Share

Kabanata 7

Author: WavesofIm
last update Last Updated: 2025-07-13 01:54:26

Muling natahimik ang loob ng elevator, pero hindi ang puso ni Naomi. Sino ba naman kasi ang hindi bibilis ang tibok ng puso kung ang lalaking sinukuan mo ng Bataan ay makakatabi mo?

Amoy na amoy rin ni Naomi ang pabango ng kanyang boss, at pabango pa lang ay sinampal na agad siya ng kayamanan ng nyebe niyang boss. Ikaw ba naman magkaroon ng pabangong most exclusive perfume ng Clive Christian? Ewan ko nalang.

Sa pagkakatanda ni Naomi, no. 1 most expensive perfume ang gamit ng boss niya.

“Passant Guardant by Clive Christian,” usal niya pa.

“Do you like it?” kunot-noo niyang sinulyapan ng tingin ang boss niya.

“Alin, Sir?” takang tanong nito.

“My perfume,” sagot naman ng binata.

“Lakas naman ng pandinig ng isang 'to,” saad ni Naomi.

“Masyado ka kasing malapit sa'kin, now answer my question. Do you like my perfume?”

“Hindi, Sir. Masyadong mahal, hindi ko afford.”

“How did you know? Maalam ka rin ba pagdating sa perfume?” usyuso ng binata.

“Hindi naman masyado, Sir. Pero yung pabango mo kasi is sikat at talagang palaging dumadaan sa news feed ko,” sagot naman ng dalaga.

“It's cost $228,000,” saad nito na ikinalaglag ng panga ni Naomi.

“Sobrang mahal. Hindi man lang nangalahati sa salary ko.” Nakita niya kung paano ngumiti ang binata, na ikina-init ng pisngi niya.

Ang makitang nakangiti ang isang Lemuel Sandoval ay masyadong rare. Kaya naman hindi siya makapaniwala na naririto ito sa harap niya at nakangiti pa.

“You’re blushing,” nabalik lang sa ulirat si Naomi ng muling magsalita ang boss niya.

“H-Ha? H-Hindi ah, M-Mainit lang kasi,” palusot pa ng dalaga.

Ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang paypayan siya ni Lemuel gamit ang sariling mga kamay nito. Narinig niya pa ang pag singhap ng dalawa sa likod niya.

“Haba ng hair ng prenny ko, ano Franco? Sa tingin mo, anong detergent ang gamit niya sa suit niya? Gayuma ba?” narinig niyang saad ni Miren sa likod nito.

“Naiinggit ka ba? Gusto mo rin paypayan gamit tong mga kamay ko?” Napangisi naman si Naomi sa sinabi ni Franco.

“E kung itong kamao ko ang gamitin kong pamaypay sa mukha mo?” mas lalong natawa si Naomi dahil sa pagiging sadista ng kaibigan.

“Taray, patawa-tawa ka nalang, Naomi? So anong eksena natin dito sa loob? Habang buhay bang ganto? Hoy, nakikita niyo ba yan? Nasa 5th floor na tayo, malantod,” ani ng kaibigan at nag pamauna ng lumabas.

Samantala, naiwan naman ang dalawa sa loob; hindi kasi alam ni Naomi kung paano niya ipapaliwanag ang suot niya sa katabi niya. Iniisip niya kasi na baka inaantay na ng lalaki na ibalik ito ni Naomi sa kanya.

“By the way, sir. Pasensya kana kung hindi ko pa maisasauli tong suit na pinahiram mo sakin ha? Natapunan kasi ng kape yong damit ko kanina kaya nagpalit ako. Nakalimutan ko rin na magdala ng extra shirt.” paghingi ng paumanhin ni Naomi nang mapansin niyang kanina pa siya nito sinisipat ng tingin mula ulo hanggang paa.

“It's okay. Para sa'yo talaga yan," sagot ni Lemuel.

“Po? Hindi ko 'to matatanggap, Sir. Hindi ko kayang bayaran.”

“Hindi ko naman sinabing bayaran mo, ang sabi ko lang ay para sa'yo talaga yan,”

“Per—” akmang sasagot pa sana si Naomi, ng putulin ito ni Lemuel.

“No more pero. Bagay sayo yung suit, mas lalo kang gumanda.” ani ni Lemuel at basta na lamang iniwan si Naomi.

