INABOT ng 15 minutes ang housekeeper ni Thorin bago makahanap ng tamang apartment para sa kanila ni Felicity. Magalang nitong inabot sa kan'ya ang isang susi ng bahay sabay sabing, “Young Master, 'yan po ang susi ng apartment ko sa Quantum Apartments. P'wede po ninyong gamitin 'yan hangga't kailan n'yo gusto.”
Pinagmasdan ni Thorin ang susi sa kanyang kamaya. Matagal na siyang hindi nakahawak ng ganoon kaliit na bagay dahil madali n'ya itong nawawala. “It's too troublesome. Palitan mo ng combination lock,” aniya sa housekeeper. Mabilis naman itong tumango. “Okay, Sir.” •••••• Kinabukasan ng umaga, paggising ni Felicity ay ramdam na kaagad n'ya ang masamang aura sa breakfast table. Si Charlotte, na ilang beses nang gustong sabihin sa kanyang nanay na ikinasal na ang pinsang niyang si Felicity pero palagi niyang pinipigilan ang sarili. Hindi pa umuuwi ang bayaw ni Felicity na asawa ng kanyang pinsan, lagi kasi itong nag-o-overtime sa trabaho at kung minsan ay hindi na nakakauwi sa tamang oras. Ang Uncle John naman n'ya ay mukhang nakatulog na sa inuman kaya hindi na naman nakauwi. Sigurado si Felicity na katakot-takot na naman na pagbubunganga ang aabutin ng tiyuhin n'ya sa kanyang Tita Lucille. Sa madaling salita, silang tatlo lang ng kanyang pinsan at tiyahin ang naroon sa bahay. Kaya nang magkaharap-harap sila sa mesa, ramdam ni Felicity ang madilim na aura na bumabalot sa kanila ng umagang iyon. Nakasimangot ang kanyang Tita Lucille habang kumakain at alam niyang dahil iyon sa hindi pag-uwi ng Uncle John niya. Binilisan ni Felicity ang pagkain at nang matapos, kaagad siyang napunta sa lababo para maghugas ng pinagkainan. Na-realized niyang marahil ay iyon na ang huli niyang paghuhugas sa bahay na iyon. Habang naghuhugas ng plato si Felicity, panay naman ang paypay ni Lucille sa kanyang sarili. Nasira na kasi ang electric fan nilang ginagamit sa sala kaya hayun at kay aga-aga pero para na siyang sinisilaban. Nang dumako ang tingin n'ya sa kanyang pamangkin ay tumaas ang maninipis niyang kilay. “Five thousand lang ang ibinigay mo sa'kin ngayong buwan, Felicity. Aba'y kumikita ka ng kinase mil, 'di ba? No'ng nakaraang buwan nga, umabot pa ng bente mil ang kinita mo. Bakit paliit naman yata ng paliit ang iniintrega mo sa'kin?” pagsisimula ni Lucille sa kanyang pamangkin. Lihim na napabuntong-hininga si Felicity nang marinig iyon. “Tita, sinabi ko naman po sa inyo na kailangan kong magbayad ng renta sa shop ko. Kaya pinagkasya ko lang po ang sahod ko ngayong buwan,” pangangatwiran ni Felicity bagaman sa malumanay na tono. Lalong sumama naman ang mukha ni Lucille nang marinig ang dahilan na iyon ng kanyang pamangkin. “Aba'y magkano ba ang bayad mo renta? Pinagdadamutan mo ba ako sa pera, Felicity? Hindi naman ako naging garapal sa'yo no'ng pinalaki kita. Bakit kung umasta ka, parang wala kang utang na loob sa pagpapalaki namin sa'yo ng Uncle John mo?” ‘Ito na naman po kami sa walang kamatayang sumbatan ng utang na loob,’ isip-isip ni Felicity. “Tita, lilipat na po ako ngayon ng bahay,” pag-amin ni Felicity saka humarap sa tiyahin na noon ay natigilan. Si Charlotte, na kasalukuyang nasa isang tabi at pinakakain ang anak na si Chase ay gusto sanang sumabat, pinandilatan siya ng mata ni Felicity na ang ibig sabihin ay manahimik siya. “At kailan ka naman nagkaroon ng boyfriend?” gulat na tanong ni Lucille sa pamangkin. Dinukot ni Felicity ang puting sobre mula sa bulsa ng suot