Share

My Billionaire's Boyfriend
My Billionaire's Boyfriend
Author: Anasthasia

CHAPTER 1: Ang Pagpapahiya Kay Sophia

Ringgggg....Ringgggg.... Malakas na tunog ng cellphone ni Sophia. Dahil sa sobrang himbing ng  tulog nya, hindi nya namalayan na kanina pa pala tumatawag sa kanya si Andrea.

"SOPHIAAAAAAAA .... Ano Wala kapang balak bumangon dyan late ka na Naman sa trabaho mo!" sigaw ng mama nya na nagluluto sa baba.

Nagising Naman si Sophia sa sigaw ng kanyang Ina Kaya dali dali itong kumuha ng tiwalya upang maligo nang mabilisan.

"Ma Naman bat di mo ko ginising kaagad, Patay na Naman ako nito " reklamo nya sa kanyang Ina.

"Aba ako pa sisisihin mo, kanina pa Kita tinatawag! Yung cellphone mo ring nang  ring baka tinatawagan kana nang Isa sa katrabaho mo. Iwan ko sayong Bata ka!" Pasigaw na sagot nang kanyang Ina. 

Hindi na nakakain pa si Sophia  sa sobrang pagmamadali, dahil siguradong pagagalitan na Naman sya nang  kanyang malatigreng manager. 

Sa sobrang pagmamadali sa taxi na lamang sya sumakay para mabilis makarating kahit pa Mahal Ang bayad dito. Habang papunta sya sa kanyang trabaho,bigla Naman nagkaroon ng aksidente sa daan. 

"Manong Ano pong nangyari, bat Tayo huminto" tanong nya sa driver.

"Nagkaroon po nang banggaan sa unahan ma'am, Kaya medyo matatagalan po ata Tayo" magalang na sagot ng driver.

"Hayss pagminamalas ka nga naman talaga oh, 30 minutes na akong late. Patay talaga ako nito" Pagpapanic na bulong ni Sophia sa kanyang sarili. 

"Manong mga anong Oras po kaya Tayo makakaalis" tanong nya ulit sa driver.

"Nako ma'am Hindi ko po alam eh, nagkakagulo pa sa unahan" sagot ni manong driver.

"Kung Ganon dito nalang po ako manong, bayad po ( inaabot Ang bayad). Salamat po" pagmamadaling Sabi ni Sophia.

Tinakbo ni Sophia Mula subway hanggang sa restaurant na pinagtatrabahuhan nya. Almost 1hr na syang late Kaya kabadong kabadong pumasok sa pintuan. Huminga sya nang malalim dahil akala nya Wala Ang kanyang tigreng manager. Nang akmang lalakad na Sana sya para magsoot ng uniform, nang biglang may tumawag sa kanya Mula sa kanyang likuran.

"Miss Salieri sumunod ka sakin sa kitchen, ngayon din!" pasindak na sinabi ng kanyang manager.

Sa tunog pa lamang ng Boses nito, nakakakilabot na dahilan para manginig Ang tuhod ni Sophia sa takot. Pagdating sa kitchen. Nung aktong magsasalita na lamang sya upang magpaliwanag at humingi ng paumanhin agad sya nitong binuhusan ng tubig at sinampal.

" Ano bang tingin mo sa restaurant na to ha! Señorita kaba dito na Kong anong Oras gusto mong pumasok saka kalang papasok!" Galit na galit na Sabi ng kanyang manager.

Hindi makapagsalita si Sophia sa sobrang gulat at kahihiyan. Nakayuko lamang sya habang umiiyak. 

" Anong iniiyak iyak mo dyan! Nagpapaawa ka! Alam mo ikaw, tatanga Tanga ka Lagi eh no pasalamat ka may awa pa ako sayo dahil dyan sa ama mong walang silbi!!" Sigaw uli Kay Sophia habang dinuduro duro nito.

Galit na galit na tumingin si Sophia sa kanyang Manager at gusto nitong sagutin at sigawan ngunit pinipigilan nya lamang Ang kanyang sarili dahil kailangan nya ng pera Kaya tinitiis nya lahat nang pang aalipusta nito.

