MasukMABIGAT ang buntong-hininga na pinakawalan ni Thorin pagkalapag ng kaniyang telepono sa ibabaw ng glass desk. Tinitigan niya ang screen nito hanggang sa tuluyang mamatay ang liwanag at magdilim ang display.Naramdaman niya ang bahagyang pag-iiba ng hangin sa loob ng malawak niyang opisina. Sa tuwing nasa tuktok siya ng Evans Tower, sanay siyang kontrolado niya ang lahat, ang bawat stocks, ang bawat galaw ng kaniyang mga negosyo, at ang bawat taong nagtatrabaho sa ilalim ng kaniyang pangalan.Pero ngayon, may isang maliit na bagay na patuloy na lumilikha ng lamat sa kaniyang perpektong sistema.Si Charlotte.Naalala ni Thorin ang gabi kung kailan lumapit sa kaniya si Felicity, mga matang puno ng pag-aalala para sa kaniyang kaibigan. Nakiusap ito kung may kakilala ba siyang pwedeng pag-aplayan ni Charlotte bilang office clerk. Dahil sa kagustuhan niyang mapasaya si Felicity at maiparamdam dito na maaasahan siya bilang asawa, gumawa siya ng paraan.Gamit ang kaniyang alyas na Thorin Seba
MAAGAP ang pagsilip ng liwanag ng araw sa pagitan ng mga kurtina ng apartment. Malamig pa rin ang simoy ng hangin sa labas, basag sa paminsan-minsang ugong ng mga sasakyang nagsisimulang bumiyahe sa kalsada ng Maynila.Sa maliit na kusina, tahimik na kumukulo ang tubig sa kettle. Nakatayo si Felicity sa tapat ng counter, nakapikit pa ang kalahati ng mga mata habang hinihintay ang kape. May bahagyang ngiti sa kaniyang mga labi na hindi niya maitago, isang bakas ng hindi malilimutang pag-uusap nila sa balcony kagabi.“Good morning,” isang mahabang boses ang pumutol sa katahimikan.Napalingon si Felicity at nakita si Thorin na lalabas pa lang ng silid. Nakasuot ito ng simpleng puting t-shirt at maong, basang-basa pa ang buhok mula sa pagligo. Walang kahit anong bakas na ang lalaking ito ay nasanay sa mga marangyang kwarto five-star hotel o malalaking mansyon.“Good morning,” nakangiting bati ni Felicity, sabay salin ng mainit na tubig sa dalawang mug. “Nagluto ako ng fried rice at itlog.
GABI na nang makauwi si Thorin. Tahimik ang buong apartment, tanging ilaw lang sa sala ang bukas. Sa mesa, may natirang dinner na sinigang at pritong isda na halatang ininit pa ni Felicity. Pagpasok niya, sinalubong siya ng amoy ng pintura at kape. Napangiti siya nang makita ang maliit na sketchpad na nakabukas sa coffee table at drawing ni Felicity ng isang liwanag sa ilalim ng ulan. Simple pero maganda. Hinubad niya ang coat at marahang isinabit sa may hanger. Sa kusina, rinig ang mahinang tunog ng kutsara. “Still awake?” tanong niya nang lumitaw si Felicity, nakasuot ng loose pajama shirt at nakatali ang buhok. “Yeah,” sagot niya, sabay ngiti. “Ginising ako ng ulan. Hindi ka pa rin natutulog?” “Just got home.” Nilapag ni Thorin ang bag sa sofa at umupo. “I saw your sketch. Rain again?” Ngumiti si Felicity, bahagyang nahihiya. “Therapy ko na siguro ‘yon. Mas gumagana utak ko kapag umuulan.” “Therapy,” ulit ni Thorin, parang sinusuri ang bawat salita. “You should exhibit
PAG-AKYAT ni Selene sa black SUV na naghihintay sa basement parking, tahimik siya. Walang phone sa kamay, walang utos, walang reklamo. Para sa mga taong nakasama niya sa buong araw, si Maya, ang PR assistant niya, at dalawang bodyguards ay iyon na ang pinaka-weird na eksenang nakita nila mula nang makilala nila ang dalaga. “Miss Selene,” maingat na tawag ni Maya habang isinasara ang pinto. “Okay po ba kayo? Medyo tahimik kayo since kanina.” Hindi sumagot agad si Selene. Nakatitig lang ito sa salamin, pinagmamasdan ang sarili. Naka-bun pa rin ang buhok, flawless pa rin ang make-up, pero may kung anong bago sa mga mata nito—parang kalma. “Hmm,” mahinang tugon niya. “Do I look strange today, Maya?” Nagkibit-balikat ang assistant. “Actually, yes po. Usually kapag may bumangga sa inyo sa mall, eh … automatic nagagalit kayo. Pero kanina, you smiled. You even talked to her.” Napailing si Selene, tila natatawa sa sarili. “I know. Weird, no?” “Weird but good,” sabi ni Maya, bahagy
MAAGA pa lang ay maliwanag na ang langit, pero basa pa rin ang kalsada mula sa ulan kagabi. Nakasuot ng simpleng white blouse at light jeans si Felicity habang maingat na isinasara ang pinto ng kwarto. Tahimik pa rin ang buong apartment, pero rinig niya ang mahihinang tawa ni Charlotte at Chase mula sa kusina.“Good morning!” masiglang bati ni Charlotte, bitbit ang isang tasa ng gatas habang karga si Chase na nakasuot ng dinosaur-printed shirt. “Maaga ka yatang nagising ngayon, Ate Felicity.”“Day off ko, ‘di ba? I figured we could go out today.” Lumapit si Felicity, pinunasan ang gilid ng bibig ni Chase at ngumiti. “Mall tayo. Gusto mo ‘yon, baby?”“Mall!” masiglang sigaw ng bata. “May ice cream po?”“Of course,” sagot niya sabay kindat. “Pero secret ‘to, ha? Surprise for Mommy Charlotte.”Napakunot-noo si Charlotte. “Ha? Anong surprise?”“Wala,” mabilis na sagot ni Felicity, sabay kunot ng ilong. “Basta, sumama ka na lang. Magpapahinga ka lang naman sa bahay buong araw kung hindi.”
MAAGA pa lang, umuulan na.Yung tipong buhos na walang tunog ng kulog, pero sapat para lamigin ang paligid at punuin ng amoy-ulan ang buong apartment.Tahimik ang umaga. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang patak ng ulan sa bintana at ang kaluskos ng mga tasa sa kusina. Nagising si Felicity na may ngiti sa mga labi. Good mood siya ng umagang iyon ay hindi nkya alam kung bakit. Nag-stretch siya sandali bago bumaba ng kama. Amoy pa lang ng kape, alam na niyang si Thorin ang may gawa.Paglabas niya sa sala, tumambad ang tanawin na bihira niyang makita, si Thorin, nakatayo sa harap ng counter, suot lang ang gray shirt na may bahagyang gusot, nakarolyo ang manggas hanggang siko. Tahimik itong nagluluto, habang abala rin sa pagbabasa ng mga email sa tablet na nakapatong sa mesa.“Good morning,” mahinang bati niya, halos pabulong dahil parang ayaw niyang sirain ang katahimikan.Lumingon si Thorin saglit, saka tumango. “You’re awake. Breakfast will be ready in five minutes.”“Wow,” napa







