Share

Chapter 5: Truth and Dignity

Author: Dracarys
last update Huling Na-update: 2025-11-20 19:29:14

Naging magaan para sa 'min ni Ruscial ang pag-amin sa mga magulang ko. Sinabi rin namin ang balita sa mga magulang niya at labis ang tuwa nila para sa 'min.

Sinaad ni Mama kay Ruscial na hindi muna kami pwedeng magsama hangga't hindi pa kami kasal. Pwede siyang dumalaw rito sa mansion araw-araw. Nalungkot si Mama dahil ang sabi niya, ngayon pa lang siya babawi sa mga naging pagkukulang niya pero nabuntis naman ako. Ayaw niyang mahiwalay sa 'kin, at gayundin naman ako dahil mahal ko siya.

Bukod dito, ayaw rin ni tito Dario na madaliin ang lahat ukol sa kasal. Ang sabi niya ay magpakasal na lang kami after kong manganak para hindi raw ako ma-stress sa mga aasikasuhin. Pumayag naman kami ni Ruscial dahil pabor din 'yon sa 'min.

Pangatlong araw matapos ang naging rebelasyon sa pagbubuntis ko, kasalukuyan akong nasa pool area habang nakaalalay ang isang kasambahay. Gusto ko kasing maglakad-lakad ngayo't hindi naman sobrang init ng panahon.

"Sir Ivran," sambit ng kasambahay kaya tinignan ko ito. Nakita ko rin si Ivran na nasa likuran namin. Hindi ko napansin ang pagdating niya.

"Leave us," kalmado ngunit seryoso nitong utos. Umalis ang kasambahay kaya kaming dalawa na lang ang natira.

"Ano na naman bang kailangan mo? Pwede bang umalis ka? Ayokong makita ka," inis kong sabi.

"Kahit saan ka magpunta, nandoon din ako. Iisang bahay lang ang tinitirhan natin, Senra. Pinapaalala ko lang sa 'yo," sagot niya.

"Ano bang sadya mo? Sabihin mo na lang at ng makalayo ako sa 'yo," tanong ko ulit. Medyo nataas pa ang boses ko sa inis sa kaniya.

"Ano ang sadya ko? Iyang nasa sinapupunan mo," sagot niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Pati ba naman ang anak namin ni Ruscial, pakikialaman mo? Ano ka ba?"

"Talaga? Anak ninyo ni Ruscial?" tanong din niya pabalik. "Hindi ko pa nakikita ang batang 'yan, pero ramdam ko na ako ang ama—"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong sampalin siya nang malakas para matigil siya sa sinasabi niya. Naaasiwa ako, nagagalit, at nadidismaya sa sarili ko.

"Napakabastos mo!" mariin kong sabi. Hindi siya nagpakita ng ibang reaksyon maliban sa seryoso. "Kung inaakala mong ikaw ang may gawa nito, nagkakamali ka. Anak namin 'to ni Ruscial. Siya ang ama ng batang dinadala ko."

"Hmm... alam kong g*go ako, Senra, kaya hindi mo na ako magagawang gag*hin. Sa oras na malaman kong ako ang tunay na ama ng batang 'yan, kukunin ko kayong dalawa. Hindi pa ako tapos sa 'yo."

Umalis si Ivran matapos niya 'yong sabihin. Ang inis ko sa kaniya ay napalitan ng takot at kaba. Ayokong mangyari 'yon. Ayokong maisiwalat ang naging bunga ng gabing pagkakamali namin.

NASA TABI ko si Ruscial habang inaalalayan niya akong kumain ng lunch. Nasa dining area kaming dalawa at siya ang nagluto ng pagkain ko.

"Love, are you okay?" tanong niya kaya nagising ang diwa ko. Tinignan ko ang concerned niyang mukha at ngumiti.

"A-Ayos lang ako," sagot ko.

"Mukha kasing wala kang ganang kumain, e. Hindi ba masarap ang lasa? Anong gusto mong kainin? Mag-o-order na lang ako," tanong pa niya.

"H-H'wag na. Masarap ang luto mo kaso b-busog pa ako, e," sabi ko.

"Love, dapat kang kumain sa tamang oras. Ayokong magkasakit ka lalo't dinadala mo ang baby natin," sagot niya at saka hinipo ang tiyan ko. Pumasok na naman sa isipan ko si Ivran.

"Love, m-magkagalit ba kayo ni Ivran?" tanong ko.

"Hindi. Busy lang siya at gano'n din ako. Bakit mo naman natanong?"

"Hmm... a-akala ko lang. H-Hindi ko kasi kayo nakikitang nag-uusap, e."

Hinalikan ako ni Ruscial sa noo at hinaplos ang pisngi ko. "Love, h'wag kang mag-isip nang malalim, makakasama sa kalusugan mo 'yan. Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang maya-maya para kumalma ka, ha? Bukas, sa park naman tayo maglalakad-lakad para maging payapa ang isip mo."

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Niyakap niya ako kaya't hindi niya napansin ang nag-aalala kong expression.

