Share

Scared!!!

Chapter 6

Habang papalayo ang sinasakyan nila Lily ay hindi niya maiwasan kabahan.

Sila nalang dalawa ng kanyang asawa na si Christopher ang magkasama. Ngayon lang niya ito nakilala at hindi niya alam ang tunay na pagkatao nito.

Sariwa pa sa isipan niya ang sinabi ng kanyang Daddy na kahit presidente ka pa ng Pilipinas ay kaya kang ipapatay ni Christopher!

Hindi na siya mapakali sa sobrang kaba pero wala na siyang magagawa dahil asawa niya na si Christopher.

At papunta na siya sa bahay nito upang doon na tumira.

Makakaya niya ba? Naitanong ni Lily sa kanyang isipan.

"Relax," sabi ni Christopher.

Nagulat naman si Lily ng magsalita ito. Biglang nanginig ang kanyang katawan. Hindi niya alam kung bakit natatakot siya!

"Ah, nag-aalala lang ako kay Mama." Ang tanging nasagot ni Lily.

Hindi niya pwedeng sabihin na natatakot siya!

Ayaw niyang dagdagan pa ang mga pang-iinsulto nina Carina at Colleen dito.

Baka paranoid lang siya at naging matatakutin o di kaya ay sa sobrang heartbroken niya dahil kay David ay na depress na siya.

At hindi rin niya kasama ang kanyang Mama na mas lalong nagpalungkot sa kanya.

"Don't worry, Makakasama mo rin ang iyong Mama soon." Sabi ni Christopher.

"Sana nga," malungkot na sagot ni Lily.

Mahaba ang biyahe at matagal na nakarating si Lily sa bahay ni Christopher.

Mas lalong natakot si Lily ng makita ang bahay ng kanyang asawa!

Nasa isang priabadong subdivision ito at may gate na bakal ang bahay. Aakalain mo na mansion ang nasa loob ngunit hindi.

Mukha itong haunted house dahil luma na at hindi kalakihan. Parang panahon pa ng sinaunang panahon!

Ang dami pang mga damo sa harapan ng bahay.

Ni walang bulaklak man lang kahit isa.

Parang nag garden lang si Christopher ng puro damo!

"Welcome to our new home, Lily." Sabi ni Christopher na siyang pumukaw sa kanyang nag-iisip na diwa.

Umalis na ang kotse at driver na naghatid sa kanilang dalawa. Ngayon ay siya na mismo ang kailangan mag-asikaso sa kanyang asawa tulad ng pagtutulak ng wheelchair nito.

"Are you disappointed?" Muling tanong ni Christopher ng hindi siya sumagot.

At ngayon ay bigla na naman siyang kinabahan!

Para bang sinasabi ni Christopher na hindi siya masaya sa bahay nito!

Hindi naman siya namimili ng bahay ngunit natatakot talaga siya!

At hindi niya alam kung bakit.

"What do you mean?" Naguguluhan na tanong ni Lily.

"Na hindi maganda ang bahay ko at hindi sa akin yong kotse. Inarkila ko lang yon dahil kasal natin ngayon." Mahabang sagot ni Christopher.

Nais mang tingnan ni Lily si Christopher pero hindi niya magawa!

Napaka creepy tingnan ng mga mata ni Christopher na natatakpan ng makapal nitong bangs.

Hindi niya alam kung ano ang trip nito at nagpa long hair na may bigote pa!

"Hindi naman, Sanay na ako sa hirap at hindi rin naman ako mayaman." Mahinang sagot ni Lily.

Gusto niya ng isigaw na hindi siya disappointed kundi natatakot siya!

"Ows? Mayaman ang Daddy mo kahit na illegitimate daughter ka." Si Christopher.

"Sila lang ang mayaman at ako ay kailangan pang bayaran ang mga nagastos nila sa aking pag-aaral." Sagot ni Lily.

Wala na siyang pakialam kung ayaw maniwala ni Christopher sa kanya.

Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na isa siyang mayaman!

"You should not pay them even a single cent!" Napasigaw si Christopher na ikinagulat ni Lily.

Ngayon ay nanlilisik ang mga mata nito at takot na takot na talaga siya!

Gusto niya ng tumakbo!

"Ah, H-hindi pa ba tayo papasok sa loob?" Tanong ni Lily.

"Oh, I'm sorry for that. Let's go inside." Nag-iba ng mood si Christopher at inaya na siyang pumasok.

Kahit medyo luma na ang gate ay high-tech naman ito!

May inilabas na remote si Christopher at sa isang pindot lang ay nagbukas ito.

Bumukas na ang gate pero tila napako naman si Lily sa kanyang kinatatayuan.

Pakiramdam niya ay ang bigat ng kanyang mga paa at hindi niya ito maihakbang!

"Let's go!" Muling paanyaya ni Christopher at pinilit niya ang katawan na gumalaw.

