Share

Betrayed

Penulis: leejhen
last update Terakhir Diperbarui: 2023-12-07 17:06:04

Chapter 2

Si David na ang sumagot para kay Lily at excited na nagpakilala sa kanyang sarili.

"Magandang hapon po, I'm David Bonghanoy. Lily's boyfriend." Nakangiting pakilala ni David na nakalahad pa ang kamay.

Hindi siya pinansin ni Andres at seryoso itong nakatingin kay Lily habang umuupo sa hapagkainan.

Medyo napahiya si David ngunit patuloy parin siya sa pag-ngiti na parang walang nangyari.

Magsasalita na sana si Lily dahil hindi niya nagustuhan ang pagtrato ng kanyang Daddy kay David.

Ngunit biglang dumating ang kontrabida niyang madrasta!

"Nag da-dalaga na pala itong anak mo Andres at may pa take home pa ng kanyang nobyo dito sa bahay." Nakangising sabi ni Carina sabay upo sa tabi ni Andres.

"It's not like that Tita, Tatlong taon na kaming mag nobyo ni David. Dahil graduate na kami kaya ipinakilala ko na siya sa inyo." Pangangatwiran ni Lily.

Kahit kailan ay hindi siya nauubusan ng ikakatuwiran kapag baluktot palagi ang mga pinagsasabi ni Carina at alam niyang nasa tama siya!

Si David ay natahimik saglit ng makita si Carina. Ito ang gusto niya na maging mother in law!

May karisma at malakas ang dating!

Mukhang yayamanin at kumikinang ang mga suot nitong alahas.

Napatingin siyang muli kay Lucy na nakatayo lamang sa gilid nila.

Mukha itong katulong.

Hindi, katulong talaga!

Ano ang nangyayari rito?

Naguguluhang tanong ni David sa kanyang isipan.

"You should focus on your OJT Lily. Hindi pa panahon para mag-asawa ka." Walang ganang sabi ni Andres at nagsimula na itong kumain.

"Hindi pa kami-" naputol ang sagot ni Lily ng biglang dumating si Colleen kasama ang kanyang mga classmates!

Naging maingay sa buong mansion na animo isang palengke.

Parang hinakot lang ni Lily ang lahat ng mga tao sa kanyang school!

"What do we have in here?" Excited na tanong ni Colleen at napakagat-labi ng makita si David.

Type niya si David!

"Just a boyfriend affair," walang ganang sagot ni Carina. "Bakit isang baranggay ng mga classmates mo ang nandito?" Nagtatakang tanong nito.

"Boyfriend? Nino? Sino?" Sunod-sunod na tanong ni Colleen.

Siya lang naman ang sosyalerang marites ng taon!

Napatingin siya kay Lily pagkatapos kay David.

Nahulaan niya na pero hindi siya masaya.

Hindi deserve ni Lily ang ganito ka gwapong lalaki!

Hiyaw ni Colleen sa kanyang isipan.

She wants him only for her!

And what she wants...

She will always get!

Be ready Sissy. You will cry tomorrow! Excited na sigaw ni Colleen sa kanyang isipan.

"OMG! Sissy? May boyfriend kana?" Kunwari ay di-makapaniwalang tanong ni Colleen.

Kahit kailan ay hindi niya gusto si Lily. Ayaw niya ng may kahati! Maging sa mana ay sinigurado niya sa kanyang Daddy na siya lang ang tagapagmana nito at wala ng iba!

She deserves all the wealth and richest of Magdilang because she's the legal daughter!

Lily is just nothing compared to her. Sapat ng nakapag-aral ito sa isang mamahaling university, pinakain at binihisan.

Tanging siya lamang ang nag-iisang heiress ng mga Magdilang!

Hindi kaagad nakasagot si Lily. Dahil nagtataka siya sa ipinapakita ni Colleen na kabaitan ngayon.

Baka may hidden agenda na naman ito? Tanong ni Lily sa kanyang isipan.

Mas mabuti pang pauwiin na niya si David at baka mapagtripan ito ni Colleen!