Si Naomi na ngayon ay nakahawak na sa magkabilang pisngi nito dahil sa labis na hiya. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya.

“Sinabi niya ba talagang maganda ako? Ang isang Lemuel Sandoval ay sasabihan ng maganda ang isang Naomi? Lintik! Bakit ako kinikilig? Hoy, tantanan mo ang kaharutan, Naomi! Bawal kang kiligin sa nyebe na 'yon, bawal!”

Ngunit kahit anong pigil ni Naomi sa kanyang sarili ay hindi niya magawa, dahil tinatraydor siya ng kanyang sarili. Natagpuan muli ni Naomi na nakangiti siya habang palabas ng elevator.

Ngunit nawala ang mga ngiting iyon nang makita niyang nakaabang sa paglabas niya ang kaibigan na masamang-masama ang tingin.

“Anong ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka pa sumunod kay Franco?” takang tanong nito sa kaibigan.

“Maaga pa naman. Magpaliwanag ka na or kung gusto mo, magkwento ka naman sa best friend mo, kung bestfriend mo pa nga ba ako,” seryosong saad sa kanya ni Miren.

Hindi sanay si Naomi sa seryosong mukha ng kaibigan, kaya sa mga oras na yun ay nangangapa pa siya ng isasagot o gagawin palusot.

“Ano na, Naomi? Nagsisimula na akong mabagot, bilisan mo, baka ma-late tayo.”

“Wala. Wala akong dapat ipaliwanag o ikwento. Maging ako nalilito kung ano ba ang pakulo ng dalawang 'yun, ts.” palusot niya.

“Ha? Akala mo ba, bebenta sa akin yang palusot mo? Lumang style na yan, kaibigan.”

“Edi, huwag kang maniwala! Yan ang hirap sa'yo, Miren. Kahit nagsasabi naman ng totoo yung tao, hindi mo pa rin paniniwalaan. Bahala ka,” ani ni Naomi at iniwan ang kaibigan. Naramdaman niya naman ang pagsunod nito sa likuran niya.

“Hoy, ano ka ba? Ang seryoso mo naman. Concern lang naman kasi ako,” ani pa ng kaibigan kay Naomi nang magpantay ang lakad nila.

“Saan naman? At sakin ka pa talaga concern, ano, Miren?”

“Alam mo kasi, Naomi. Last week, nong may party sa department natin habang hinahanap kita kasi nga lasing na lasing ka na, nakita ko si sir Lemuel na may biglang yumakap na babae at hinalikan pa siya.” Bigla namang dinapuan ng kaba si Naomi; natatakot siya sa susunod na sasabihin ng kaibigan.

“E ano naman kinalaman ko don?” kunwaring tanong niya pa.

“Alam mo bang hinalikan rin ni Sir Lemuel yung babae!? So iniisip ko na baka may nangyari sa kanila noong gabing iyon. Nakakalungkot nga lang e, aware ka naman siguro na type na type ko ang isang yon.”

“H-Hayaan na natin siya. B-Buhay niya naman 'yon,” sagot ni Naomi. Napasinghap pa siya dahil nauubusan siya ng hangin. Natatakot siya na baka nakilala siya ng kaibigan nang gabing iyon.

“E, bakit ka nauutal? Palibhasa ang bet mo ay tall, handsome, and dark, e.”

“Ano naman kinalaman nito sa usapan natin, Miren? Ang random mo rin talaga minsan,” nakangiwing saad ni Naomi sa kaibigan.

“Ang akin lang, ang sarap kayang mahalin ng mga THCM!” bulalas pa ng kaibigan.

“Ano naman ang THCM?” takang tanong ni Naomi habang papasok sila sa conference room.

“ Ano pa ba, edi, Tall Handsome and Chinito Mestizo,” sigaw ng kaibigan sa mismong mukha niya.

“E ano bang pakialam mo sa perspective ko? E sa mas gusto ko ang tall, handsome and dark!” hirit rin ni Naomi sa kaibigan.

“Ouch, Bakit ba kasi ang puputi natin? Hindi tuloy tayo matipuhan ni, Naomi,” pabirong singit naman ni Franco na ikinatigil ng dalawa.

Hiyang-hiya silang dumiretso sa designated chair nila. Hindi kasi nila namalayan na sa gitna ng pagbabangayan nila ni Miren ay nakapasok na sila.

