Share

My Billionaire Ex-husband Regrets
My Billionaire Ex-husband Regrets
Author: Sapphire Dyace

Chapter 1

last update Huling Na-update: 2024-07-15 16:02:34

ESTELLA:

"Hindi ako magpapakasal sa matandang ‘yon, Papa," ang mariing sabi ni Estella, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit at hinanakit. "Hindi ko kayang tanggapin ang hinihiling mo sa akin." Ang kanyang boses ay nanginginig sa pagpigil ng mga luha, ngunit hindi niya hahayaang makita ng mga impakta na umiiyak siya.

"Bakit ako magpapakasal sa matandang ‘yon? Gusto mo bang masira ang buhay ko? Papa, masyadong matanda si Don Lucas para sa akin… mas matanda pa siya sa’yo!" Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at puno ng hinanakit na tumingin sa ama. "D-Daig mo pa akong binenta sa matanda na ‘yon.”

“Exactly, sis, ” Nakangising singit ni Luna, ang kanyang kapatid sa ama, “bakit hindi ka nalang pumayag? Matanda na siya at hindi hindi na magtatagal, mababalo ka rin naman ng maaga kaya sumunod ka nalang sa gusto ni papa.” Ang kanyang mga salita ay puno ng pang-uuyam at kawalang-interes sa tunay na kalagayan ni Estella.

"Bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal? Kayo naman ang nakaisip at kayo naman ang higit na makikinabang. Masyado kayong atat na magkapera kaya kahit ako nais ninyong gamitin!” Matapang na sagot ni Estella, ang kanyang mga salita ay puno ng pagkasuklam at poot.

Ang kanyang mga salita ay tumama sa puso ni Luna, na nagpaalab sa galit nito at pagkainggit.

Isang malutong na sampal ang tumama sa pisngi ni Estella. Lahat ay panandaliang nagulat, kabilang ang masdrasta at mga kapatid. Ngunit sandali lamang iyon. Nakita ni Estella ang nakakalokong ngiti ng mga ‘to. Ang kanilang mga ngiti ay nagpapahiwatig ng kanilang kasiyahan sa kanyang paghihirap at kawalan ng magawa.

"Bakit ganyan ka makipag-usap sa kapatid mo, ha?! Wala kang galang! Ikaw ang tipo ng matandang iyon kaya ikaw ang magpapakasal sa kanya!” Galit na singhal ng kanyang ama. Ang kanyang mga salita ay nagpapakita ng kawalan ng pag-unawa at pagmamahal sa sariling anak; na siyang nagbigay ng ibayong sakit sa damdamin ni Estella.

"H-hahayaan mo talaga na makasal ako sa kanya ng dahil lamang sa pera? H-hindi mahalaga sa’yo ang nararamdaman ko?” Pinigilan niyang tumulo ang kanyang luha, o magpakita ng anumang emosyon. Hindi niya bibigyan ng kasiyahan ang madrasta at mga stepsisters, hindi siya magpapakita ng kahinaan.

"Makinig ka, Estella. Hindi basta pera ang hinahabol natin dito! Ang ating kumpanya ay palubog na dahil sa mga pagkakautang. Alam mo naman ang negosyo ngayon, mahirap makipagkumpitensiya, tapos ikaw, magiging makasarili ka lang?!" sigaw ng kanyang ama. "Makisama ka naman!"

"Wow! Wow! At ako pa pala ang walang pakisama ngayon dito? Ang galing! Nagtatrabaho ako sa kumpanya, na hindi man lang nakakatanggap ng tamang pasahod, dahil ang dahilan niyang asawa niyo, pinapalamon naman ako. Eh bakit yang mga anak niyo sa labas? Kung magwaldas, sila ng pera ay parang may ambag sila sa negosyo?" Nailabas na ni Estella ang kanyang sama ng loob. "Ako ang tunay niyong anak dito, Pa, ako! Pero parang ako pa ang kailangang magsakripisyo. Pati kalayaan ko, gusto niyong ibayad sa matandang iyon para lang maisalba ang kumpanya? Kung hindi gastador yang mga babaeng iyan ay hindi tayo mababankrupt!"

