Nagising ako sa ginagawa ni Levi, alam niyo ba kung ano ang ginagawa niya? Kinakausap niya lang naman ang anak namin kahit na nasa tiyan ko pa. I smiled at hinayaan nalang siya na kausapin ang baby namin. Hindi niya pa nararamdaman na gising na ako."Hi baby kapag lumabas ka, ako dapat ang unang magbubuhat sa iyo. Saka kapag naging dalaga ka, gusto ko huwag ka muna mag-boyfriend kasi gusto namin ng mommy mo na makapagtapos ka muna ng pag-aaral mo.""Ilan ba gusto mong kapatid? Gusto mo ba ng tatlo o lima? Kaso baka mahirapan manganak ang mommy mo kaya siguro pwede na ang dalawa lang.""Huwag mo naman hilingin muna na masundan si Thea, Levi!" Singhal ko at dahan-dahan tumayo. Mukhang nagulat pa nga siya sa biglaang pagsalita ko."Ilan ba gusto mong anak, Wifey?" He asked. Nilapitan niya ako at isinukbit ang kamay sa braso ko saka siniksik ang mukha sa leeg ko, inamoy-amoy pa iyon. Kung ako ang masusunod, gusto ko dalawa lang."Dalawa, tapos babae at lalaki." Sagot ko. 'Yan ang dream ko
"Not yet, Manang! Hindi ko sila ma-contact. Nakapatay ang phone ni kuya and sila dad busy! Ring lang nang ring! Damn it!" Pati si Lexi hindi alam kung ano ang gagawin. Type lang siya nang type sa phone niya, nagbabakasakaling may sumagot sa mga tinatawagan niya.Napapikit na ako sa sakit habang si Manang ay panay ang sulyap sa akin at sa kalsada na tinatahak namin. Gabi pa naman ngayon kaya traffic! Feeling ko lalabas na talaga ang anak ko."Kaunting tiis nalang anak malapit na tayo sa hospital!" Aligaga na sabi ni Manang. Pinupunasan niya yung tagaktak na pawis ko kahit malamig dito sa van."Answer the phone please!" Rinig ko pa din na sabi ni Lexi. Levi nasaan ka na ba?! Manganganak na ako! I need you! Hindi ko ito kaya ng ako lang ang mag-isa!Please! Sagutin mo na ang tawag ni Lexi, nagmamakaawa ako!Nakarating na din kami sa hospital at inalalayan ako ng mga Nurse at pinaupo sa wheelchair. Tinakbo nila ako emergency room at pinahiga doon. Sinamahan ako ni Manang at naiwan naman s
Allison's POV "I want a perfect mother!" Sigaw ni Althea sa akin at tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig. Sumama siya sa ibang babae, hindi ko maaninag ang mukha niya. Sino siya? Bakit niya kukunin ang anak ko?Pinilit kong tumayo pero masyadong malakas ang pagkakabagsak ko sa sahig at mukhang nabaliaan ata ng buto sa paa ko. Tanging pag-iyak at pagmamakaawa lang ang nagagawa ko."Althea huwag mong iiwan si mommy! Please! I'm begging you, anak! No!" Pagmamakaawa ko sakanya dahil hindi ko kakayanin na kunin sa akin ang anak ko. Walang dapat makakuha sa anak ko! Hindi ko kakayanin."Mamatay kana!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa sinabi ni Althea sa akin, sinabi ng anak ko iyon. Sa mismong harapan ko. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng paghinga ko. Parang may humahabol sa aking mga kabayo.Buti nalang panaginip lang iyon kasi kung hindi iyon panaginip, hindi ko alam ang gagawin ko. Mababaliw ako.Nasaan ako? Bakit puro puti ang nakikita ko? Inilibot ko ang aking
"W-Walang Levi, Walang Althea. Iniwan ka na nila. Umalis na sila ng bansa at tinangay nila ang anak mo.""A-Ano bang pinagsasabi mo dyan, Lei?" Natatawa kong tanong sakanya. Huminga siya nang malalim at napapikit. Nilibot ko ang aking paningin sa mga taong nandito sa room ko. Si mama na pinipilan ang luha pero mababakas doon ang galit at awa. Si ate na ngayon ko lang nakita na umiiyak, si Gail na ang lungkot ng mukha. Si Andrew at Zy na handa nang manuntok dahil sa kamao nila."B-Bakit naman magagawa ni Levi iyon eh mahal na mahal niya ako. Nagsisinungaling ka lang, Lei." Tumulo yung luha sa kaliwang mata ko pero agad ko din itong pinunasan. Bakit naman gagawin sa akin ni Levi iyon. Ramdam ko na mahal na mahal ako ni Levi, at nagsisinungaling lang si Lei."Tita, tama na po!" Sabi ni Gail pero hindi ko pinansin. Nakatuon ang pansin ko kay Lei na hindi alam kung ano ang gagawin."Lei bawiin mo yung sinasabi mo, alam kong ayaw mo kay Levi kaya hindi nakakatuwa yung mga sinasabi mo! Wala