KINABUKASAN, matapos kong punasan ng tuwalya ang basa kong buhok, kinuha ko ang suklay na nasa unang buksanan sa vanity table. Bago ko pa man 'yon isara ay napansin kong nakabukas na ang lock ng malapad na stainless kung saan nakalagay ang PT at ultrasound result ko.

"Sinong nangialam nito?" nag-aalala kong tanong sa sarili ko.

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Agad akong lumingon nang magsalita ang boses ni Ivran na nasa 'di kalayuan. Nakaupo siya sa mini-sofa habang hawak ang mga hinahanap ko.

"Bakit nasa sa 'yo 'yan?! Ibalik mo 'yan sa 'kin!" sigaw ko sa sobrang inis. Hindi ko inalintana na buntis ako.

"Bakit? Dahil ayaw mong malaman ko at ng mga tao ang totoo?" tanong din niya. Doon ay natigilan ako. "Nagpunta ako OB mo para malaman ang lahat sa pagbubuntis mo. Huli kang nagkaroon nitong nakaraan lang. Anim na linggo kung bibilangin simula noong may mangyari sa 'ting dalawa."

"Ano bang pinagsasasabi mo?! Nahihibang ka na ba, Ivran?!" tanong ko. Pilit kong tinatago ang kabang namumuo sa loob ko.

Lumapit pa sa 'kin si Ivran kaya't marahan akong umatras. Natatakot ako sa expression niya. Gustong gusto niyang malaman ang katotohanan tungkol sa pagdadalang-tao ko.

"H'wag kang magkaila sa 'kin, Senra. Anak ko ba ang dinadala mo?" mariin niyang tanong. Ayokong ibuka ang bibig ko dahil natitiyak kong masasamid ako. Ayokong ilabas ang katotohanan.

"Nahihibang ka na, Ivran," sagot ko lang at akmang lalampasan siya ngunit mabilis niya akong hinila pabalik sa harapan niya. "Ano ba?!"

"Ang tanong ko ang sagutin mo, Senra! Anak ko ba ang dinadala mo?!" tanong pa niya. Napakuyom ako ng kamao at buong tapang akong sumagot sa kaniya.

"Oo! Anak mo 'tong dinadala ko!"

Natigilan siya habang naluluha naman ako sa paglabas ng katotohanan sa kaniya.

"B-Bakit kailangan mong itago sa 'kin?" tanong niya.

"Dahil mali 'to! Maling mali! Ayokong gumawa ng malaking eskandalo. Ngayong alam mo na, nakikiusap ako na lubayan mo kami ng bata. Dignidad ang pinag-uusapan natin dito, Ivran, at ayokong mawasak 'yon."

Huminga siya nang malalim at seryoso akong tinignan.

"Kung gano'n, may kasunduan tayo," aniya.

"A-Anong kasunduan?" nagtataka kong tanong.

"Si Ruscial ang makikilalang ama ng bata, pero ikaw, sa 'kin ka," saad niya.

"Naloloko ka ba? Alam mong magpapakasal kami—"

"Wala akong pakialam. Sa ayaw at sa gusto mo, sa 'kin ka, kung ayaw mong masira ang dignidad ng pamilyang 'to."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Chapter 8: Owned

    Hinayaan ko muna si Ruscial kasama ang mga kaibigan niya sa baba. Nag-iinuman sila habang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Mabuti na lang at tulog na ang anak kong si Raci kaya kahit papaano ay makakaidlip na ako."Ikaw na ang bahala kay Raci, ha? Gusto ko ng matulog. Inaantok na ako," sabi ko sa babysitter."Opo, ma'am," magalang niyang sagot at saka ko na siya iniwan.Nagpunta na ako sa room ko. Sa pagsara ko ng pinto ay halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Ivran na nasa likuran ng pintuan."A-Anong ginagawa mo—Hmm!" Hindi ko na nagawa pang magsalita nang salubungan niya ako ng halik labi. Sa sobrang diin ay para akong hindi makahinga.Sinubukan ko siyang itulak at palu-paluin para kumalas pero sadyang mas malakas siya kumpara sa 'kin. Ilang sandali pa ay binagsak niya ako sa kama. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan si Ivran habang dama ang takot at kaba."I-Ivran—""Shut your mouth or they will hear us here,"

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Chapter 7: Christening

    Hindi ako umimik sa sinabi niya. May punto siya. Dahil dito ay hinayaan ko siyang makita at mabuhat ang bata. "He looks like me," kampanteng sabi ni Ivran habang nakatingin sa walang malay na bata. Nagpa-panic ang loob ko dahil baka mamaya ay may makakita pa sa kaniya rito at magtaka. "Hindi. Hinding hindi mo magiging kamukha ang bata. Akin na nga lang ulit ang anak ko. Umalis ka na at baka may—" "I won't leave. Let me carry my son while they're not around," putol ni Ivran sa sinasabi ko at dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bintana. "Talagang gusto mong masira ang samahan nina Mama at Tito Dario, 'no? Masyado kang nagpapahalata sa mga kinikilos mo. Pati si Ruscial, nagtataka na rin sa 'yo. Pwede bang umakto ka ng naaayon?" inis kong tanong sa kaniya. Damang dama ko ang kaba sa tuwing nagtataka sila sa kinikilos ni Ivran.

