LOGIN"Kung gusto mo ng proteksyon ko, sign it. Purely business—strictly para kay Sammy at sa apelyido ko." Si Nate Villamor ay isang malamig at walang-awang CEO na ang tanging kahinaan ay ang kanyang anak na si Sammy. Ngunit ang kanyang maingat na binuong mundo ay masusubok nang magtagpo ang landas nila ng desperadang si Zoe Zamora—isang babaeng tumatakas mula sa sarili niyang pamilya na handa siyang ibenta sa isang matandang businessman para lang iligtas ang kanilang kumpanya. Sa gitna ng takot at pagtataksil ng long-time boyfriend at kanyang best friend, isang himala ang maglalapit kina Zoe at Sammy. Ang inosenteng yakap ng bata ang magiging daan para tanggapin ni Zoe ang mapanganib na alok ni Nate: ang magpanggap na asawa at maging ina ng bata kapalit ng ganap na proteksyon mula sa sariling pamilya. Isang kasunduang nagsimula sa takot, purong negosyo, at sapilitang pagpapakasal. Ngunit sa pagitan ng mga pader ng mansiyon at ng mundong nagbabanta sa kanilang buhay, mapipigilan kaya nila ang kanilang sarili na mahulog sa isa't isa—o tuluyan nang matatalo ng pagmamahal ang malamig na sistema ng kanilang kasunduan?
View MoreZoe Zamora-Villamor’s POVHabang nasa byahe kami sa maliwanag na kalsada papunta sa grand ballroom ng isang five-star hotel sa BGC kung saan gaganapin ang pinakahihintay na Annual Elite Investors’ Gala, naramdaman ko ang matinding panlalamig ng mga palad ko. Parang binibiyak ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nanginginig ang mga tuhod ko, at pilit kong kinakain ang sarili kong laway para pigilan ang pag-akyat ng tensyon sa lalamunan ko. Alam kong anuman ang mangyari sa loob, ang buong mata ng lipunan ay nakatutok sa amin, sa akin. Ang mga bulung-bulungan, ang mga matang huhusga sa bawat galaw ko, at ang galit ng sarili niyang pamilya.Nang huminto na ang sasakyan at bumukas ang pinto, sinalubong kami ng nakakabinging ingay ng mga tao at ng sunod-sunod na flash ng camera mula sa mga reporter na nakapila sa magkabilang gilid ng pulang karpet. Nakaabang ang mga ito na parang mga gutom na hayop na nag-aabang ng makakain.Bumaba muna si Nate. At sa halip na hayaan akong maglakad nang mag-isa s
Zoe Zamora-Villamor’s POVKinaumagahan, ang buong mansyon ng mga Villamor ay tila binalot ng kakaibang katahimikan. Kahit si Sammy ay parang nakiramdam sa tensyon kaya mas naging dikit ito sa akin habang tahimik kaming nag-be-breakfast sa malaking dining hall. Ilang beses kong binasa sa mga headline at inulit sa isip ko ang bawat salitang binitawan ng Mommy ni Nate sa televised press conference kahapon. Oportunista, babaeng walang class at ang isang pilit na kontrata. Paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko ang mga linyang iyon, pilit akong dinudurog ng mga pangamba at pag-aalinlangan.Paano ako haharap sa Annual Elite Investors’ Gala mamayang gabi? Paano ako tatayo sa gitna ng mga taong kilala sa pagiging mapanghusga habang nakatutok sa amin ang libu-libong matatalim na mata at mga lente ng camera? Alam kong narinig na nilang lahat ang balita tungkol sa akin.Ngunit ang mga pangambang iyon ay biglang naputol nang sumapit ang hapon. Isang sunud-sunod na katok sa pinto ng aking room an
Zoe Zamora-Villamor’s POV Nakatayo ako sa kusina at tinutulungan ang kasambahay na ihanda ang paboritong gatas ni Sammy. Ngunit nabago ang lahat nang marinig ko ang malakas at pamilyar na boses mula sa flat-screen TV sa malaking sala. "Mommy, look! Grandma is on TV!" tawag ni Sammy habang nakaturo sa screen, bitbit ang paborito nitong stuffed toy. Mabilis akong lumabas ng kusina hawak ang baso ng gatas, at halos mabitawan ko ito nang makita ang mukha ng Mommy ni Nate na si Doña Celestine, na seryoso at may dalang mapanuyang awtoridad habang nakaupo sa gitna ng isang engrandeng press conference. Katabi niya sa mahabang mesa ang isang pamilyar at napakagandang babae na nakasuot ng mamahaling designer suit, na si Sophie. Halos mapatigil ang paghinga ko habang pinapanood ang live broadcast. Nakatutok ang mga mikropono ng iba't ibang media network sa kanila. "I am calling this urgent press conference today to clear the name and dignity of the Villamor family," malamig at matigas n
Nate Villamor’s POV"Mommy, I want it like the princess in the book you read last night!"Napatingin ako kay Sammy. Masayang nagkukuwento ang bata kay Zoe habang dahan-dahang sinusuklay ni Zoe ang buhok nito para i-braid. Nakaupo sila sa malaking sofa sa second-floor family lounge habang ako naman ay nakatayo, ilang metro ang layo, kunwari ay nakatutok ang mga mata sa screen ng laptop ko, nagbabasa ng mga reports mula sa kumpanya."Sure, baby. I-ba-braid natin ang hair mo para same kayo ng hair ng princess sa book mo," nakangiting sagot ni Zoe kay Sammy. Ang boses niya ay malambot, walang halong pagpapanggap, at puno ng tunay na pagmamalasakit na ni minsan ay hindi ko nakita sa mga taong pilit na pinapa-date sa akin ng pamilya ko noon."Really? Just like the princess with long hair who got saved by the prince?" masayang tanong ulit ni Sammy habang bahagyang tumingin sa kaniya."Oo naman," sagot ni Zoe habang marahang hinahaplos ang pisngi ng bata. "Pero kahit hindi ka naka-braid, mukh


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews