“Good afternoon, we will have a meeting in the conference room building V, that will start in ten minutes,” anunsyo ni Franco sa design department.
Napabuntong hininga si Naomi ng marinig 'yon. Hindi niya pa man siya nagsisimulang kumain ay iniwan niya na ito at dali-daling tumungo sa nasabing building. Namataan niya pa ang kanyang kaibigan na nakangiting kumakaway sa dako niya.
“Hey, Naomi. Nice clothes," nakangiting bati ni Miren sa kanya.
“Thanks. Kasali kayo sa confe meeting?” tanong ng dalaga sa kaibigan nang papasok sa elevator.
“Ha? Malamang! Nasa design department ako at designer din ako kagaya mo, lutang ka ba?” nakangiwing tanong ng kaibigan sa kanya.
“Oo nga pala. Nakalimutan ko,” natatawang sagot naman ni Naomi sa kaibigan.
“Ikaw ha, porket naka-professional suit ka diyan, ganyan ka na sakin. Pati ba ako, kinakalimutan mo na?” Tila nagtatampo na saad sa kanya ni Miren.
“Nope. Masyado lang occupied ang utak ko these past few days,” sagot ni Naomi.
“Halata nga, always kang lutang. Teka nga, close ba kayo ni Franco? Ikaw ha, kaya siguro may pa-professional suit ka nang nalalaman kasi lumalandi ka na ng hindi ko nalalaman,” napa taas ng kilay si Naomi sa kaibigan.
“Hindi. Ano ka ba! Ang hilig mo mang-issue, ano? Lahat nalang talaga napupuna mo, bruha. May cheneck lang na outputs si Franco.” litanya ni Naomi, kibit-balikat naman siyang tinignan ng kaibigan.
Palihim na napamura sa sarili si Naomi; hindi niya lubos maisip na sa pangalawang pagkakataon masusuot niya ang professional suit na galing sa kanyang boss.
“Bakit ba kasi ang likot-likot ng Franco na 'yon? May lahi siguro siyang kiti-kiti. Kung hindi niya lang ako nasagi at natapunan ng kape yung suot ko kanina, hinding-hindi ko to isusuot!” inis na usal ni Naomi sa kanyang sarili.
Wala na kasing choice si Naomi kundi isuot ang damit na galing sa boss niya, sapagkat iyun na lamang ang nasa locker niya at nakalimutan niyang magdala ng extra shirt na karaniwang ginagawa niya.
“Oh my gosh, Naomi! Makakasabay natin si Sir Lemuel!” Kinikilig na ani ng kanyang kaibigan habang kinukurot-kurot pa siya sa tagiliran.
“Pwede ba magtigil ka nga, nakakahiya ka!” saway ni Naomi sa kaibigan.
“Pasensya na, ha! Nakikita mo ba naman kasi ang nakikita ko? Hay, bakit ba kasi ang liit mo? Tingnan mo naman ang mestizo na chinito na pumigil sa elevator bago tuluyang sumarado ito,” tumingkayad naman ng kaunti si Naomi para makita ang tinutukoy niya.
Mas maliit pa kasi si Naomi sa kaibigan niyang si Miren. Hindi siya katangkaran pero hindi rin naman siya maliit, around 5’3 lang ang height niya at nasa 5’5 naman ang height ng kaibigan niya.
Dinapuan ng matinding kaba ang dalaga ng makita niyang ang boss niya nga ang naroroon sa bukana ng elevator.
“Hala? Ano naman, ginagawa niya dito?” takang tanong ni Naomi.
“Baka siya ang CEO natin, Naomi. Pwede ba naman na mawala siya sa kahit anong meeting? Wake up, girl. Kanina ka pa lutang," sagot sa kanya ni Miren, na ikinatampal niya sa noo.
“Lintek! Bakit nga ba hindi ko 'yon naisip? Malamang sa malamang kahit anong iwas ko sa lalaking 'to ay malabong mangyari! Pag-aari niya ang kinaroroonan mo, Naomi!”
