Share

Kabanata 5

Author: WavesofIm
last update Last Updated: 2025-07-11 00:08:26

Matapos ang nangyari sa dalawa, ay muling naging normal ang araw ni Naomi hanggang sa dumating ang bakasyon. Ngunit marami rin ang mga taong masisipag magtrabaho sa kumpanya ng mga Sandoval, kabilang na rito si Naomi.

Nang araw ding iyon ay hindi pinayagan ni Naomi na ihatid siya ng personal assistant ng boss niya sa apartment; bagkus, nag-taxi na lamang ang dalaga at pumasok sa trabaho. Sapagkat ayaw niyang may iba pang makaalam ng nangyari sa kanila ng boss niyang ubod ng lamig.

Maya-maya pa ay nag-ring ang phone ni Naomi.

“Nao-”

Hindi na pinatapos pa ni Naomi ang nais sabihin ng nasa kabilang linya, bagkus ay pinatayan niya na ito ng tawag. Boses pa lang, kilala niya na ito.

Aaron.

Si Aaron at Naomi ay limang taon ng magkarelasyon; simula college pa lang, ay sila na.

Top student si Naomi noong college siya unibersidad na pinapasukan niya, hanggang sa makilala niya si Aaron na nasa parehong unibersidad rin pala ang pinapasukan ng dalaga. Tatlong taong gulang ang agwat ni Aaron kay Naomi.

Ngunit sa kabila ng agwat ng kanilang edad ay hindi naging hadlang iyon para sa pagmamahalan ng dalawa.

Ngunit, 2 years ago, nang pumunta si Naomi sa abroad kasama ang magulang niya para doon na manirahan at mag-aral at naiwan naman si Aaron sa Pilipinas, Kaya naman naging LDR ang relasyon nila Aaron at Naomi at nagtagal ito ng dalawang taon.

Ang akala ni Naomi, maayos ang lahat. Makakayanan nilang maka-survive sa LDR situation nila pero nagkakamali siya.

Nang 5th anniversary nila ni Aaron ay siya rin na na nalaman ni Naomi na nagloko ang binata sa kanya. Nagkaroon ito ng third party, at ang mas worst pa ay ang best friend niyang si Leah ang pinalit sa kanya.

Hindi lubos maisip ni Naomi na mangyayari yon sa kanya, na kaya siyang lokohin ng lalaking akala niya ay makakasama niya hanggang sa pagtanda.

Nakipaghiwalay rin agad Naomi kay Aaron, hindi niya kayang mag settle for less, hindi niya kayang sayangin ang pagmamahal niya para sa taong walang alam kung hindi manloko.

Ginamit niya ang pagiging mautak niya upang sa muli nilang pagkikita ay pagsisihan nila na niloko nila si Naomi.

Nabalik sa ulirat si Naomi nang tumunog muli ang cellphone niya. Nakita niyang may nag-add sa kanya sa epbi.

“ Sino naman kaya ‘to? Si Franco o si Sir Lemuel? At bakit naman nila ako e-a-add? Kainis naman, dagdag pa mga 'to sa problema ko,” yamot ni Naomi.

Si Naomi ay isang fashion designer na nagtatrabaho sa Sandoval Clothing ng ilang taon. Isa siya sa malaking asset ng kompanya.

Ang Sandoval Clothing ay isa sa pinakasikat na kompanya sa clothing industry. Kaya normal lang na ang CEO ay mailap sa tao.

“Naomi, bakit hindi mo ako ina-accept sa epbi?” tanong ni Franco sa kanya. Habang kumukuha siya ng kape sa pantry. Sakto rin kasi na nakasabay niya si Franco.

“Tinatamad ako. At alin ba ang account mo dito?” Ipinakita ni Naomi kay Franco ang friend request nito.

“Hala, inadd ka ni boss! Nako naman! Mukhang malakas ang tama ng isang iyon sa'yo, Naomi.”

“Manahimik ka nga, Ayan ka na naman! Baka may makarinig sa'yo e kung ano pa ang isipin.”

“Lah, ang seryoso mo naman. Accept mo kami. Chat chat tayo, minsan boring din maging PA non, wala man lang inuutos, puro siya nalang. Ulirang CEO yarn?” natawa naman si Naomi sa sinabing iyon ni Franco.

Hindi niya rin maintindihan kung bakit gugol na gugol ang oras ng boss niya sa trabaho kung ganoon; marami naman silang empleyado na pwede nitong utusan.

