"Ano wala pa ba siyang paramdam sa 'yo?" Lei asked again. Maraming beses na niya 'yang tinanong sa akin pero ni isang sagot wala akong naibigay sakanya. I didn't even know how to answer her question kasi kahit ako hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pang paramdam si Levi sa akin.
"'Yan! Ilang beses ko nang sinasabi sa 'yo na huwag mo ng tanggapin 'yang ex mo, pero ikaw na matigas ang ulo, tinanggap mo pa din!" Pangangaral niya sa 'kin. Umagang-umaga, sermon ang naging almusal ko.
Me and Lei living in the same roof, our parents agreed na mag-dorm muna kami since malayo ang bahay namin sa University. Last year na namin sa college kaya mag-a-apply na din kami ng trabaho pansamantala habang ginagawa ang goal naming dalawa.
"Magpaparamdam din 'yon!" Pagtatanggol ko kay Levi
"Sige! Ipagtanggol mo 'yang ex mong walang ibang ginawa kundi ang saktan ka lang! Nakakabaliw ang magmahal!" Kaya wala pa siyang nagiging boyfriend kasi ayaw niyang ma-stress sa pag-ibig. Nursing ang course niya at ayaw niyang pagsabayin ang love life sa pag-aaral. Accounting naman ang course ko.
Kaya ko naman pagsabayin ang pag-aaral, pag-wo-working student, pagbibigay sustento sa nakakatanda kong kapatid, sa pamilya ko at ang love life eh. Kaya ko naman 'yon!
"Pagkatapos kang tikman, hindi na nagparamdam!" galit niyang sabi sa akin. Na-i-kwento ko sakanya na may nangyari sa amin ni Levi —noong gabi na birthday niya tapos iniwan ko siya at sumama kay Levi— tapos paggising ko sa condo unit niya, wala na siya doon. Umalis siya, iniwan niya ako at nag-iwan lang siya ng breakfast at notes na nagsasabing take care always Allison.
Dapat "Hon" diba?
"Baka busy lang siya, Lei! 'wag kang ano diyan!"
"Kapag may nabuo d'yan sa tiyan mo na bata, ako ang tatayong ama niyan! Kapag hindi ka pinanindigan ng mokong na yan, maghanap siya nang mukha ng aso na ipapalit sa mukha niya, dahil sisiguraduhin kong mababasag ang pagmumukha niya! Not only his face, I'll make sure na mababasag pati ulo niya sa baba nang hindi na makapabuntis pa ng iba! Nanggigigil ako, Allison!"
Ayan na! Na-highblood pa nga! Inabutan ko agad siya ng tubig na binigay niya sa'kin kanina pero hindi ko pa naiinom. Ininom niya din naman agad 'yon at maya-maya ay kumalma din siya. Grabe kasi magalit ang isang 'to!
"I forgot to use my pills that night but don't worry walang mabubuo... 'wag muna."
"Dapat lang, Allison! Tandaan mo! Graduating na tayo kaya magtanda ka sa nangyari sa 'yo ngayon!" She then leave me here in our living room at pumunta sa kwarto niya. Sunday ngayon so pupunta kami sa Church. Girls apartment itong pinili ng mga parents namin para daw safe.
Ilang bahay naman ang pagitan bago mo mahahanap ang boys apartment. Nandoon naka-dorm ang kaibigan namin na si Zyren. Kababata namin ni Lei. Isa sa super protective sa amin. Para na namin siyang kapatid ni Lei.
Noong bata pa kami, lagi siyang nakabantay sa amin ni Lei. Kahit saan kami pumunta, kahit na sinasabihan at inaasar siyang bakla dahil puro babae ang kasama niya, hindi niya 'yon pinagtutuunan ng pansin.
After ko maligo at mag-ayos sa sarili, I apply natural make up lang. Sa Church naman kami pupunta at hindi naman pagandahan ng suot at pagandahan ng mukha doon eh.
"Ally!" Rinig kong sigaw ni Lei galing sa sala. Ang ingay niya talaga. Lumabas na agad ako bago pa ulit siya sumigaw. Baka masermonan na naman niya ako kaya hangga't maaga, lumabas na ako ng kwarto ko.
