Beranda / Romance / My Billionaire True Love / Leaving the Mansion...

Share

Leaving the Mansion...

Penulis: leejhen
last update Terakhir Diperbarui: 2023-12-11 22:48:22

Chapter 5

At naabutan nga ni Lily ang kanyang asawa at Daddy sa study room.

Agad niyang nilapitan si Christopher upang magmakaawa na isama nila ang kanyang Mama.

"Christopher, Pwede ba na isama natin sa iyong bahay ang aking Mama?" Unang nilapitan ni Lily si Christopher.

Nabigla naman si Christopher dahil sa pagtawag nito sa kanyang pangalan. Akala niya ay hindi siya kilala ni Lily.

"There's no problem with me," maikling sagot ni Christopher.

"Salama-" Hindi naituloy ni Lily ang kanyang sasabihin ng biglang pumasok si Carina ng walang pasabi.

"And who told you na madadala mo ang nanay mo?" Galit na tanong ni Carina.

Gusto niyang mawala na si Lucy pero ayaw din naman niya bigyan ito ng kalayaan at maging masaya ng gano'n nalang!

Labis ang kanyang pagdurusa dahil sa mag-inang ito. Hindi niya ito bibigyan ng happy ending!

"Ano ang ginagawa mo rito, Carina?" Tanong ni Andres.

"Ano pa, Para sabihin sayo na hindi pwedeng sumama si Lucy sa kanila. She needs to pay their debt!" Malditang sagot ni Carina.

Napailing nalang si Christopher.

Hindi niya alam kung paano naka survive si Lily sa bahay na ito sa loob ng maraming taon!

"Utang? May utang ba si Mama sa iyo Tita Carina?" Nagtatakang tanong ni Lily.

"Of course! Ang ginastos mo sa pag-aaral since daycare until now! Ang masasarap na kinakain niyo! Yang mga damit mo! Ang lahat! Kailangan niyang magtrabaho parin dito." Galit na sagot ni Carina na iwinasiwas pa talaga ang kanyang kamay.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Lily.

Wala talaga siyang maintindihan sa ugali ng kanyang madrasta!

Bakit galit na galit ito sa kanilang dalawa ng kanyang Mama.

"Sa haba ng sagot ko ay Bakit lang ang masasabi mo Lily?!" Mas lalong nagalit si Carina.

"Bakit po ganito? Daddy ko po ang nagpaaral sa akin at nagpakain. Bakit kailangan bayaran namin? Eh, Daddy ko siya! Bakit Daddy?!" May hinanakit na tanong ni Lily at napalingon kay Andres.

Walang masagot si Andres. Pagdating kay Carina ay ito ang masusunod sa kanilang dalawa!

"Ha! Nagtanong ka pa talaga! Hindi ba sumagi sa isipan mo na isa kayong sampid sa pamamahay na ito?! Isa kang anak sa pagkakasala Lily! Isa kang illegitimate child! Kaya ni piso ay pwede kitang hindi bigyan! Pero dahil nagmakaawa ang nanay mo para sa iyong magandang kinabukasan ay heto ka ngayon at graduate na!" Mahabang paliwanag ni Carina na halos maputol na ang nakalabas na ugat niya sa kanyang leeg.

"Excuse me, Andres is the father of Lily. She doesn't need to pay what he gives because it's Andre's obligation as a father." Hindi napigilan ni Christopher ang sumingit sa kanilang usapan.

Nakaka bwesit pakinggan si Carina sa mga baluktot na katarungan nito!

Akala mo kung sinong Donya!

"And who told you na makialam sa pamilya namin? Bakit hindi mo pakialaman 'yang paa mo kung makakalakad ka pa!" Inis na baling ni Carina kay Christopher.

Napatawa lang ng mahina si Christopher at tiningnan ng masama si Carina.

"Tita Carina!" Saway ni Lily dito.

"What?!" Inis na tanong ni Carina.

Siya si Carina Verdoza Magdilang! Mayaman at maimpluwensiya ang kanilang pamilya. Kaya wala siyang kinatatakutan!

What she wants, she will always get! At ngayon ay gusto niyang pahirapan ang mag-ina na bwesit sa kanyang buhay!

