niya kaya nakakatakot talaga. Sa picture ko lang siya nakikita pero makikita mo doon na sobrang conservative niyang tao, sobrang strikta na parang nakakatakot magkamali.

"Lei anong pwedeng isuot?" Kanina pa ako na-stress. Kahit last week pa sakin sinabi ni Levi na susunduin namin ngayon yung mommy niya sa airport hindi pa din ako prepared. Nakakabanas naman kapag ganito oh.

Ang dami ng damit na nakakalat dito sa kama ko kasi hindi ko alam ang isusuot ko. Hindi ko alam kung ano iyong fashion style ng mom niya tapos bigla niyang makita ang suot ko, ayawan niya ako bigla.

"Hay nako Ally, kahit anong suot mo naman bagay sa iyo, maganda ka kahit punit-punit ang damit mo. Atsaka hindi mo naman kailangan magpaganda at makiuso sa mga fashion style para lang magustuhan ka ng mommy ni Levi, ang mahalaga iyong ikaw, iyong totoong ikaw, totoong nararamdaman mo para sa anak niya."

"Thank you Lei. Thank you kasi tinanggap mo si Levi para sa akin." I hugged her.

"Ano pa't naging kaibigan mo ako, kung ano o sino ang makakapagpasaya sa best friend ko, support lang ako sa iyo Ally. Sana lang talaga hindi ka na niya iwan. Haist! Ang drama natin!" Humiwalay siya sa pagkakayakap ko. "Ito! Bagay sa iyo ito babaita!"

Pinakita niya sa akin ang isang red off shoulder long sleeves with a pair of black skirt. Ang cute niya tignan.

"Lei okay na ba ito?" I aksed Lei dahil hindi pa din ako satisfied sa mukha at ayos ko.

"Ayos na ayos na nga Ally! Ang cute mo para kang koreana sa suot mo." Kinuha pa niya ang phone niya para picture-an ako. Nag-pose naman ako ng cute, sexy pose at iba pang pose.

"Send mo sa akin mamaya 'yan ah!" I am pertaining to the picture.

"Wait! Ito bagay ito sa outfit mo!" Tumakbo siya sa kwarto niya at may kinuha, ano naman iyon? Umupo muna ako sa sofa habang hawak ang phone ko, susunduin daw ako ni Levi dito, since bawal ang mga lalaki na pumasok dito sa apartment kaya sa labas nalang kami magkikita.

"Here!" Sabi ng kakalabas lang ni Lei sa kwarto niya at hawak ang dalawang pares ng sandals, hindi naman masyadong mataas yung heels mga 1 inch and a half ang taas.

"Ang cute gagi Lei!" Hiyaw ko kay Lei at tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

"A-aray! Hindi ako makahinga!" Asik niya kaya agad akong bumitaw sakanya baka hindi niya ako pahiramin ng sandals niya. "Isukat mo na yan at baka naghihintay na ang jowakels mo sa baba!"

"I love you na talaga Lei!" kinuha ko sakanya yung sandals at umupo sa sofa para isuot ang sandals. Pak! ang perfect ng outfit ko.

"I hate you!" Sigaw niya at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig at nilagok agad iyon.

"Kaya ka walang nagiging jowa, ayaw na ayaw mong may nagsasabi ng 'I love you' sa iyo!"

"I don't care!"

Napailing nalang ako sa kaibigan ko, grabe na siya ah. Soon alam kong makikilala niya din ang para sakanya, siguro nasa tabi niya lang iyon, nakakasama niya, nakaka-kwentuhan niya hindi niya lang napapansin.

"Ay kalabaw!" Nagulat ako dahil sa ring ng phone ko. Natawa naman si Lei doon, inirapan ko lang siya. Si Levi tumatawag kaya agad ko itong sinagot. Nanginginig pa ang kamay ko.

Nasa baba na daw si Levi kaya nagpaalam na ako kay Lei. Sabi ko na huwag na niya ako ihatid pero nagpumilit pa siya na ihatid ako sa labas. Wala na din akong nagawa kaya sabay na kaming bumaba ni Lei.