Dalawa kasi ang kwarto dito sa dorm. Actually, every unit dito may two rooms. So back to the topic, I saw my bestfriend, Lei, sitting in our soft sofa. Nakatingin siya sa kaniyang phone at nakasuot ng dress and heels. Ang cute at ang ganda talaga nitong kaibigan ko, pero wala pa din nagiging boyfriend.
"Baka matunaw ako n'yan!" Bigla niyang sabi kaya binatukan ko siya nang makalapit ako sakanya. Sinamaan niya ako ng tingin at sumimangot.
"Ang kapal mo!" sabi ko at umupo sa sofa katabi niya. Tinanggal niya ang lahat nang laman ng sling bag niya at ang daming kalat. Ano bang klaseng babae ito? Ang kalat ng gamit niya.
"Ano ba yan, Lei?! Babae ka ba talaga? Bakit ang kalat mo? Dugyot!" Hindi niya ako pinansin at ni-crumpled niya yung ibang maliit na paper na nakalagay sa sling bag niya.
Ang ayos-ayos manamit pero ang kalat naman ng mga gamit, burara din kasi ang isang 'to. Kaya minsan kapag pumupunta ako sa kwarto niya, ang daming kalat. May mga damit sa bawat sulok ng kwarto niya. Kalat-kalat ang mga make-ups, notebooks, bags, etc.
Tumayo siya at itinapon sa trash can ang papel na nilukot niya at bumalik dito sa sofa at umupo. She sprayed alcohol bago hawakan ang sling bag niya at inayos na ang laman nito. After that, nag-ring ang phone ko at si Zyren ang tumatawag.
"Dito na ako sa baba."
"Okay sige! Pababa na kami!" sagot ko at ibinaba ko na ang tawag. Kasama namin siya papunta sa church. Birthday din ni tita kaya after namin sumamba ay didiretso na kami sa bahay nila.
As I said, after ma-end ng call, bumaba na kami ni Lei. Mainipin din ang isang iyon. Nagmamadali akong bumaba sa hagdan habang si Lei naman ay nagmamadaling humabol sa akin. Naka-heels kasi ang loka at ang tagal pa maglakad.
Nang makita namin ang sasakyan ni Zy ay kakababa niya lang sa sasakyan niya. He looks so handsome today. Nang makita niya sa likod ko si Lei ay agad siyang umayos ng tayo at ngumiti ng patago.
I smell something to him. Dati palang alam ko na, torpe lang ang isang ito. Hindi ko nalang pinansin at dumiretso na ako sa loob ng sasakyan ni Zyren.
I always wanted to sit here in back seat habang si Lei ay laging gusto sa passenger seat. Ang bango talaga ng sasakyan ni Zyren.
"Ba't ang gwapo mo, Zy?" Asar kong tanong sakanya nang makaupo siya sa driver seat. Lumingon pa siya sa akin para ngumisi
"Hindi ko din alam kung bakit, basta ang alam ko nasa dugo namin ang magandang lahi."
"Alam mo na Lei, kay Zyren ka magpalahi!" Sabay hirit ko ng tawa. I saw my best friend arched her brow as she looked at me.
"Sino?" She asked, innocent.
"Ikaw!" I yelled.
"Kausap mo?!" Then she raised her middle finger at me. Aba! Bastos!
Natawa lang si Zy sa actions namin ni Lei. Pailing-iling lang siyang nagmamasid sa amin.
"Para kayong mga bata." Zy said as he started to drive his baby, car.
"We're still your baby, remember that. Ikaw ang guardian namin, sabi mo dati." Lei said habang nakatingin lang din sa daan.
Zy smirked at what Lei said. Sometimes, I looked at my phone to check if there's update on Levi, but there's no response. Is he that busy? Why didn't he text me? Update me on what he was doing, where is he right now?
Para akong timang dito na naghihintay na makatanggap ng message coming from him. Kahit sa church, wala akong naintindihan sa lecture basta ang alam ko nandito na kami sa bahay nila Zy.
"Hindi na 'yon magpaparamdam sa 'yo!" Pagpaparinig ni Lei sa akin habang sinusuot niya flat shoes na hiniram niya sa kapatid ni Zy.