“Ano bang meron sa THD, Naomi? Always kong naririnig yan kahit sa ibang department, e.” usyuso ni Franco sa kanya.

“Hot daw yan para kay Naomi. For me lang ha, mas hot pang mestizo na chinito e bonus pa don pag tall and handsome ka,” singit naman ni Miren sa kanilang dalawa. Inirapan nalang ni Naomi ang kaibigan at walang balak na sagutin ang tanong ni Franco, na ngayon ay katabi niya.

“I agree. Mestizo Chinito is more handsome and attractive than Tall, handsome and dark.” Gulat ang lahat sa pagsingit ng kanyang boss.

Wala ni isa mang nakapag-salita agad. Bago para sa kanila ang eksenang iyon, eksenang sumingit ang boss nilang ubod ng lamig. Kahit hindi man magbago ang expression nito, ay halatang interesado ito sa pinag-uusapan nila, Naomi.

“See, pati si Sir Lemuel, na boss natin, agree sa type ko. Ikaw lang talaga ang kj, Naomi!” si Miren ang malakas ang loob na bumasag ng katahimikan habang nakangiti pang nakatingin kay Lemuel na ngayon ay naroon kay Naomi ang tingin habang naka-poker face.

“Baka naman TDH, yung ex ni Naomi. Kaya ganon pa rin ang type niya. My gosh, usad na girl,” singit naman ng Isa sa mga kasamahan niya sa trabaho, hanggang sa sunod sunod na ang pang aasar nito sa dalaga.

“H-Ha? Ano bang pinagsasabi niyo diyan? Wag kayong mandadawit ng hindi kasali!” saway niya sa mga ito.

“Let’s start the meeting and keep quiet.” seryosong ani ng boss niya sa kalagitnaan ng asaran.

“Ay, kj pa rin,” biro ni Franco.

“Don't interfere when I'm talking, or else I will fire you. Let's proceed to our main discussion.” seryusong saad ng binata at tumingin pa sa gawi ni Naomi. Ngayon ay hindi mapangalanan ang kabang nararamdaman.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 115

    Ngayon nakikita ni Naomi ang reflection sa pintuan ng elevator, hinawi pa niya ang kanyang buhok at ipinilig ang kanyang ulo. Ngunit hindi niya inaasahan na sa balikat ni Lemuel tatama ang ulo ni Naomi. Ngayon mukha na siyang pagod na pagod at gustong magpahinga sa balikat nito. Nagitla si Naomi

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 114

    “O-Okay, thank you, Lemuel.” Naiilang na sabi ni Naomi, tumango naman si Lemuel dito. “Wala yon, normal lang naman sa mag-asawa yon, Naomi,” nakangiting sagot ni Lemuel. Ngumiti na lang rin si Naomi. Ni minsan wala pang nakapag-ayos ng gamit niya sa tuwing aalis siya, wala pang tumulong sa ka

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 113

    Nauna nang tumungo si Lemuel sa sala habang si Naomi naman ay nagpasya nang maligo muna bago kumain. Nang makalabas siya ng kwarto, may narinig si Naomi na nag-uusap sa sala. Nagtataka man siya dahil pamilyar ang boses ng kausap ni Lemuel, ngunit sinawalang bahala niya na lang ito at diri-diritson

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 112

    Hindi namalayan ni Naomi na nakatulog na pala siya; matiwasay siyang nakatulog na walang iniisip na trabaho kinabukasan.Walang alarm clock na mambubulabog ng masarap niyang pahinga pero gulat siya nang sa pagmulat ng kanyang mata, ang mukha ni Lemuel ang bumungad sa kanya. Nanatili itong nakayakap

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 111

    Pasado alas onse na ng gabi nang natapos si Naomi sa ginagawa, maging si Lemuel ay tumayo na rin ng makita na papasok na sa kwarto si Naomi. “Go to sleep first,” said ni Lemuel sa kanya. “Bakit? Hindi ka pa ba tapos? ” “Tapos na,” nakangiting sagot ni Lemuel. Agad naman na dinapuan ng kaba si Nao

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 110

    “Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Lumayo ka nga sa ‘kin, akala ko kasi maanghang yung beef steak,” bahagya pang tinulak ni Naomi si Lemuel napangisi naman si Lemuel at ginulo ang buhok niya. “Kidding, I'm going to go up and take a shower first.”“Ha? Bakit? Are we going to share one bed tonight? ”“Yea?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status