"Ano lalaban ka na ha! (Sabay tulak sa noo ni Sophia) Ano pang ginagawa mo dito! Magbihis kana don at magtrabaho kana! Ibabawas ko to sa sweldo mo, walang kwenta. Tatanga Tanga Lagi! lumayas kana sa harapan ko naiirita ako sa pagmumukha mo!" Galit na galit na Sabi ng kanyang manager.

Umiyak lamang si Sophia habang nagbibihis. Wala syang magawa kahit na sobrang pinapahirapan at pinapahiya na sya ng kanyang manager.

"Kaya ko to, tahana na (sabay punas sa luha) huwag kanang umiyak Kaya natin to! pagsubok lang lahat nang to" Pagpapatahan nya sa kanyang sarili.

Pinagsisipagan Lagi ni Sophia ang kanyang pagtatrabaho dahil umaasa sya na mababago Ang tingin sa kanya ng kanyang manager. Ngunit Ano man Ang kanyang gawin laging Mali Ang nakikita sa kanya. 

"Sophia pahinga kana Mona, Ano kaba baka Ano Naman mangyari sayo Nyan" pag aalalang Sabi ng kanyang kaibigang si Andrea. 

"Ayos lang ako Drei, huwag mo Kong alalahanin, baka Makita na Naman ako ng tigre na yon, hays Hindi ko alam Kong bakit Ang init ng dugo nya sakin" pagmamaktol na Sabi ni Sophia.

"Pansin ko din nga eh, sa dami dami ba Naman ng pwedeng pag initan dito ikaw pa talaga Yung napili nya, hayss siguro inggit sa beauty mo girl" Pabirong sabi ng kanyang kaibigan.

"Tumigil ka nga dyan, Hindi ako natutuwa kailangan ko pa Naman tong trabaho na to magbabayaran na Naman Kasi sa hospital bill ni papa eh, tapos Yung tubig at kuryente pa namin. Hindi ko alam Kong San ko kukunin lahat ng yon" Naiiyak na Sabi ni Sophia. 

"Pwede Naman kitang pautangin kahit konte bayaran mo nalang ako kung kailan ka magkaroon ng pera" Sabi ni Andrea.

"Maraming salamat Drei, Hindi Kona talaga alam Kong ano gagawin ko" Umiiyak na Sabi ni Sophia.

Niyakap ni Andrea si Sophia at sobra itong naawa rito. Nag iisang anak lamang si Sophia Kaya Wala syang katuwang sa pagsuporta sa kanyang mga magulang. Labis syang nahihirapan Kong saan kukuha ng pambayad sa mga gastusin. 

Simula nang na aksidente Ang kanyang ama, tumigil na sya sa pag aaral dahil mas pinili nya na lamang magtrabaho Kaya Hindi sya nakapag tapos ng college. Dahilan ito para maliitin Lagi sya ng kanyang manager at nang Iba nya pang kasamahan sa trabaho. 

"Sophia!! Dahil late ka kanina late ka din uuwi ngayon, ikaw Ang maghuhugas ng pinggan at linisan mo na rin pati Ang kitchen. Pagkatapos mo saka kalang pwedeng umuwi" mataray na Sabi ng kanyang manager.

"Pero Ma'am...." Hindi natapos ni Sophia Ang kanyang sasabihin nang biglang magsalita ulit Ang kanyang manager.

"Anong pero ka dyan!! Mahiya ka Naman binabayaran kayo ng Tama dito, pare-pareho kayong sweldo dito ng mga kasamahan mo tapos sila pumapasok sa tamang Oras, nagtatrabaho ng maayos at Tama. Samantalang ikaw puro kana nga kapalpakan, palagi kapang late. Tapos magrereklamo kapa Ang kapal Naman nang mukha mo!!" Galit na Sabi nito.

Walang ibang nagawa si Sophia kundi magpaiwan. Hinugasan nya Ang tambak na hugasin kasama na Ang mga kaldero at ibang ginamit sa pagluluto. Pagtapos non nilinisan nya rin Ang kusina. Natapos sya nang 12 am. Wala na syang masakyan Kaya Naman naglakad sya pauwi at Hindi na rin nakapasok sa panggabi nyang trabaho. 

1 am na sya nakauwi ng bahay nila. Sobrang pagod sya Hindi lang physical kundi maging emotional. Umiyak sya nang umiyak hanggang sa makatulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status