"Maristella!" Tumayo ang kanyang madrasta at lumapit sa kanyang ama. "Bakit pinagsasalitaan mo kami ng ganiyan?Baka nakakalimutan mo na ako nag-alaga sayo noong mamatay ang mama mo!" Maluha-luhang wika ng babae, puno ng pagkukunwari at pagpapanggap.

"Talaga? Inalagaan? Kaya pala pinapabaunan mo lang ako ng mga tira-tira ng mga anak mo? Inangkin mo ang aking kwarto, at pinilit ipamigay sa kanila ang aking mga damit! Ganoon ba ang inalagaan?" Ang kanyang mga salita ay puno ng pagkapoot at pagkadismaya sa kanyang madrasta.

"Manahimik ka na, Maristella!" sigaw ng kanyang ama. "Baka hindi kita matantiya, tamaan ka ulit sa akin!" Ang kanyang mga salita ay nagpapakita ng kanyang kawalan ng pag-unawa at pagmamahal sa kanyang anak.

"Okay lang Pa, kahit gulpihin mo ako, pero hindi kita susundin!" sagot ni Estella. "Bakit hindi nalang sila ang ipakasal niyo, tutal, mas matanda naman sila sa akin?"

"Wag mo nga akong isinadamay diyan!" asik ni Rosa kay Estella. "Magpakasal ka na lang kasi. Alam mo sis, tama naman si Luna, mamamatay na rin siya, baka nga hindi ka na makakangkang nun kasi mahina na ang tuhod--- ouch! How dare you slap me?" Nanglilisik ang mata nito habang hawak ang nasaktan na pisngi.

"Estella!" Lumapit si Tita Ellen. "Bakit mo sinaktan ang kapatid mo?"

"Ang bastos ng bunganga niya, narinig niyo ba?" galit na sabi ni Estella. "Makangkang? Ano ako, hayop?"

"Totoo naman yun eh," pangangatwiran ni Rosa. "Makakang—“

"Enough!" sigaw ng kanilang ama. "Sa ayaw at sa gusto mo, Estella, magpapakasal ka kay Don Lucas! Ako pa rin ang masusunod sa bahay na ito!"

"Sir, may bisita po," sabi ni Lara, ang kanilang kasambahay. "Si Don Lucas po."

"Papasukin mo," sagot ng kanyang ama.

Nagkukulo ang kalooban ni Estella. Parang mga galing impiyerno ang mga mukha ng kanyang mga kaharap. Bigla niyang nakita ang mukha ng matandang manyak na si Don Lucas.

"Richard!" Nakabuka ang kamay ng kanyang ama na inabot ni Don Lucas.

"Don Lucas, eksakto. Narito si Estella ngayon," nakangiting sabi ng kanyang ama. "Anak, si Don Lucas."

"Excuse me, may gagawin pa ko," sabi ni Estella at iniwan ang mga ito sa sala.

"Maristella!" Tawag ng kaniyang ama, subalit hindi niya binigyan pansin iyon. Namamayani ang sakit, hinanakit at poot sa kanyang puso.

Sa itaas ng hagdan ay huminto siya para pakinggan ang kanilang usapan.

“Nagtatalo ba kayo dahil sa kasal? Hindi ba siya pumayag na makasal sa akin?” Tanong ni Don Lucas sa ama ni Estella.

Tumawa ang ama ni Estella. “Wala kang dapat ipag-alala, nagulat lamang siya pero agad din na pumayag. Saka ano ba ang magagawa niya? Ako pa rin ang masusunod sa bagay na ito, wala siyang magagawa kundi ang sumunod.” Sagot ng kaniyang ama.

Kumuyom ang mga kamao ni Estella. Hindi siya makapaniwala na magagawa ito sa kanya ng sariling ama. Simula ng mamatay ang kanyang ina ay siya pa ang naging outcast sa pamilya.

“Tama ang asawa ko, Don Lucas. Walang magagawa si Estella kung sakali na tumanggi siya.” Singit ng madrasta ni Estella. “Alam mong pinag-uusapan namin ay ang motif ng inyong kasal. Ayaw niya sa napili namin, kaya siya nagalit."

Ngumisi ang matandang si Don Lucas. “Hmm, gano’n ba. Kung gano’n ay bakit hindi siya pagbigyan? Espesyal na okasyon ito sa isang babae, lalo na at siya naman ang ikakasal.” Hindi maitago ang kasiyahan sa mukhang wika ng matanda. "Hindi na ako makapaghintay na makasal kaming dalawa. Matagal ko nang gusto si Estella… sa wakas ay mapapangasawa ko na siya!”

