Share

Kabanata 4

last update Tanggal publikasi: 2025-07-10 23:25:22

Kasalukuyan na silang nasa loob ng kotse ng maramdaman ni Naomi ang kanina pang pasulyap-sulyap na si Franco. Kahit pa nakatingin si Naomi sa bintana.

“Kanina ka pa tingin nang tingin sa’kin, may kailangan ka ba?”

Bakas ang gulat sa mukha ni Franco ng sandaling sabihin 'yon ni Naomi.

“Ako ba or ikaw?”

“Ano?” naguguluhang tanong ni Naomi kay Franco.

“C’mon, Naomi. Willing naman akong magkwento kahit sobrang haba, yapper kaya ako.” Napangiwi naman si Naomi nang maging ang pagiging madaldal ni Franco ay ipinagyabang pa nito sa kaniya. Ngunit bigla siyang nagkaroon ng ideya.

“Ano bang nangyari kagabi?” panimulang tanong ni Naomi.

“Wala kang maalala?” napailing naman ang dalaga.

“Masyadong mababa ang alcohol tolerance ko kaya kahit isang shot yan, lasing agad ako,”

“Halata nga,” tatango-tangong tugon sa kanya ni Franco.

“Nong gabing pauwi na ako, mali bang kotse ang napasukan ko?”

“Nadali mo! Future, Mrs. Sandoval!” pang-aasar pa sa kaniya ni Franco na ikinangiwi niya.

“Ano bang pinagsasabi mo dyan? Magtigil ka nga, nakakadiri ka.” angil ni Naomi dito.

“Wow naman, kung makatanggi, akala mo siya ang number 1 sa most beautiful woman sa buong mundo,”

“Wala kang pakialam! Magkwento ka pa,”

“Oh sige, kwento pala ang gusto ko e. Pagbibigyan kita,”

“Oo na, bilisan mo, sabe," nauubos na ang pasensya, sagot ni Naomi.

“Ayan, sa pagiging demanding mo kaya ka namamali. Grabe, kung tanggihan mo si boss, akala mo talaga ano, pagkatapos mong pasukin ang private car ni boss, mag-gaganyan ka! Alam mo bang sobrang kulit mo?”

“Talaga? Hindi ko alam hehe,"

“Naknam, Naomi. Ang hirap mong pagsabihan, sobrang kulit mo kagabi, grabe! Kilala na kita simula pa noong high school, pero hindi ko inaasahan na may ganong side ka pala kapag lasing ka! Kung makayapos kay boss, akala mo talaga close na close,”

“What? Niyakap ko si Sir? Totoo ba 'yon?” hindi makapaniwala na tanong pa ni Naomi.

“Oo, wala mo ngang pag-aalinlangan na niyakap si boss. Nong una, akala ko naglalasing-lasingan ka lang at gusto mo lang ng atensyon ni boss, pero nong yinakap mo siya, shit, akala ko tyansing rin ang gusto mo, pero mali, halatang wala ka sa sarili kagabi.” napapikit si Naomi dahil sa mga nalaman niya mula kay Franco.

“Ano, gusto mo pa bang ituloy ko? Pulang-pula na yang mukha mo ah, hiyang-hiya ka na ba?” tanong naman ng binata ngunit hindi magawang sumagot ni Naomi.

Natampal pa ni Naomi ang kanyang mukha, hindi alam ang sasabihin, pero gusto niya pa rin na ituloy ang kwento para malaman pa ang mga nangyari.

“Ituloy ko ha, tiyak kasing hindi ka na makaka-harap kay boss pag nalaman mo ang lahat. By the way, alam mo bang wala pang nakakayakap kay boss na kasing kapal ng mukha mo? Baka nga first hug ka ng nyebe nating boss, grabe ang kapal ng pagmumukha talaga nito.”

“Kainis! Nakakahiya pala ang pinaggagawa ko! Bwesit na alak! Never again!” sigaw ni Naomi sa loob ng kotse at pinaghahampas ang sarili, tawang-tawa naman si Franco dito.

“Teka nga, sino nga pala si Aaron?” muling tanong ni Franco na ikinatigil ni Naomi. Napayuko ito at huminga ng malalim.

“Bakit mo naman na tanong?” tanong nito kay Franco.

“Alam mo kasi, bukod sa pag yakap mo kay boss, ay hinalikan mo rin siya,”

“Ano? Hinalikan? Impossible!” Sigaw ni Naomi na ikinagulat ni Franco, kaya naman bigla itong napa-preno.

“Hoy, relax! Siraulo, gusto mo bang madisgrasya tayo? At gusto mo bang patayin ako ni boss kung may mangyaring masama sa'yo? Anaknam, Naomi naman! Huwag mo akong gugulatin ng ganon, mahal ko pa ang buhay ko,” natawa naman si Naomi.

Hindi niya aakalaing ganon ka-oa si Franco, gayong napakalambing rin ng pakikitungo nito sa kapwa niya empleyado.

“Pasensya kana, nabigla lang talaga ako. Sige na magkwento ka pa,” natatawang ani ni Naomi dito.

“Ewan ko naman sa'yo, nakakainis ka rin, ano? Teka lang ha, hihinga lang ako dahil masyado mo naman akong tinakot!” parang batang ani ni Franco pa dito.

“Pasensya na talaga, ituloy mo na.”

“Sige na nga. Ayon na nga, you kissed him, pero ang panget lang tignan dahil tinawag mo siyang Aaron habang yakap mo siya. At alam mo bang, hindi lang kiss! Kung hindi hard kiss, kumbaga laplapan ang gusto mong mangyari, kadiri kang babae ka! Walang delikadesa!”

