Share

Kabanata 3

Penulis: Dracarys
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-20 19:28:13

Hinihintay ko si Mama na umalis dahil bihis na bihis siya. Mukha siyang nagmamadali.

"Anak, may niluto akong ulam para sa 'yo, ha? Kumain ka na at matulog. Oh, ito ang pera, panggastos mo," sabi ni Mama matapos akong abutan ng three thousand pesos.

"T-Thank you po," sabi ko. Nagpaalam na siya at tuluyang umalis pagtapos.

Naging tahimik ang buong paligid. Wala rin si Papa kaya dali-dali akong kumilos para makapasok na rin sa trabaho ko sa club.

Nag-trycicle ako para makapunta agad sa club. Sa pagpasok ko sa loob ay busy ang lahat sa pag-aayos ng paligid at ng mga sarili nila.

"Nasaan si Heriane?" tanong ko sa sarili ko.

"Psstt! Bagong salta, halika na rito!" tawag sa 'kin ng may katandaang babaeng punong puno ng make up sa mukha. Dahil dito ay agad naman akong nagtungo roon.

Ang daming mga magaganda at sexy na nagtatrabaho rito. Entertainer din kaya sila tulad ko?

"Umupo ka at aayusan na kita," sabi pa ng katandaang babae. Nag-aalangan pa ako pero bigla niya akong hinila at pinaupo.

Sinimulan na niya akong ayusan.

"Ang ganda mo naman, ineng. Anong pangalan mo?" tanong niya.

"U-Uhmm... Senra po," sagot ko. Tumango naman ito.

"Ang ganda mong babae, Senra. Ako nga pala si Zenaida. Ako ang mudra Z nila rito. Taga-ayos ako ng mga performer," pakilala niya. Mukha siyang mataray dahil sa kilay niya pero mabait pala siya.

"Hello po, aling Ze—"

"Eww! Don't call me 'aling', ha? Call me mother Z," pagtatama niya.

"Okay po, m-mother Z," sagot ko. Ngumiti siya sa 'kin habang patuloy niya akong inaayusan.

Mahigit limang minuto lang ang tinagal ko sa pag-aayos. Hindi ako makapaniwala na sa pagtingin ko sa salamin, parang hindi ako ang nakikita ko. Ang ganda naman!

"Senra, halika na at magsuot ka na ng sexy bunny mo. Darating na ang mga nasa VIP kaya dapat, prepared ka na," sabi ni mother Z.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

"A-Akala ko, may magtuturo po sa 'kin?" nagtataka kong tanong.

"Senra, hindi mo na kailangan ng tagaturo sa pag-e-entertain. Sayawan mo lang sila at akitin, okay na. May pera na. Kaya mo 'yan, hija," pagpapalakas ng loob sa 'kin ni mother Z.

Hindi na lang ako umimik at sinuot ang black sexy bunny outfit na naka-ready. Now, I look like a prostitute.

"Wow! Perfect! Napakaganda mo, hija!" papuri ni mother Z habang pinapalakpakan ako sa tuwa.

Samantalang ako, hiyang hiya sa suot ko.

"A-Ano na pong ga—"

"Senra, ano pang hinihintay mo? Lumabas ka na at simulan mo ng sayawan ang VIP natin sa room na 'yon. Go! Keri mo 'yan!"

Mas lalo akong kinakabahan nang i-cheer ako ni mother Z. Dahil wala naman akong choice ay tinungo ko ang isang VIP room para makapagsimula na akong sayawan sila.

Mula sa gilid ay kitang kita ko ang tatlong lalaking naka-polo at slacks na nagsasaya at nag-iinuman. Sandali muna akong nag-pray bago ako unti-unting pumasok habang gumigiling.

Dahil naka-half mask ako ay hindi nila ako makikilala.

Napahinto ang tatlong lalaking 'yon sa pagkukuwentuhan nang makita ako. Halos mapatulala sila sa mukha ko at sa katawan kong abala silang sinasayawan.

Nakakadiri. Ganito pala ang experience ni Mama tuwing gabi.

"Come here, little bunny," sambit ng isang lalaki habang matalim na nakatingin sa 'kin. Mukha na siyang lasing.

Hindi ko siya sinunod kaya bigla niya akong hinila. Nagdikit ang mga katawan namin sa isa't isa. Gusto kong umalis pero hindi ko pinahahalata. Patuloy ko pa rin siyang sinasayawan kahit na nandidiri na ako.

