“SHORT-TERM investments often mean low profit. So if you want a high profit, you must be prepared for long-term investments.”
“We expected that the return of investment of this project can reach 170 %.” Napakunot-noo si Thorin habang makikinig sa monthly report na iyon ng marketing director. Nawala sa isipan n'ya ang usapan nilang dalawa ni Felicity na ang araw ng schedule ng paglipat nila sa apartment. “Masyadong mababa ang 170. We need to calculate the time cost,” sagot ni Thorin sa marketing director na si Mr. Lee. Walang kamalay-malay si Thorin na kanina pa tumatawag sa kan'ya si Felicity. Nakatago kasi ang cellphone n'ya sa loob ng kanyang drawer upang hindi siya ma-istorbo kung sakaling may tumawag habang nasa meeting siya. Iyon ang isa sa mga working etiquette ni Thorin kapag nasa kompanya siya. As much as possible, gusto niyang naka-focus lang siya sa isang bagay. ••••••• “Mr. Sebastian, busy ka ba? Nandito na ako sa Quantum Apartments. P'wede ko bang malaman ang password ng pinto?” Samantala, nakailang tex messages na ang naipapadala ni Felicity kay Thorin pero wala siyang natatanggap na reply mula sa lalaki. “Mr. Sebastian, busy ka ba?” “Paki-text na lang ang password pag 'di ka na busy.” “Nandito na ako sa tapat ng apartment.” Quarenta minutos na ang nakalipas per nanatiling walang natatanggap na reply si Felicity sa lalaki. Nananakit na ang binti niya katatayo kaya naman minabuti niyang maglatag ng panyo sa sahig at upuan. Hindi n'ya alam kung anong oras pa mababasa ni Thorin ang mga text n'ya kaya doon na lang muna siya sa labas ng pinto maghihintay. Marahang minasahe ni Felicity ang kanyang mga binti na namamanhid. Kasabay nito ay ang pag-aalala na baka nga marriage fraud si Thorin Sebastian. Hindi nga kaya na-scam siya ng lalaki dahil mukha siyang desperada? Mabilis na kinuha ni Felicity ang marriage certificate na nakalagay sa loob ng shoulder bag na dala niya. Pinagmasdan n'ya ito. Imposibleng fake ang marriage certificate na iyon dahil galing ito sa Regional Trial Court. Naalala rin n'ya ang seryosong mukha ni Thorin habang pumipirma ito ng marriage certificate. Paano nito nagagawa ang gano'n kaseryosong mukha kung nagsisinungaling lang ito sa kan'ya? Felicity shook her head violently. She truly believed that Thorin was not fooling her, never. Bigla rin n'yang naalala na nasabi nito sa kan'ya noong nasa blind date sila, na kapag sobrang busy nito sa trabaho ay maski pagkain ay hindi na nito nagagawa. Kailangan lang niyang maging considerate dahil alam niyang hardworking ang lalaki at motivated sa pagtatrabaho. Nakaramdam ng antok si Felicity habang nakaupo sa tiles na sahig at naghihintay, kaya naman pansamantala niyang iniyuko ang ulo sa mga braso niyang nakatukod sa kanyang mga tuhod at pumikit. •••••• Finally, natapos din ang meeting kaya ang lahat ng naroon sa loob ng malaking conference room ay na-relax na. Ang mga senior executives ay sabay-sabay na nagsitayuan na para bumalik sa kani-kanilang desk. Ganoon din ang ibang empleyado na sabay-sabay na nagsitayuan. That meeting was very important for Thorin because its main goal was their company's annual profit report from last year versus the current year. Bilang Chief Executive Officer o CEO ng Evans Corporation, napakahalaga sa kan'ya ng bagay na iyon. Doon n'ya kasi malalaman kung tumataas ang profit share