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Chapter 6: Ivan Enraci

    Magkahalong kaba at takot ko nang isugod ako nina tito Dario, Mama at Ruscial sa St. Luke's Hospital nang pumutok na ang panubigan ko. Kita ko ang pag-aalala nila para sa 'kin. Nang ipasok na ako sa isang room ay hindi ko na inalintana ang mga sunod na nangyari. Sobrang sakit na ng tiyan ko kaya para lumakas ang loob ko ay panay ang inhale at exhale ko. "Push!" Ginagawa ko na lang ang sinasabi ng doktor. Sa bawat pagbanggit niya ng salitang 'yon, buong pwersa akong umiire para ilabas ang anak ko. Ni hindi ko rin napansin na nasa tabi ko na pala si Ruscial para alalayan ako. Nakakapit ako sa kaniya habang siya ay panay ang bulong at dasal. "One more, misis. Push pa po," sabi ulit ng doktor. Doon ay muli akong pumwersa at narinig ko na ang iyak ng isang sanggol. Napangiti ako sa sarili ko. Naluluha ako sa tuwa at galak dahil after nine months, nailabas ko n

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Chapter 5: Truth and Dignity

    Naging magaan para sa 'min ni Ruscial ang pag-amin sa mga magulang ko. Sinabi rin namin ang balita sa mga magulang niya at labis ang tuwa nila para sa 'min.Sinaad ni Mama kay Ruscial na hindi muna kami pwedeng magsama hangga't hindi pa kami kasal. Pwede siyang dumalaw rito sa mansion araw-araw. Nalungkot si Mama dahil ang sabi niya, ngayon pa lang siya babawi sa mga naging pagkukulang niya pero nabuntis naman ako. Ayaw niyang mahiwalay sa 'kin, at gayundin naman ako dahil mahal ko siya.Bukod dito, ayaw rin ni tito Dario na madaliin ang lahat ukol sa kasal. Ang sabi niya ay magpakasal na lang kami after kong manganak para hindi raw ako ma-stress sa mga aasikasuhin. Pumayag naman kami ni Ruscial dahil pabor din 'yon sa 'min.Pangatlong araw matapos ang naging rebelasyon sa pagbubuntis ko, kasalukuyan akong nasa pool area habang nakaalalay ang isang kasambahay. Gusto ko kasing maglakad-lakad ngayo't hindi naman sobrang init ng panahon."Sir Ivran," sambit ng kasambahay kaya tinignan ko

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Chapter 4: I'm Pregnant

    Bawat paggising ko ay para pa rin akong nasa bangungot. Isang buwan at kalahati na akong narito sa mansion matapos ng kasal nina Mama at tito Dario.Habang kumakain ng almusal, naiilang akong tignan si Ivran. Hindi ko na makalimutan ang nangyari sa 'min noong gabi ng engagement party."Hi, tito Dario. Hi, tita Lara," bati bigla ni Ruscial, ang ngayo'y boyfriend ko.Nakakailang dahil matalik na magkaibigan sina Ivran at Ruscial. Nalaman ko lang 'yon simula no'ng umakyat sa 'kin ng ligaw si Ruscial, dahilan kaya sinagot ko siya kaagad.Sa tulong niya, makakalayo ako kay Ivran.Habang nakikipag-usap sina Mama at tito kay Ruscial, pansin ko ang matalim na tingin ni Ivran sa kaniya at sa 'kin. Naiilang ako kapag nagtatama ang tingin namin sa isa't isa."Halika, hijo, sumabay ka sa 'min para—""Hindi na po, tita. I'm here to see my beautiful girlfriend," sabi ni Ruscial at saka ako hinalikan sa pisngi.Sakto nito ay napukaw sa atensyon namin ang ingay nang malaglag ang mga kubyertos ni Ivra

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Chapter 3: Night with Him

    "P-Po?" tanging tanong na lumabas sa bibig ko. Napansin ko ang pagtataka ni Mama at fiancé niya sa reaction ko."Yes, anak. Si Ivran ang magiging—""H-Hindi po," sagot kong bigla. Mas natutuwa pa ang lalaking 'to sa naging reaction ko."It's okay. If she can't accept me, it's fine. Hindi ko naman kailangan ng kapatid. Excuse me," paalam ni Sir Ivran bago umalis, samantalang ako, nakaramdam ng kaba at pagtanggi."Pagpasensyahan mo na si Ivran, Senra. Ako na ang humihingi ng tawad," sabi ng fiancé ni Mama pero wala akong naging reaction. Hanggang ngayon ay hindi nagsi-sink in sa 'kin na magiging kapatid ko siya."E-Excuse me po," paalam ko na lang at saka naglakad sa ibang direksyon. Gusto kong pumunta sa hindi mataong lugar. Masyado akong nagugulumihanan sa mga nangyayari.Nag-inhale at exhale ako para mapakalma ko ang sarili. Parang masyado yatang gumulo ang estado ko ngayon."Miss? Bakit nandito ka?" tanong na lang bigla ng isang lalaking hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala. Su

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status