Gumaan ang loob ko sa pinagdalhan sa akin ni Lorenzo. By the time we went home, nakalimutan ko na ang stress na nararamdaman ko para sa meeting.Maaga akong nagising kinabukasan. Papasok ako nang mas maaga para masiguradong ready na ang conference room na gagamitin. Maaga rin daw na papasok si Mrs. Mercado dahil siya naman ang tatayo sa harap.Pagdating ko sa opisina, pang-apat ako sa mga nauna sa office. Umupo ako sa table ko at kinuha ang laptop. Ni-print ko na ang sample agenda at iba pang kailangang documents. While waiting, nag-remind ako sa mga kailangang dumalo sa meeting—ang head ng pharmacy, ang admin, at ilang doctors.Hindi rin nagtagal ay dumating si Mrs. Mercado. Doon pa lang ako lumabas para pumunta sa conference room. I checked the equipment para ready na mamaya.As time passed, I grew uneasy. Kaya nang marinig kong tinatawag na ako ni Mrs. Mercado dahil malapit na ang oras, para akong mahihilo. Nag-rason pa ako kanina kung puwedeng hindi ako pumunta pero hindi siya pum
The day I made Levi sign the contract, I cried myself to sleep. Hindi ko lang matanggap na kinailangan ko pa talagang maramdaman yon bago siya pumirma.Pero wala na rin naman akong narinig pa kay Tito. The next day, parang wala lang nangyari. Habang kumakain ako ng almusal, tumawag si Mrs. Mercado. She was thankful… kasi siya ang humarap kay Tito sa office, at base sa paraan ng pasasalamat niya, parang napakalaki ng nagawa kong tulong sa kanya.I don't know why she kept on saying thank you when this is just for work. Maybe something happened in the office, I don't know. All I know is that she's thankful I made Levi sign the contract.Pagdating ko sa opisina, mabilis kaming nag-usap ni Mrs. Mercado. She discussed with me the things we should do para mapabilis ang pagsisimula ng collaboration.Matapos ang thirty minutes naming meeting, ibinigay niya sa akin ang laptop niya para ipabasa ang ginawa niyang report.“Serena, mas mabuti sigurong ikaw ang mag-report niyan sa meeting dahil fami
Hindi ko na nagawang lumingon kung umalis ba si Levi. Hearing that Tito was waiting for me made me so scared I couldn’t care about anything else.Kumakalabog ang dibdib ko habang naglalakad kami papasok ng mansion. Akala ko ay papasok pa ako sa opisina ni Tito pero hindi na pala kailangan. Nasa living area siya. May hawak na baso at halatang nakainom. May basag na bote sa harap niya.“Kanina pa ako naghihintay sa’yo, Serena!” His voice echoed around the mansion.‘Yong kasambahay na nagbukas sa akin ay nawala na. Kahit naman ako, kung alam kong hindi naman sa akin nagagalit si Tito, mas gugustuhin kong hindi niya ako nakikita. Kaya lang ay sa akin siya galit ngayon!Suminghap ako nang makita ko si Mama na nakatayo sa gilid. She was crying. Katabi niya si Tita, kita kong may sinasabi siya kay Mama.“I’m sorry, Tito. May pinuntahan pa kasi akong party,” kinakabahan kong sabi.My breath hitched when Tito stood up. Nanlamig ako dahil ang higpit ng hawak niya sa baso niya. He could throw it
Kalaunan din ay bumuhos ang luha ko. Hindi ako pwedeng hindi umuwi kasi baka madamay si Mama. I still have to face Tito. Kung ano man ang mangyayari, I have to suck it up. Pinaaral nila ako and the least I can do is to have Levi's signature na hindi ko pa makuha. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ako pwedeng hindi umuwi pero ayaw ko ring umuwi. I feel like someone is waiting for me at home. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo lang doon. It was too silent until I heard voices. “Stop the lady from crying, Levi,” rinig ko biglang sabi ng hindi ko kilalang boses. Tumingala ako at kita kong naglalakad sila palapit sa akin…yong nagsalitang lalaki at si Levi. Pinulot nong lalaki ang bag ko, si Levi ay nagpatuloy sa paglalakad papunta sa akin. I glared at him. “Stop crying and go home. It's late,” sabi niya nang nasa tapat ko na siya. “Do not tell me what to do!” Pumikit ako ng mariin, naiinis na kailangan pa niyang bumalik para makita akong nagdudusa dito. “Are you sure you kn
Nagmamadali akong sumunod sa pinuntahan niya. Muntik pa akong may mabangga sa pagmamadali.I groaned when I saw him turn to the left. Nawala siya sa mata ko. Halos tumakbo na ako para lang abutan siya. Pagdating ko sa linikuan niya ay sinalubong ako ng dilim. May kaunting ilaw, enough to see the way pero madilim pa rin.Suminghap ako nang wala akong makitang tao. Mas nagmadali pa ako sa paglalakad. Bawat hakbang ko na wala akong nakikitang bulto ng tao ay siya ring pagbilis ng tibok ng puso ko.Pero nahinto rin ako nang biglang may narinig akong dalawang boses.“Levi, please…” nagmamakaawa ang isang babae.Hindi ko marinig kung may sinasabi ba si Levi.“Say something. I said I love you. Wala ka pa ring sasabihin?” nasasaktang sabi ng babae.“Did you call me for this?” marahang tanong ni Levi.Napatakip ako sa bibig. My heart skipped a beat for unknown reason.“Yes. I tried to forget about this feeling pero hindi ko magawa. Can you give me a chance? Let's try for months or a year,” ma
Mabibigat na ang bawat lakad ko.“Bakit hindi siya papasok? May sakit pa rin siya?” hindi mapakaling tanong ko.“Serena, umupo ka muna.”But I can’t just sit. Hindi ko kayang umupo. I have to do something.Patuloy ako sa paglalakad pabalik-balik. It’s just a sign, bakit ang hirap-hirap kunin? I have my report ready with me! Hindi kasi siya nagpapakita kaya hindi ko siya makausap!Napahawak ako sa sentido ko habang hindi pa rin makaisip ng gagawin. This can only be solved if I see Levi on this day. Kasi kung hindi, ayaw ko munang umuwi. At saan ako mananatili? Mama will kill me!“Serena, hindi siya makakapasok dahil may dadaluhan siyang party sa gabi,” sagot ni Simon nang hindi na ako mapakali.Doon ko lang siya natapunan ng tingin. Doon ko lang nakita kung paano may concern sa mukha niya habang nakatingin sa akin.Lumapit ako sa table niya. Maybe the desperation is dripping inside me now na wala na akong naiisip kundi kailangan kong makita si Levi.“Alam mo kung saang party ‘yon?” tan