Share

CHAPTER 167

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-08-25 16:19:18

“SIYA ba si Thorin Evans? 'Yung CEO ng Evans Group?” tanong ni Shia habang halos dikit ang mukha sa phone screen.

Sumulyap lang si Felicity at hindi na tiningnan pa ang video. Kaya hindi niya napansin na ang lalaking iyon ay minsan na niyang nakita, si Daniel Navarro. Isa pa, blurry at shaky pa ang screen kaya mas lalo siyang nawalan ng interes. Para sa kanya, an ordinary person like her would never cross paths with someone as untouchable as the heir of the Evans.

“Why waste time obsessing over someone who has nothing to do with me?” she thought. “Mas mabuti pang tapusin ko na lang ‘tong canvas at kumita ng pera.”

Shia, on the other hand, was practically glowing with excitement. “Besty, last time sa banquet, we only caught a blurry glimpse of his back. Pero ngayon, kita na ang mukha niya, kahit medyo fuzzy pa rin yung photo! Don’t you feel even the slightest bit curious?”

Felicity shrugged, her tone flat. “So what if I’m curious? Curiosity won’t pay the bills. He’s not going to help m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 184

    THORIN raised an eyebrow, his voice cutting through the room like a blade. “Kung ganyan din lang, sige. Ilista lahat ng ginastos mula pagkain hanggang tirahan simula pagkabata. Pabayaran natin lahat para patas.” Uncle Bob’s face tightened. Kita sa kanya na hindi siya sang-ayon. Para sa kanya, sobra na ang hinihingi nina Tita Marites at Jerome. Pero si Uncle Tony, nakatayo sa gilid, napahinto. Mahirap ang naging buhay ng pamilya niya, at nang marinig niyang kumikita na si Felicity ng libo-libo kada buwan, hindi niya naiwasang mag-isip. “Baka puwede namang magbigay kahit kaunti,” sabi niya, parang mahinahon pero may bigat. “Natural lang na kapag umaangat ang isang anak, tumutulong sa pamilya. Malaki na ang kita ni Felicity at may maaasahang kasama pa siya. Ano ba naman ang konting halaga para sa kanya?” Biglang bumigat ang hangin. Ang sinabing iyon ay parang itinulak si Felicity sa sulok na para bang kasalanan kung hindi siya magbibigay. Hindi niya inasahan na para lang makabalik

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 183

    “SAKA nagkasundo na rin kami ni Thorin na kapag 'di nag-work 'yung kasal naman, maghihiwalay kami,” dagdag pa ni Felicity sa kapatid.“Okay,” sagot naman ni Farrah, pero hindi niya naiwasang sulyapan si Thorin na nasa likuran lang nila. Tall, broad shoulders, long legs na parang model ang tindig.Ayaw ni Felicity na mag-worry ang kapatid kaya binago niya agad ang usapan. “By the way, Farrah, sabi mo nagtatrabaho ka rin sa malaking kompanya? Anong company ’yon?”“Meyer Group,” sagot ni Farrah na may konting pride sa boses.“Wow, ang galing naman!” tuwang sagot ni Felicity, genuine ang saya para sa kapatid.Si Farrah kasi, bata pa lang ay palaban at matalino na. Pagbalik niya mula South Korea, mas lalo pa itong gumanda at parang ibang level na ang dating, parang talagang belong sa elite. Kaya tama lang na makapasok ito sa malaking kompanya.Naalala ni Felicity ang dati niyang pag-aalala na baka mahirapan si Farrah sa buhay, lalo na’t hawak ng mga tiyuhin nila ang lahat. Pero ngayon, mal

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 182

    "SI TITA Marites,” sagot ni Felicity.Awtomatikong nagdilim ang mukha ni Uncle Bob nang marinig ang pangalan na iyon, halatang matagal nang may kinikimkim na galit.Doon lang lubos na naunawaan ni Felicity kung bakit matindi ang galit ni Uncle Bob noon sa tiyahin niya. Noon pa pala, halos tuluyan na silang magkasira ang mga ito dahil sa pagpapakasal ni Jerome.“No’ng una, nagmamadali si Jerome mag-asawa. Alam kong kapos sa pera ang pamilya ni Marites. Pero kahit gipit din kami noon, nagbigay ako ng dalawang daang libo,” mariin ang boses ni Uncle Bob. “Akala ko gagamitin niya para magpatayo ng bahay at magsimula ng maayos na buhay.”Napabuntong-hininga pa si Bob, mabigat at puno ng panghihinayang na muling nagkuwento pa. “Pero hindi. Isinugal lang niya. Naubos lahat.”Napatingin si Felicity, ramdam ang bigat ng bawat salita.“Pagkatapos no’n, bumalik si Marites. Humihingi ulit ng pera. Gusto pa ng karagdagang dalawang daang libo,” dagdag ni Uncle Bob, halatang pinipigil ang inis.“Pero

