Mag-log in"Senra, ano yung ginawa mo kanina?" tanong bigla ng manager ng club.
"Sir Match, hindi naman po sinasadya ni Sen—" "Zenaida, h'wag mo 'kong pangunahan, ha? Itong bago ang tinatanong ko," agad na sabi ni sir Match na siyang manager namin. "Senra, sagutin mo 'ko. Alam mo ba na ang mga binastos mo ay mga loyal customers natin dito?" "S-Sir, h-hindi ko naman po s-sinasadya, e. N-Nabigla lang po talaga ako. P-Pasensya na po," nauutal kong paliwanag sa kaniya. Huminga si sir Match nang malalim at napahilamos sa kaniyang mukha. "O sige, pagbibigyan pa kita. Ako na ang gagawa ng paraan para hindi mawala ang loyal customers natin. Sa susunod, h'wag kang gagawa ng anumang bagay na ikawawala ng customers natin. Baka dahil sa 'yo, malugi pa 'tong club," inis niyang sabi bago umalis. Lihim naman akong napakagat-labi dahil sa ginawa ko. Gusto ko lang namang ipagtanggol ang sarili ko, pero natatakot ako na baka bigla akong mawalan ng trabaho. ALAS SAIS pa lang ng umaga pero nakabihis na ako ng uniporme. Nagtungo ako sa salas matapos kong magtimpla ng kape. Sa pag-upo ko, pansin ko na tutok na tutok si Mama sa hawak niyang phone. Nakangiti siya nang malapad at tila kinikilig pa. "Hmm... ano 'yan?" tanong ko. Hindi sumagot si Mama. Mukhang hindi niya ako narinig dahil nakatutok pa rin siya sa phone niya. "Ma, ano 'yan?" Napatingin sa 'kin si Mama sa tanong ko. "H-Ha? Tinatawag mo ba ako, 'nak? Sorry, ah? Natutuwa lang ako sa video na pinanonood ko," pagsisinungaling niya. Sandali pa akong napatitig kay Mama pero talagang tutok na tutok siya sa ginagawa niya. "Uhmm... aalis ako mamayang gabi. Baka ma-late po ako ng uwi," paalam ko, pero wala siyang imik. "Ma, naririnig mo ba ako?" tanong ko pa. "Ha? Oo na, sige," tanging sabi niya bago siya tumayo. Napairap na lang ako sa ere dahil sa pagbabalewala niya sa sinasabi ko. Mukhang hindi siya interesado. Kumain na lang ako ng almusal para makapasok na rin ako sa school kaagad. TINAPOS namin ni Heriane ang buong araw ng klase. Nang sumapit na ang uwian ay sumakay kami ng taxi papunta sa mall para magpalit ng damit. "Patali naman nitong sa likod ko, Senra," sabi ni Heriane kaya ginawa ko naman 'yon. Ilang sandali lang ay napalitan na ang mga suot namin from school uniform to sexy fitted dresses. "Okay na," sabi ko. "Tara na. Baka ma-late pa tayo, e," sabi naman ni Heriane then saka kami umalis. Muli kaming nag-take ng taxi para makapunta agad sa place kung saan isasagawa ang party. Around 20 minutes ang naging byahe namin at nakarating na rin kami. Naglakad kami papasok ni Heriane. Pinakita namin ang dala naming invitation cards kaya pinapasok naman kami ng guard. Pansin ko na parang ang tahimik. "Party ba 'tong pinuntahan natin? Bakit ang tahimik?" nagtataka kong tanong sa kaibigan ko. "May party rito pero secret party lang," sabi ni Heriane kaya mas lalo akong nagtaka. "Secret party?" tanong ko. "Oo, kasi yung mga mayayamang lalaking imbitado rito, mga pamilyado na. We're here para makuha na yung chance nating maging customer sila, 'no?" Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko kay Heriane. Pamilyado?! "H-Heriane, hindi ako ready maging kabit. Ayoko," pagtanggi ko. Tumingin siya sa mga mata ko at biglang natawa. "Hindi ka magiging kabit, 'no? Negosyo lang 'to," sabi niya bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Sa pagpasok namin sa loob, bumungad sa 'min ang mga abalang nag-uusap na mga lalaking nakapormal pa na pananamit. "Good evening," pagbati ni Heriane sa mga 'yon at binati rin naman siya ng mga ito pabalik. "It's good to see you guys here. Who is she, Heriane?" tanong ng lalaki. "She's Senra, my best friend. Senra, this is Mr. Thompson," pagpapakilala ni Heriane at saka lumapit sa 'kin. "Siya yung isa mga customer ko at siya ang nagpa-party dito," bulong niya. Napatango naman ako nang dahan-dahan. "H-Hi po," bati ko sa dayuhan at saka siya kinamayan. Habang nakatingin ako sa kaniya ay nag-wink naman siya sa 'kin. Sa ilang ay agad kong binawi ang kamay ko. "You can guys go to the bar counter and have a drink." "Yes, thank you," sagot ni Heriane at bigla niya akong hinila papunta sa likod ng mansion kung nasaan ang bar counter. "Senra, mukhang type ka ni Mr. Thompson, ha?" bulong niya sa 'kin. "Ha? Naku, Heriane, mukha namang may pagkam*nyak," sabi ko. "Well, may point ka. Aggressive nga 'yan sa kama, e. Halika na nga lang at mag-inom muna tayo," pagyaya niya then saka kami namili ng iinumin.Hinatid namin sina Mama at ang asawa niya sa airport then bumalik na rin kami sa mansion agad."Senra, ano ba'ng ginagawa mo?" tanong na lamang ni Ruscial nang marahan kong hinaplos-haplos ang katawan niya."Bakit ba palagi kang tumatanggi?" tanong ko naman sa kaniya."N-Naiilang ako. Senra, may tiwala sa 'kin sina tito at tita, at ayokong masira ang tiwalang ibinigay nila sa 'kin," sagot nito sa 'kin.Inirapan ko si Ruscial sa inis. Bakit ba masyadong mabait 'tong taong 'to?"Bakit ba parang iniiwasan mo yung gusto ko? Mas sinusunod mo pa sila kaysa sa 'kin, e. Hindi ba't ako ang sinusuyo mo?" tanong ko rito."Senra, mahal kita. Gusto kita pero hindi naman ako makakapayag na may mangyari ulit sa 'tin. Tama na ang isang beses. Paano kung mabuntis ka?""E 'di mag-cond*m ka para hindi mo 'ko mabuntis," pamimilit ko.Hindi naman talaga ako naiinis sa kaniya dahil hindi niya ako mapagbigyan, mas kinakabahan ako dahil baka mamaya ay pumasok dito si Ivran at muli na naman akong galawin."H'
"Ivran, nandito ka na pala."Binawi ko kaagad ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Ivran nang bigla naming marinig ang boses ng asawa niyang si Klea.Lumapit ito at hinalikan sa labi si Ivran."Mabuti naman at dumating na kayo," sabi pa ni Klea sa 'min."Sige, Klea, aakyat na ako. Inaantok na rin kasi ako, e," paalam ko na lang agad sa kanila at nilagpasan silang dalawa."Goodnight, Senra," dinig kong sabi ni Klea kaya't marahan kong tinaas ang kamay ko para batiin siya pabalik.NAHINTO AKO sa pagkain nang may bulaklak na tumambad sa harapan ko habang abala ako sa pagkain. Nang tignan ko kung kaninong kamay ito nanggagaling ay nakita ko si Ruscial."For you, Senra," sabi nito habang nakangiti nang malapad."S-Salamat. Nag-abala ka pa," sabi ko sa kaniya at kinuha ang bulaklak. Pansin ko ang mga ngiti ng mga kasama ko rito sa mansion."You're such a sweet man, Ruscial. Alam mo ba'ng first time ni Senra na maka-receive ng bulaklak?" sabi ni Mama."Well, I'm lucky at ako ang unang nakapa
"Pwede ba, Ivran? H'wag kang gumawa ng panibagong problema. Sa bahay mo na lang makukuha ang gusto mo," inis kong sabi sa kaniya.Naglakad ako para sana lumabas na ng restroom ngunit bigla kong naramdaman ang paghawak niya sa braso ko."H'wag kang pakakampante sa mga tao sa loob," seryoso at kalmado niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka."A-Ano ba'ng pinagsasasabi mo?"Tinignan niya ako at ngumiti siya nang marahan."Those women lately, they are not just women, Senra. They're dangerous. Mas mabuti pa kung layuan mo na si Ruscial, or else, baka may mangyari pa'ng hindi maganda."Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya ngunit isinawalang-bahala ko lang 'yon. Inalis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya sa 'kin at lumabas na ng restroom. Dali-dali akong nagtungo sa loob ng venue para hanapin si Ruscial."Senra, where have you been? Kanina pa kita hinahanap, e," tanong ni Ruscial nang makita niya ako."S-Sa restroom. Pasensya na kung natagalan ako.""Anyway, come and let'
