CHAPTER 104Lumabas naman na muna ng silid ni Vin si Valerie nang mapansin nya na natutulog na si Vin. Balak nyang puntahan ang doktor ni Vin para kausapin eto tungkol sa kalagayan ng kanyang anak. Hindi pa man nakakalayo si Valerie ng may tumawag sa kanya. Agad naman na lumingon si Valerie rito."Tita Valerie excuse me po," agad na sabi ni Sarah. "O hija bakit? May kailangan ka ba?" Tanong ni Valerie kay Sarah."Tita pasensya na po pero ano po ang nangyare kay Vin ngayon? Bakit si Nicole ang gusto nyang kasama at hindi si Bella?" Sunod sunod na tanong ni Sarah rito. Napabuntong hininga naman si Valerie at inaya na muna nyang maupo roon sa Sarah."Hindi makilala ni Vin si Bella. At tanging si Bella lamang ang hindi nya naaalala dahil lahat naman kami ay nakikilala nya," sagot ni Valerie kay Sarah. Nagulat naman si Sarah sa nalaman nya."Po? Pero bakit si Bella lang tita? Bakit si Nicole nakikilala pa rin nya?" Tanong pa ni Sarah."Nagka amnesia si Vin, Sarah. Siguro yun ang naging e
CHAPTER 105Pagkalabas naman ni Valerie ng room ni Vin ay agad na sumunod sa kanya si Sarah kaya naiwan naman doon sila Bella, Nicole at ang dalawang kapatid ni Vin upang magbantay rito.Ilang saglit pa ay nakatulog na ulet si Vin dahil siguro sa ininom na gamot kaya eto nakatulog kaagad. Nang makita ni Nicole na mahimbing na ang tulog ni Vin ay lumapit eto sa gawi ni Bella."Pano ba yan hindi ka maalala ni Vin at ako ang gusto nyang makasama. Siguro naman alam mo na kung saan ka lulugar ngayon," nang aasar na sabi ni Nicole kay Bella. Napatingin naman si Bella kay Nicole at hinarap eto."Siguro nga hindi ako maalala ni Vin sa ngayon pero alam ko sa puso nya ako ang nilalaman non at hindi ikaw," sagot ni Bella."Talaga ba? E kung ikaw pala ang laman ng puso nya bakit ako ang gusto nyang kasama at hindi ikaw?" Naka taas pa ang kilay na sabi ni Nicole."Baka nakakalimutan mo na may amnesia si Vin ngayon kaya hindi nya ako maalala. Mag enjoy ka lang dahil kapag bumalik na ang alaala ni V
CHAPTER 106"Anong nangyayare rito?" Agad na tanong ni Valerie sa mga eto.Napayuko naman si Bella na patuloy pa rin sa pag iyak. Samantalang ang magkapatid naman na Nicole at Sarah ay mataman na nagtititigan."Wala naman po tita. Konting mis understanding lamang po," sagot ni Nicole. Tiningnan naman ni Valerie si Bella at Sarah."I think tita kailangan na muna namin umuwi ni Nicole," sabi ni Sarah."No ate. Hindi ako uuwi. Dito lang ako dahil ang gusto ni Vin ay dito lamang ako sa tabi nya," pagtutol ni Nicole sa sinabi ng kanyang ate."Please Nicole. Mahiya ka naman sa mommy ni Vin," sabi ni Sarah."Dito lang ako ate. Kung gusto mo nang umuwi ay maaari ka namang umuwi basta ako ay dito lamang sa tabi ni Vin," sagot ni Nicole at bumalik na sya sa upuan na nasa tabi ng higaan ni Vin."Hayaan mo na lang muna sya hija," sabi ni Valerie kay Sarah. Tumango tango naman si Sarah rito at nagpasya na manatili na rin muna roon."Ayos ka lamang ba Bella?" Tanong ni Valerie kay Bella ng umupo sy
CHAPTER 107VIN POVHindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil parang may kulang sa akin. Simula kasi ng magising ako ay masakit na ang ulo ko at parang galing ako sa napakahabang pagtulog. Ni hindi ko nga maalala ang aksidenteng nangyare raw sa akin kaya nagtatanong pa ako kay Mama kung ano ba talaga ang nangyare sa akin. Hindi ko rin makilala ang babae na kasama nila na magbantay sa akin na nag ngangalan na Bella. Sa tuwing tinititigan ko eto ay hindi ko talaga maalala kung sino ba eto. Pinipilit ko naman na maalala kung sino eto pero wala talaga.******Pagkagising ko ay agad na tumambad sa akin ang mukha ni Nicole na nakatitig sa akin. Napangiti naman ako rito. Kinumusta pa ako neto at may sinabi sya na tungkol daw sa kasal namin at dahil hindi ko namn iyon maalala ay sumang ayon na lamang ako rito. Narinig ko pa ang pagtutol ni Bella at nagkasagutan pa sila Nicole.Nainis naman ako sa pagsasagutan nilang dalawa kaya pina alis ko na lamang eto. Pero habang paalis eto ay hindi