ng kanyang kompanya o bumabagsak. Nang si Thorin na lang ang natira sa conference room ay tumayo na rin siya at kinuha ang coat niyang nakasampay sa swivel chair. He gently rubbed his eyes because he felt a little sleepy since it was already late at night. “Mr. Evans, you have a voice call,” anang secretary niyang si Nicolai Bruce nang lumapit sabay abot ang cellphone sa kan'ya. “From who?” clueless niyang tanong habang nagsusuot ng coat. Binuksan naman ni Nicolai ang mga chat messages at voice calls sa cellphone ng kanyang boss at lihim siyang napakunot-noo nang mabasa ang pangalan. “I-It's from...Ice Coffee J-Jelly,” Nicolai replied in an uncertain tone. Katulad ni Nicolai ay kumunot din ang noo ni Thorin sa narinig. Wala siyang maisip na mayroong siyang kakilalang ganoon ang pangalan. Inisip niyang baka isa lang iyon sa mga babaeng nangungulit sa kan'ya. “Just ignore it,” ani Thorin saka nauna nang lumabas ng conference room at sumakay sa elevator patungo sa parking area kung nasaan ang kanyang sasakyan. Nang makarating sa itim na Rolls-Royce ay kaagad na sumakay si Thorin at inutusan ang kanyang driver na dumiretso sa Evans Residence. Iyon ang kanilang mansyon kung saan nakatira ang kanyang mga parents. He has his own condo in Makati but occasionally he wants to go home to relax. Nang makauwi, kaagad na dumiretso si Thorin sa wine bar na makikita sa kanilang malaking living room. Nagbukas siya ng wine ay inilagay sa goblet. Bitbit iyon ay sumalampak siya ng upo sa three-seater sofa habang naka-cross leg. Nakakailang lagok na rin ng mamahaling wine si Thorin ng muli siyang makaramdam ng antok, kaya naman ipinikit n'ya sandali ang kanyang mga mata. Mayamaya'y dumaan ang butler at housekeeper si Mr. Kim, isang Filipino-Korean na matagal nang maninilbihan sa kanila. Nakita nito si Thorin sa ganoong ayos kaya nag-aalinlangan itong nagsalita, “Young Master, lumipat na kayo sa kwarto ninyo dahil masyadong malamig ang air-con dito sa sala.” “Hmmm...” Nanatiling nakapikit si Thorin dahil pakiramdam n'ya ay napagod siya sa mahabang pakikinig sa reports at pagharap sa napakaraming kontratra. Samantalang si Mr. Kim ay nakatayo pa rin sa likuran nito na para bang may gustong sabihin ng mga sandaling iyon pero nag-aalinlangan kung iistorbohin ito o hindi. “Y-Young Master...” mahinang pagtawag nito. “Yes?” sagot ni Thorin bagaman nakapikit. “Napalitan ko na kanina ang lock sa Quantum Apartments kanina. Katulad ng utos ninyo, in-upgrade ko na at ginawang automatic lock ang pinto,” pagpapaalam ni Mr. Kim. Nang marinig ang Quantum Apartments ay tila may bumbilyang umilaw sa isipan ni Thorin. Awtomatikong napalit siya at saka napalibalikwas ng bangon. Quantum Apartments. Oo nga pala, iyon ang araw na nag-usap sila ng kanyang ‘asawa’ na lilipat sa kanilang apartment. Doon lang din muling naisip ni Thorin na kasal na nga pala siya sa isang estrangherang babae na si Felicity Chavez. Nawala ang antok ni Thorin ng mga sandaling iyon. Mabilis niyang dinampot ang cellphone na nakapatong sa counter at binuksan ang mga chat messages sa kanyang Friendsbook. At muli, naalala niyang ang nangungulit kanina sa kan'ya sa conference meeting na may pangalang ‘Ice Coffee Jelly’ ay si Felicity. Nakalimutan n'ya kasing baguhin ang note sa kanyang cellphone nang i-save ang number nito. Ayon sa mga chat nito sa