Hindi niya maintindihan kung wala bang tiwala ang isang iyon sa kanila o masyado lang niyang mahal ang trabaho niya.

“Hayaan mo na 'yon, baka 'yon lang ang pinagkakaabalahan ni sir.”

“Ha? Asa! Abala rin kaya 'yon sa pang-s-stalk sa babaeng napupusuan niya?”

“E ano naman? Apaka chismoso mo rin, Franco. Iwasan mo 'yan, nako ka!”

“Sinasabi ko lang!” sigaw pa nito kay Naomi. “By the way, ex mo pala si Aaron, ano? Bakit hindi ko nga ba naisip 'yon? Syempre ex mo 'yon, kaya mo binanggit, hay. Hindi ka pa ba nakaka-move on sa kanya? Alam ko rin kung saan siya nagtatrabaho,” dugtong pa ni Franco.

Masamang titig ang ipinukol ni Moira kay Franco dahil sa mga sinabi nito.

“Anong ginawa mo? Inimbistigahan mo ba ang background niya? Or sakin? Ano naman kailangan mo? Alam mo, ikaw, napaka-chismoso mo talaga. Tantanan mo 'yan ha! Sinasabi ko sa'yo!” inis na ani niya kay Franco na ngayon ay natatawa nang sinasalag ang kanyang hampas.

“Don't worry, background lang naman. Medyo curious lang ako. Saka aanhin ko 'yon? Bakla ba ako? Ts, umusad kana nga dahil magiging Sandoval kana!”

“Manahimik ka, sabe,” sigaw ni Naomi dito.

Natawa namang iniwan siya ni Franco sa kanya.

Samantala, habang abala sa pagbabangayan si Naomi at Franco. Naroon rin sa isang sulok si Lemuel habang pinagmamasdan ang dalawa.

“So close na sila? Kelan pa? At bakit ganun na lang makitungo ang Franco na ‘yon kay Naomi?” ani pa niya sa kanyang sarili.

Hindi lubos maisip ni Lemuel na ganun na lang ka-close ang personal assistant niya at ang babaeng ilang gabi ng gumugulo sa isipan niya.

Muli niyang sinipat ang kanyang cellphone at binuksan ang epbi account, nagbabakasakali na e-accept siya ng dalaga sa friend request nito. Ngunit, bagsak-balikat niyang ibinalik sa bulsa ang cellphone nang makita niyang wala ni isa mang notification ang dumating.

“Napaka walang puso ng babae 'yon, pagkatapos niya akong baliwin, babaliwalain niya na lang ako ng ganon-ganon lang? Hah! What a manhid!”

Napabuga pa ng hangin si Lemuel habang frustrated na sumusulyap sa dalawang nagtatawanan na mas lalong ikinakuyom ng kanyang palad.

“Isa na lang, Naomi. Isa na lang talaga at itatali na kita sa buhay ko,” usal ni Lemuel at bumalik na sa kanyang opisina.

Hindi rin nagtagal ay pumasok si Franco na may malaking ngiti sa opisina ng binata.

“Hey, boss. Bakit ang sama ng timpla ng mukha mo? Here, kape ka muna.” tanong ni Franco habang inaabot sa kanya ang isang tasa ng kape.

“Lumayo ka sa pag-aari ko, Franco,” mariing sagot naman ni Aaron.

“Ha? Anong pag-aari? Ito bang opisina mo? Itong couches? Table? Ang hirap naman ng pinapagawa mo, boss. Sa dami dami ba naman na pag-aari mo, hindi ko na alam kung alin ang lalayuan ko! E parang pinapalabas mo naman na lumayas na ako,” mahabang saad naman sa kanya ni Franco na nakasimangot na.

“What the heck! What I mean is, layuan mo si Naomi!”

“Hanep sa pag-aari, boss. PA reminder lang ha, one-sided love ang nangyayari sa inyo at si Naomi ay in love pa sa ex niyang si Aaron.”

Dahil sa sinabi ni Franco, mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Lemuel.

“So ex niya pala yung Head Engineer ng kumpanya ni dad? Ts, cheap.”

“Anong cheap don? At least ayon, kahit hindi kasing yaman mo, e minahal 'yon ni Naomi,” pang-aasar sa kanya ni Franco.

“At least ako ang unang kumama kay, Naomi.” nakangising sagot ni Lemuel.

