“DONT worry, Char. If he's a scammer, he won't marry me. Alam kong mabait na tao si Mr. Thorin Sebastian at hindi n'ya ako niloloko...”
Dahil sa mga narinig ang namula ang mga mata ni Charlotte. Naiiyak siya dahil ibig sabihin lang niyon ay aalis na rin ang pinsan niya sa bahay na iyon. “P-Pero sana man lang pinagplanuhan n'yo ang kasal ninyo, Ate Felicity. Isang beses lang sa buhay nating mga babae mangyayari ang kasal kaya sana pinaghandaan n'yo,” ani Charlotte. “Bakit pa paghahandaan ang kasal sa panahon ngayon? Ang importante sa mag-asawa ay may basbas. Isa pa, wala na akong parents at pareho lang kaming mga employado na kumikita ng sapat lang. 'Di na kailangan pa magsayang ng pera,” tugon naman ni Felicity. Masyadong sentimental ang kanyang pinsan kaya alam ni Felicity na sa oras na wala na siya sa bahay ay malulungkot ito. Nilapitan niya si Charlotte at niyakap habang marahang hinaplos-haplos ang likod. “'Wag kang malungkot. Bibisita naman ako rito pag may time ako,” nakangiting sabi ni Felicity ikinatango naman ng kanyang pinsan. “Anyway Ate Felicity, ano palang pinagkakaabalahan ng pamilya ng asawa mo?” usisa ni Charlotte. Pilit namang inalala ni Felicity ang napag-usapan nila ng lalaki kanina. Ikinuwento sa kan'ya ni Thorin na ang parents niya at namasukan sa kung saan-saan, at kinalaunan ay nagpunta ng abroad at doon nanirahan. Masyadong busy ang mga magulang nito sa pagtatrabaho para mapagtapos silang magkapatid kaya naman bihira lang na magkita-kita ang mga ito. “Nagtatrabaho sa malaking company si Thorin at malaki ang salary n'ya kaya sa tingin ko, 'di naman kami gano'n maghihirap pag magsama sa kami sa iisang bubong.” Tumango-tango naman si Charlotte sa narinig. Mukhang kumbinsido sa narinig. “Mabuti naman. Pag nagkaroon na kayo ng anak, sabihin mo sa kan'ya na alagaan din kayong mag-ina para hindi ka matulad sa'kin na pagod na pagod na sa buhay, Ate Felicity,” ani Charlotte na mababakas ang kalungkutan sa magandang mukha. “Alam ko, Char. Thank you sa paalala,” sagot ni Felicity. Although sinabi niya ito, sa loob-loob naman ni Felicity ay kinakabahan siya. Masyadong malaki ang misunderstanding na nangyari sa pagitan nila ni Thorin Sebastian, at ang malala pa ay nagpakasal siya sa maling tao. Kailangan nilang mapag-usapan ng lalaki ang bagay na 'yon bago pa mapunta sa mas malaking gulo. Aside from that, anong anak? Imposibleng mangyari iyon. Una pa lang ay maling-mali na ang pagpapakasal nila, at hindi n'ya rin alam kung hanggang kailan ang itatagal ng kasal na iyon. Matapos ang pag-uusap, muling bumalik si Felicity at nagpunta sa balcony. Habang nagliligpit ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa dahil plano niyang mag-send ng text message kay Thorin. Iyon nga lang, hindi n'ya alam kung paano uumpisahan. Itatanong ba niya kung ano ang pangalan ng ka-blind date nito? Or magkapareho ba sila ng pangalan? O siya ang nagkamali at nag-assume na ito ang ka-blind date niya? Pero bago pa siya makapag-compose ng text, isang message ang natanggap niya mula kay Thorin. “Where do you want to leave?” tanong nito sa text na iyon. Napakunot-noo naman si Felicity sa nabasa. Ang ibig sabihin ba nito ay tinatanong siya kung saan niya kung manirahan? Mukha hindi pa rin nare-realize ng lalaking iyon na maling babae ang pinakasalan nito. “Mr. Thorin, iniisip ko lang na