Friendsbook, kanina pang tanghali naroon si Felicity at marami na itong messages at voice calls na ipinadala sa kan'ya na hindi naman n'ya nabasa. Sinipat ni Thorin ang kanyang wristwatch at napag-alamang 10:45 na pala ng gabi. Sinubukan niyang tawagan ang babae pero out of coverage na ang linya nito. Wala siyang idea kung naroon pa nito sa tagal ng oras na wala siyang sagot sa mga messages nito, pero nagpasya pa rin siyang pumunta sa apartment. Kinuha n'ya ang coat na kahuhubad lang n'ya at muling isinuot. Matapos ay nagpalit ng komportableng sapatos saka nagmamadaling lumabas sa mansyon. “Pakitawagan ang driver, Mr. Kim. Pakisabing magpapahatid ako sa Quantum Apartments sa Quezon city.”“BY the way, may tatanong ako,” pagbabago ni Thorin ng usapan.Nag-angat ng kilay si Felicity. “Ano ‘yon?”“Simula pagkabata mo… nagsuot ka na ba ng alahas?” tanong ni Thorin, seryoso ang tono.Napakunot ang noo naman ni Felicity. Alahas? Saglit siyang nag-isip bago sumagot. “Hindi. Sa totoo lang, noong bata pa ako, pagkain ang problema. Paano pa ‘ko magkaka-accessories?”“Wala ka bang bagay na lagi mong dala o suot? Kahit simpleng keepsake?”Umiling si Felicity. “Wala talaga.”Kung tutuusin, wala siyang maalalang kahit isang bagay na palagi niyang kasama noon. Wala siyang extra na gamit na naipamana o naiwan sa kanya.Habang nagda-drive si Thorin, pumasok sa isip niyang posible kayang mali ang investigation ni Daniel?bO baka naman... may kinalaman talaga ito sa probinsya nila Felicity?“Bakit mo ba tinatanong ‘yan?” nagtatakang tanong ni Felicity.“Wala lang, curious lang,” sagot ni Thorin, simple ang tono.Napangiti nang bahagya si Felicity. “Wait lang, hindi mo naman ako balak bigy
UNTI-UNTING naglaho sa tanawin ang mga gusali sa labas ng bintana makalipas ang mahigit dalawang oras na nagmamaneho sina Thorin at Felicity. Habang papalayo sila sa lungsod, napalitan ng malalawak na palayan, taniman ng mais, at mangilan-ngilang mga kabahayan. “Ano bang itsura ng province mo?” malamig na tanong ni Thorin, hindi man lang tumingin kay Felicity. “Katulad lang ng ibang probinsya,” tugon ni Felicity habang nakatanaw sa labas. “Karamihan ng kabataan, nasa Maynila o ibang bansa para magtrabaho. Ang mga naiwan na lang doon, matatanda, nag-aalaga ng mga hayop o nagbabantay ng bukid.” Tumango si Thorin nang walang ekspresyon. “Figures. Ganun naman palagi. Umaalis ang mga may ambisyon, ang natitira, those who settle.” Nagpatuloy ang biyahe sa katahimikan, hanggang sa may lumitaw na service area sa unahan, isang gasolinahan na may karinderya at maliit na convenience store. “Magpapa-gas tayo,” sabi ni Thorin, diretso, parang utos lang. “Kung kailangan mong gumamit ng banyo,
PAGPASOK ni Felicity sa opisina, nadatnan niya si Shia na nakahilata sa sofa at nanonood ng TikTök videos.“Uy, ang bilis mo ah. Hindi ba kayo kumain sa labas?” tanong ni Shia, hindi inaalis ang tingin sa phone.“Hindi na,” sagot ni Felicity habang mabilis na nag-iimpake ng bag. “Kailangan kong umuwi ng probinsya, urgent ‘to.”Napatingin si Shia, agad ibinaba ang phone at tumayo para tulungan ang kaibigan. “Ha? Ano’ng meron?”“May iniwang gamit daw ang tunay kong mga magulang sa lumang bahay,” paliwanag ni Felicity, kabado ang boses. “Alam pala ni Tita Marites matagal na, pero ngayon lang sinabi. Kailangan kong makabalik bago nila sirain.”“Grabe naman, ang sama!” napamura si Shia, halatang nag-init ang ulo. “Sige, sige, bilisan mo na. Huwag mong kalimutan ang cellphone, charger, ID, tubig. Basta kompleto ka niyan, safe ka kahit saan pumunta.”Pagkatapos ay tiningnan siya ng seryoso. “Ikaw ba magda-drive? Gusto mo ba sumama ako? Delikado kung mag-isa ka lang.”“No need, sasamahan na a