Itinulak niya ang wheelchair nito at sabay na silang pumasok sa loob ng bahay.

Mas lalong natakot si Lily ng makapasok sila sa loob dahil ang dilim!

Nakasarado ang lahat ng bintana at natatakpan pa ng makapal na kurtina. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa bahay na ito.

Pero ang tanong ni Lily sa kanyang isipan...

Magtatagal at makakaya ko kayang tumira rito?

"Welcome to my humble house Lily. Ako lang pala mag-isa rito at walang maids. But don't worry, Every week ay may naglilinis ng buong bahay." Paunang bati ni Christopher.

"Dadalhin ba kita sa kwarto mo?" Tanong ni Lily.

"That fast? We will do it now?" Nakangising tanong ni Christopher.

Bigla naman pinamulahan ng mukha si Lily.

Bakit naman iba ang pagkakaintindi niya sa tanong ko?! Saad niya sa kanyang isipan.

Hindi pa nila nagagawa ni David noon ang bagay na ito! Dahil gusto niya na malinis siya kapag ikinasal na sa lalaking magiging asawa.

Pero ngayon ay nag-iba ang panahon at mga pangyayari. Mahirap din ibigay sa napangasawa niya ito dahil hindi niya ito mahal at hindi kilala ng lubusan!

Bigla niya tuloy naisip kung bakit siya pinagpalit ni David kay Colleen. Dahil siguro sa bagay na ito!

Si Colleen ay masyadong liberated at wala itong pakialam kung hindi na siya virgin.

Basta masaya at nagagawa nito ang naisin.

Pero iba siya!

Siya na mahinhin at hindi makabasag pinggan.

Hanggang halik lang si David at ayaw na niya lumagpas pa doon. Masyado siyang boring!

Biglang may kumirot sa kanyang puso. Napakasakit lang isipin kung ito ang dahilan ni David kung bakit siya iniwan gayong minahal niya ito ng lubusan.

"Silence means yes," muling sabi ni Christopher.

Napakurap-kurap naman si Lily ng kanyang mga mata.

Iniba ata ni Christopher ng pagkaintindi ang pananahimik niya.

"Ha? No! Hindi! I mean, na kung magpapahinga kana ba sa kwarto?" Natatarantang tanong ni Lily.

"Hmmm, Okay. Magpahinga na tayo, nakakapagod din ang ating kasal dahil sa madrasta mo." Tumawa pa ito ng mahina.

At napaka creepy sa pandinig ni Lily!

Magtatabi sila sa iisang kwarto?! Hindi na alam ni Lily kung ano ang gagawin!

"T-tayo?" Nabubulol na tanong ni Lily.

"Yes, At isa lang ang kwarto sa bahay na ito Lily." Sagot ni Christopher.

"Okay dadalhin kita sa kwarto." Pag sang-ayon ni Lily.

Dahil hindi naman kalakihan ang bahay ay agad na nakita ni Lily ang kwarto at binuksan ito.

"Magpahinga kana, pwede ba na sa sala muna ako matulog? Alam mo, biglaan ang nangyari at hindi ko ito inaasahan at kaka break lang namin ng boyfriend ko. Pasensya na pero gusto ko maging honest sayo dahil asawa na kita pero- Hindi pa talaga ako handa na gawin ang mga bagay na 'yan." Mahabang paliwanag ni Lily.

Bigla naman napatawa ng malakas si Christopher.

Napatingin si Lily sa kanya ng may pagtataka.

"Hahahaha!!!!" Malakas na tawa ni Christopher.

Natatawa siya dahil ang cute lang tingnan ng kanyang napangasawa. Napaka inosente nito. And he likes it!

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Lily.

"Look at me, Lily! Paano ko naman magagawa ang bagay na iniisip mo? Don't worry, Hindi kita pipilitin but- nevermind! Let's talk about it later."Nakatawang sagot ni Christopher.

Okay na sana para kay Lily. Pero bakit may but?!

"So, pwede dito muna ako sa sala matulog?" Paniguradong tanong ni Lily.

"Yeah, Just take your time. Pero kapag may mga bisita ako ay sa kwarto ka talaga matutulog Lily." Sagot ni Christopher.

Napabuntunghininga naman si Lily. Baka ito yong sinasabi ni Christopher na but.

Okay na rin ito sa kanya. Basta hindi sila magkatabi matulog.

Yon nga lang ay kailangan niyang manalangin na sana ay laging walang bisita si Christopher!

"Thank you, Itong mga gamit ko pala. Saan ko ilalagay?" Muling tanong ni Lily.

Medyo nangangapa pa siya sa ngayon at awkward talaga ang sitwasyon para sa kanya. Sinabayan pa ng kanyang takot!