Hinding-hindi niya papayagan na maging masaya ang dalawa!

"Andres, Please tell your wife to watch out for her mouth. You know what I'm capable to do. I'm disabled but my connections are not," mababa lang ang boses ni Christopher pero nakakapangilabot pakinggan!

Kinilabutan si Lily habang si Carina ay ni hindi man lang natakot.

"You're threatening me? Wala akong pakialam sa baldadong may mga koneksiyon na katulad mo! Kung si Andres ay takot sayo. Pwes, ibahin mo ako!" Nakapamaywang pa si Carina habang tinitingnan si Christopher.

"Is that so?" Tanong ni Christopher at kinuha ang cellphone.

Akmang may tatawagan ito habang nakangising nakatingin kay Andres.

Biglang kinabahan si Andres at sinaway ang asawa!

"Stop it Carina!" Saway ni Andres ng magsasalita pa sana si Carina ng kung anu-ano.

"Don't tell me na natatakot ka talaga sa lumpong ito?!" Galit na sigaw ni Carina.

Nag dial na si Christopher sa kanyang cellphone at natakot si Andres!

"Shut up your mouth! I'm sorry Mr. Villezo kung ito ang nasaksihan mo sa aking pamilya," paumanhin ni Andres na pinagpapawisan.

Muling ibinalik ni Christopher ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.

"You should tame your wife and teach her some manners and proper etiquette." Tiningnan ng masama ni Christopher si Carina at hindi ito nagpatinag sa kanya.

Medyo nakakatakot tingnan si Christopher dahil hindi masyadong nakikita ang mga mata nito. Natatakpan ng kanyang makapal na bangs.

Pero kita parin ni Lily ang matalim na tingin nito kay Carina!

Hindi niya alam kung bakit natatakot siya! Nanatili parin siyang mahinahon sa kabila ng lahat.

"Aba nagturo pa talaga ng lesson ang isang mahirap pa sa daga na baldado. Kunin mo na 'yang si Lily at dalhin mo sa lungga mo! Walang hahabol sa kanya! Magsama kayo!" Galit na sigaw ni Carina.

Hindi niya alam kung bakit takot na takot si Andres kay Christopher.

Kayang-kaya niya na ipapatay ito kahit sino pa ang mga koneksiyon nito!

"I will be waiting for you outside, Lily." Sabi ni Christopher at pinaandar na ang kanyang sasakyan.

Huminto siya sa tapat nina Andres at Carina.

"Andres, If you will not leave your wife. She will bring you to dome," matalinghagang sabi ni Christopher at tuluyan ng lumabas ng study room ni Andres.

"Aba't-" Hindi na nakapagsalita si Carina ng bigla siyang sampalin ni Andres!

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Unang beses siyang sinaktan ni Andres ng dahil lamang sa isang baldadong lalaki?!

"Bullshit! It hurts!" Galit na sigaw ni Carina.

Samantalang si Lily ay nagulat naman sa ginawa ng kanyang Daddy at tahimik lang silang pinagmamasdan.

"I told you to shut up your mouth!" Galit na rin si Andres at hindi na nakapagtimpi.

"Why should I? Bakit ba takot na takot ka sa baldadong yon? Mas mayaman pa tayo sa kanya Andres! Nagpaloko ka naman sa mga pinagsasabi ng lumpong 'yon!" Galit na galit na rin si Carina.

"Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin Carina. He will easily kill you, kahit ikaw pa ang presidente ng Pilipinas!" Galit na sagot ni Andres.

Pero si Carina ay tumawa lang!

"Hahahaha!!!" Malakas na tawa nito. "Ewan ko sayo Andres. Basta, Hindi ako makakapayag na sumama si Lucy kay Lily!" Ibinaling ni Carina ang tingin kay Lily.

"Daddy, please." Pagmamakaawa ni Lily.

"Just let your Mom stay for a few years, Lily. After that ay pwede mo na siyang kunin." Sagot ni Andres.

At ang epal na kontrabidang si Carina ay hindi talaga makakapayag!

"Hindi pwede! Mahigit sampung taon pa niya mababayaran ang lahat ng utang ninyo!" Sigaw ni Carina.

Nalulungkot si Lily. Kanina pa siya nakikiusap pero ayaw naman maawa sa kanya ni Carina.