Nagkatinginan ng makahulugan ang mag-iina, nasa mukha ang tuwa.

"Kailan ako maaaring mamanhikan?" tanong ng matanda.

"Kahit sa isang linggo na lang. Para handang-handa na si Estella," sagot ng kanyang ama.

Kinikilabutan si Estella sa pinag-uusapan nila. Hindi siya makakapayag na makasal sa matandang ito. Kailangan niyang makaalis ng bahay at makatakas. Hindi niya kayang tanggapin na mapakasal sa lalaking halos limang dekada ang tanda sa kanya. Tatakas at lalayas siya!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Final Chapter

    Sobrang lungkot si Ram. Kung ano ano ang sumasagi sa kanyang isipan. Simula bayan, lalakarin lang niya hanggang bahay, para makapag isip siya ng tama. Iba pala talaga kapag nagmahal ang puso. Ang tama sa kanya ay sobra sobra. Sari sari ang pumapasok sa kanyang isipan, marahil, isinama na ni Ludwig sina Estella. Wala na siyang habol doon. Legal na asawa yun. Habang naglalakad si Ram, ang bigat sa kanyang dibdib ay lalong bumibigat sa bawat hakbang. Hindi na niya mabilang kung ilang oras na siyang naglalakad, parang wala na siyang pakialam kung gaano kalayo ang mararating niya. Pakiramdam niya ay wala nang halaga ang oras o direksyon—lahat ay mistulang nawalan ng saysay mula nang mawala sa kanya si Estella at ang mga anak nila. Ang tahimik na gabi ay parang sumasalamin sa kanyang kalungkutan. Ang mga ilaw ng poste ay nagbibigay ng malabong liwanag, habang ang mga dahon ng puno ay sumasayaw sa hangin na tila binubulong sa kanya ang mga alaala ng mga masasayang araw kasama si Est

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 117

    "Ayoko ng makarinig ng kasinungalingang mo, Raquel.." malumanay na sabi ni Ludwig kay Raquel, "tama na.. mamamatay ka na, sinungaling ka pa." "Totoo ang sinasabi ko, Ludwig, "sagot ni Raquel, "maniwala ka naman sakin, please naman.." Ang kanyang mga luha ay patuloy na umagos, dahil sa takot na maaaring gawin ni Ludwig sa kanilang dalawa. Ang labis na pagpapatakbo nito ng mabilis at ang granadang hawak nito ang nagbibigay pangamba lalo sa kanya. "Pinaghiwalay niyo kami ng asawa ko, ngayon, muntik mo na akong ipapatay. Ganyan ka ba magmahal, Raquel?" naningkit ang luhaang mata ni Ludwig. "Ako naman ang nauna, Ludwig, ako.. Hindi si Estella.. Kahit pinalabas naming patay na siya, parang wala pa rin sa akin ang puso mo. Gaano ako katagal maghihintay upang mahalin mo ulit?" "Mabuting tao si Estella, Raquel," napapailing si Ludwig, "hindi mo siya kayang pantayan." Parang kutsilyo na tumusok sa kanya ang sinabing mga salita ni Ludwig. Labis siyang nasasaktan at hindi makapaniwala

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 116

    "Uuwi na pala kami, Ludwig.." paalam ni Estella sa lalaki. "Maraming salamat, at nakilala ko ang aking mga anak.. Salamat sayo, at kay Ram sa pagpapalaki sa mga bata na maayos at mabuti." malungkot ang mga ngiti ni Ludwig sa kanya. "Maaari mo naman silang dalawin kung nais mo," nakangiting sabi ni Estella dito. "Okay na ko.. salamat, salamat sa inyo, mga anak!" niyakap ng mahigpit ni Ludwig ang mga bata, "salamat sa inyo at pinagbigyan niyo si daddy.." "Opo, daddy, ingat po kayo," sagot ni Calvin. "Bye po daddy," sabi naman ni Caleb. "Estella.." niyakap siya ng lalaki, "ikaw pa rin ang pinakamamahal ko hanggang sa huli.. alagaan mo ang sarili mo at ang mga bata.. maging masaya sana kayo ni Ram.." Hindi nila akala, na iyon na pala talaga ang huling pagkakita nila.. "UUWI na tayo?" tanong ni Raquel kay Ludwig. Masayang masaya ito. "Oo, uuwi na tayo," nakangiting sagot naman niya dito. Naninibago man, masayang sumama si Raquel sa kanya. Hindi alam ng babae, kung ano a

