Compartir

Chapter 3

Autor: Pennieee
last update Última actualización: 2024-08-22 17:50:47

Lumabas ako ng silid na bago na muli ang kasuotan. May ayos rin ang aking mukha dahil nilagyan ko ng kaunting blush on ang magkabilang pisngi ko at naglagay rin ako ng lipgloss. Kinulot ko rin ang dulo ng buhok ko.

Nang makita ko si Elijah na naghihintay sa labas ng kwarto ko habang nakasandal at nakahalukipkip ay naalala ko ang sinabi niya kanina.

He only say that dahil alam niya na hindi rin magugustuhan ng ama ko kung magtatagal dito si Gael. Dad wanted to know if I have someone I like, pero alam ko na hindi niya gusto na may ipinapakilala si Lolo ng ganito.

He also felt that I am not interested.

"Nasaan sila, Eli?" tanong ko habang nauuna na maglakad.

Nakasimangot siya. Palagi naman na masama ang mukha niya pero iba ang ngayon dahil parang wala talaga siya sa mood.

"Your visitor is in the dining room, princess. Wala ang lolo mo at kaaalis lang. Iniwan ang lalake doon," sagot niya.

Kahit gusto ko na tumigil sa paglalakad at lingunin siya ay hindi ko na ginawa dahil nga matagal na rin siguro na naghihintay si Gael. At hindi makaliligtas sa lolo ang paghihintay na 'yon tiyak. Magiging dahilan pa ng galit niya pag bumisita ulit dito.

"Are you expecting that he would stay with us, Eli?" tanong ko.

Eli. It was a nickname I gave him. Cute kasi.

"Oo. Pero ayos lang rin. Ayokong nakikita ang lolo mo."

Napangisi ako nang marinig ang sinabi niya. He also has a bad temper when Lolo Yago is here. Hindi niya rin ako inaalisan ng tingin at nilalayuan. It's like he won't let my grandfather hurt me again. That's the aura I see in him. Iyon ang dahilan kung bakit gusto ko na nasa tabi ko si Elijah kapag narito ang lolo, eh.

I feel safe, and Lolo doesn't hurt me physically when Eli is around. I can sense fear, which is unusual because Halyago Vera Esperanza fears no one.

Pero sa bodyguard ko ay parang may takot siya.

"You smell nice, Pristine. You even bother put perfume. Is that to impress your visitor?" nang lingunin ko siya ay nakadukwang pa siya malapit sa akin. Napasimangot ako dahil madalas ko itong marinig pero palagi ko rin siya sinasagot.

"Wala akong pabango. I don't like perfumes, Eli."

"I know, princess."

Napailing ako sa sagot niya. He extended his arm when we are going down the stairs. Ibinigay ko naman ang kamay ko at hinawakan niya para alalayan ako na bumaba ng hagdan.

"Alam mo naman pala pero palagi mo pa rin sinasabi na nagpapabango ako."

"I like your scent. It's sweet and it lingers."

Napatikhim ako at inilayo ang tingin ko sa mga sagot niya. Sinasabi ko palagi sa isipan ko na this is us being close. Para na rin kaming magkaibigan ni Eli kapag nag-uusap. He's not being formal anymore simula nang sinanay ko siya na magsalita at sabihin ang kung ano nasa isip niya when we're together. I made him feel that he's not just my bodyguard but also a friend.

But it is a bad decision, right, Pristine?

Yes. Because since we became close, mas nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Lalo pa at napakaingat niya sa akin sa maraming bagay.

"You can stay here," sabi ko nang makarating kami sa dining room. May mga maid na nakahawak na sa pinto para pagbuksan ako. At nang maglakad na ako palapit ay sumabay si Elijah.

"Huwag ka nang pumasok. It's safe inside, Eli. Wala ang lolo saka isa pa. Sandali lang rin ako tiyak. Mag-uusap ng ilang minuto at mabo-bored lang rin ang makakaharap ko."

But he is persistent because he didn't step back. He stood beside me.

"I will not leave your side, katulad ng utos ng papa mo."

Napabuntong hininga ako at napahinga ng malalim. Tumango na lang ako at pumasok na sa loob. When I saw Gael, he was using his phone. Kunot at salubong na ang mga kilay. Mukhang nainip na nga sa paghihintay sa akin.

But when he turned his gaze in my way, he smiled and stood. Pagkalapit ko sa kaniya ay inilahad niya ang kamay at akala ko ay makikipaghandshake lang siya pero nagulat ako nang halikan niya ang ibabaw non.

"Nice to meet you, Pristine," he said.

"Ahh, n-nice to meet you, too."

Kailan ba ako hindi mauutal sa harapan ng ibang tao?

I need to relax.

"You grandfather has a meeting so he left me here. Sinabi ko na ayos lang rin naman. He even apologized because I waited for almost an hour."