Nakita namin agad si Levi and he's wearing a formal attire at ang gwapo niya, shit!

"Laway mo be tumutulo na!" Bulong sa akin ni Lei.

Ganitong ka-gwapong nilalang sa mundo ang palagi mong makikita, aba siguro ayoko nang pumikit pa. Ang landi mo Ally ha!

Lumapit si Levi sa amin at inakbayan ako. "Ganda mo naman Hon." dahil doon para akong baliw na parang naiihi dito.

"Tsk! Lalandi!" Rinig namin na sabi ni Lei at umirap. Bitter ang lola niyo! "Umalis na nga kayo!" She motioned her hand na umalis na daw kami. Panira talaga ng moment ito!

Natawa nalang si Levi doon, ganiyan talaga si Lei. Masanay na kayo diyan. Nasa kalagitnaan na ng byahe nang mapansin ni Levi na hindi ako mapakali dito sa kinauupuan ko. Nanginginig kasi ang kamay ko, kinakabahan ako habang papalapit na kami sa airport.

"Mabait iyon si mommy, don't worry Hon. Kasama mo naman ako." He held my face habang traffic pa.

"Natatakot ako kay tita." I said.

"Hindi iyon nangangain atsaka gusto ko ako lang kakain sa iyo." Sira talaga itong boyfriend ko. Parang sira ito, magpapakain naman talaga ako sakanya.

Nakarating na nga kami sa airport at hinihintay namin ang mommy ni Levi. Bigla naman akong naihi kaya nagpaalam ako kay Lev, gusto niya sana na samahan ako kaso baka biglang dumating mommy niya at maghintay pa ng matagal.

Mababawasan points ko niyan kapag pinaghintay ko siya kaya nagmadali akong nag-CR at nag-retouch dapat maganda ako at hindi haggard ang face ko.

Bumalik na ako doon at mas lalong lumakas kabog ng dibdib ko nang nakita ko ang kasama ni Levi, iyong mommy niya kausap na niya. This is it pansit! Ito na 'yon. Kaya ko ito! Fighting! Maglalakad na sana ako papunta sakanila nang biglang may yumakap kay Levi, isang magandang babae, matangkad, maputi, at mahaba ang buhok. Sino iyon?

Ah baka kapatid o pinsan lang. Kaya naglakad na ako papunta sakanila nang nakita kong hinalikan ng babae si Levi sa gilid ng labi. Oo gilid ng labi iyon at kitang-kita ko!

"Levi?" Tawag ko sa boyfriend ko. Biglang lumayo si Lev sa babae at hinarap ako. Sino ba siya? Akala ko pinsan o kamag-anak pero bakit may kasamang halik sa gilid ng labi? Naguguluhan naman na tumingin iyong mom at iyong babae na kasama ni Levi sa akin.

They are looking at me head to toe, it's like they're judging me. Kalma Ally, kalma! I smiled at them at lumapit na sakanila. Agad naman akong hinawakan ni Lev sa baywang at hindi iyon nakatakas sa paningin ng babae. She crossed her arms kaya kitang-kita ang nagluluwa niyang cleavage and she's looking at me head to toe. Aba! sapakin kaya kita!

Kalma nasa harap mo ang mommy niya. Bawas points iyon. I looked at the woman, iyong babaeng nagluwal sa boyfriend ko, his mother. I smiled at her at ang ganda niya.

"Good morning po tita." Bati ko, mukhang nagulat naman siya doon.

"Ah! mom, meet Allison my girlfriend." Nanlaki naman ang mata ng babae at tumingin ng masama sa akin. Nagkatitigan naman si tita at ang babae, nagtataka bakit ako ang pinakilala ni Levi as girlfriend.

"Are you serious, Lev?" The girl asked Levi.

"Yes, she's my girlfriend." Sagot naman ni Levi. Halos hindi maipinta iyong mukha ng babae dahil sa sinabi ni Levi, pero mas nagulat ako nang makita ko din iyon sa reaction ng mommy ni Lev. Ayaw niya din ba sa akin?

