Share

CHAPTER 2: Ang Pagkikita Nina Sophia at Harris

Sa Restaurant.

5 minutes late nang dumating si Sophia ngunit mabuti na nga lang at busy Ang kanilang manager Kaya Hindi sya nito napansin. Pagdating na pagrating nya mismo agad syang nagbihis at nagsimula agad sa trabaho. Paulit ulit lamang ang nangyayari sa kanya sa restaurant. Palaging napag iinitan ng loob. 

Iniinda nya na lamang lahat dahil alam nya sa sarili nya na she have no choice, kailangan na kailangan nya ng pera. Isang Araw, sya Ang nautusan na magtapon ng basura sa palikuran nang biglang may nakasalubong syang lalaki na nagmamadaling tumatakbo papalapit sa deriksyon nya.

"Oh my gosshhh" salitang nabanggit ni Sophia habang di makagalaw upang umiwas sa lalaki nang biglang...(Tugggg..)....

Nang imulat ni Sophia Ang kanyang mga Mata, nakita nya Ang kanyang sarili na nakapatong sa lalaki at magkadikit ang mga labi nito. Nang matauhan agad Naman syang kumawala at pinaghahampas ang lalaking nakabangga sa kanya.

"Manyakisss.. manyakisss...bastos ka, bastos!" sigaw nito habang patuloy na hinahampas Ang lalaki.

"Ano ba miss Teka lang magpapaliwanag ako!" Sabay hawak nito sa kamay ni Sophia.

"Sorry, Hindi ko sinasadya may humahabol Kasi sakin Kaya Hindi na Kita napansin" mahinahong paliwanag nito.

"Ayos kalang ba? may masakit ba sayo miss beautiful?" Nakangiting tanong nito.

"Mukha ba akong okay ha, natapunan ako ng mga basura tapos may gana kapang magtanong sakin Nyan!" Galit na sagot ni Sophia.

"Sungit Naman nito, nagsorry na nga ako diba" pa asar na Sabi nito.

"Tsskkk...dyan ka na nga! bwesit! Ayusin mo Yan ah" padabog nyang sabi sabay naglakad papalayo.

Nang akmang papasok na sya sa pinto, agad Naman syang tinawag nito.

" Miss masungit sandali" tawag nito Kaya sophia.

"Bakit na Naman ba! Kanina pa ako naiinis bwesit ka, Ang mala's ko na nga sa trabaho Kong to dumagdag ka pa haysss kainis talaga" Inis na inis na Sabi ni Sophia.

"Sungit talaga nito magpapakilala lang ako baka Kasi magkita ulit Tayo alam Mona, tyaka baka hanap hanapin mo tong gwapong mukha ko" paasar na Sabi nito.

"Harris nga pala (sabay kindat) wag mong kakalimutan ah if incase na hanapin mo ko" nakangiting Sabi nito.

" Iwan ko sayo dyan kana nga" mataray ba sai nito. Ngunit natigil ulit sya nong tawagin ulit sya nito.

"Teka lang, gusto ko lang sabihin na Ang tamis pala ng labi mo. Pano ba Yan baka hanap hanapin ko Yan kailangan mo kong panindigan" Paasar uli na Saad nito.

Mabilis na pumasok sa pinto si Sophia habang Nakayuko sa sobrang kahihiyan. Pagkapasok nya lamang ay agad syang pumunta sa CR. Pilit syang naghilamos at kinukoskos nang kinukoskos Ang kanyang labi.

"Nakakainis talaga Ang lalaking yon Arrrrrrrr.... Ang kapal ng mukha nya. Ano daw papanindigan ko eh sya Yung tatanga Tanga dyan eh Ang kapal ng mukha!" Inis na pagmamaktol nito habang nakaharap sa salamin. 

Mas Lalong naiinis si Sophia dahil ito Ang kanyang first kiss at pakiramdam nya nakadikit parin sa kanyang mga labi Ang labi ng lalaking kumuha ng kanyang first kiss. 

"Sophia anong ginagawa mo dyan kanina pa kita hinahanap, San ka ba pumunta?" Tanong ni Andrea sa kanya.

