Home / Romance / My Billionaire Husband's Hidden Identity / CHAPTER 4: “Marriage Fraud?”

Share

CHAPTER 4: “Marriage Fraud?”

Author: GennWrites
last update Huling Na-update: 2024-12-31 07:31:54

MATAPOS marinig ang sinabi ng kanyang Tita Lucille ay biglang sumagi sa isipan ni Felicity na matapos niyang umiyak kaninang umaga, bitbit ang mga gamit ay dali-dali siyang nagpunta coffee shop kung saan sila magkikita ng ka-blind date.

Pagpasok pa lang niya ng coffee shop ay kaagad niyang nabistahan ang lalaki na nakaupo sa table number 1. Lumapit si Felicity sa lalaki at nagpakilala, pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagtataka habang pinagmamasdan siya nito ng mula ulo hanggang paa.

Naalala ni Felicity, na ayon sa kanyang tiyahin ay 30 years old na raw ang lalaki at dahil nasa desk lang ang trabaho nito kaya hindi ito magaling makipag-usap pagdating sa opposite sex.

Dahil halos doon na raw ito tumira sa trabaho, kaya akala ni Felicity, pagbukas niya ng glass door ay isang lalaking napapanot na ang buhok aat mukha nang matanda ang kanyang makikita.

Pero nang makalapit si Felicity at maupo sa tapat ng lalaki ay napagtanto niyang mali ang kanyang mga na-imagine patungkol dito.

Ang tanong, bakit hindi ng sinabi ng lalaking ito na nagpakilalang Thorin Sebastian na hindi siya si Arjay Lopez? Maloloka na yata siya dahil nagpakasal siya sa lalaking hindi talaga niya kilala, as in.

Kinuha ni Felicity ang kanyang cellphone at kaagad na in-open ang kanyang Friendsbook account para tingnan ang profile ni Thorin Sebastian. Hindi mukha nito ang nakalagay sa profile picture kundi isang landscape ng asul na ulap.

Posible kayang nagkamali rin ito at napagkamalang siya ang babaeng ka-blind nito? Kung gano'n, lumalabas na pareho silang nagkaroon ng bagong ka-blind date sa katauhan ng isa't-isa.

Nang maisip ang mga bagay na nangyari ay nakaramdam ng pagkabalisa si Felicity. Gusto sana niyang i-text ito o kaya naman ay i-message sa Friendsbook pero hindi niya alam kung paano uumpisahan.

Naisip naman ng kanyang Tita Lucille na nasaktan siya sa mga sinabi nito kaya siya natigilan kaya naman gumaan ang pakiramdam nito. “Maghanap ka na lang ng paraan para magkapera. Hindi ka kagandahan at wala kang maaasahan na tutulong sa'yo rito sa bahay kaya sarili mo lang ang aasahan mo.

Hindi pa rin nagsasalita si Felicity kaya naman lumapit sa kan'ya ang pinsang si Charlotte ay marahang hinila papasok sa kwarto nito. Maingat muna nitong inilapag ang anak sa kama at kinumutan. Mamula-mula ang pisngi ng batang lalaki habang mahimbing na natutulog.

“Ate Felicity, pagpasensyahan mo na si Mama. Ganyan lang talaga siya magsalita dahil alam mo namang problema n'ya kung saan kukuha ng perang pangbayad sa mga pinagkakautangan. 'Wag mo na lang sanang personalin ang mga sinasabi niya,” pang-aalo ni Charlotte sa kanyang pinsan.

Ang pinsan ni Felicity na si Charlotte ay napakalayo sa pag-uugali ng ina nito, dahil napakabait nito at maunawain. Kaya bukod sa kanyang Uncle John na hindi palaimik at bayaw na mahilig mambola ay si Charlotte ang ka-close niya. Pero dahil ang atensyon nito ay naroon na sa pamangkin niya kaya pakiramdam ni Felicity ay exhausted siya araw-araw sa pamamahay na iyon.

Ang bayaw ni Felicity na asawa ng pinsan niya ay nagtatrabaho bilang salesman sa isang kompanya ng sikat na sasakyan. Sa mga nakalipas na taon ay naging maganda ang performance nito sa trabaho kaya naman tumaas ng sahod nito. Pero dahil dumanas ang buong mundo ng nakakatakot na epidemya na Covid-19 noong 2019 kaya natigil ito sa trabaho. Na naging dahilan naman para lumiit ng lumiit ang pera na ini-uuwi nito sa pamilya.