FELICITY couldn’t help but worry na baka makaapekto ang gulo kanina sa trabaho ni Thorin.“Sorry… baka nasira ko ang reputation mo dahil sa akin,” sabi niya, ramdam ang bigat ng guilt.Simula pa nang ikinasal sila, halos walang issue si Thorin, pero siya, lagi na lang binibigatan ng problema ng mga kamag-anak. Naawa tuloy siya sa lalaki.“Kailangan mo na bang bumalik sa office agad? Baka ma-late ka at bawasan pa sweldo mo?” tanong niya, nag-aalala.“I’m fine,” kalmadong sagot ni Thorin.“Sorry kung nadamay ka pa sa sitwasyon ko,” bulong ni Felicity, nahihiya.“Na-experience mo na ba dati na ganyan ka nila i-harass?” tanong ni Thorin, diretso ang tingin.Napabuntong-hininga si Felicity. “Ever since naging maayos na ‘yong trabaho ko at unti-unting tumaas ang income, parang lagi na lang akong target ng mga kamag-anak. Ang dami nilang sinasabi, puro pang-aalipusta.”Napatingin siya sa oras at agad nagsalita. “May time ka pa ba for lunch? Ako na ang taya.”Kahit paano, gusto niyang suklian
“MGA boss, kung may nasabi akong mali, sabihin niyo na. Magso-sorry ako agad, luluhod pa ako kung kailangan!” halos mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Jerome, pawis na pawis at nanginginig ang boses.Pero walang pakialam ang lalaking naka-itim na suit. Bigla na lang siyang hinila papasok sa madilim na eskinita, parang walang effort.Nawala ang yabang ni Jerome, at bumalik ang dating takot niya, takot na dati niyang naramdaman noong mga panahon na binubugbog siya ng mga nagpapa-utang at pinagmumukha siyang basahan.“A-aray! Tulong! Tulong! May mga kriminal—!” sigaw niya, desperado, pero bago pa matapos ang salita, mabilis na tinakpan ang bibig niya.Hindi na nakita pa nila Felicity at Shia ang tanawing iyon, ang pilit na pagkaladkad kay Jerome at Marites dahil bigla na lang nawala ang mga ito.Kinagat ni Felicity ang labi, halatang nag-aalala. “Mukhang kailangan ko nang magpalipat ng opisina. Hindi na nila ako titigilan.”Pero malamig lang ang sagot ni Thorin, diretso at walang bakas ng al
NAGULAT si Jerome nang biglang mawala ang video na pinost niya. Parang bula lang na na-delete kahit hindi pa fully naka-upload.“Impossible ‘to…” bulong niya, nanginginig ang kamay habang hawak ang phone.Hindi niya alam na mula pa kanina, mino-monitor na ang account niya. Tahimik nang gumalaw ang PR team ng Evans Group, at awtomatikong binlock ng system ang kahit anong video na maglalabas ng negative post laban kay Thorin. Ito rin ang dahilan kung bakit parang wala lang kay Thorin ang pananakot ni Jerome kanina.Pero si Jerome, hindi pa rin nadala. Muli siyang nag-video sa dalawa. “Guys! Tignan n’yo ‘to! Ungrateful couple ‘tong dalawa!” sigaw niya habang hawak ang phone. “’Yung lalaki, nag-aasta pang gentleman, pero itong babae, pero walang utang na loob! May pambili ng kotse na libo-libo ang halaga pero 'di makabigay kahit singko sa kamag-anak na nagigipit!”“Hoy!” singit muli ni Shia, halatang hindi na matiis. “Sobra ka na. Pwede kang kasuhan ng cyber libel sa mga sinasabi mo! 'Di