"Ang sexy, p're! Birahin na natin," bulong ng isang lalaki.

"Kung papayag si miss, talagang triple ang ibabayad namin sa 'yo. Game ka ba?" tanong naman sa 'kin ng isa.

Para akong kinilabutan sa mga sinasabi nila. Tinulak ko ang lalaki at agad akong tumayo mula sa pagkakadikit sa kaniya.

"What the hell?! Anong problema mo?!" sigaw niyang tanong dahil natapunan ko siya ng alak sa suot niya.

"I-I'm sorry po, sir. H-Hindi ko naman po sinasadya, e. S-Sorry po. Sorry po," sambit ko dahil halos mamula-mula na siya sa galit.

Gusto niya akong sugurin pero pinipigilan lang siya ng dalawa niyang kasama. Dahil sa nangyayari dito sa loob ng room ay agad akong tumakbo palabas habang naluluha.

"Senra? Senra? Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni mother Z nang magkasalubong kami.

"G-Gusto po nila akong bastusin. H-Hindi ko po... hindi ko po kaya," nauutal kong paliwanag sa kaba at takot.

"Sshhh... halika muna at magpakalma saglit. Tara," yaya ni mother Z at saka kami umalis.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 44

    Hinatid namin sina Mama at ang asawa niya sa airport then bumalik na rin kami sa mansion agad."Senra, ano ba'ng ginagawa mo?" tanong na lamang ni Ruscial nang marahan kong hinaplos-haplos ang katawan niya."Bakit ba palagi kang tumatanggi?" tanong ko naman sa kaniya."N-Naiilang ako. Senra, may tiwala sa 'kin sina tito at tita, at ayokong masira ang tiwalang ibinigay nila sa 'kin," sagot nito sa 'kin.Inirapan ko si Ruscial sa inis. Bakit ba masyadong mabait 'tong taong 'to?"Bakit ba parang iniiwasan mo yung gusto ko? Mas sinusunod mo pa sila kaysa sa 'kin, e. Hindi ba't ako ang sinusuyo mo?" tanong ko rito."Senra, mahal kita. Gusto kita pero hindi naman ako makakapayag na may mangyari ulit sa 'tin. Tama na ang isang beses. Paano kung mabuntis ka?""E 'di mag-cond*m ka para hindi mo 'ko mabuntis," pamimilit ko.Hindi naman talaga ako naiinis sa kaniya dahil hindi niya ako mapagbigyan, mas kinakabahan ako dahil baka mamaya ay pumasok dito si Ivran at muli na naman akong galawin."H'

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 43

    "Ivran, nandito ka na pala."Binawi ko kaagad ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Ivran nang bigla naming marinig ang boses ng asawa niyang si Klea.Lumapit ito at hinalikan sa labi si Ivran."Mabuti naman at dumating na kayo," sabi pa ni Klea sa 'min."Sige, Klea, aakyat na ako. Inaantok na rin kasi ako, e," paalam ko na lang agad sa kanila at nilagpasan silang dalawa."Goodnight, Senra," dinig kong sabi ni Klea kaya't marahan kong tinaas ang kamay ko para batiin siya pabalik.NAHINTO AKO sa pagkain nang may bulaklak na tumambad sa harapan ko habang abala ako sa pagkain. Nang tignan ko kung kaninong kamay ito nanggagaling ay nakita ko si Ruscial."For you, Senra," sabi nito habang nakangiti nang malapad."S-Salamat. Nag-abala ka pa," sabi ko sa kaniya at kinuha ang bulaklak. Pansin ko ang mga ngiti ng mga kasama ko rito sa mansion."You're such a sweet man, Ruscial. Alam mo ba'ng first time ni Senra na maka-receive ng bulaklak?" sabi ni Mama."Well, I'm lucky at ako ang unang nakapa