Nang ikasal ang kanyang pinsan at bayaw niya, ay lumipat ang mga ito sa bahay ng kanyang tiyahin. Idi-demolished daw kasi ang bahay nito at walang ibang matutuluyan. Kaya naman lumipat ang mga ito at nagsiksikan sila na para bang isang sardinas sa 60 square-meter na bahay ng kanyang tiyuhin.

Subalit makalipas ang tatlong taon, wala pa ring demolition na nangyayari. Sa halip ang relasyon ng pinsan niya at asawa nito ay naging matabang. Lagi na lang nag-aaway ang mga ito mga walang kwentang bagay.

Ang brother-in-law niya ay laging nag-o-overtime sa trabaho hanggang hating-gabi. Samantalang ang pinsan niya ay itinuon na lang ang atensyon sa anak nito, kaya ang dati nitong masigla at masayahing aura ay biglang naglaho. Kung hindi lang dahil kay Felicity na laging tumutulong sa pinsang si Charlotte ay matagal na itong sumuko dahil sa pag-uugali ng sarili nitong ina.

Sa kabuohan, mas matanda siya sa kanyang pinsan ng apat na tao pero ito ay may dalawang-taong gulang na anak na samantalang siya kahit boyfriend ay wala.

Ang kapatid naman niyang si Farrah ay mas bata sa kan'ya ng dalawang taon pero 'di tulad niya, stable ang relasyon nito. Iyon nga lang, nag-aalinlangan pa ang mga ito na magpakasal sa hindi niya malamang rason.

Naputol ang paglalakbay ng isipan ni Felicity nang makita niyang tumayo ang pinsan at nagtungo sa drawer para kunin ang isang pakete ng dried fruits. “Ate Felicity, itinabi ko 'to para sa'yo. 'Wag mong ipapakita kay mama, ha? Baka malintikan tayo,” anang Charlotte.

Na-touch naman si Felicity dahil simula't sapul ay naging napakabait na ni Charlotte sa kan'ya. Lagi siya nitong ipinagtatabi ng mga pagkain lalo na sa t'wing pinagdadamutan siya ng kanyang Tita Lucille. Malayong-malayo si Charlotte sa kapatid niyang si Farrah na napakabihira lang niyang ma-contact dahil may sarili na itong mundo.

Nang maisip ni Felicity na baka sa isa o makalawa ay lilipat na siya ng bahay, magiging mahirap na sa kanyang pinsan ang alagaang mag-isa ang pamangkin niyang si Chase.

At dahil hindi naman kayang ilihim pa ni Felicity ang pagpapakasal niya ay lumabas siya sandali ay kinuha ang kanyang bag. Nang bumalik ay hawak na niya ang marriage certificate at ipinakita sa kanyang pinsan.

“Char,” tawag niya sa palayaw nito. “Kasal na ako. Nagpakasal ako kanina sa isang lalaking 'di ko kilala,” pag-amin ni Felicity.

Sa loob ng tahimik na kwarto ay nanlalaki ang mga mata ni Charlotte dahil sa matinding pagkagulat. Ilang segundo muna itong natahimik bago nakapagsalita.

“A-Ano? Kasal...ka na?” nauutal na tanong ni Charlotte sa pinsan saka biglang hinablot ang marriage certificate na hawak nito. At halos lumuwa ang kanyang mga mata nang mabasa ang nakasulat sa marriage certificate at makita ang wedding photo na kalakip niyon.

“S-Sino ba ang lalaking 'to, Ate Felicity? Bakit bigla ka na lang nagpakasal ng hindi pinag-iisipan?”

Ang lalaki sa wedding photo ay mayroong facial features na parang ipininta. At ang mga mata nito ay malamig at matalim kung tumitig na para bang sinasabing  hindi ito madaling maloloko ng kung sino man.

Gusto sanang sabihin ni Felicity ang katotohanan sa kanyang pinsan, na isang malaking pagkakamali lang ang lahat. Pero dahil ayaw niyang mag-alala ito kaya naisip niyang magdahilan na lang.

“A-Actually, dati ko na s'yang kakilala. Kanina lang kami nag-usap ng masinsinan kaya nag-decide na rin kaming magpakasal,” pagsisinungaling ni Felicity.