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 115

    Nakatayo si Ram sa malayo, nakatutok ang tingin sa masayang eksena sa playground. Ang mga bata ay tumatakbo sa paligid, naglalaro at nagtatawanan, habang si Estella at Ludwig ay nag-uusap na tila ang lahat ay maayos na muli. Saksi siya sa pagbuo ng isang mundo na gusto niyang maging bahagi, ngunit sa kabila ng mga ngiti at tawanan, naramdaman niya ang matinding sakit sa kanyang puso. "Ngunit paano naman ako?" tanong niya sa sarili habang pinapahid ang pawis sa kanyang noo. Alam niyang mahalaga si Estella kay Ludwig, at wala siyang magagawa kundi ang manood sa malayo habang unti-unting bumabalik ang kanilang koneksyon. Ang mga alaala ng kanilang mga sandaling magkasama ay bumalik sa kanyang isip. Ang mga tawanan, mga pangarap na pinagsaluhan, at ang mga tamang desisyon na nagdala sa kanila sa isang bagong simula. Pero ngayon, tila naiiwan siya sa dilim habang ang kanyang puso ay naglalaban sa pagseselos at pag-asa. “Bakit hindi ko sila matanggap?” tanong niya sa sarili, kasabay ng p

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 114

    Habang papasok sina Estella at ang mga bata sa restaurant, ramdam ni Ram ang bigat ng kanyang puso. Lahat ng nangyayari ay tila naglalaro sa kanyang isipan—ang takot na mawalay kay Estella, ang pag-aalala para sa mga bata, at ang pangambang baka hindi sila maging maayos ng kanilang ama. Nang makapasok, nakita ni Estella si Ludwig na nakaupo sa isang sulok, tahimik na nag-aantay. Ang kanyang hitsura ay puno ng pagka-abalang nag-aalala. Nagkatinginan sila, at sa loob ng isang segundo, parang nagkaroon ng diyalogo sa kanilang mga mata—mga tanong, mga alaala, at mga damdaming hindi pa natatapos. “Ludwig,” mahinang tawag ni Estella habang papalapit sila. “Nandito na kami.” “Salamat na nagpunta kayo,” sagot ni Ludwig, masiglang tumayo at sinimangutan ang mga bata. “Sila ba ang mga anak ko?” Tanong nito na puno ng pag-asa. “Oo, sila nga,” sagot ni Estella, nakatingin sa kanyang mga anak na tahimik na nagmamasid kay Ludwig. “Sila si Caleb at Calvin.” “Hello, kids!” bati ni Ludwig, su

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 113 SPG

    Mabigat ang kanyang mga paa, ng dumating kina Estella. Wala noon ang mga bata dahil nasa paaralan. Bandang alas diyes pa lang noon.Akala niya, naroon si Estella, ngunit wala. Lumabas na siya ng bahay nito, at tinungo ang kanyang bahay. Pagbukas niya ng pinto, biglang may bumagsak sa kanyang kwarto.'Magnanakaw!" sa loob loob niya.Dahan dahan siyang umakyat ng hagdanan, saka mabilis niyang sinipat ang pinto.Nagulat siya kung sino ang naroroon, isang babaeng naka night gown. Kitang kita ang kabuuan ng katawan nito sa manipis na kasuotan. Wala itong panloob.Ang kanyang laway ay agad niyang nalunok. Hindi siya makapaniwala. Dahan dahan itong lumapit sa kanya.Hinawakan ni Estella ang kanyang mga kamay, at inilagay sa suso nito, "please.. ayokong ganito tayo.." saka siya hinalikan ni Estella sa labi.Binuhat niya ito, patungo sa pasimano ng bintana. Iniupo ni Ram si Estella doon, at hinubad ang night gown na suot nito.Agad siyang sumuso sa malalambot nitong dibdib, Habang unti unting

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status