niyang jeans at inabot sa kanyang Tita Lucille. “Ito ang ten thousand, Tita. Galing po 'yan sa mga kinita ko sa online store ko. Simula ngayon, mamumuhay na ako sa sarili kong paa. Thank you po sa pagkupkop ninyo sa'kin ni Uncle John.” Nang makita ang sobre, nasiguro ni Lucille na hindi nagbibiro ang pamangkin sa sinasabi nito. “Sino bang boyfriend mo? Nag-usap na ba kayo tungkol sa kasal? Magkano raw ang ibibigay n'yang regalo para sa pamilya natin?” sunod-sunod na tanong ni Lucille. Hindi sumagot si Felicity sa tanong na iyon ng tiyahin. Sa halip iniwas n'ya ang paningin dito at itinuon sa paghuhugas ng mga plato. Hindi n'ya p'wedeng sabihin ang totoo dahil tiyak ay malilintikan siya. “Kung nag-uusap na kayo tungkol sa kasal, 300,000 dapat ang maging gift money n'ya para sa amin, Felicity,” turan pa ng kanyang tiyahin nang hindi siya sumagot. Dahil sa sinabing iyon ay muling napaharap si Felicity sa kanyang Tita Lucille. “Tita, kasasabi mo lang na ang babaeng katulad ko na 'di kagandahan at galing sa mahirap na pamilya ay mahihirapang maghanap ng asawa. Kaya paano naman ako hihingi ng ganyan kalaking betrothal gift?” “At bakit naman hindi?” tanong ng kanyang Tita Lucille na nakataas ang isang kilay. “Karapatan mo 'yon dahil babae ka.” ••••••• Hanggang kinatanghalian, hindi tumigil si Lucille sa kakadakdak na para bang excited na excited ito. “Wag kang magpapakasal kaagad, Felicity. Hindi tamang magpakasal ka na wala man lang ibinibigay sa'yo na money gift ang pamilya ng mapapangasawa mo,” muling saad ni Lucille sa pamangkin. Nakakatawa lang isipin na kailan lang, sinasabihan ni Lucille ang pamangkin na huwag nang maging pihikan, at walang magkakagusto kay Felicity dahil may edad na ito at hindi rin kagandahan. Ngayon, ayaw nitong magpakasal ang pamangkin hangga't hindi ito nakakatanggap ng pera mula sa pamilya ng lalaki. Matapos ang paglilinis ng buong kabahayan, naghanda na si Felicity para umalis. Nakakalungkot nga lang dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin ang kanyang Uncle John kaya hindi tuloy siya makakapagpaalam. “Tita, babalik na lang po para bumisita sa inyo,” ani Felicity sa kanyang tiyahin. Si Charlotte naman ay mangiyak-ngiyak habang karga ang anak na si Chase. Malulungkot talaga siya dahil wala na ang pinsang niyang nasasabiham niya ng problema tungkol sa kanyang asawa. “Say, babye to Tita Felicity, anak,” nakangiti ngunit malungkot na wika ni Charlotte sa anak. Gusto sanang itanong ni Lucille kung sino ang lalaking magiging ka-live in ng kanyang pamangkin pero ayaw naman sabihin nito. Pinigilan din siya ng anak na si Charlotte na mag-usisa pa tungkol sa bagay na iyon. Tuluyan na ngang umalis si Felicity sa bahay ng kanyang tiyahin bitbit ang isang malaking shoulder bag at isang maleta. Alam niya kung saan ang Quantum Apartments pero hindi pa siya nakakapunta roon kaya naman nag-renta na lang siya Gráb taxi para dalhin siya sa destinasyon. Felicity rode the taxi in silence, and since the trip was long, she took her earphones from her shoulder bag and listened to music. Ipinikit niya ang mga mata at inalis sa kanyang isipan ang pag-aalala. Mahigit isang oras din ang itinagal ng byahe bago narating ni Felicity ang Quantum Apartments sa Diliman Quezon City. Bitbit ang mga gamit ay sumakay siya sa elevator at aaminin niyang na-impressed siya sa white and green motif ng gusali. Presko iyon sa paningin at malinis tingnan. Nang makarating sa floor kung nasaan ang kanilang kwarto ay inisa-isa ni Felicity ang apartment number. “Room 199...200...201...202.. 