baka...nagkamali tayo last time...” reply naman ni Felicity sa text message nito. “And why did you say that? Kanina lang, ilang beses kitang tinanong kung hindi na magbabago ang isip mo. But you told me that your decision was final, so we agreed to get married, right?” sagot naman nito sa text ni Felicity. Natahimik naman siya. Oo nga naman, tama ito. Hindi s'ya pinilit ni Thorin at ilang beses pa siyang tinanong kung sure na siya sa kanyang desisyon. And yes, sinabi niyang sure na sure na siya nang hindi masyadong nag-iisip. Isa pa, ang pinaka-main reason naman niya kung bakit siya nagpakasal sa lalaki ay dahil napi-pressure na siya sa kanyang Tita Lucille. Kaya wala naman sigurong masama kung susubukan niya ang makisama sa lalaki. Hindi na mahalaga kung ibang lalaki ang napangasawa n'ya at hindi ang ka-blind date n'ya. As long as matino itong tao, marunong rumespeto, at may trabaho. Dahil sa mga realisasyon, gumaan ang dibdib ni Felicity. Naisip niyang ang desisyon na magpakasal sa lalaki ang pinakamadaling paraan para makaalis sa nakaka-pressure na mundo kasama ang Tita Lucille niya na walang ibang nakita kundi siya. Napatagal yata ang pagde-daydream ni Felicity kaya nang muling mag-text si Thorin ay saka lang siya nagbalik sa wisyo. “Anyway, you haven't answered yet. Saan mo gustong tumira?” Mabilis na tumipa si Felicity para mag-reply sa text nito. “Magrenta na lang tayo ng apartment na malapit sa mga trabaho natin para mas convenient.” Inabot ng twenty minutes bago mag-reply si Thorin sa text na iyon ni Felicity. Kaagad niyang binasa kung ano ang sagot nito sa suggestion niyang 'yon. “Quantum Apartments, Lot 8 Block B, Aguinaldo St., Diliman Quezon City.” Isang address ang ibinigay ng lalaki at nang mabasa ang pangalan ay nakagat ni Felicity ang pang-ibabang labi. Quantum Apartments, pangalan pa lang, alam niyang mahal ang renta sa lugar na ito. Lihim s'yang umasa na sana ay sa mas cheap na apartment na lang ito naghanap ng mare-rentahan. But since naroon na ito, wala na siyang magagawa kundi sumang-ayon. Isa pa, bumilib siya sa lalaki dahil napaka-efficient nito sa pagdedesisyon kung saan sila dapat maninirahan. “Lilipat na tayo bukas. I-text mo na lang ako kung kailangan mo ng tulong,” bilin pa ng lalaki sa text. Kaagad namang ni-reply-an ni Felicity ang text na iyon ni Thorin. “Okay.” Sa totoo lang ay kinakabahan si Felicity sa t'wing maiisip na magsasama na sila sa iisang bubong. Well, titingnan niya kung magkakasundo sila ng kanyang ‘asawa’ at hindi ito gagawa ng kilos na tutol siya. Once their marriage is settled, Felicity will see if her Uncle John and Aunt Lucille can meet him so that their relationship as husband and wife can be formalized. But of course, she also needs Thorin's consent for her plan. Samantala, habang nakikipagpalitan ng text message kay Felicity, kasalukuyang nasa kotse pa si Thorin. He loosened his necktie because he felt very tired after a long and busy day at work. He's a rich and powerful young man but he suddenly married an ordinary woman. Marami siyang mga bagay na hindi p'wedeng ipaalam sa babae, lalo na sa kanyang pagkatao. Kaya kailangan pa n'yang maghintay para malaman kung anong klaseng babae ang kanyang pinakasalan. If she was just after his money, he would end their marriage right away. Simple lang naman ang plano ni Thorin. No'ng