"There he is! Rafael!" tawag ni Ruscial sa isang lalaki kaya't napatingin ito sa gawi niya."Ruscial!" tawag din naman nito."Happy birthday, Raf. You're aging backwards, huh?" pagbibiro ni Ruscial at natawa silang dalawa."Thanks for keep saying that, Ruscial. By the way, who is she? Girlfriend mo?" tanong nito nang makita ako."She's the woman I'm courting, Raf. She's Senra Lazurel. Senra, he's Rafael Quinzor, my good friend and my business partner," pagpapakilala sa 'min ni Ruscial."Hi, Senra, it's nice to meet you.""It's nice to meet you too."Marahang lumapit si Rafael kay Ruscial."She's really beautiful, Ruscial. Baka may maire-recommend ka sa 'kin?" pabiro nitong bulong kahit na naririnig ko.Tumawa silang dalawa."I'll let you know kapag may makita ako. Ikaw naman kasi, e, masyado kang mapili.""Yeah, that's me, e. Anyway, where's Ivran? Nakita mo ba siya?"Hindi ko na sila pinakinggan pa sa pag-uusap nila. Ayokong umalis sa tabi ni Ruscial dahil wala akong makakausap pero
Matapos kong bilhin ang dress ay nagpunta kami ni Pico sa branded shop for bags dahil ang sabi niya sa 'kin kanina ay collector din ang mommy niya."Alam mo, wala naman akong alam tungkol sa mga branded na bag, e. Bumabase lang ako sa apperance at saka sa paliwanag ng sales assistant," sabi ko kay Pico habang namimili kami ng bag."Then yung preference mo na lang ang magiging basis natin. Wala rin naman akong idea that's why I need someone to help me para makapili," sagot naman ni Pico.Inisa-isa namin ang mga bag habang ipinaliliwanag ng sales assistant ang tungkol dito."Ito na lang, miss," sabi ko nang mapukaw sa pansin ko ang isang kulay beige na small bag."Hmm... this looks beautiful. Alam mo rin ang paboritong color ni mommy," sabi naman ni Pico."Paborito niya ang beige?" paninigurado kong tanong. Tumango siya sa 'kin habang nakangiti nang malapad."We'll get that, miss. Thanks," sabi ni Pico sa sales assistant kaya't inasikaso na ito.Matapos bayaran ni Pico ang bag ay saka n
"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong ko naman sa kaniya. Napansin ko ang marahang pagkawala ng ngiti niya ngunit pinilit niyang maging masaya sa harapan ko."O-Oo naman. Gusto kong malaman," sabi niya sa 'kin sa kabila ng panginginig ng kaniyang boses."Kinausap ko siya kanina kung mahal ka pa ba niya, pero sinabi niya sa 'kin na—""Hindi," sagot niya agad sa sinasabi ko. "Sinabi niyang hindi niya ako mahal, hindi ba?" paninigurado niyang tanong habang nakangiti sa 'kin."A-Ah, o-oo," nag-aalangan kong sagot.Huminga nang malalim si Klea at tumango-tango. Hindi pa rin niya inaalis ang peke niyang ngiti sa kaniyang labi."Expect ko naman na 'yan, e, pero ako lang 'tong pinagsisiksikan yung sarili ko sa kaniya," sambit niya habang patuloy sa paghihiwa. Pansin ko ang pamumuo ng kaniyang luha sa bawat sulok ng mga mata niya. "U-Uhmm... h-hahaluin ko lang 'to."Malungkot ko siyang tinignan hanggang sa nagpaka-busy siya sa ginagawa niyang pagluluto. Tumutulong ako para mapagaan ang ginaga