Ng dinala niya ang kanyang best friend na si Melinda sa kanilang bahay noon ay walang ibang ginawa si Colleen at ang mga barkada nito kundi e prank si Melinda.

Kaya hindi na talaga ito bumalik pa sa Magdilang Mansion kahit kailan dahil ang saklap ng sinapit nito sa mga kamay ni Colleen!

"Yes Colleen. Si David boyfriend ko. Pero uuwi na siya. Gumagabi na rin, Let's go David!" Tumayo na si Lily at nagtaka si David.

Hindi pa nga niya natikman at nakain ang mga masasarap na pagkain na nasa kanyang harapan ay pauuwiin na siya ni Lily?!

Inis na tanong ni David sa kanyang isipan.

Mukhang nagkamali siya kay Lily!

Alerto at mabilis na ihinarang ni Colleen ang kanyang sarili sa daraanan nina Lily at David.

Sinadya pa talaga niyang masagi ng kaunti ang braso ni David.

Kumbaga, Experto si Colleen kung paano painitin ang isang lalaki.

Diyan palang sa aspeto na yan ay panalo na siya against Lily!

"Oops! Hindi pa nga kami nakapag bonding ni brother in law sissy! Join na kayo sa barbecue party namin!" Nakangiting paanyaya niya kay Lily pero ang kanyang mga mata ay nakatingin kay David.

"Salamat nalang Colleen. Kailangan pa magtrabaho ni David baka ma late na siya." Tanggi ni Lily.

Nag-aalala siya kay David at baka ito naman ang e prank ng mga barkada ni Colleen.

Hindi niya hahayaan yon!

"Ang aga pa kaya Sissy! At minsan lang ako magyaya sayo makipag bonding ha." Kunwari ay nagtatampo si Colleen. " "Gusto ko rin makilala ang aking brother in law. Ano Brother? Minsan lang naman ito at hindi naman ata mawawala ang trabaho mo?" Masayang tanong ni Colleen kay David.

"Oo naman! Sumali na tayo sa party ng kapatid mo Lily at ng makapag bonding tayong tatlo." Excited na sagot ni David.

Bakit siya tatanggi? Nakita niya ang hawak ng mga classmates ni Colleen. Mga mamahaling wine at masasarap na barbecue!

Hindi niya tatanggihan ang grasya!

Napakunot noo naman si Lily.

Hindi niya akalain na sasang-ayon si David kay Colleen!

Napabuntunghininga nalang siya.

Baka gusto lang ni David mag unwind at mag relax. Sa sobrang dami ng mga trabaho nito ay kailangan din niyang magpahinga paminsan-minsan.

Kaya pagbibigyan niya ito ngunit ngayong araw lang!

"Okay, pero sandali lang tayo David ha at may OJT pa ako sa hotel bukas at pati na ikaw. May trabaho kapa!" Paalala ni Lily.

Halos tumalon naman si David sa sobrang tuwa ng pumayag si Lily ngunit pinigilan niya ang excitement na nadarama.

"Ayos. Guys, Ihanda niyo na ang pool para sa ating barbecue party!" Masayang sigaw ni Colleen.

Pero biglang natahimik ang lahat ng tumayo si Andres at makita ang seryosong mukha nito.

"I don't want some noise in your party Colleen," seryosong sabi nito.

"Dad naman! Akala ko kung ano na. Of course! Tahimik lang kami, Go na guys!" Sigaw ni Colleen at nagsipuntahan na ang mga ito patungo sa pool.

"Don't get drunk Colleen," paalala ni Carina.

Kahit ano naman ang gawin niya ay ipinipilit parin ni Colleen kung ano ang gusto nito.

Hindi na siya nagtataka sa ugali ng anak dahil nagmana ito sa kanya!

"Yes Mommy, Don't worry about me!" Masayang sagot ni Colleen at niyakap pa ang ina.

Samantalang si Lucy ay hindi masaya para sa anak.

Alam niyang may binabalak na masama si Colleen!

Pero sino ba siya para pigilan ang mga ito gayong pumayag naman sina Andres at Carina!