Kalma Ally, huwag ka mag-overthink.

"Tita?" Tawag ng babae sa mom ni Lev. Tinignan naman siya nito at inilipat ang tingin sa akin. Nagbago ang reaction niya at biglang ngumiti sa akin. You can see in her eyes na masaya siya.

"Hija, nice to meet you. Levi anak why didn't you tell me na kasama mo pala ang girlfriend mo?" nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. I... I didn't expect this would happened.

"I want to surprise you mom." Lev said. I smiled. Akala ko hindi niya ako ipapakilala sa parents niya. Ang swerte ko talaga kay Levi.

Nag-aya ang mom niya na mag dinner kami sa labas pero sabi ni Levi may mga inihanda daw silang pa-welcome back kay tita sa bahay nila. First time niya akong dalhin sa bahay nila, sobrang saya ko talaga. Ngayon nararamdaman ko na kami talaga hanggang dulo. Sana walang um-eksena sa amin ni Levi.

Akala ko hindi kasama iyong babae, sinama siya ni tita wala naman akong magagawa doon, desisyon ni tita iyon. Okay lang, ang mahalaga naman tanggap ako ng mommy ni Levi. Nakarating naman kami agad sa bahay nila, grabe parang mansion! Sana all mayaman.

Sinalubong kami ng isang cute na babae, she's 18 I guess? She looks like a princess, baka kapatid ito ni Levi. Nang makita ang mom niya ay agad itong yumakap, sunod kay Levi. Ginulo pa ni Levi ang buhok ng kapatid niya. Nang makita niya iyong babaeng kasama ni tita kanina, biglang lumawak ang ngiti niya.

"OMG! Ate Dianne! I miss you so so much!" She said and hugged that girl. Niyakap naman siya pabalik ng Dianne. So Dianne pala ang name, maganda huh?

"I miss you too baby girl."

"I am not baby ate. Look I'm in my legal age na."

"Next week ka pa magiging 18 Lexi." Sagot naman ng kuya niya.

"Epal naman ito! Sabi na eh, I know and I can feel it na magkakabalikan ulit kayo, like OMG! I stan the LeAnn love team!" Kinikilig pa siya sa sinabi niya.

"Ahm sorry baby girl but your brother had a girlfriend right now." Maarteng sabi ni Dianne at itinuro pa ako. Tumingin naman sa akin si Lexi at mukhang nagulat.

"So, you're the girlfriend of my brother? I thought you're our new maid." Muntik nang matawa si tita doon ganoon din si Dianne. Ay ako? maid? ang ganda nga ng outfit ko, mukha ba akong nag-a-apply as a maid?

Ngumiti pa din ako kahit na ganito ginagawa nila sa akin. Akala ko mabait siya pero mukhang m*****a pala siya. She's cute and beautiful but her attitude is not good but she's Levi's sister so I need to respect and control myself para hindi siya patulan.

"Hi Lexi, nice to meet you." sabi ko at ngumiti sakanya pero umirap lang siya.

"Lexi respect my girlfriend." ma-awtoridad na sabi ni Levi, sa halip na sagutin niya ang kuya niya at humingi ng tawad sa akin, hinila niya si Dianne at pumasok na sa bahay nila. Okay lang, masasanay din ako sakanya.

"I'm sorry hija, close lang talaga silang dalawa ni Dianne kaya ayaw niyang may ibang kasama ang kuya niya. She really loves Dianne for her brother, magugustuhan ka din niya." Tita patted my shoulder and smiled, gumaan naman ang pakiramdam ko sa huli niyang sinabi.

"I'm sorry hon." ngumiti lang ako ng tipid kay Levi at pumasok na kami sa loob. Sabi nga ni tita magugustuhan din ako ni Lexi, not now but soon. Hindi ako magsasawa na amuhin si Lexi, liligawan ko siya kung kinakailangan.

Maganda ang bahay nila at kapag pumasok ka dito feel mo nasa palasyo ka, bawat furniture sa bahay nila malalaman mo na sobrang expensive ng presyo. Ang gaganda ng mga vase nila, sobrang kintab ng tiles mukhang minu-minuto sila naglilinis dito kasi sobrang linis talaga tignan tapos ang bango pa.