Napaupo na ako dito sa harap ng gate, hindi pa din kami umaalis kahit na ilang beses na akong pinagsasabihan ni Andrew na umalis na kami. Walang aalis hangga't walang Althea.Hindi ko iiwan ang anak ko dito sa mansion. Anak ko iyon eh!"Althea, anak ko. Nandito na ang mommy. H-Hindi ako aalis hangga't hindi kita nakikita, nahahagkan, nahahalikan. Althea anak ko! Levi, huwag niyo niyo naman gawin sa akin ito oh! Nagmamakaawa ako ibigay niyo naman na sa akin ang anak ko. LEVI LUMABAS KA DYAN! TITA ILABAS NIYO NA ANG ANAK KO!"Mas lalo lang akong niyakap ni Andrew habang ako iyak nang iyak. Mas lalo niya din akong pinapatahan pero hindi effective."A-Andrew yung anak ko, yung anak ko bakit nila inilayo sa akin? A-Anak ko iyon, diba? B-Bakit?! Ano bang ginawa ko sakanila? Althea, anak ko nandito na ang mommy hindi ako aalis dito! ALTHEA!!""Allison please kailangan na nating bumalik sa hospital. Mabibinat ka nito. Kailangan mo ng magpahinga." Sabi ni Andrew. Bigla kong pinunasan ang mga l
Lei's POVNang malaman ko na nanganak na si Allison, agad akong umalis sa probinsiya. Si Zy naman ay nag-book agad ng flight papunta dito sa Manila para sama-sama kaming sasalubungin ang mag-iina kaso ibang balita ang sumalubong sa amim.-Flashback-"Excited na akong makita ang inaanak ko!" Kilig kong sabi habang hinihintay si Zy dito sa waiting area. Mas naunang bumyahe si Zy pa-Manila kasi may tinapos pa ako doon sa bahay namin sa probinsiya. 16 hours ang flight New York to Manila kaya mas better na siya ang mauna kaysa sa akin. Galing lang naman ako ng Cebu kaya halos isa't kalahating oras yata ang byahe Pa-Manila. Magkikita nalang daw kami dito sa tapat ng Mall.Agad naman nakarating si Zy sakay ng kaniyang kotse na mukhang kakalinis lang dahil makintab. Aba, pinaghandaan yata ang pagpunta sa hospital.Bumaba siya para sana yakapin ako pero hinampas ko agad siya sa dibdib niya at napaaray naman siya doon. Iniwan ko siya doon at sumakay na sa bagong linis niyang kotse. Natawa ako s
Lei's POVHindi ko alam paano ko patutunguhan si Zy nang malaman ko na mahal niya ako, hindi bilang kaibigan kundi mas malalim pa doon. Hindi ko alam paano ko siya kakauasapin dahil doon kahit na wala siyang idea na narinig ko silang nag-uusap ni Tita. Hindi ko alam kung normal ba ang mailang sakanya after ng mga nalaman ko pero hindi ko dapat isipin iyon dahil nandito kami sa isang serious situation.Kailangan ako ni Allison, kailangan niya ng makakaramay, kailangan niya ng may magmamahal sakanya, kailangan niya ng kaibigan. Isasantabi ko muna siguro ang lahat ng nalaman ko. Kapag pinahalata ko kay Zy na alam ko na ang sikreto niya, baka mailang siya o kung ano man iyon. Kahit na tungkol sa akin yung pinag-usapan nila, I will respect it... hindi ko iyon ipagsasabi kahit kanino. I will keep it to myself at hahayaan ko nalang na siya mismo ang magsabi sa akin ng totoo niyang nararamdaman para sa akin, kapag ready na siya. Pero...Kasi kung nagkataon na umamin siya, hindi ko din lang m
Allison's POV"I-I'm pretending, Lei. Alam kong iniwan nila ako. Alam kong hindi ko na makikita pa ang anak ko. H-Hindi ko lang alam paano ko siya makukuha... at umaasa akong panaginip lang ang lahat. Na hindi magagawa ni Levi na saktan ako, na parang ayaw mag-sink in sa utak ko na nangyayari ito. Na ayokong paniwalaan kayo."Oo alam ko na walang Althea dito sa hospital... na iniwan niya na ako, hindi ako nababaliw... I am just pretending na nandito siya, na makikita ko pa siya. Ang sakit lang kasi isipin, ni hindi ko alam kung saan sila hahagilapin. Ginawa nila akong tanga, ang sakit-sakit! Tinangay nila ang anak ko, pero ano pa itong ginagawa ko? Nagpapanggap na okay lang ang lahat! Napakawalang-hiya ko, ang manhid ko, ang martyr ko!Levi mahal kita eh, bakit mo naman ako ginaganito? Ano bang ginawa ko bakit ko nararanasan ito? Nagmahal lang naman ako, nagpatawad ako, binigay ko ang lahat pero sa huli, naubos ako... ubos na ubos na ako! Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Lei s