"Mind your own business, gaga!"
"Hep hep! Kakagaling mo lang sa chuch, nagmumura ka ka-agad!" Binatukan ako ni Zy nang marinig akong magmura.
"Sorry agad." Then I rolled my eyes and leave them. Bahala sila diyan. Gusto kong makausap si Levi about sa nangyari sa aming dalawa.
Malaki ang bahay nila Zy. Marami din bisita, mga business partners ng parents ni Zy ang karamihan na nandito. Kaunti lang ang mga ka-edad namin. Nasa fourty's na si tita pero she still look young na parang wala siyang dalawang anak.
Umupo lang ako dito sa bench habang pinagmamasdan ang swimming pool nila Zy. Nandito ako sa pinakamadilim na part, gusto ko lang kasi mapag-isa ngayon. Hindi ko alam kung nasaan na si Lei, basta ang alam ko kasama niya si Zy, iniwan ko silang dalawa kanina.
I sipped in my glass I was holding when my phone vibrated. I immediately took it from my sling bag. Nagmadali pa akong kunin ang phone ko kasi akala ko galing kay Levi, iyon pala galing sa ate ko.
Napabuntong-hininga nalang ako bago sagutin ang tawag niya. Ito nanaman po tayo.
"Pautang nga ako, babayaran ko kapag nagkapera ako."
"Ate wala pa akong sweldo ngayon, kakapadala ko lang last week, ubos na ba yun?"
"Aba! Anong akala mo sa pera hindi nauubos? Dali na! Pautangin mo na ako, para ka namang hindi kapatid diyan, ang damot mo!"
Ako pa talaga ang madamot? Wow! Na-appreciate ko ate, Thank you huh?!
"Ate wala pa akong sahod ngayon, marami din akong paggagastusan sa mga projects ko."
"Yan! Aral-aral ka pang nalalaman, pwede naman magtrabaho ka nalang para kapag uutang ako, may maipapahiram ka sa 'kin, walang kuwenta!"
Then she ended the call. Ako pa ngayon ang walang kwenta? Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Ngayon lang naman ako hindi nagpahiram sakanila tapos sasabihan akong walang kwenta?
Halos wala na ngang matira na pera sa akin dahil naibibigay ko pa sakanila yung iniipon ko. Pinipilit ko na ngang mag-working student kahit ang hirap. Sariling pera ko na nga ang pinang-aaral ko, hindi na ako humihingi kay mama kasi isa din siya, ayaw akong pag-aralin.
Nakakapagod na din kaya pero hindi dapat ako mapagod kasi paano na ang pangarap ko, kung susuko agad ako? Madami na akong naumpisahan, tapos susuko nalang basta-basta? Hindi ako ganoon pinalaki ni papa noong nabubuhay pa siya.
Nang mamatay si papa, nawala na, wala na akong kakampi sa lahat, ako ang bunso kaya prinsesa ako ni papa, lagi niya akong pinagtatanggol kapag pinapalo at pinapagalitan ako ni mama kahit si ate naman ang may kasalanan. Nakakamiss si papa, sana nandito siya.
"Ally, hey? Why are you crying?" Agad ko naman pinunasan yung luha ko nang marinig ko ang boses ni Lei. Lumingon ako sakanya at ngumiti, a fake smile.
"Stop faking your smile, what's problem?" She asked, worrying about me and hugged me tight, I tried not to cry kasi ayokong mag-drama dito sa birthday ni tita.
"Nothing, don't mind me, gaga!"
"Gaga ka din, si ate Andrea na naman ba?" Alam niya kapag ganito ang itsura ko, iisang tao lang ang alam niya kung bakit ako nagiging ganito.
"Wala ito. Tara na nga!" Aya ko sakanya, hindi pa din siya tumatayo kaya hinila ko na siya. In the end, wala na din siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin.
Nakita namin si Zy na may hawak na alak kasama ang ibang tropa niya. Nang makita niya kami ay agad niyang binitawan ang alak at binigay kay Andrew na kaakbay niya at lumapit sa amin.
"Pa-inosente, umiinom din pala ng alak!" Lei said. Napakamot nalang si Zy doon.
"Hindi akin 'yon!" He defend himself.