And that is a bad thing. Siguradong bukas o sa isang araw ay babalik ang lolo at pagsasabihan ako tungkol dito.

"I am sorry. My father came and we talked. I wasn't able to prepare right away to meet you," sagot ko naman.

I really don't know how to entertain a man. Kinuha ko ang kubyertos at nagsimula ako na hiwain ang steak. But Gael who's in front of me smiled, nakatitig lang siya sa akin habang nakasalumbaba.

Hindi magandang asal sa harap ng pagkain.

"It's okay, Pristine. I am glad I waited," makahulugan niya na sabi.

"Can the food wait?" pagkatapos ay tanong niya nang papasubo na ako. Naitikom ko ang bibig ko. Sa gilid ng mga mata ko ay tumayo ng tuwid si Elijah.

"Let's get to know each other first. Mamaya na tayo kumain. Pakiramdam ko tuloy ay nagmamadali ka at hindi mo ako gusto na makaharap."

At kapag nakarating ito kay lolo ay tiyak lagot ako.

"She has homework to do that's why her time is limited," malamig na salita ni Elijah na ikinagulat ko.

Napatingin ako sa kaniya. Umiling ako.

"I didn't know that your bodyguard is also your spokesperson, Pristine," nasisiyahan na sabi ni Gael at humalukipkip habang nakatingin kay Elijah.

Napapikit ako ng mariin at ibinaba ang kubyertos ko. I don't want another reason para bumalik si lolo dito sa mansion at tiyak na pag may hindi magandang nangyari ngayon, ay kakausapin niya ako.

"Sige. M-Mag-usap muna tayo," sabi ko naman. Pero pagkatapos ko rin na magsalita ay bumaling si Gael kay Elijah.

"Can you leave us, Mr. Bodyguard?"

"No," mabilis rin na sagot ni Eli.

"I was asked not to leave the princess with you by her father."

I want this lunch to end fast. Kaya naman tumayo ako at lumapit kay Elijah.

"Sige na. Please? Mabilis lang 'to."

"Princess--"

"I-I'll call you if something happened. I have my phone with me. Nasa speed dial ka," sagot ko pa.

Napabuntong hininga siya at tumingin kay Gael.

"Alright."

When Elijah left. I went back to my seat. Ngiting tagumpay naman si Gael at muling nagsalumbaba habang nakatingin sa akin.

"Now... now... it's only the two of us."

What does he mean by that?

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 173

    PristinePagkatapos ng pag-uusap namin ng papa ay siya naman ang sumunod na kinausap ng Ma'am Kamila. Nag-alala pa ako dahil iniisip ko na baka magkaroon na naman sila ng hindi pagkakaintindihan pero siniguro naman niya sa akin 'yon bago siya pumanhik at pumunta sa opisina nito.Ngayon ay naiwan naman kasama ko si Elijah at si Esther pati na si Kio. Tapos nang kumain ang dalawa, inaya pa nga nila ako pero sinabi ko na hindi ako nagugutom at busog pa. Elijah was looking at me, mukhang inaalam niya kung nagsasabi ako ng totoo kaya naman tinapik ko siya ng mahina sa braso."Hindi talaga ako nagugutom," ulit ko pa sa kaniya. "Kaunti lang ang mga kinain mo kanina."Napasimangot ako dahil parang hindi niya naman alam na hindi naman talaga ako malakas kumain?"Baka gusto na ipagluto mo, Boss Elijah?" singit naman ni Kio. Pagkarinig ko ng sinabi niya ay pinandilatan ko siya ng mga mata. Nang sasagot ako na hindi ay napalingon ako agad kay Eli nang tumayo siya.Ipagluluto nga ata ako!"W-Wher

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 172

    Halyago needs to try every possible way to get back his son to his side. Dahil ngayon na wala na si Margus, wala na siyang ibang kakampi. At alam niyang hindi lang siya basta matutulungan ni Pierre, hindi rin siya magagalaw ng mga Regalonte kapag hawak niya ito.Sa kaisipan na 'yon ay nakaramdam ng kirot si Halyago. After all his evil deeds, nasasaktan pa rin siya ngunit para sa kaniyang anak na lang. Sa nag-iisang taong pinagmamalaskaitan niya.Hindi ako makapapayag na maging masaya kayo. At ang Kamila na 'yon, babawi ako. Sisiguruhin ko na ako mismo ang makakapatay sa kaniya.Nang paakyat na siya ng hagdan papunta sa kaniyang silid ay napatigil siya nang marinig ang boses pa ng isa niyang tauhan. Paglingon niya ay isang hindi inaasahang bisita naman ang kaniyang nakita sa harap ng kaniyang pinto.But that visitor who was serious looking at him made him smile wider."At ano ang ginawa mo dito?" tanong niya, naglalakad pabalik sa kaniyang bisita."I heard what happened to you."Napata