“Bakit mo naman siya iniiwasan, Naomi? ”Takang tanong ni Miren sa kanya. Napatakip pa siya ng bibig nang ma-realize niyang may iba pala siyang kasama.
“Ha? Sinabi ko ba, Baka mali lang ang pagkakarinig mo,”palusot pa niya sa kaibigan.
“Oh, sige, sige. Tumabi ka muna, papunta sa gawi natin si boss. Gusto ko siyang katabi,” kinikilig na ani ng kaibigan habang tinutulak siya palayo sa kanya.
Masama niya pa itong tinignan nang sa huling pagtulak ng kaibigan ay kamuntikan na siyang matumba. Mabuti nalang at may bisig na nakasalo sa dalaga.
“Be careful,” baritonong ani ng lalaking nagmamay-ari ng mga bisig na kinaroroonan ngayon ni Naomi.
“O-Opo. Pasensya na,” sagot ng dalaga gamit ang nanginginig na boses.
Inayos pa niya ang sarili at medyo lumayo sa boss niyang ngayon ay titig na titig na sa kanya. Alam ng dalaga na sa mga oras na 'yon ay pulang-pula na ang buong mukha niya sa kahihiyan.
“Hi, Naomi. Inaccept mo na ba ako?” tanong naman ni Franco, na nung mga oras na yun ay nasa tabi niya na pala.
“Saan naman?” tanong ni Naomi.
“Sa epbi, Naomi.”
“Hindi pa, Franco. Para saan pa?” mataray na sagot ng dalaga.
“Para sa update mo sa buhay? Or should I say, para may taga-update ka sa buhay mo,” pang-aasar sa kanya ni Franco.
“Wow, type mo ba ang kaibigan ko, Franco?” singit naman ni Miren na ngayon ay nakangisi na nang tingnan ito ni Naomi. Nang mapunta ang tingin ni Naomi sa gawi ng boss niya, ay ganun na lamang ang gulat niya.
Masamang masama kasi ang titig nito na hindi pa rin inaalis sa kanya. Aminado si Naomi na kahit masamang titig ang ipukol sa kanya ng boss niya, ay nararamdaman niya pa rin ang init sa pisngi. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa nangyari sa kanila o may iba pa. Hindi niya mawari.
“Ano ka ba naman, Miren. Sinabi ko naman sa'yo na huwag mong ugaliing gawan kami ng isyu!” ani ni Naomi at hindi naalis ang tingin kay Lemuel.
“Talaga lang ha? E, bakit ka nakasuot ng professional suit ngayon? Ano to, change fashion? Sus, Naomi. Kilala kita! Alam kong alam mo na ayaw na ayaw mo ng professional suit,” hirit pa ng kaibigan.
Napakapit si Naomi sa laylayan ng kanyang coat, ni hindi alam kung paano ipapaliwanag ang kanyang sarili sa kaibigan na ngayon ay nakapamewang na.
Kahit sila lang apat ang naroroon sa elevator, ay hindi niya maiwasang matameme, lalo pa ngayon na titig na titig sa kanya ang kanyang boss na si Lemuel simula pa kanina.
“ Totoo naman yon, ayaw ko nga mag suot ng professional suit, masyadong mainit. Mukha akong sobrang sipag na employee at higit sa lahat, mukha akong model ng mga loan apps,” natawa pa siya sa sarili niyang biro. “Pero dahil fashion designer ako at head niyo ako, nakakahiya naman siguro na lahat kayo naka-professional suit habang ako naka-sibilyan suit, ano? Kaya magmula ngayon magiging role model niyo na ako, Miren. Ayan ang ipagkalat mo,” dugtong pa ni Naomi, sabay flip hair.
“Wow, slay, Naomi. Ganyan na ganyan mo siya nakuha,” makahulugan naman na ani ni Franco sa dalaga. Pasimple namang napangiti si Naomi.
“Shut up, Franco,” sabi pa niya dito.