공유

CHAPTER 84:

작가: GennWrites
last update 게시일: 2025-07-31 19:23:03

ILANG sandali pa'y muling bumalik si Felicity para samahan ang kaibigan sa table. Lumabas lang siya sandali para i-check kung naka-lock ng maayos ang e-bike niya. Mahirap na, kabibili lang niya iyon, baka sumakabilang-kamay pag nalingat siya.p

“Please, take a seat,” alok ni Mr. Ramos sa dalawa habang ngumiti.

“Thanks,” magalang na sagot ni Felicity at Shia.

Hinila ni Mr. Ramos ang upuan para sa kanila. Maganda rin ang pwesto—tabi ng glass window kung saan tanaw ang city lights. Kita nila ang il
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
Ghie Red
Sana more updates pa po, Ms. A..thank you po
goodnovel comment avatar
Ghie Red
waaaahh..kaloka ka Mr. Ramos..haha..
댓글 더 보기

최신 챕터

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 229

    MARAHANG bumukas ang malaking pintuan ng Grand Ballroom ng Grand Hyatt. Sinalubong silang dalawa ng isang napakalawak at napakarangyang bulwagan. Mula sa matataas na kisame, nakabitay ang napakalalaking crystal chandeliers na nagpapakalat ng ginintuang liwanag sa buong kwarto. Ang hangin ay mabango, may amoy ng mamahaling pabango, sariwang mga bulaklak, at mamahaling alak. Umaalingawngaw ng malamig na tugtog ng isang live string quartet ang paligid. Ang mga VIP guests, mga kilalang negosyante sa bansa, mga diplomat, matataas na opisyal, at mga sikat na kolektor ng sining ay abala sa kani-kanilang mga pormal na usapan habang hawak ang mga baso ng champagne.Dahan-dahang humigpit ang hawak ni Felicity sa braso ni Thorin. Bahagyang mabilis ang kaniyang paghinga habang inililibot ang kaniyang mga mata sa napakagandang paligid.“Thorin... grabe,” mahinang bulong ni Felicity, halos ayaw iparinig sa iba ang panginginig ng kaniyang boses. “Ang daming tao. At mukhang sobrang yayaman nilang la

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 228

    DUMATING ang araw ng Sabado na parang isang mabilis na pag-ihip ng malamig na hangin. Mula sa bintana ng silid, kitang-kita ang malawak na tanawin ng BGC, mga matataas na gusaling gawa sa salamin na pinaliligiran ng maliliwanag na ilaw habang unti-unting dumidilim ang kalangitan ng Maynila.Nakatayo si Felicity sa gitna ng isang napakalawak at marangyang presidential suite sa Grand Hyatt. Nakatingin siya sa paligid nang may halong pagkamangha at panginginig ng mga kamay. Ang sahig ay nababalutan ng makapal na velvet carpet, habang ang mga bintana ay nagbibigay ng magandang view ng buong lungsod.“Thorin... sigurado ka bang galing 'to sa perks ng kompanya niyo?” tanong ni Felicity habang nakahawak sa gilid ng malambot na sofa. “Sobrang ganda naman nitong suite. Mukhang pambilyonaryo na 'to, ah. Baka naman nag-abono ka pa?”Lumabas si Thorin mula sa katabing walk-in closet, nakasuot ng simpleng itim na polo at maong habang isinasaayos ang kaniyang wristwatch. Kalmado ang kaniyang mukha,

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 227

    LUMIPAS ang ilang araw na parang isang mabilis na panaginip. Ang dating malamig at halos pormal lamang na pakikitungo nina Thorin at Felicity sa isa’t isa ay unti-unting napalitan ng mga simpleng ngiti, mga hindi sinasadyang pagtatagpo ng tingin, at mga tahimik na gabi na puno ng kaunting kwentuhan sa balcony.Biyernes ng hapon. Katatapos lang maglagay ni Felicity ng huling patak ng pintura sa kaniyang canvas nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. Isang email notification mula sa isang kilalang art gallery sa Grand Hyatt Bonifacio Global City ang lumabas sa screen.Bahagyang kumunot ang noo ni Felicity habang binabasa ang laman ng mensahe. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata at napahawak siya sa kaniyang bibig.“Oh my god...” bulong niya, halos hindi makapaniwala.Inimbitahan ang kaniyang gawa para sa isang eksklusibong Annual Charity Gala at Art Auction sa BGC, isang napakalaking kaganapan kung saan ang mga pinakamalalaking kolektor at negosyante s