Ang kanyang Daddy ay wala rin. Hindi makapalag sa kanyang madrasta!

"Babayaran ko nalang po Tita ng paunti-unti kapag naging regular ako sa hotel." Muling pakiusap ni Lily.

"Ha! Ikaw magiging regular? Huwag kang mangarap Lily. Walang kukuhang hotel sayo! Ang pangit mo! Hindi ka papasa sa PR. Malulugi ang hotel kapag Ikaw ang naging empleyado nila! Matatakot ang mga customer sayo!" Nakatawang sabi ni Carina.

Alam naman ni Lily na hindi siya kagandahan at parang manang siya kung manamit. Dagdagan mo pa ng makapal niyang salamin!

Kaya nga labis ang kanyang tuwa noon ng manligaw si David sa kanya at sinabi nitong mahal siya.

Ngunit hindi naman totoo pala ang lahat! Ngayon ay naniniwala na talaga siyang pangit siya!

Pero ibang usapan pagdating sa kanyang ina!

"Please, Tita." Pakiusap ni Lily.

Hindi siya titigil na makiusap!

"Lily, tumigil kana. Wala rin mangyayari ang pakiusap mo. Okay lang ako na maiwan dito." Sabi ni Lucy na biglang dumating.

"Pero, Mama." Malungkot na sabi ni Lily.

Nasanay na siyang andiyan ang kanyang ina sa pag gising niya sa umaga at pagtulog sa gabi.

Gusto niyang isama ito sa bahay ni Christopher!

"Buti naman at alam mo kung saan ka lulugar Lucy!" Nakairap na sabi ni Carina at iniwanan na sila.

"Daddy, Please." Pakiusap ni Lily.

"Tumigil kana Lily. Umalis kana at kanina pa naghihintay ang asawa mo sa labas." Saway ni Lucy sa kanya.

"Mama!" Malungkot na sigaw ni Lily.

"Halika na at ihahatid kita sa labas. Kanina ko pa inilagay ang mga bagahe mo sa kotse ni Christopher." Hinila na siya ng ina papalabas.

"Pero- Daddy?" Muling tawag ni Lily sa ama.

"The decision is final Lily. Magkakasama  din kayo ni Lucy later." Sagot ni Andres.

Alam niyang labis na nasaktan si Lily pero mahirap kontrahin si Carina.

"Halika na anak," muli siyang hinila ng ina at dinala sa labas kung saan naghihintay ang lumang Toyota model na sasakyan ni Christopher.

Nasalubong pa nila sina Colleen at David!

"Oy! Happy Wedding Sissy! Aalis kana talaga for real?" Nakangising tanong ni Colleen. "Ganda naman ng kotse ng asawa mo Lily! Haha!" Dagdag panlalait ni Colleen.

Hindi siya pinansin ni Lily dahil ayaw nito ng gulo.

Malungkot si Lily dahil hindi niya kasama ang kanyang ina!

"Kasal ni Lily ngayon?" Nabiglang tanong ni David.

"Yes babe! Look at her husband! A disabled man! Kawawang Lily. Magiging yaya pa ng isang lumpo!" Nakangisi pa si Colleen habang sinasabi ito.

"Tumigil kana Colleen kung wala ka namang sasabihin na maganda." Hindi nakatiis si Lucy at sinaway si Colleen.

Wala na itong iba na ginawa kundi ang apihin ang anak niya!

"At sino ka naman para sawayin ako sa sarili kong pamamahay?!" Galit na tanong ni Colleen.

"Sige na Lily. Pumasok kana sa loob ng kotse." Pagtataboy ni Lucy sa anak.

Malungkot siya na mawawalay ito sa kanya pero mas makakabuti ito kay Lily at malayo na kina Carina at Colleen.

"Mama, sumama kana." Pakiusap ni Lily.

"Susunod ako anak. Pangako yan," si Lucy.

"Mama!" Pakiusap ni Lily.

"Ang O.A naman! Saan ka ba pupunta Lily? Hindi naman ata sa Amerika at para kanang namatayan diyan! Pwede mo naman padalawin ang nanay mo sa bahay ninyong mag-asawa! Ang bobo mo talaga!" Naiiling na singit ni Colleen.