203...” Unfortunately, nang mahanap ni Felicity ang kanilang apartment number ay naka-lock iyon. Sinubukan niyang mag-doorbel subalit makalipas ng ilang minuto at wala pa ring magbubukas niyon. “Kainis naman!” maktol ni Lalaine sa sarili nang maalala niyang hindi pala sila nag-usap ni Thorin kung anong oras magpupunta sa kanilang apartment. Kinuha ni Felicity ang cellphone para tawagan ang lalaki subalit naalala niyang wala siyang number nito kaya sa Friendsbook na lang niya ito kinontak gamit ang voice call. Pero tumaas ang kanyang mga kilay nang Pero tumaas ang kanyang mga kilay nang panay ring lang ito at walang sumasagot. Meanwhile, because he was currently in a meeting with the board members regarding the company's monthly report, Thorin's cellphone was on silent mode at that time.KINABUKASAN, bitbit ni Charlotte si Chase papunta sa isang mas sosyal na mall na hindi niya madalas puntahan—'yung tipo ng lugar na may chandelier sa entrance at aircon na amoy mamahaling pabango.Hindi siya usually dito namimili. Masyadong mahal ang mga bilihin. Pero ngayong kailangan nilang mag-ayos, kailangan niyang humanap ng matinong damit para sa sarili niya at kay Chase. Lalo pa’t magkikita na sila ni Mr. Sebastian, ang fiancé ng pinsan niyang si Felicity.Habang nag-iikot-ikot sa department store, panay ang sulyap niya sa mga price tag. “Grabe naman, ‘yung isang dress, kasing presyo na ng groceries namin sa isang linggo…”Matagal siyang tumambay sa sale section, at sa wakas, nakapili rin siya ng simpleng dress na may floral pattern—‘yung tipong hindi halatang budget pero may classy vibes. Hindi man sobrang flattering, at kahit alam niyang mas maganda ‘yung brown na dress na una niyang nakita, mas pinili pa rin niya ang mura.Para kay Chase, napili niya ang isang cute na light
Tahimik na umupo si Charlotte sa gilid ng kama habang marahang pinipindot ang cellphone ni Robert. Nanginginig pa ang mga daliri niya habang nag-i-scroll sa chat history nito, pakiramdam niya'y para siyang gumagawa ng kasalanan kahit alam niyang may dahilan siya.Marami. Sobrang dami ng messages—pero karamihan, puro tungkol sa trabaho. May mga GC ng officemates, ilang business contacts, at mga grupo na mukhang pang-negosyo lang talaga.Dinaanan niya isa-isa ‘yung mga frequent contacts. Wala naman siyang napansin na suspicious—walang mga pangalan na bago, walang sweet emojis, walang kung ano mang tipikal sa isang lihim na relasyon.Napabuntong-hininga siya.“Siguro nga… ako lang ‘to. Masyado lang siguro akong praning.”Iaabot na sana niya pabalik ang phone sa tabi ng kama nang bigla niyang naalala ‘yung payo ng pinsan niya dati:“Kung gusto mong malaman kung may tinatago, tingnan mo ‘yung online shopping history. Minsan doon lumulusot.”Napalingon siya kay Robert. Mahimbing pa rin ang
“Kung may oras ka pa, Charlotte… pakialam mo naman 'yang nanay mo. Sobra na siya.”Tahimik lang si Charlotte. Hindi siya tumingin kay Robert. Bagkus, pinayuko niya ang ulo habang marahang kinakagat ang ibabang labi, pilit pinipigil ang anumang sagot na baka makasakit lang lalo sa kanila.Wala siyang sinabi. Wala siyang maipaliwanag. Kasi kahit gaano niya gustong ipagtanggol si Lucile, alam niyang may tama si Robert. Alam niyang hindi rin perpekto ang ina niya—at minsan, mas mahirap siyang itama kaysa unawain.Nakahiga si Robert sa kama, nakapatong ang isang braso sa noo habang nakatitig sa kisame.“Hindi puwedeng ganito lagi, Charlotte,” malamig nitong sabi, walang pakialam sa tono ng boses niya. “Alam mong sugal ang hilig ng nanay mo pero binibigyan mo pa rin siya ng allowance buwan-buwan. Alam mong kulang na nga tayo sa budget, inuuna mo pa rin siya. Paano mo nagagawang mabuhay nang ganyan?”Hindi pa rin siya tumingin. Tahimik siyang nagtupi ng damit sa tabi ng aparador, isa-isang i