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 226

    SABADO ng umaga. Ang maaliwalas na sikat ng araw ay dahan-dahang gumagapang sa malaking bintana ng sala, nagbibigay ng likas na liwanag sa maliit na apartment. Wala ang ingay ng trapiko ngayong ambon lang ang naiwan sa labas, at tahimik ang buong paligid maliban sa mahinang tugtog ng acoustic playlist mula sa telepono ni Felicity.Maagang umalis si Charlotte kasama si Chase para pumunta sa parke, kaya silang dalawa lamang ni Thorin ang naiwan sa bahay.Sa gitna ng sala, nakatayo si Felicity habang nakatitig sa tatlong malalaking wooden canvases at ilang kahon ng bagong bili na heavy-duty art supplies. Medyo mabigat ang mga ito, at kanina pa niya sinusubukang ayusin ang kaniyang gagamiting workspace para sa isang bagong painting commission.“Kaya ko 'to,” bulong ni Felicity sa sarili habang sinusubukang buhatin ang dalawang magkatong na kahoy.Subalit bago pa man niya maitaas ang mga ito, isang malaking kamay ang marahang humawak sa gilid ng kahoy at mabilis na kumuha ng timbang mula

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 225

    LUMAGAPAK ang tawanan sa loob ng maliit na dining area habang inilalapag ni Felicity ang mainit-init pang mangkok ng sinigang sa gitna ng mesa. Ang amoy ng patis at asim ng sabaw ay mabilis na humalo sa malamig na hangin na nanggagaling sa bahagyang nakabukas na bintana ng apartment.“Ate Fel, sobrang gutom na ako! Akala ko talaga maninigas ako roon sa orientation kanina dahil sa sobrang lamig ng aircon,” reklamo ni Charlotte habang inaayos ang upuan ng kaniyang tatlong taong gulang na anak na si Chase. “Pero grabe, panalo 'tong salo-salo natin. Parang fiesta!”“Syempre, first day mo kaya dapat masarap ang hapunan,” nakangiting sagot ni Felicity habang naglalagay ng kanin sa plato ng bata.Nakatayo naman sa tabi ng counter si Thorin, nakatupi pa rin ang sleeves ng kaniyang polo. Maingat niyang inilapag ang isang baso ng gatas sa tapat ni Chase, na agad namang nag-angat ng tingin sa kaniya at ngumiti nang malapad.“Thank you, Tito Thorin!” malambing na sabi ng bata bago hawakan ang bas

  • My Billionaire Husband's Hidden Identity    CHAPTER 224

    MABIGAT ang buntong-hininga na pinakawalan ni Thorin pagkalapag ng kaniyang telepono sa ibabaw ng glass desk. Tinitigan niya ang screen nito hanggang sa tuluyang mamatay ang liwanag at magdilim ang display.Naramdaman niya ang bahagyang pag-iiba ng hangin sa loob ng malawak niyang opisina. Sa tuwing nasa tuktok siya ng Evans Tower, sanay siyang kontrolado niya ang lahat, ang bawat stocks, ang bawat galaw ng kaniyang mga negosyo, at ang bawat taong nagtatrabaho sa ilalim ng kaniyang pangalan.Pero ngayon, may isang maliit na bagay na patuloy na lumilikha ng lamat sa kaniyang perpektong sistema.Si Charlotte.Naalala ni Thorin ang gabi kung kailan lumapit sa kaniya si Felicity, mga matang puno ng pag-aalala para sa kaniyang kaibigan. Nakiusap ito kung may kakilala ba siyang pwedeng pag-aplayan ni Charlotte bilang office clerk. Dahil sa kagustuhan niyang mapasaya si Felicity at maiparamdam dito na maaasahan siya bilang asawa, gumawa siya ng paraan.Gamit ang kaniyang alyas na Thorin Seba

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status