"Let's go David. Bagay nga ang dalawang yan na maging mag-asawa. Isang bobo at isang lumpo! Hahaha!" Matapos makapanlait ay hinila na ni Colleen si David papalayo kina Lily.

Masaya siyang makita na nagdurusa ang mga ito.

Napatingin nalang si David kay Lily.

Napakamalas ng sinapit nito.

Pero wala sa vocabulary niya ang salitang awa because he deserves someone better!

At ito ay si Colleen.

Malas mo nalang Lily... Bulong ni David sa kanyang isipan.

"Sige na anak. Pumasok kana sa loob ng kotse. Christopher, mag-ingat kayo sa biyahe." Tawag ni Lucy sa lalaki at tumango lang ito sa kanya

At walang nagawa si Lily kundi umalis ng Magdilang Mansion na hindi kasama ang ina!

"Mama..." Malungkot na bulong ni Lily habang papalayo ang kanilang sinasakyan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Billionaire True Love    The Final Chase

    Chapter 84 The Final Chase is over... This time ay si Christopher na ang nagplano ng kanilang second wedding. Nasorpresa si Lily ng mag propose si Christopher sa kanya sa hotel kung saan bumalik sila sa pagtratrabaho. Dahil nag-umpisa ang kanilang love story sa forced arrange marriage ay ginawa ni Christopher ang lahat upang maipadama kay Lily, How sincere his love for her. Nanligaw siyang muli until nag propose and now they are getting married! Syempre, sa San Martino church parin. Dahil dito ang gusto ni Lily. This time ay wala ng prank at pinagplanuhan talaga ang kanilang kasal. Gusto ni Christopher na maging magical and memorable moment ang kanilang kasal para kay Lily. Kuntudo effort talaga siya. And today... Is their wedding day! He is waiting for the church's door to open at hindi naman siya nabigo. Ang kanyang napakagandang bride na si Lily na kanyang pinakahihintay ang huling nag martsa papunta sa kanya. Kasama ni Lily si Lucy patungo sa altar. Napakaganda ni Lily

  • My Billionaire True Love    Extravagant Rescue

    Chapter 83"Huh! Naghiwalay na kayo tapos magpapakasal na naman?" Nakasimangot na tanong ni Donna habang nag dra-drive."Ano ba ang ginagawa mo Donna?" Ganting tanong ni Lily.Nagulat siya ng may biglang nagtakip ng panyo sa kanyang ilong. Hanggang nawalan siya ng malay.Nang magising siya ay umaandar na ang sasakyan at ang nakangisi na si Donna ang kanyang nabungaran.Nakadamit panglalaki ito at may sombrero na aakalain mong driver ng bridal car. Naglagay pa ng pekeng bigote! Magpapakasal na sana silang muli ni Christopher. May asungot pa na dumating.Pakiramdam ni Lily ay nakarma siya ng sarili niyang prank! Alam niyang hindi natuwa si Christopher sa munting prank na kanyang hinanda at nag-aalala na ito sa kanya.Gusto lang naman niya na madama rin ni Christopher ang iwanan sa ere at parusahan ng saglit lang naman. Pagkatapos ay sorpresang kasal the second time around. Pero pumalpak ang plano niya ng dahil kay Donna. "Nagtatanong ka pa Lily. Kita mo naman na kinidnap kita!" Na

  • My Billionaire True Love    Revenge Marriage Prank

    Chapter 82Kung saan-saan nalang hinanap ni Christopher si Lily pero hindi niya ito nakita. Pinasarap at pagkatapos ay iniwan lang siya!Where are you Lil? Desperadong tanong ni Christopher sa kanyang sarili.Tinanong niya na sina Antonia at ang iba. Pero wala parin.Ngayon ay tinatahak niya na ang daan papunta sa Banana Plantation nila Colleen. Magbabakasakali siyang andun lang nagtatago si Lily. "Christopher?" Nagulat na tanong ni Colleen."Andiyan ba si Lily?" Umaasang tanong ni Christopher."Hmmp!" Napaismid si Colleen. "Ngayon ay hahanapin mo na si Lily pagkatapos mong saktan?" Ganting tanong ni Colleen."Colleen, Respect your visitor." Singit ni Andres.Magaling na ito at nag-uumpisang muli sa kanyang maliit na negosyo.Kahit ibinalik na ni Lucy sa kanila ang lahat ay ayaw ng tumira pa nina Andres at Colleen sa Magdilang Mansion. Maaalala lang nila si Carina at ang mga hindi magagandang gawain nila noon. Ayaw narin ni Andres e handle muli ang kanyang kompanya. Ipinaubaya n