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 181

    NANG hubarin ni Farrah ang kanyang shades, mas lalo pang lumutang ang features niya, mas defined, mas glam kaysa dati.Si Farrah na dati ay simpleng may monolid at medyo flat ang ilong, ngayon ay may malalaking double eyelids at mas matangos na ilong. Kasama pa ang chestnut brown waves ng buhok niya, mukha talaga siyang leading lady sa isang K-drama.“Farrah… grabe, ang ganda mo na ngayon,” bulalas ni Felicity, halatang mangha.Bahagyang namula si Farrah at ngumiti. “Nag-aral ako sa South Korea ilang taon na ang nakalipa. May konti ring retoke.”Nang marinig iyon, biglang naintindihan ni Felicity kung bakit ibang-iba na ang aura niya ngayon.Napansin naman ni Farrah ang lalaking nakatayo sa likod ni Felicity. Medyo napatigil siya. “Sino siya?”Hinila ni Felicity si Thorin palapit at ipinakilala. “Si Thorin...asawa—este boyfriend ko.” Hindi niya puwedeng sabihin sa kapatid na kasal na siya dahil bukod kay Charlotte, wala nang ibang nakakaalam ng bagay na iyon sa kanyang pamilya.Bahagy

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 180

    “BY the way, may tatanong ako,” pagbabago ni Thorin ng usapan.Nag-angat ng kilay si Felicity. “Ano ‘yon?”“Simula pagkabata mo… nagsuot ka na ba ng alahas?” tanong ni Thorin, seryoso ang tono.Napakunot ang noo naman ni Felicity. Alahas? Saglit siyang nag-isip bago sumagot. “Hindi. Sa totoo lang, noong bata pa ako, pagkain ang problema. Paano pa ‘ko magkaka-accessories?”“Wala ka bang bagay na lagi mong dala o suot? Kahit simpleng keepsake?”Umiling si Felicity. “Wala talaga.”Kung tutuusin, wala siyang maalalang kahit isang bagay na palagi niyang kasama noon. Wala siyang extra na gamit na naipamana o naiwan sa kanya.Habang nagda-drive si Thorin, pumasok sa isip niyang posible kayang mali ang investigation ni Daniel?bO baka naman... may kinalaman talaga ito sa probinsya nila Felicity?“Bakit mo ba tinatanong ‘yan?” nagtatakang tanong ni Felicity.“Wala lang, curious lang,” sagot ni Thorin, simple ang tono.Napangiti nang bahagya si Felicity. “Wait lang, hindi mo naman ako balak bigy

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 179

    UNTI-UNTING naglaho sa tanawin ang mga gusali sa labas ng bintana makalipas ang mahigit dalawang oras na nagmamaneho sina Thorin at Felicity. Habang papalayo sila sa lungsod, napalitan ng malalawak na palayan, taniman ng mais, at mangilan-ngilang mga kabahayan. “Ano bang itsura ng province mo?” malamig na tanong ni Thorin, hindi man lang tumingin kay Felicity. “Katulad lang ng ibang probinsya,” tugon ni Felicity habang nakatanaw sa labas. “Karamihan ng kabataan, nasa Maynila o ibang bansa para magtrabaho. Ang mga naiwan na lang doon, matatanda, nag-aalaga ng mga hayop o nagbabantay ng bukid.” Tumango si Thorin nang walang ekspresyon. “Figures. Ganun naman palagi. Umaalis ang mga may ambisyon, ang natitira, those who settle.” Nagpatuloy ang biyahe sa katahimikan, hanggang sa may lumitaw na service area sa unahan, isang gasolinahan na may karinderya at maliit na convenience store. “Magpapa-gas tayo,” sabi ni Thorin, diretso, parang utos lang. “Kung kailangan mong gumamit ng banyo,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status