Hindi naman mapigilang magduda ni Charlotte sa mga narinig. “Sure ka bang 'di mo nakilala ang lalaking 'yan online? Maraming marriage scammer ngayon na nagkalat online, Ate Felicity.”

Alam ni Charlotte na napi-pressure ang kanyang pinsan sa pag-aasawa dahil na rin sa kanyang mama, lalo na't may edad na rin ang kanyang Ate Felicity. Besides, alam niyang sobrang busy ng kanyang pinsan sa pagma-manage nito ng online store kaya paano naman ito nagkaroon ng oras ng para makipagrelasyon?

Usong-uso pa naman ang marriage fraud lalo na pagdating sa online dating. Nag-aalala siyang baka masamang tao ang pinakasalan ng kanyang pinsan at i-take advantage ang desperasyon nito makapag-asawa.

Ginawaran ng simpleng ngiti ni Felicity ang kanyang pinsang si Charlotte. “Don't worry, Char. If he's a scammer, he won't marry me. Alam kong mabait na tao si Mr. Thorin Sebastian at hindi n'ya ako niloloko,” wika ni Felicity na para bang kinukumbinsi niya ang sarili.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 218

    CHAPTER — A Different ThorinMula nang lumipat si Charlotte at si Chase sa apartment, unti-unting nag-iba ang rhythm ng araw-araw. Si Felicity, nakasanayan nang gumising nang mas maaga para maghanda ng kape bago pumasok. Pero nitong mga araw na ito, napapansin niyang hindi na laging siya ang nauunang gumalaw.“Good morning,” mahinang bati ni Thorin, nakasuot lang ng plain gray shirt at maong pants, habang nakatayo sa kusina at abala sa pagbubuhos ng mainit na tubig sa French press.Napahinto si Felicity sa paglapit, hawak ang tablet na dala-dala niya sa trabaho. Hindi niya in-expect na makikita niya ang asawa na mismong nagtitimpla ng kape.“Ah… good morning,” sagot niya, medyo nahihiya pa rin.Tahimik si Thorin habang pinipisil ang coffee grounds. Pagkatapos ay inabot nito ang isang mug sa kanya. “Here. You’ll need it. May deadline ka, right?”Halos malaglag ang tablet ni Felicity. “Paano niya nalaman?”“Uh, oo. May submission ako mamaya,” sagot niya, halos pabulong.Walang ibang sin

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 217

    CHAPTER — The Nanny PlanSIMULA noong umalis si Charlotte at lumipat sa poder nila Felicity, naging lantaran na rin ang pambababae ni Robert. Sa halip na makipag-ayos ito sa asawa at para muling mabuo ang pamilya, ay nag-uuwi pa ito ng babae sa bahay ng sariling biyenan.Si Lucille naman, walang pakialam sa ginagawa ni Robert. Walang kaso sa kanya kung tinatapakan na ni Robert ang pagkababae ng kanyang anak dahil para sa kanya, ang perang ibinibigay ng manugang ang pinakamahalaga sa lahat. Wala itong pakialam kung nasaktan nito ang kaisa-isang anak at hindi makita ang sarili apo.Araw-araw din nitong winawaldas sa mahjong ang 300,000 na dowry na ibinigay ni Thorin. Sugal dito, sugal doon na para bang hindi mauubusan ng pera. Salamantalang si John naman na ama ni Charlotte at tiyuhin ni Felicity, ay halos araw-araw ang inom na para bang mauubusan ng alak. Walang eksaktong dahilan kung bakit ito nag-iinom pero madalas nitong inaaway si Lucille tungkol sa pagpapalayas sa anak.---Habang

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 216

    KINABUKASAN, tila mas gumaan ang atmosphere sa buong apartment. Walang malaking pagbabago na obvious, pero ramdam ni Felicity ang subtle na shift—parang may warm presence na unti-unting pumupuno sa pagitan nila ni Thorin. Habang abala si Charlotte sa kusina at si Chase ay naglalaro sa carpet kasama ang plushy dinosaur niya, napansin ni Felicity na nakaupo si Thorin sa sofa, hawak ang tablet at nagbabasa ng email. Simple lang, pero sa bawat sandaling itataas nito ang ulo para silipin si Chase, may kakaibang lambot sa mga mata niya. “Uncle Thorin! Look! Dino jump!” tili ni Chase, tumalon ang laruan niya mula sa sofa papuntang carpet. Bahagyang ngumiti si Thorin, isang tipid na ngiti na halos hindi halata kung hindi mo siya titigan nang mabuti. “Good jump. Strong dinosaur,” sagot niya bago muling ibinalik ang tingin sa tablet. Napatingin si Felicity sa kanya. Simple lang ang eksena, pero sa puso niya, may kakaibang kilig na umusbong. Kung dati ay parang estranghero lang si Thorin sa