"Your dress should be in my closet Lily. Iisa lang ang  lagayan ng damit dito. Yong iba mong mga gamit ay bahala kana diyan kung saan mo ilalagay." Sagot ni Christopher.

"Okay, magpahinga kana." Si Lily.

Hindi na sumagot si Christopher at isinarado ang pintuan.

Mahirap para kay Lily na basahin ang pagkatao ni Christopher dahil minsan ay masungit at seryoso ang mukha nito.

Kung minsan din naman ay okay.

Katulad kanina tapos ngayon bigla lang isinara ang pintuan na hindi pa niya nalalagay ang kanyang mga damit!

Itinabi na muna ni Lily ang kanyang luggage at inilabas ang picture frame kung saan kuha ito noong graduation niya sa college kasama ang kanyang Mama.

Wala naman siyang iba na gamit kundi ito lang at ang mamahalin na bag na regalo ng kanyang Mama.

Inilagay niya ito sa small table katabi lang ng couch at nahiga na rin siya.

Nakadama siya ng sobrang pagod. Pagod na pagod siya sa araw na ito!

"Mama," bulong ni Lily at naisipan na e text ang ina.

Ngunit lumipas nalang ang ilang minuto ay walang Mama na nag reply sa kanya.

Ang akala niya ay lobat o busy lang ito.

Ang hindi niya alam ay kinuha ni Carina ang cellphone nito. Sa dahilan na paunang bayad daw sa otang nila at walang nagawa si Lucy kundi ibigay ang kanyang cellphone.

Habang si Carina ay labis na natutuwa sa pagdurusa ni Lucy. Sinadya niya talaga ito.

Ang putulin ang kontak ng mag-ina upang magdusa sila!

Hindi komportable si Lily dahil sobrang dilim ng paligid. Bumangon siya at hinawi ang mga kurtina at binuksan ang mga bintana.

Dumampi sa kanya ang sariwang hangin. Medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Kahit puro damo ang paligid ay malinis at presko ang hangin.

At maaliwalas na rin sa pakiramdam dahil may liwanag na pumasok sa loob ng bahay.

Muling nahiga si Lily at ipinikit ang kanyang mga mata.

Nakangiti pa siya habang unti-unting nakatulog.

Ng biglang...

"Why you open the windows?" Galit na sigaw ni Christopher.

Napabalikwas ng bangon si Lily at natakot ng makita ang galit na galit na mukha ni Christopher!

"Why did you open those damn windows?!" Muli nitong tanong na galit na galit parin.

Biglang nanginig ang buong katawan ni Lily at hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Hindi niya alam kung bakit nagalit ito ng buksan niya ang bintana!

"Ah, P-para may preskong hangin. At- At para lumiwanag dito sa sala." Nabubulol na sagot ni Lily.

Pinaandar ni Christopher ang kanyang wheelchair at padabog na isinarado ang mga bintana. Pagkatapos ay muling itinakip ang makakapal na kurtina.

Maiiyak na si Lily sa sobrang takot! Ang dilim na ng paligid at wala siyang iba na nakikita kundi ang mga mata ni Christopher na nanlilisik!

Papatayin ba siya nito?! Nangatog ang kanyang mga tuhod pero pinilit niya ang sarili na magpakatatag.

Kailangan niyang mabuhay para sa kanyang Mama!

"The number one rule in this house is to never open that damn windows!" Galit na sigaw ni Christopher.

Napakapit naman si Lily sa kanyang mga tuhod habang nakapatong ang kanyang mga paa sa taas ng couch. Takot na takot siya!

"Do you understand?!" Pasigaw na tanong ni Christopher.

At si Lily ay mas lalong nanginig sa takot.

Huminga ng malalim si Christopher upang kumalma.

Nakikita niyang takot na takot na si Lily. Baka mahimatay pa ito sa kanyang harapan.

"Y-yes," maikling sagot ni Lily na hindi na niya halos maibuka ang kanyang bibig dahil nanginginig din ito!

"Lalabas muna ako, I need to calm down." Matapos sabihin ito ay pinaandar na ni Christopher ang wheelchair.

Kailangan niyang pakalmahin ang sarili.

Naiwan si Lily na takot na takot.

Lumipas ang isang oras ay hindi parin bumabalik si Christopher.

Napatingin si Lily sa kanyang luggage at mabilis na tumayo.

Muli niyang inilagay sa luggage bag ang picture frame nila ng kanyang ina.

Aalis siya sa bahay na ito! Gusto pa niyang mabuhay!

Patakbo siyang lumabas at tanaw niya na ang gate.

Sakto dahil nakabukas ito!

Pero paglabas niya ng gate ay nakasalubong niya si Christopher!

"Where are you going?" Seryosong tanong nito.

Napaatras si Lily at hindi alam kung ano ang gagawin!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Arc Erer
pa unlocked pls
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku masanay ka na lily at itanim mo sa isp mo na may asawa kana
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status