Kahit kailan talaga ay wala siyang magawa para sa anak.

Isa siyang inutil!

She's useless!

Napatingin nalang siya sa anak na si Lily ng hilahin ito ni Colleen papunta sa pool.

Ang hindi niya alam ay nakangisi naman siyang pinagmamasdan ni Carina!

Gustong-gusto nito makita na hindi siya masaya at nagdurusa!

And the party begins...

Inaantok na si Lily na nakaupo sa isang sulok habang nakatingin kay David na masayang nakikipaglaro kina Colleen at sa mga barkada nito.

Medyo nakainom na rin si David at nag-aalala siya kung makakauwi pa ba ito sa kanila. Maghahating-gabi na rin!

Hindi na nakatiis si Lily at tumayo upang lapitan ang mga ito.

"David, you need to go home. Maghahating-gabi na." Tawag niya kay David.

"Lily, Mahal. It's okay, Nag e-enjoy pa ako sa party. Ang saya ng party ni Colleen!" Sagot ni David habang nakayakap sa kanya.

Lasing na ito!

"No, Let's go home." Pilit ni Lily.

"Sissy, hayaan mo mag enjoy ang boyfriend mo! Madami naman guest room dito sa mansion. Pwede naman matulog si Brother in law dito." Singit ni Colleen na napangisi ng palihim.

Ang inosenteng si Lily ay walang kaalam-alam sa binabalak ng kanyang kapatid!

"Oo nga mahal! Minsan lang ito. Kaya, Let's enjoy!" Sigaw ni David na kumuha ng bottle of wine at itinaas ito sa ere.

"Go David! Go David!" Hiyawan ng mga barkada ni Colleen na pilit na ipinapainom kay David ang wine na hawak nito.

"Tingnan mo Sissy. Diba ang saya ni David? Hayaan mo lang siya dahil minsan lang ito." Nakangiting sabi ni Colleen habang nakatingin kay David.

Ang saya nga ni David pero inaantok na siya! At kailangan niya pumasok ng maaga bukas sa hotel!

"Kailangan ko ng matulog Colleen. Maaga pa ako bukas sa hotel," nag-aalalang sambit ni Lily.

"Yon lang pala? Go na Sissy! Matulog kana at kami na ang bahala kay David. Huwag kang mag-alala dahil nandiyan naman si Boy na maghahatid kay David sa guest room kapag matutulog na ito." Nakangiting sabi ni Colleen.

"Okay, Gigising nalang ako ng maaga." At umalis na si Lily na may pag-aalala.

So far ay wala naman ginagawang masama sina Colleen kay David kaya pinilit niyang matulog upang magising ng maaga bukas.

Kinabukasan...

Maagang nagising si Lily upang e check si David at gisingin na rin ito para sabay na silang umalis ng mansion.

Matapos maligo ay sa kwarto siya ni Colleen dumeretso upang itanong kung saang guest room natulog si David.

Sa dami ng guest room nila sa bahay ay aabutin ka ng matagal sa paghahanap.

Kakatok na sana si Lily pero bukas naman pala ang pintuan ng kwarto ni Colleen.

Pumasok na siya sa loob at nabigla ng makita ang nagkalat na mga saplot sa sahig!

Nahagip ng kanyang mga mata ang Giordano na sapatos na bigay niya kay David noong birthday nito.

Pumasok na siya ng tuluyan sa loob ng kwarto at mas lalong nagimbal sa kanyang nakita.

Biglang nanginig ang buo niyang katawan ng makita sa malapitan ang suot na damit ni David kagabi!

Nagkalat ito sa sahig!

Dahan-dahan siyang tumingin sa kama kung saan natutulog si Colleen at muntik na siyang himatayin ng makita si David na natutulog at nakayakap pa sa tabi ni Colleen.

She felt betrayed!

Talagang kapatid at boyfriend pa niya ang gumawa nito sa kanya!

Akala niya mahal siya ni David pero hindi pala dahil natukso ito kay Colleen!