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 215

    KINABUKASAN, iba na ang atmosphere sa buong apartment. Hindi iyon yung tipong dramatic na biglang fairy-tale vibes, pero ramdam ni Felicity ang subtle na pagbabago. May unti-unting warmth na sumisingit sa pagitan ng mga tahimik na sandali.Sa dining area, abala si Charlotte sa pag-aayos ng mga plato habang si Chase ay nakaupo sa maliit na high chair, kumakain ng cereal. Si Thorin naman ay tahimik na nagbabasa ng business newspaper sa may sala, pero mapapansin na paminsan-minsan ay umaangat ang tingin niya para silipin si Chase.“Chase, dahan-dahan lang, baka mabulunan ka,” mahinang paalala ni Thorin. Hindi niya tinataas ang boses, pero sapat iyon para mapatingin si Charlotte, na halatang kinabahan.“Don’t worry, Mr. Thorin. Bantay-sarado ko siya,” sagot ni Charlotte na may ngiti.Tumango lang si Thorin at bumalik sa pagbabasa, pero sa gilid ng mga mata ni Felicity, nakita niya ang bahagyang pag-relax ng balikat ng lalaki. Hindi niya inaasahan na maririnig niyang mag-aalala si Thorin n

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 214

    KINABUKASAN, ibang atmosphere na ang bumalot sa apartment. Parang unti-unting nagkaroon ng kulay ang mga dingding na dati ay malamig at tahimik lang. Si Charlotte at si Chase ay nasa guest room, mahimbing pang natutulog, habang si Felicity ay nag-aayos ng mesa sa kusina.Nagising si Thorin nang maaga, gaya ng nakasanayan. Suot pa nito ang simpleng white shirt at gray jogger pants, pero iba ang dating ngayong umaga, hindi siya ‘yung tipong CEO na nakikita sa headlines, kundi isang simpleng lalaking galing sa mahabang tulog. Medyo magulo pa ang buhok, may bakas ng antok sa mata, pero may kakaibang kalma sa kilos.Napansin ni Felicity ang pagbabago. Hindi ito ‘yung Thorin na palaging seryoso at parang pader. Paglapit nito sa mesa, hindi siya agad nagsalita. Tumigil lang ito sandali, tiningnan ang inihahanda niyang kape, at saka mahinang nagsalita.“Morning.”Napatingin si Felicity, halos mabitawan ang hawak na teaspoon. “Ah—good morning.”Tahimik si Thorin, pero sa halip na maupo agad, k

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 213

    TAHIMIK ang buong sala matapos ang bigat ng mga salita ni Thorin. Parang lahat ng nasa loob ng bahay ay natuyuan ng laway; walang gustong magsalita, walang gustong kumilos. Kahit ang orasan sa dingding, tila bumagal ang tik-tak, pilit nakikisabay sa tensyon.Si Charlotte, nakatungo, hawak ang pisngi na kanina lang ay tinamaan ng sampal mula sa sariling ina. Si Robert, nakaharang pa rin sa pinto, nangingisi pero halata ang pag-aalinlangan. Si Felicity, nakatayo sa tabi ni Thorin, litong-lito pa rin kung totoo ba ang sinabi nitong “asawa.” At si Lucille, hawak ang abaniko, pinapaspas ang mukha, tila nag-iisip kung paano babaliktarin ang sitwasyon para makuha ang advantage.Hindi nagtagal, sumilay ang ngiting tagumpay sa labi ng matanda. Ang uri ng ngiti na nakakapagpatayo ng balahibo—hindi ngiti ng isang ina, kundi ng isang negosyanteng nakakita ng pagkakataon.“So,” wika ni Lucille, malumanay ang boses pero matalim ang titig. “Three hundred thousand. Kung talagang desidido ka, iho, sig

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status