"Uminom kana doon! As if naman na pagbabawalan ka namin, iinom din kasi kami, right drama queen?" Aba! Drama queen pa nga? Kumunot naman ang noo ni Zy sa sinabi ni Lei sa akin na drama queen.
"Drama queen?" He asked Lei, but Lei pointed at me.
"Call her drama queen for now Zy." Baliw talaga!
"Zy! Lahian mo na nga 'yan! Naiirita ako sakanya!" Daldal pa nang daldal si Lei doon kahit na pilit tinatakpan ni Zy ang bibig ni Lei.
Lumapit na ako kila Andrew at agad naman nila akong pinaupo nang makalapit ako sakanila. Dalawa lang silang nandito, inabutan ako ni Xian ng soju na may yakult, pambabae talaga ang iniinom nila.
"Ang babakla niyo naman uminom!" Sabi ko sakanila, natawa lang sila doon.
"Hoy! Huwag masyadong uminom!" Bigla naman hinawakan ni Andrew ang wrist ko para pigilan ako uminom.
"Let me drink this! Epal ito!" Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa wrist ko kaya nagpupumiglas ako.
"Ayaw ko! Bawal sa 'yo yan!"
"Boyfriend ba kita para pagbawalan ako?" Biro kong sabi pero natahimik siya bigla sa sinabi ko kaya kaagad niya akong binitawan. Epal kasi!
"Sabi ko nga hindi." Sabay hirit nang tawa ng loko. Binatukan ko nga siya kaya napa-aray siya.
"Andrew hayaan mo si drama queen, she used to it." Turo niya sa alak na hawak ko at umupo sa tabi ko. Umupo naman si Zy katabi ni Lei. Katabi ko si Andrew ngayon napapagitnaan ako nilang dalawa ni Lei.
Gusto kong uminom kasi badtrip ako kay Levi. Dumagdag pa si ate Andrea. Sobrang hirap naman ng buhay! Puro problema! Nakakapagod na po! Pero kahit anong sabihin ko na pagod na ako, mas lamang pa din doon ang mga pangarap ko na kailangan kong makamit.
Bakit ako susuko? Marami na akong napagdaanan, ngayon pa ba ako susuko?
Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa bag ko. Nanlaki ang mata ko kasi pangalan ni Lev ang nasa screen. Lumayo ako sa barkada para kausapin si Lev. I automatically answered it kasi galing sakanya ang tawag. Kanina ko pa hinihintay ang tawag niya.
"Hi Hon!" Masigla kong bati sakanya.
"Hi Hon, I'm sorry medyo busy lang kaya ngayon lang kita natawagan. How are you?"
"Ito, okay na kasi narinig ko na ang boses mo." Hindi ko naman pinahalata na nakainom na ako.
"Hoy! Tagay pa!" Rinig kong sigaw ni Lei. Itong gaga na ito! Lumayo na nga ako sakanila tapos sisigaw-sigaw pa siya ng ganiyan.
"Hon bakit ang ingay? Where are you? Umiinom kaba?"
"Hon ano kasi birthday ng mama ni Zy kaya invited kami. Don't worry hindi naman ako umiinom ng marami. I'm with Lei so don't worry."
"Okay lang ba kung sunduin na kita dyan? I just missed my honey."
"Aww! Of course! I missed you too! Okay sige magpapaalam lang ako sakanila. I'll wait you outside."
"Okay bye! I love you!"
"I love you too!"
Excited akong bumalik sa table at nakita ko ang matalim na tingin ni Lei sa akin. Nginisian ko lang siya at umupo sa tabi niya, tumungga muna ako ng isang baso ng alak at uminom ng tubig.
"Ah! Guys! Mauuna na ako kasi susunduin ako ni Levi." Paalam ko sakanila. Nakita ko ang pagtango ni Zy at ang pag-irap ni Lei.
"Susunduin kaba dito sa loob o sa labas kana maghihintay?" Zy asked.
"Sa labas nalang ako maghihintay sakanya."
"Samahan na kita sa labas." Prisinta ni Lei.