“Taasa ng confident ah, hirap abutin ang isang to. Good luck na lang talaga, boss. Sana mapaamo mo ang puso ni Naomi na wasak,”

“Shut up. Just stay away from her! Don't laugh when you're with her, don't flirt with her!”

“Makapag-bentang naman to! Hindi ko nilalandi 'yon, kinakaibigan ko lang. Ayaw mo 'non, boss? Ako ang bridge para magustuhan ka niya, bonus pa, mababantayan ko pa sa magtatangkang lumandi sa future wife mo,”

Napaisip naman si Lemuel ng mga sandaling iyon; napangiti siya nang maintindihan ang point ng kaibigan.

“Okay, basta huwag mo akong siraan sa kanya. Kailangan magustuhan niya ako or else mapipilitan akong angkinin siya sa maling paraan,” nakangising muli na ani niya kay Franco na ngayon ay nakanganga na.

“Grabe, boss. Natunaw na nga ang nyebe sa puso mo, isang Naomi na nobody and workaholic? Nay! Nakakadiri.” Umaakto pang nasusuka si Franco matapos niyang sabihin 'yon.

“Walang nakakadiri sa profession na meron siya! Baka nakakalimutan mo na asset natin si Naomi. You should respect her, or else I will kick you.”

“Oo na, boss. Hindi ka talaga mabiro, pero pag isang Naomi kaharap, tiklop!”

“Sa kama lang titiklop,” pilyong sagot niya.

“Nay! Nakakadiri talaga. Huwag mong sabihin na namimiss mo ang pagyugyugan niyo ni Naomi na hindi niya maalala? Grabe,”

“Ano bang pinagsasabi mo, Mauler? Pwede bang mind your own business na lang? Bumalik ka na sa trabaho mo,” mariing utos ni Lemuel sa kanyang kaibigan.

Napangisi muli ang binata ng muling sumagi sa kanyang isipan ang magandang katawan ni Naomi.

“Damn, I miss her. I miss her touch, I miss her body, I miss everything about her,” usal pa ni Lemuel sa kanyang sarili at bumalik na sa kanyang trabaho.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 74

    Nang magising si Naomi, tumambad sa kanya ang puting kisame at malamlam na ilaw galing dito. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid nang mapagtanto niyang nasa hospital siya at nakahiga sa isang single bed. Bigla siyang dinapuan ng kaba.“A-Anong nangyari sa'kin? ” tanong niya sa kanyang sarili

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 73

    “Anong ibig mong sabihin? ” nagtataka na tanong ni Lemuel sa Lolo niya.“Gusto nila akong patayin, Lemuel. Gusto nila akong patayin dahil hawak ko ang ebidensya na kayang makapag pabagsak sa kanila, hawak ko ang lahat ng baho ng organisasyon, at isang click ko lang sabog ang hideout nila.” Tinititi

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 72

    “What do you want? ” malamig na tanong ni Lemuel kay Rendon.“Ganyan ka bumati sa lolo mo? Where's your manner, apo? ” sarkastikong sagot naman ni Rendon kay Lemuel. Peke naman na tumawa si Lemuel dito at humarap kay Rendon.“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil busy ako ngayon,” matigas na sa

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 71

    “Shit, Naomi. Wake up! ” Niyugyog ni Lemuel ang balikat ni Naomi ngunit nang wala pa rin itong response nagpasya na syang buhatin at dalhin sa hospital.Mababakas naman ang gulat sa mukha ni Miren sa biglang pagsulpot ni Lemuel out of nowhere, at mas nagulat siya nang makita niyang walang malay ang

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 70

    “Are you sure this is the exact location? ” tanong ni Lemuel kay Franco ng makarating sila sa resort.“Yes, boss, si Miren mismo ang nag-share ng location sa'kin,” sagot naman ni Franco na palinga-linga at nagbabakasakali na mahagilap niya si Miren at Naomi.“Call her,” utos ni Lemuel.“Maglakad-lak

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 69

    “Hindi a, hula ko lang. Baliw na baliw yun sa'yo, halata naman kung makatitig nga sayo akala mo ikaw na ang pinakamaganda sa lahat. Hello, mas maganda ako sa'yo, Naomi! ” sabi pa ni Miren at may kasamang paghampas sa balikat ni Naomi.“Mas maganda ka? Pero bakit ilang beses kang niloko? ” nakataas k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status