una, gusto lang niyang gamitin si Felicity para makawala sa forced marriage na gusto ng kanyang parents. Hindi talaga niya gusto si Ms. Meyer at napilitan lang siyang pumunta roon dahil sa pangungulit ng kanyang mommy. Nagpunta siya sa blind date at naghintay ng 10 minutes at 30 seconds kay Ms. Meyer pero hindi ito dumating. At nang akmang tatayo na sana siya ay isang babae ang sumulpot sa kanyang harapan at nagpakilalang Felicity Chavez. She thought he was the man she was on a blind date with, but she had no idea that he was someone else. He didn't tell her the truth because he had a plan in mind that time. Thorin knew his motive for marrying her was selfish. But he felt that this girl is indeed a little special.MATALIM ng tingin ni Thorin kay Thyon, sapat na para magsilbing babala na nagsasabing, “Wag mong pakialaman ang personal kong buhay.”Naglabas lang ng dila si Thyon, pero mabilis din niyang binawi nang mapagtantong tama ang hinala niya. ‘Aba, mukhang may kinalaman nga si sister-in-law dito.’Tinitigan siya ni Thorin na para bang isa lang siyang overpriced na pork belly na hindi sulit bilhin. Alam kasi niyang tambay lang ito sa kumpanya—hawak lang ang posisyon dahil sa apelyido, walang totoong ginagawa, at kumakain ng company resources na parang walang bukas.Kung hindi lang kita kapatid,” malamig na sambit ni Thorin, “hindi ka makakalampas kahit probation period para sa cleaning staff.”Napairap si Thyon. “Kung hindi lang dahil pinilit ako ng mga elders na tanggapin ‘tong posisyon, hindi rin ako papasok. Kahit sabihin pa nilang mag-mop ako sa hallway!”“Kuya, huwag ka namang laging sobrang cold at sarcastic,” dagdag niya, kunwaring maamong aso. “Brothers should be friendly and respect
FELICITY sat quietly on the couch, her fingers absentmindedly tracing the edge of the coffee mug in her hands. Sa kabilang upuan, nakasandal si Shia, nakataas ang isang kilay habang pinagmamasdan siya.“Girl, huwag mo nang masyadong seryosohin ‘yang agreement,” sabi ni Shia, sabay irap na parang hindi siya makapaniwala sa iniisip ng kaibigan. “Papel lang ‘yan. At tsaka, hello? Binilhan ka ng kotse. Ibig sabihin, kahit papaano, may spot ka na sa puso niya.”Napatingin si Felicity, bahagyang kumunot ang noo. “Shia… hindi mo gets. Kanina, pauwi kami para balikan sana ‘yung kotse n'ya, ang bigat ng aura niya. Parang may sama ng loob. Hindi ko kaya tanggapin ‘to na parang wala lang.”Umayos ng upo si Shia, nag-lean forward na parang may sasabihing sekreto. “Pero isipin mo ha—kung hindi kanya type, bakit siya mag-aaksaya ng effort at pera? Lalaki ‘yan, Fel, hindi magbibigay ng ganyang bagay kung wala siyang nararamdaman.”Huminga nang malalim si Felicity, sabay ibinaba ang tasa sa mesa. “Ka
AYAW na niyang palalimin pa ang usapan, kaya tumayo na siya at tinulungan si Shia buhatin ang ilang paper bags. “Para lahat ‘to for delivery upstairs, tama?”Malaki rin ang haul ni Shia sa trip na ‘yon, at halos pito o walong bag ang dala nila.Sabay nilang binuhat ang lahat hanggang elevator, tapos diretso sa office door.Kinuha ni Felicity ang susi at tinulungan si Shia ipasok ang mga gamit.Habang si Felicity ay abala sa pagbubukas ng pinto, agad namang nagtungo si Shia sa water dispenser, kumuha ng malaking baso ng tubig, at uminom ng kalahati sa isang higop.“Buti na lang malapit ka lang,” sabi niya, hingal pa.“Sinabi mo pa,” sagot naman ni Felicity.Nang matapos sa ginagawa, parehong habol-habol ng hininga ang magkaibigan nang maupo sa sofa.Hanggang sa may dinukot si Shia mula sa maliit niyang bag, isang bote ng pabango at iniabot kay Felicity. “O, para sa’yo ‘to. Gamitin mo ‘yan huh? Konting spray lang, dagdag femininity points na.”Aabutin na sana ni Felicity pero umatras si