CHAPTER 108BELLA POVKanina ko pa gustong umiyak pero pinipigilan ko lamang ang sarili ko. Sobrang sakit na makita na iba ang gustong makasama ng taong mahal mo tapos pinaalis pa ako nito doon sa ospital. Wala na rin naman akong nagawa pa kundi ang umalis na muna dahil ayoko naman na magalit eto sa akin.Sobrang sakit na sa isang iglap ay nawala lahat ang mga alaala ni Vin na kasama ako. Napapatanong na lamang ako kung bakit ako pa talaga ang nakalimutan ni Vin? Bakit hindi na lamang si Nicole.Inihatid naman ako ni Sarah dito sa aming bahay. Wala ang mga kasama ko rito dahil may mga pasok sa trabaho. Hindi rin naman nagtagal si Sarah dito dahil kailangan daw nyang bumalik kaagad sa ospital dahil baka kung ano pa raw gawin ng kapatid nyang si Nicole. Nagpapasalamat naman ako dahil kahit papaano ay may handa pa rin pala na tumulong sa amin ni Vin kung nagkataon.Nang maiwan akong mag isa dito sa aming bahay ay dumiretso na ako sa aking higaan. Pagkaupo ko pa lamang dito ay hindi ko na
CHAPTER 109THIRD PERSON POVPagkahatid ni Sarah kay Bella ay agad na syang bumalik sa ospital. Sa totoo lang ay kanina pa nya gustong gusto n hilahin si Nicole pauwi s knila. Naiinis na sya lalo sa kapatid nya dahil s ginagawa neto ngayon.Pagkarating nya roon ay naabutan nya na nasa labas ng kwarto ni Vin si Nicole kaya dali dali nya etong linapitan."Mabuti naman at nagkaroon ka pa ng hiya at iniwan mo si Vin ngayon," agad na sabi ni Sarah kay Nicole. Agad naman na nag angat ng tingin si Nicole nang may magsalita sa harapan nya at nakita nya ang ate Sarah nya kaya napairap na lamang sya rito."Bakit ba hindi ka na lamang umuwi ate? Bakit ba sinusundan mo ako rito?" iirap irap na tanonh ni Nicole sa ate Sarah nya."Hindi ako uuwi hanggat hindi kita kasama. Nicole hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Inaabuso mo ang kalagayan ni Vin ngayon. Hindi pa nya maalala ang ibang bagay tapos ikaw eto at ipinipilit na naman ang kasal na yan. Pwede bang itigil mo na lamang ang kahibangan mong y
CHAPTER 110Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay lalabas na ng ospital si Vin. Ilang araw din nag stay sa ospital si Vin at talagang palaging nasa tabi nya si Nicole. Umaalis lamang eto tuwing uuwi para maligo at magpalit ng damit pagkatapos ay babalik na rin kaagad ng ospital.Si Bella naman ay pumupunta roon pero palaging hinaharangan ni Nicole at ayaw palapitin man lang kay Vin. Minsan ay nakakalapit si Bella kapag wala si Nicole pero hindi naman sya kinakausap ni Vin."Okay naman na po sya Mrs. De Villa. Medyo okay naman na po ang mga sugat nya. Tanging ang kanyang amnesia na lamang po ang ating problema sa ngayon. Advice ko lamang po ay wag nyo syang bibiglain. Dahan dahanin nyo lamang po sya para unti unti pong bumalik ang mga nawala nyang alaala. Minsan po ay maaaring makaramdam po sya ng pagsakit ng ulo lalo na po kapag may mga alaala po sya na bumabalik at normal lamang po iyon kapag po nakaramdam sya ng ganoon ay pagpahingahin nyo po muna sya," pagpapaliwan
CHAPTER 111"Hi Vi-vin," sabi ni Bella ng makapasok sya sa kwarto ni Vin. Kinakabahan talaga sya na kausapin si Vin dahil natatakot sya na baka ipagtabuyan na naman sya neto."Gusto mo raw ako maka usap," agad na sabi ni Vin."O-oo sa-sana," kandautal na sagot ni Bella. Napabuntong hininga naman si Vin at umupo na sya sa sofa doon sa kanyang kwarto."Maupo ka," pag aaya ni Vin kay Bella. Agad naman na naupo si Bella sa may tabi ni Vin."Vin hi-hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero Vin makikiusap sana ako sayo sana wag ka munang pumayag na matuloy ang kasal nyo ni Nicole hanggat hindi pa bumabalik ang alaala mo," pakiusap ni Bella kay Vin. Pinipilit nyang huwag maiyak sa harapan ni Vin. Liningon naman ni Vin si Bella."Bella pasensya ka na pero hindi talaga kita maalala. Nakiusap na rin naman sa akin si Mama tungkol sa bagay na yan. Sisikapin kong pakiusapan si Nicole dahil ang alam ko ay pinapa asikaso na nya ang kasal namin," sagot ni Vin."Vin handa akong tulungan ka na maalala