"I'll go with you." Zy said and looked at my best friend, Lei. Tumango lang si Lei doon. Bagay sila! Nagpaalam na din kami kay tita at lumabas na kami sa bahay nila Zy. Ilang saglit lang ay dumating agad si Lev. He's so handsome in his white shirt and a black jeans. Ang lakas ng appeal niya! Kaya mahal na mahal ko ito eh!
He kissed me in my forehead as he reached our direction. Inakbayan niya ako at humarap kami sa dalawa kong kaibigan.
"Umuwi ka din agad ha!" Sabi ni Lei sa akin kaya tumango ako. Ibinaling niya ang tingin kay Lev. "Ikaw! Ingatan mo ang kaibigan ko!" Singhal niya kay Levi. Pinanliitan ko siya ng mata kasi nakakahiya kay Levi. Alam ko naman na ayaw niya kay Levi pero grabe naman ito! Pasalamat siya kaibigan ko siya.
Nakita ko ang pasimple na pagsiko ni Zy kay Lei. Tinignan lang siya ng masama nitong kaibigan kong m*****a.
"Bro lasing na kasi ito. Pero ingatan mo kaibigan namin." Mahinahon na sabi ni Zy. Buti pa ito mahinahon, pero yung babaeng katabi niya, parang dragon. "Ako na bahala kay Lei. Ihahatid ko siya sa apartment niyo."
Nagpaalam na kami ni Lev kina Zy at Lei. Solo ko nanaman si Levi ngayon. Alam ko naman na bumabawi si Levi sa akin. Nararamdaman ko na mahal niya ako. Masaya ako na nagbago na siya. Na hindi na niya ako ulit iiwan kasi mahal ma mahal niya pa din ako.
Sana nga kami na hanggang dulo.
Chapter 42 Mabilis din naman natapos ang araw at dinagsa nga kami ng mga customer kanina kaya worth it ang pagod. Mas maganda ang maraming customer kasi mas malaki ang income namin. Yung iba nagre-rent ng gowns dito sa shop at yung iba nagpapa-design ng gowns and their clothes. May customer nga ulit kami ni Amy eh. After namin maibigay kay Boss yung sketch namin ay masaya naman siya, maaga niya din kaming pinauwi.Pumunta kami sa lugar kung saan laging tumatambay ang boyfriend ni Amy. Nag-order muna kami ng pagkain at wine para kahit papaano may thrill ang paghihintay namin dito. Uhaw na uhaw na din ako kaya wine ang iinumin namin. Kwentuhan moments muna kami ni Amy hanggang sa umayos siya ng upo at sumenyas na nakita na niya ang boyfriend niya, 'di kalayuan sa pwesto namin. Hindi naman kami basta-basta makikita kasi nandito kami sa loob ng restaurant at ang boyfriend niya nasa labas. Halatang may hinihintay."Huwag mo lalapitan, hintayin natin na dumating yung taong hinihintay niya
"Ang sipag mo naman!" Sabi ng nakarating na si Amy. Kahit dito ba naman sa trabaho magkasama pa din kami. Sinundan ba naman ako ng lokang ito. Accounting kinuha naming course pero ang bagsak namin dito sa pagiging Fashion Designer."Ganyan talaga kaya idadamay kita sa kasipagan ko." Sambit ko habang nag-do-drawing ng gown. May customer kasi akong magde-debut next year at kailangan ko talagang mag-focus sa paggawa ng gown niya. I need to finish it para na rin makapag-start na for making this gown. Syempre bago iyon, ipapakita ko muna sa kanya if she's satisfied or what then saka na ako mag-proceed sa pagtatahi."Yes! Need ko 'yan kasi hindi ko pa tapos yung ginagawa kong gown." Sabi niya habang inaayos ang mga gamit niya sa table niya. Ang kalat kasi ng table niya kapag nagmamadali siya sa mga bagay-bagay."Tapusin mo na 'yan at nang may mai-present ka na kay Boss." Sambit ko saka mariing tinignan ang gawa ko. It's a simple gown, off shoulder then heart shaped siya since iyon ang gusto