"Ah tumapon lang ako ng basura sa likod, bakit mo nga pala ako hinahanap" sagot ni Sophia.

"Wala gusto ko lang sabihin na sabay na Tayong mag out" Sabi ni Andrea.

"Sige Sige magbibihis na ako out ko na din Naman, Buti nga Hindi ako ngayon masyadong napag initan Kaya makakalabas ako sa tamang Oras" masayang Sabi ni Sophia. 

Nakangiti si Sophia habang magbibihis dahil sa wakas makakalabas na din sya at makakapasok sa panggabing trabaho nya bipang Isang delivery 

"May Isang Oras kapa bago ulit pumasok sa trabaho, saan mo gustong pumunta" tanong ni Andrea.

"Gusto ko mo nang pumunta sa tabing ilog para makalanghap Naman nang sariwang hangin masyado na akong nasusuffocate ng mga problema ko eh" Sagot ni Sophia habang naglalakad.

" Sasamahan na Muna Kita maaga pa Naman tyaka ayuko mo nang umuwi Wala Naman akong gagawin eh" Saad ni Andrea.

"Sya nga pala bago ako pumasok sa CR kanina narinig kitang nagsasalita at sa tuno ng Boses mo halatang inis na inis ka. May nangyari ba kanina?" Nagtatakang tanong nito.

"Haysss Ano ba Yan pinaalala mo na Naman sakin yon. Nakalimutan ko na kahit papano eh" pagmamaktol na sagot ni Sophia.

"Alin ba yon bakit Ano bang nangyari kwento mo Naman to Naman parang Hindi kaibigan eh" curious na tanong ni Andrea.

"Kasi kanina nung pagtapon ko ng basura may nakasalubong akong lalaki tapos bigla kaming nagkabanggan tapos ayon bigla kaming Ano..." Nahihiyanh kwento ni Sophia.

" Biglang Ano, no ba yan pabitin ka Naman eh" inis na Sabi nito.

"Eh nahihiya Kasi Ako wag nalang(sabay kagat nito sa kanyang hintuturong daliri)"Nahihiyang Sabi ulit ni Sophia.

"Ano ka ba Naman ako lang to bilis na Kasi" pagpupumilit ni Andrea Kay Sophia.

"Kasi nga bigla kaming nagkahalikan non, Kaya naiinis ako" mabilis na sagot ni Sophia.

"AAAHHHHHHHHH.... OMG this is for real !? Wait lang wait ... Nagkahalikan kayo AAAAAAHHHHH..." kilig na kilig na reaction ni Andrea.

"Ano ka ba wag ka ngang maingay, nahihiya na nga ako dito eh" Nakayukong Sabi ni Sophia.

"Girl may lalaki nang nakakuha ng first mo.. OMG kinikilig ako sayo. Ayy Teka Teka kumusta Yung lalaki gwapo ba? Mala Adonis ba Yung katawan nya AAAAAHHHHH...." Kilig na tanong nito.

"Ano ba tumigil ka nga Nyan (sabay hampas nito sa balikat ng kaibigan) Oo gwapo sya pero ubod Naman ng yabang hayss wag na nga natin syang pag usapan" inis na Saad ni Sophia.

"OMG gwapo sya? parang gusto ko tuloy syang Makita Ano ba Yan. Ayy girl kapag nagkita ulit kayo baka Naman pwede mo Kong ipakilala baka sya na Yung the one ko AAAAHHHHH.." na eexcite na Sabi ng kanyang kaibigan.

"Iwan ko sayo, papasok na nga ako sa trabaho at ikaw Naman umuwi kana habang may masasakyan ka pa" Sabi nito sabay Tayo.

"Basta girl ah, pagnagkita ulit kayo ah wag mo Kong kakalimutan" Mapang asar na Sabi ni Andrea habang naglalakad papalayo.

Pumasok na nga si Sophia sa kanyang panggabing trabaho. Umuwi na rin si Andrea na kinikilig pa rin sa kwento ng kanyang kaibigan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status