Biglang napuno ng galit ang kanyang puso at pakiramdam niya ay sasabog siya kapag hindi niya ito nailabas.

Dinampot niya ang sapatos ni David at ibinato ito sa kanyang ulo.

"Ouch! Sino-" natigilan si David ng makita ang galit na galit na si Lily sa kanilang harapan.

"Lily?" Tanong ni David na parang nakakita ng multo.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Mercy Ares Obina
magpapatuloy
goodnovel comment avatar
Mercy Ares Obina
gusto ng maginhawang buhay ni David
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ok nga yan at nakilala mo ang totoong ugali ng bf mong mukhang pera bagay sila ni collen
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Billionaire True Love    The Final Chase

    Chapter 84 The Final Chase is over... This time ay si Christopher na ang nagplano ng kanilang second wedding. Nasorpresa si Lily ng mag propose si Christopher sa kanya sa hotel kung saan bumalik sila sa pagtratrabaho. Dahil nag-umpisa ang kanilang love story sa forced arrange marriage ay ginawa ni Christopher ang lahat upang maipadama kay Lily, How sincere his love for her. Nanligaw siyang muli until nag propose and now they are getting married! Syempre, sa San Martino church parin. Dahil dito ang gusto ni Lily. This time ay wala ng prank at pinagplanuhan talaga ang kanilang kasal. Gusto ni Christopher na maging magical and memorable moment ang kanilang kasal para kay Lily. Kuntudo effort talaga siya. And today... Is their wedding day! He is waiting for the church's door to open at hindi naman siya nabigo. Ang kanyang napakagandang bride na si Lily na kanyang pinakahihintay ang huling nag martsa papunta sa kanya. Kasama ni Lily si Lucy patungo sa altar. Napakaganda ni Lily

  • My Billionaire True Love    Extravagant Rescue

    Chapter 83"Huh! Naghiwalay na kayo tapos magpapakasal na naman?" Nakasimangot na tanong ni Donna habang nag dra-drive."Ano ba ang ginagawa mo Donna?" Ganting tanong ni Lily.Nagulat siya ng may biglang nagtakip ng panyo sa kanyang ilong. Hanggang nawalan siya ng malay.Nang magising siya ay umaandar na ang sasakyan at ang nakangisi na si Donna ang kanyang nabungaran.Nakadamit panglalaki ito at may sombrero na aakalain mong driver ng bridal car. Naglagay pa ng pekeng bigote! Magpapakasal na sana silang muli ni Christopher. May asungot pa na dumating.Pakiramdam ni Lily ay nakarma siya ng sarili niyang prank! Alam niyang hindi natuwa si Christopher sa munting prank na kanyang hinanda at nag-aalala na ito sa kanya.Gusto lang naman niya na madama rin ni Christopher ang iwanan sa ere at parusahan ng saglit lang naman. Pagkatapos ay sorpresang kasal the second time around. Pero pumalpak ang plano niya ng dahil kay Donna. "Nagtatanong ka pa Lily. Kita mo naman na kinidnap kita!" Na

  • My Billionaire True Love    Revenge Marriage Prank

    Chapter 82Kung saan-saan nalang hinanap ni Christopher si Lily pero hindi niya ito nakita. Pinasarap at pagkatapos ay iniwan lang siya!Where are you Lil? Desperadong tanong ni Christopher sa kanyang sarili.Tinanong niya na sina Antonia at ang iba. Pero wala parin.Ngayon ay tinatahak niya na ang daan papunta sa Banana Plantation nila Colleen. Magbabakasakali siyang andun lang nagtatago si Lily. "Christopher?" Nagulat na tanong ni Colleen."Andiyan ba si Lily?" Umaasang tanong ni Christopher."Hmmp!" Napaismid si Colleen. "Ngayon ay hahanapin mo na si Lily pagkatapos mong saktan?" Ganting tanong ni Colleen."Colleen, Respect your visitor." Singit ni Andres.Magaling na ito at nag-uumpisang muli sa kanyang maliit na negosyo.Kahit ibinalik na ni Lucy sa kanila ang lahat ay ayaw ng tumira pa nina Andres at Colleen sa Magdilang Mansion. Maaalala lang nila si Carina at ang mga hindi magagandang gawain nila noon. Ayaw narin ni Andres e handle muli ang kanyang kompanya. Ipinaubaya n