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 42

    "Pwede ba, Ivran? H'wag kang gumawa ng panibagong problema. Sa bahay mo na lang makukuha ang gusto mo," inis kong sabi sa kaniya.Naglakad ako para sana lumabas na ng restroom ngunit bigla kong naramdaman ang paghawak niya sa braso ko."H'wag kang pakakampante sa mga tao sa loob," seryoso at kalmado niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka."A-Ano ba'ng pinagsasasabi mo?"Tinignan niya ako at ngumiti siya nang marahan."Those women lately, they are not just women, Senra. They're dangerous. Mas mabuti pa kung layuan mo na si Ruscial, or else, baka may mangyari pa'ng hindi maganda."Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya ngunit isinawalang-bahala ko lang 'yon. Inalis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya sa 'kin at lumabas na ng restroom. Dali-dali akong nagtungo sa loob ng venue para hanapin si Ruscial."Senra, where have you been? Kanina pa kita hinahanap, e," tanong ni Ruscial nang makita niya ako."S-Sa restroom. Pasensya na kung natagalan ako.""Anyway, come and let'

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 41

    "There he is! Rafael!" tawag ni Ruscial sa isang lalaki kaya't napatingin ito sa gawi niya."Ruscial!" tawag din naman nito."Happy birthday, Raf. You're aging backwards, huh?" pagbibiro ni Ruscial at natawa silang dalawa."Thanks for keep saying that, Ruscial. By the way, who is she? Girlfriend mo?" tanong nito nang makita ako."She's the woman I'm courting, Raf. She's Senra Lazurel. Senra, he's Rafael Quinzor, my good friend and my business partner," pagpapakilala sa 'min ni Ruscial."Hi, Senra, it's nice to meet you.""It's nice to meet you too."Marahang lumapit si Rafael kay Ruscial."She's really beautiful, Ruscial. Baka may maire-recommend ka sa 'kin?" pabiro nitong bulong kahit na naririnig ko.Tumawa silang dalawa."I'll let you know kapag may makita ako. Ikaw naman kasi, e, masyado kang mapili.""Yeah, that's me, e. Anyway, where's Ivran? Nakita mo ba siya?"Hindi ko na sila pinakinggan pa sa pag-uusap nila. Ayokong umalis sa tabi ni Ruscial dahil wala akong makakausap pero

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 40

    Matapos kong bilhin ang dress ay nagpunta kami ni Pico sa branded shop for bags dahil ang sabi niya sa 'kin kanina ay collector din ang mommy niya."Alam mo, wala naman akong alam tungkol sa mga branded na bag, e. Bumabase lang ako sa apperance at saka sa paliwanag ng sales assistant," sabi ko kay Pico habang namimili kami ng bag."Then yung preference mo na lang ang magiging basis natin. Wala rin naman akong idea that's why I need someone to help me para makapili," sagot naman ni Pico.Inisa-isa namin ang mga bag habang ipinaliliwanag ng sales assistant ang tungkol dito."Ito na lang, miss," sabi ko nang mapukaw sa pansin ko ang isang kulay beige na small bag."Hmm... this looks beautiful. Alam mo rin ang paboritong color ni mommy," sabi naman ni Pico."Paborito niya ang beige?" paninigurado kong tanong. Tumango siya sa 'kin habang nakangiti nang malapad."We'll get that, miss. Thanks," sabi ni Pico sa sales assistant kaya't inasikaso na ito.Matapos bayaran ni Pico ang bag ay saka n

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 39

    "Gusto mo ba talagang malaman?" tanong ko naman sa kaniya. Napansin ko ang marahang pagkawala ng ngiti niya ngunit pinilit niyang maging masaya sa harapan ko."O-Oo naman. Gusto kong malaman," sabi niya sa 'kin sa kabila ng panginginig ng kaniyang boses."Kinausap ko siya kanina kung mahal ka pa ba niya, pero sinabi niya sa 'kin na—""Hindi," sagot niya agad sa sinasabi ko. "Sinabi niyang hindi niya ako mahal, hindi ba?" paninigurado niyang tanong habang nakangiti sa 'kin."A-Ah, o-oo," nag-aalangan kong sagot.Huminga nang malalim si Klea at tumango-tango. Hindi pa rin niya inaalis ang peke niyang ngiti sa kaniyang labi."Expect ko naman na 'yan, e, pero ako lang 'tong pinagsisiksikan yung sarili ko sa kaniya," sambit niya habang patuloy sa paghihiwa. Pansin ko ang pamumuo ng kaniyang luha sa bawat sulok ng mga mata niya. "U-Uhmm... h-hahaluin ko lang 'to."Malungkot ko siyang tinignan hanggang sa nagpaka-busy siya sa ginagawa niyang pagluluto. Tumutulong ako para mapagaan ang ginaga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status