Nahiya naman ang apartment namin dito sa mansion nila. Gaya nga ng sinabi ni Levi, may mga handa silang pagkain para sa welcome back ni tita. Simple lang naman siya, walang ibang bisita kundi kami-kami lang.

Dumating din ang dad ni Levi at ang gwapo ng dad niya, kamukha siya ni Lexi. Tapos si Lev naman kamukha ni tita. Ngumiti naman siya nang makita ako at sinabi niya na sobrang saya daw niya dahil finally nagkaroon ulit ng girlfriend ang anak niya.

Alam ko naman na hindi ako ang unang girlfriend ng anak niya pero hindi ko alam ang mararamdaman ko kung si Dianne ang first love niya, kasi ayoko naman mangyari iyon. First love never dies so natatakot ako na baka ganoon nga. Huwag naman sana. Pag-uusapan namin ito ni Levi mamaya, ayoko ng ganitong feeling, kasi ang sikip ng damdamin ko kanina pa.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang magpaalam si Levi at iyong dad niya na may pag-uusapan daw sila sa labas kaya naiwan kaming apat dito, ako, si Lexi, si Dianne at si Tita. Tahimik lang akong kumakain dito habang sila nagke-kwentuhan. Malalaman mo sakanila na sobrang close nilang tatlo. Para akong estatwa lang dito na hindi gumagalaw, para nga akong hangin dito eh.

"Alam mo mom, sayang dati kung hindi lang umalis si ate Dianne, siguro sila pa din hanggang ngayon ni kuya."

"You're right, Lex. Ito ang matagal ko ng sinabi kay Lev, he wants me to stay but I need to leave him here that time."

"Mga hija, let's respect Levi's decision." Nagulat naman ako sa sinabi ni tita, mas nagulat din sila Lexi at Dianne sa sinabi ni tita.

"What? Are you serious mom? I thought you want ate Dianne for kuya?" Masungit na sabi ni Lexi sa mom niya.

"You don't get it, do you? As I said, let's respect your kuya's decision, he let Dianne to leave para sakanilang dalawa, para mag matured silang dalawa then looked at them now, they're both matured but sad to say, your brother is now in a relationship with this little girl." nakikinig lang ako sakanila pero mas bigla ata akong nagkaroon ng interest sa sasabihin ni tita.

"What do you mean tita?" Dianne asked.

"Gusto kong gumawa ka ng paraan para mahalin ka ni Levi ulit, Dianne." What? so pakitang tao lang pala siya kanina? "And you, little girl, please leave my son alone!"

"OMG! I knew it!" Lexi said, masaya pa siya dahil sa ginagawa nila sakin. Akala ko ba gusto niya ako para kay Levi? Akala ko ba, mas fit ako para sa anak niya? Bakit parang ang sakit naman ata. Parang pinagsisiksikan ko ang sarili ko dito? Iyong luha ko papatak na pero ayoko naman umiyak dito sa harapan nila. Mas lalo lang nila akong kakawawain kapag nakita nilang mahina ako.

"I'm sorry Tita pero mahal ko po ang anak niyo, rerespetuhin ko po kayo dahil magulang ka ng lalaking mahal ko. I love your son and I'll make sure na hindi niyo po masisira ang relasyon namin ni Levi, he loves me at iyon po ang panghahawakan ko."

"Then go hija, do what you want! Dianne do your task and I'll let you win to my son's heart. My vote is for you, Dianne."

"My vote is for ate Dianne only." Masiglang sabi ni Lexi.

"That's why I love you both, thank you tita and Lexi. So, paano ba yan, Allison, ako ang gusto nila para kay Levi, you better leave na kasi ayaw naman nila sa iyo."

"I am here for Levi, not for you, Dianne."

"Okay, let's see. Who will win Levi's heart."

So ito pala ang gusto niya, laro. Paligsahan, sige deal. Sigurado ako na ako ang magwawagi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status