FELICITY was more than just happy— para siyang nasa alapaap ng mga sandaling iyon.Pagkahiwalay nila ni Thorin, agad niyang binuksan ang music player at nagpatugtog ng upbeat na kanta. In an instant, nagbago ang atmosphere sa loob ng sasakyan—mas magaan, mas lively.Napa-hum pa nga siya kasabay ng rhythm habang bahagyang tumatapik sa manibela. Hindi siya makapaniwala—may sarili na siyang kotse. At hindi lang basta kotse, kundi ang “dream car” niya. Isa sa mga life goals niya ay natupad na.Pero kahit gano’n, ramdam pa rin niyang kanina, may something off sa mood ni Thorin. Hindi naman siya tanga dahil meron siyang matalas na instinct, gaya ng sinasabi nilang “woman’s intuition.”Could it be na… kahit sinabi nitong “regalo” nito ‘yung kotse, deep inside, nag-aalala si Thorin sa presyo?Napabuntong-hininga siya. Hindi nga biro ang halaga ng isang kotse— ilang libo rin ang halaga niyon. Well, super grateful siya kay Thorin, lalo pa't ito pa ang nagprisinta na magbayad ng kotseng iyon par
HANGGANG sa oras na pipirma na siya, hindi pa rin makapaniwala si Felicity sa nangyayari. Sa sobrang ikli ng oras, nakapagdesisyon siyang bumili ng kotse."Ms. Felicity, ang galing mong pumili!" masayang sabi ng dealership manager. "Kahit pre-owned ito, halos kasing ganda pa rin ng bago!"Nang banggitin nito ang salitang pre-owned, lalo pa niya itong binigyang-diin."Classic model ’to na matagal nang patok, at maganda pa rin ang specs. Lahat ng interior upgrades at decoration, kami na ang nag-provide."Alam ni Felicity na jackpot na siya rito. Kung hindi, hindi siya papayag na bilhin ang Beetle na ’to kahit naipit siya sa budget ngayon.Pakiramdam niya, sobrang swerte niya. Parang ang hirap paniwalaan na mangyayari ito sa kanya.Napansin ng manager ang saya sa mukha niya kaya nagdagdag pa ng info."Actually, para sana sa isa naming empleyado ’tong unit. Kung hindi lang ako close kay Mr. Sebastian, hindi ko ito ibebenta kahit kanino.""Thanks," tipid niyang tugon.Nag-angat siya ng tin
NAGULAT si Felicity. "Iuuwi ko? Ngayon?"Para bang napakadali lang para kay Thorin sabihin iyon."Paano mo nagagawang magdesisyon nang ganun kabilis tungkol sa pagbili ng kotse? At saan ka kukuha ng pera?" tanong niya, hindi maitago ang pagkadismaya.Pakiramdam ni Felicity, si Thorin ay parang walang pakialam sa hirap ng buhay—parang basta na lang kumikilos ayon sa gusto niya. Hindi naman biro ang bumili ng kotse; hindi ito laruan.At kung iisipin pa, malamang ay balak nitong gamitin ang limang daang libo na natanggap mula kay Kari. Pero iyon ay hindi lang panggastos sa araw-araw; kasama rin doon ang sweldong na-advance niya, at malaking bahagi noon ang mauubos sa kotse."Mas mabuti pa yata kung i-down payment mo na lang ’yan sa bahay. Ang kotse, bumababa agad ang halaga pag nabili na," madiin niyang sabi."Irrational ka. Hindi puwede," dagdag pa niya, sabay hatak sa braso nito palayo.Ngumiti si Felicity sa dealership manager at ilang ulit na nag-sorry. "Pasensya na po, huwag na lang