PATULOY pa rin si Lucille sa pagmamalaki sa mapapangasawa ni Felicity kahit na hindi naman nito ginagawa noon.“Ewan ko na d'yan sa nobyo ni Felicity. Ang laki ng laman ng card, pero inuupa lang ang bahay?”Matalim ang boses ng nanay ni Charlotte habang abala sa paglalaba. “Kung matalino talaga 'yang nobyo ni Felicity, bakit hindi pa bumili ng bahay? Kung ako 'yan, priority agad ang bahay.”Tahimik si Charlotte. Sa dami ng ganitong usapan, marunong na siyang hindi umimik. Pero kahit gaano na siya kasanay, may mga salitang hindi mo basta-basta kayang palabasin sa kabilang tenga.“Kabataan ngayon, ambabaw. Walang direksyon.” Napapailing ang matanda habang ipinipiga ang labadang damit.“Pero aaminin ko,” dagdag pa nito, “sa hitsura at kilos nung si Thorin Sebastian… mukhang may class. Tahimik, disente. Hindi gaya ng iba. Bihira ang gano’n ngayon.”Charlotte clenched her jaw. Alam na niya kung saan papunta ang usapan. At hindi siya nagkamali.“Pero ewan ko rin kung anong nakita ng lalakin
SA ISANG lumang residential area sa Maynila, anim na tao ang nagsisiksikan sa isang bahay na halos 60 square meters lang ang laki. Mainit, masikip, at laging maingay. Pero kahit ganon, pilit na ginagawa ni Charlotte ang lahat para mapanatili ang kaunting ayos sa paligid.Kakatulog lang ni Chase. Ilang minuto rin niya itong kinantahan at kinarga bago tuluyang napapikit ang bata. Pagod pero maingat siyang lumabas ng kuwarto para sana makakain kahit konting tinapay. Tahimik pa ang bahay—hanggang sa biglang nagsalita ang nanay niya.“Bakit mo tinawagan si Felicity?” tanong nito agad, hindi na nagpakilala ng galit. “Nanghihingi ako sa kan'ya ng pambili ng red, tapos tinawagan mo naman? Natatakot ka bang gumastos siya?”Napahinto si Charlotte. Napakamot sa batok, pilit pinakakalma ang sarili.“Ma, hindi naman sa ganon…” mahina niyang sagot. “Wala lang… gusto ko lang sana siyang kausap.”Napalingon siya sandali sa kuwarto, kabadong baka magising si Chase. Mahinang bumuntong-hininga ang nanay
NAPAKUNOT-NOO si Thorin habang pinroseso ang sinabi ni Felicity.“EvansTech?” ulit niya, halatang naguguluhan. “Lahat ng projects ng subsidiary na ’yon ay stable for the past few years. Wala akong narinig na department na nalulugi.”Tahimik siya ng ilang sandali, pero ang mata'y parang nagre-review ng internal reports na naka-store na sa isip niya. Recent board updates, shareholder meetings, summaries ng bawat performance report—lahat 'yon ay wala namang red flag mula sa EvansTech.“Anong department siya assigned?” tanong niya, this time mas focused ang tono.“Marketing,” sagot ni Felicity, halos pabulong.Agad nagbago ang ekspresyon ni Thorin. Hindi na ito curiosity—seryosong pagsusuri na.Napansin ni Felicity ang tension sa mukha nito. Parang biglang naging stiff ang atmosphere sa pagitan nila. Napalunok siya ng hindi oras. Hindi niya alam kung dahil ba sa sinabi niya o dahil pakiramdam niya ay may nasagasaan na naman siyang hindi dapat galawin.May kung anong guilt na gumapang sa d