“Hoy, grabe ka sakin! Bakla ka ba? Langyang to, kitang lasing ako! Ano bang malay ko sa mga pinaggagawa ko! At bakit ko nga ba nagawa 'yon? Kainis! Huwag na huwag niyo na akong aayain maglasing sa susunod, napapahamak ako!”

“HAHAHAH oo nga. Sino nga ba si Aaron? Ex, mo ba? ”

“Secret,” sagot ni Naomi rito.

“Whatever. Alam mo bang gusto pa sana kitang iuwi kagabi sa apartment mo?”

“Oh, bakit hindi mo ginawa? Isa ka rin e, baka gusto mo lang na mapahiya ako!”

“Hindi sa ganon, Naomi. Kaso nga lang, mag-isa ka lang sa apartment mo, right? So, ayon, hindi pumayag si boss, baka daw mapano ka. Since lasing na lasing ka na at nawawala ka sa wisyo, baka nga magpakamatay ka pag mag-isa ka,”

“Ulol, hindi ako ganon.”

“Sus, so ikaw ba at si boss ay..” muli bumaling sa kanya si Franco at sinipat ang kabuuan niya.

Nais niyang itanggi ang nangyari sa kanila, ngunit naroroon na sa leeg niya ang pruweba kahit anong ointment ang ilagay, bakas na bakas pa rin ang markang iniwan sa kanya ni Lemuel. Kaya naman wala siyang nagawa kundi tumango na lamang.

“Oo, nasa leeg ko naman na ang pruweba, nakikita mo naman na siguro,” mataray na saad ni Naomi at tinuro pa ang kanyang leeg.

“Mukhang ang gentleman ni boss sa kama,”

“Ha? Paano mo naman nasabi, Aber?”

“Kasi hindi niya linagyan ng kiss mark yang buo mong leeg,” matapos sabihin iyon ni Franco ay humagalpak ito ng tawa.

“Siraulo mo, ano?”

Masamang tingin ang ipinukol ni Naomi kay Franco.

“Gentleman, my ass!” usal niya pa rito.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 121

    Napalabi si Naomi nang sa paglabas niya sa room nila ni Nathalie ay nakasunod ito sa kanya. Napahinto siya at humarap kay Nathalie. “Sinabi ko bang sumunod ka? ” tanong nya habang nakataas ang kilay. “Asa ka. Nagugutom ako kaya gusto kong pumuntang caffe. Gusto mo yatang sumama, ano? ” sagot ni N

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 120

    “Are you okay? ” tanong ni Lemuel at hinawakan sa balikat si Franco. Napaigtad naman si Franco at namilog ang mga mata nitong umiwas ng tingin kay Lemuel. “Hey, what happened to you? May problema ka ba? ” Muling tanong ni Lemuel, sunod-sunod lang na umiling si Franco. Wala nang choice si Lemuel ku

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 119

    “Hoy, ayos ka lang, Naomi? ” tanong ni Franco kay Naomi habang nakatanaw lang ito sa labas ng hotel. Kasalukuyan itong nakapangalumbaba sa terrace kung saan naroon din si Franco, ngunit imbes na sagutin ni Naomi si Franco ay mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi nya pa rin kasi ma

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 118

    Nakatulog si Naomi nang ilang oras, naalimpungatan lang sya nang may tumapik sa balikat nya, nang magmulat siya ng mata inaasahan nyang si Lemuel ang bubungad sa kanya ngunit disappointed syang umiwas ng tingin nang makita nyang mukha ni Edward ang bumungad sa kanya. Walang imik siyang tumayo at su

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 117

    Isinalpak ni Lemuel ang headphones niya at may tinawagan. Matapos non ay tumingin siya sa gawi ni Naomi nang mapansin niya ang pagbusangot nito at bahagyang paghawak nito sa tiyan. “Are you okay? Are you feeling unwell? ” tanong ni Lemuel kay Naomi at hinawakan ang noo nito. Lumayo naman ng kaunti

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 116

    Samantala, marahas na hinila ni Naomi si Franco palayo sa mga kasama niya at kinurot ng bahagya. “Aray! Para saan 'yon, Naomi? ” dagdag pa ni Franco. “Para yan sa pagiging madaldal mo, Franco! Hindi mo ba nakikita yung mukha ni Nathalie? Nakakahalata na siya. Kapag talaga nabuking ang tungkol sa k

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 115

    Ngayon nakikita ni Naomi ang reflection sa pintuan ng elevator, hinawi pa niya ang kanyang buhok at ipinilig ang kanyang ulo. Ngunit hindi niya inaasahan na sa balikat ni Lemuel tatama ang ulo ni Naomi. Ngayon mukha na siyang pagod na pagod at gustong magpahinga sa balikat nito. Nagitla si Naomi

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 113

    Nauna nang tumungo si Lemuel sa sala habang si Naomi naman ay nagpasya nang maligo muna bago kumain. Nang makalabas siya ng kwarto, may narinig si Naomi na nag-uusap sa sala. Nagtataka man siya dahil pamilyar ang boses ng kausap ni Lemuel, ngunit sinawalang bahala niya na lang ito at diri-diritson

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 112

    Hindi namalayan ni Naomi na nakatulog na pala siya; matiwasay siyang nakatulog na walang iniisip na trabaho kinabukasan.Walang alarm clock na mambubulabog ng masarap niyang pahinga pero gulat siya nang sa pagmulat ng kanyang mata, ang mukha ni Lemuel ang bumungad sa kanya. Nanatili itong nakayakap

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 110

    “Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Lumayo ka nga sa ‘kin, akala ko kasi maanghang yung beef steak,” bahagya pang tinulak ni Naomi si Lemuel napangisi naman si Lemuel at ginulo ang buhok niya. “Kidding, I'm going to go up and take a shower first.”“Ha? Bakit? Are we going to share one bed tonight? ”“Yea?

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status