"But you still love him?" He asked again. Kunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit siya ganito? Bigla-bigla siyang nagtatanong ng ganoon?"I don't love him anymore, Andrew. Kung may nararamdaman man ako sa ex ko, iyon ang galit. Galit dahil tinago nila sa akin ang anak ko. If you're still asking me about my feelings for him? Wala na, hindi ko na siya mahal at hinding-hindi ko na siya mamahalin pa. For what? para masira na naman ako, I will never do that again. Never again. I love myself more than anyone else.""I'm so proud of you, Allison." Hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Andrew dahil sa sinabi ko. Even I, I'm so proud of myself dahil hindi na ako yung marupok na Allison. Na isang sorry lang ni Levi, bibigay na agad ako. Hindi na ako yung dating Allison na mahina, dahil ayoko nang maging talo. Ayoko nang umiyak ng umiyak. Pagod na ako kakaiyak noon, kaya I need to change para sa sarili ko.Pain changed me at nagpapasalamat ako sa mga taong nanakit sa akin dahil natauhan na ako. Mas n
"Allison?" Sa lahat ng boses na narinig ko, ito lang ang kinaiinisan ko. Ang boses ni Dianne. Ang boses ng taong kinaiinisan ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa dalawang tao na nandito ngayon sa event ng Lolo ni Andrew.Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito?"Nice to meet you again, Allison." Malanding sabi ni Dianne at nakita ko ang paggapang ng kamay niya sa braso ni Levi. Napataas ang kilay ko doon, as if naman na maglulumpasay ako sa selos dahil sa ginawa niya. Ulol! Sakanya na si Levi! Isinuka ko na 'yan matagal na!Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Andrew. Siya ang nasa unahan ko ngayon at hinawakan niya ang kamay ko, agad naman iyong napansin ni Levi kasi ang paningin ko ay nasa Ex ko kaya nakita ko ang paggalaw ng mata niya papunta sa mga kamay namin ni Andrew. Napangisi ako doon."Bakit kayo nandito?" Tanong ni Andrew sakanilang dalawa, natawa naman si Dianne doon. Tahimik pa din si Levi at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya at kahit mabasa
Si Althea na ba iyon? Ang laki na niya. Nandito na ang anak ko, kailangan ko siyang makita, kailangan ko na siyang kunin. Hindi ko na sila naabutan pa, saan na ba sila? Bakit ang bilis nilang mawala sa paningin ko?"Althea!" Sigaw ko. Pinagtitinginan lang ako ng mga tao dito sa tapat ng convenience store. Nilibot ko ang paningin ko baka nagtatago lang sila pero wala."Allison!" Rinig kong tawag ni Andrew kaya lumingon ako sakanya. Tumakbo ako papunta sakanya saka siya niyakap. Mukhang nagulat naman siya doon pero sa huli niyakap niya din ako pabalik nang humikbi na ako. Hinimas niya ang likod ko, pinapatahan ako.Nag-stay kami sa ganoong posisyon hanggang sa tumahan na ako. Bago niya ako bitiwan ay hinalikan niya muna ang gilid ng noo ko saka ako tuluyang bitawan. He held my face, tinitigan ang mukha ko."What happened?" He asked. Nag-aalala ang mga mata niyang tumingin sa akin."I saw her. Si Althea, nandito siya Andrew." Luminga-linga ako habang hawak pa niya ang mukha ko."Baka nag
"Ma, tulong! Ma! Tulungan niyo po ako!" Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga dahil sa malakas na boses, babaeng humihingi ng tulong. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Si Althea ba iyon? Bakit siya humihingi ng tulong? Bakit parang takot na takot siya? Bakit siya umiiyak?Ang anak ko, kailangan ako ng anak ko. Althea, nasaan ka ba?Halos mag-iisang taon na ang nakalipas, next week na ang birthday ni Althea. Ang bilis ng panahon. Kung saan-saan ko siya hinagilap, hindi pa din ako tumitigil pumunta sa mansion nila, nagbabakasakali na nandoon sila pero wala pa din.Pumupunta din ako sa kompanya nila, nagbabakasali din na nandoon sila Levi. Hintayin niyo lang ako, Levi kukunin ko si Althea sa inyo.Nagta-trabaho pa din ako sa coffee shop nila Andrew at pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko, ito final exam na for first sem. Kinakaya ko naman ang working student, sanay naman na ako dati pa. Estudyante sa maghapon, at bago pumasok sa coffee shop didiretso m