  • My Billionaire True Love    Chasing Lily

    Chapter 81Walang nagawa si Christopher ng itapon siya ng mga guards sa labas ng Laxamana Mansion. Ngunit nagulat siya ng makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa labas ng mansion.Si Lucy!"M-mama?" Alanganin na tanong ni Christopher.Nag-aalangan siya dahil hindi siya sigurado kung totoo ba ang sinabi ng kanyang Mommy na si Madam Glamorosa.Kung nagbalik na nga ba ang mabait na Lucy o si Lucienne parin ang kaharap niya ngayon."Yes, It's me Christopher." Nakangiting sagot ni Lucy.Mabilis naman na napayakap si Christopher kay Lucy."You're back!" Naiiyak na sabi ni Christopher."Yes, And I'm sorry for what I've done." Paumanhin ni Lucy.Bumitaw sa pagkakayakap si Christopher."What happened to Lily, Mama?" Malungkot na tanong niya.Napabuntunghininga si Lucy. "It's all my fault. Sana mapatawad mo ako. Labis na nasaktan si Lily that you gave up on her habang siya ay patuloy na lumalaban. I tried my best to persuade her. Pero ito lang ang masasabi ko Christopher. Lily loves you v

  • My Billionaire True Love    Engagement Riot!

    Chapter 80Hindi na mapakali si Christopher. Tatlong araw na siyang pabalik-balik sa mansion ng mga Laxamana ngunit si Paulo lang ang nakikita niya. Hindi pa bumabalik sina Lily at Lucy. Nagpupunta rin siya sa opisina ni Lucy ngunit si Paulo parin ang nakikita niya!Bigla siyang nakaramdam ng matinding pangungulila sa asawa! Miss na miss niya na si Lily. Hinahanap-hanap niya ang paghabol-habol nito sa kanya. Ang luto ni Lily, Ang mga cookies na gawa nito. Ang matamis na ngiti ni Lily na para sa kanya lamang.Where are you Lil? Malungkot na tanong ni Christopher sa kawalan.Pinunit niya na ang annulment paper nila ni Lily dahil sa sobrang galit. Hindi niya matatanggap na magkahiwalay silang dalawa!Alam niya na labis niya itong nasaktan. Pero may plano siya!But Lily didn't know! Sumbat naman niya sa kanyang konsensiya.Nagulat si Christopher ng biglang sumigaw si Antonia.Nakapasok ito sa mansion ng hindi man lang niya namamalayan.Lutang ang kanyang isipan sa kakaisip kay Lily.

  • My Billionaire True Love    Annulled

    Chapter 79"Mom?" Gulat na tanong ni Christopher.Talagang nagulat siya dahil huling kita niya sa Mommy niya ay nakaratay sa hospital at may taning na ang buhay! "Ako nga!" Sagot ni Madam Glamorosa."How? Ang bilis mo naman gumaling?" Nagtatakang tanong ni Christopher."Mabilis talaga dahil wala naman akong sakit!" Nalolokang sagot ni Madam Glamorosa. "Where's your Dad?" Tanong niya."Diba magkasama kayo? Nasa Brunei," nagugulahang sagot ni Christopher.Naguguluhan at nagulat talaga siya ng makita ang kanyang Mommy na mukha naman hindi nanggaling sa sakit! "Magtutuos pa kami ng Daddy mo. But before that, Nag investigate ka sana Christopher." Napailing na sabi ni Madam Glamorosa."What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Christopher."Look at me! Mukha ba akong may sakit?" Naiinis na tanong ni Madam Glamorosa."But I saw you Mom. May taning na ang buhay mo and you need money for your medication." Hindi makapaniwalang sagot ni Christopher."Really? Did you see my face na naghihingalo n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status