  • My Billionaire True Love    Chasing Lily

    Chapter 81Walang nagawa si Christopher ng itapon siya ng mga guards sa labas ng Laxamana Mansion. Ngunit nagulat siya ng makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa labas ng mansion.Si Lucy!"M-mama?" Alanganin na tanong ni Christopher.Nag-aalangan siya dahil hindi siya sigurado kung totoo ba ang sinabi ng kanyang Mommy na si Madam Glamorosa.Kung nagbalik na nga ba ang mabait na Lucy o si Lucienne parin ang kaharap niya ngayon."Yes, It's me Christopher." Nakangiting sagot ni Lucy.Mabilis naman na napayakap si Christopher kay Lucy."You're back!" Naiiyak na sabi ni Christopher."Yes, And I'm sorry for what I've done." Paumanhin ni Lucy.Bumitaw sa pagkakayakap si Christopher."What happened to Lily, Mama?" Malungkot na tanong niya.Napabuntunghininga si Lucy. "It's all my fault. Sana mapatawad mo ako. Labis na nasaktan si Lily that you gave up on her habang siya ay patuloy na lumalaban. I tried my best to persuade her. Pero ito lang ang masasabi ko Christopher. Lily loves you v

  • My Billionaire True Love    Engagement Riot!

    Chapter 80Hindi na mapakali si Christopher. Tatlong araw na siyang pabalik-balik sa mansion ng mga Laxamana ngunit si Paulo lang ang nakikita niya. Hindi pa bumabalik sina Lily at Lucy. Nagpupunta rin siya sa opisina ni Lucy ngunit si Paulo parin ang nakikita niya!Bigla siyang nakaramdam ng matinding pangungulila sa asawa! Miss na miss niya na si Lily. Hinahanap-hanap niya ang paghabol-habol nito sa kanya. Ang luto ni Lily, Ang mga cookies na gawa nito. Ang matamis na ngiti ni Lily na para sa kanya lamang.Where are you Lil? Malungkot na tanong ni Christopher sa kawalan.Pinunit niya na ang annulment paper nila ni Lily dahil sa sobrang galit. Hindi niya matatanggap na magkahiwalay silang dalawa!Alam niya na labis niya itong nasaktan. Pero may plano siya!But Lily didn't know! Sumbat naman niya sa kanyang konsensiya.Nagulat si Christopher ng biglang sumigaw si Antonia.Nakapasok ito sa mansion ng hindi man lang niya namamalayan.Lutang ang kanyang isipan sa kakaisip kay Lily.

  • My Billionaire True Love    Annulled

    Chapter 79"Mom?" Gulat na tanong ni Christopher.Talagang nagulat siya dahil huling kita niya sa Mommy niya ay nakaratay sa hospital at may taning na ang buhay! "Ako nga!" Sagot ni Madam Glamorosa."How? Ang bilis mo naman gumaling?" Nagtatakang tanong ni Christopher."Mabilis talaga dahil wala naman akong sakit!" Nalolokang sagot ni Madam Glamorosa. "Where's your Dad?" Tanong niya."Diba magkasama kayo? Nasa Brunei," nagugulahang sagot ni Christopher.Naguguluhan at nagulat talaga siya ng makita ang kanyang Mommy na mukha naman hindi nanggaling sa sakit! "Magtutuos pa kami ng Daddy mo. But before that, Nag investigate ka sana Christopher." Napailing na sabi ni Madam Glamorosa."What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Christopher."Look at me! Mukha ba akong may sakit?" Naiinis na tanong ni Madam Glamorosa."But I saw you Mom. May taning na ang buhay mo and you need money for your medication." Hindi makapaniwalang sagot ni Christopher."Really? Did you see my face na naghihingalo n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status