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 171

    Third Person's POV"Bwisit! Bwisit talaga! Ang una ay si Pierre na anak ko! Ngayon naman ay pati si Margus! Hindi rin ako maaaring magkamali na si Kamila ang may kagagawan kung bakit muntikan na akong mamatay!"Hindi pa rin makapaniwala ang matandang Halyago sa nangyari sa kaniya nang manggaling siya sa bahay ng mga Ynares. Pauwi ay pinaulanan ng mga bala ang sinasakyan niya.Kung hindi lamang magaling ang mga taong kasama niya ay baka wala na rin siya ngayon. Pero hindi 'yon ang pinakadahilan kung bakit siya nakaligtas, ang totoo ay katapusan na rin niya sana non sa dami ng mga pumuntirya sa kanila ngunit may isang sasakyan na nakasunod pala sa kanila at tumulong.Palaisipan sa kaniya kung sino 'yon. Wala ring pumapasok sa isipan niya dahil alam niyang tinalikuran na siya ni Margus.At isa 'yon sa ikinagagalit niya.Halyago was fuming mad. Nabilog na rin ni Kamila ang ulo ni Margus at kahit magpahanggang ngayon, walang tigil niya itong tinatawagan ngunit hindi pa rin ito sumasagot. M

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 170

    Katulad ng sinabi ng Ma'am Kamila, nagpasya kaming mag-usap ng papa. At first, no one was speaking between us, pero ramdam ko ang pag-aalala ng aking ama para sa akin, even though I didn't give him any reason to be worried. I was just putting on a calm face the whole time when we were left alone here in the living room."I don't know where to start, anak..."Alam ko na marami rin siyang gustong malaman, o baka nalaman na niya lahat sa Ma'am Kamila pero gusto pa rin niyang marinig ang mga 'yon sa akin."Pagkatapos ng mga nalaman ko sa 'yo, sa pananakit ng lolo mo ay may mas... mas makakapagpaguho pa pala ng mundo ko."He was talking about what happened to mama."And it's not your fault, Papa..." sagot ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya habang nakangiti. I wanted him to feel that it's not really because he let things happen, na wala siyang ginawa. I know how much he wanted before to save us—kahit bata pa lang ako noon, nakita ko kung gaano niya kami kamahal ni Mama. It's just tha

  • My Billionaire Bodyguard   AUTHOR’S NOTE

    Hello po! Naku pasensya na po. Hindi po pala nasama ang note ko last chap update. Sa VIP po muna ako nag-a update balak ko na pag nayari saka po ako mag-a update dito sa GN. PERO MAITUTULOY PA RIN PO DITO SA GN PAG PO COMPLETED NA TULOY-TULOY NA PO ANG UPDATE KO DITO. PWEDE NA DITO NINYO NA PO ANTAYIN. If interested naman po kayo sumali sa VIP pwede nyo po ako imessage sa efbi. Pennie po name ko. if reader naman po kayo ng three stories ito po ang membership. Dirty Games With The Billionaire P150 My Billionaire Bodyguard P150 The Billionaire’s Sweet Psycho P350 If itong three po iaavail P500 lang. Thank you so much po! uulitin ko po, pwede na dito nyo po iwait sa GN ang update dahil mayayari pa rin po dito pero after na po matapos sa VIP saka ko babalikan dito. marami-rami na rin po ang update ko sa vip at malapit na rin po matapos sila Luther at Thes, Leonariz at Arazella doon. Maraming salamat po!

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 169

    "Pristine..."Nabigla ako at napaangat ang mga kamay ko sa ere."M-Ma'am...""Mommy na ang itawag mo sa akin and I'm sorry... I'm sorry. Please huwag kang uuwi ha? Stay here. Stay with us."I bit my lower lip, naguilty tuloy ako sa sinabi ko kanina. "N-Nabigla lang rin po ako... sorry po... pero--""No. I understand you, alam ko rin naman na mahal na mahal mo ang papa mo."Natahimik kaming lahat, ilang segundo pero binasag 'yon ni Kio."Okay. Tapos na daw ang commercial, balik na tayo sa dapata pag-usapan."Nang tingnan siya ng Ma'am Kamila ay napatuwid ulit siya ng tayo."Thank you for reminding me, Kio," at nang sabihin 'yon ng Ma'am Kamila ay bigla naman si Kio na napahinga ng malalim."Let's go back talking about what happened."Hinawakan naman ako ng Ma'am Kamila sa balikat ko, iniupo niya ako sa sofa at pagkatapos ay bumalik siya sa pwesto niya. Ganoon rin ang papa, tumabi siya muli sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pero si Elijah ay nanatili na sa tabi ng kaniyang ina at naka

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status