With their connection, everything is possible.
Ang sama ng loob ko na wala akong magawa para baguhin iyon. Hindi ako mayaman para kalabanin sila. Wala akong kapangyarihan kahit para man lang makalaban ng patas sa kanila.
"Ikaw ang nanay, ikaw ang magpapalaki, Mayu. Ano ngayon kung mayaman sila? Kapag ikaw ang pinili ng anak mo, na sa'yo pa rin ang huling halakhak."
Iyon ang sabi sa akin ni Alice noong makauwi kami. Nag-aayos ito ng gamit, dahil gaya sa sabi ni Apollo ay lilipat kami ng bahay.
"Ayokong dumating ang punto na kailangan pang mamili ni Arkan, Alice."
Nangunot ang noo nito bago ako nilingon.
"So, magpaparaya ka na lang basta?"
"Hindi. Hindi niya kailangang mamili dahil ako lang ang choice. Ako lang ang magulang ng anak ko."
Ngumisi ako na kinangisi rin ni Alice.
"That's my girl!" sigaw nito at nagtaas pa ng kamay.
Napailing ako at mahinang napatawa. Ako ang nagpakahirap kaya't walang karapatan si Aldo n
"Aalis kami, Apollo—""Don't. Kung inaalala mo si Kuya Aldo, he will not go here. He's busy."Hindi ko alam ngunit sumilay ang mapait na ngiti sa labi ko, "I know. He's busy finding a fiancée—""Yeah, his runaway fiancée," dugtong niya na kinatigil ko matapos mag-sink in sa akin ang sinabi niya.Bakit ako ang tinutukoy niya?"Kasalanan niya kung bakit ako tumakbo palayo—""Silly, I was just kidding." Mahina pa siyang tumawa bago sumeryoso ang mukha, "Please, don't go anywhere, Miss Selvestre. Arkan deserves all of this."Iyon ang pakiusap sa akin ni Apollo bago niya kami iniwan sa bahay. Ngayon, hindi ko na alam kung mananatili pa ba sa rest house o tatakas na."Dito na lang tayo, Mayu. Nakapapagod ding magpalipat-lipat," si Alice na sinandal ang likod sa malambot na sofa."Paano naman kung biglang lumitaw si Aldo rito?" nag-aalalang tanong ko.Napaahon si Alice mula sa sofa at pago
"Gaga ka ba o sadyang tanga ka lang?! Anak mo 'yan, Mayu! Hindi 'yan aso na basta mo na lang pwedeng ipaampon! Mag-isip ka nga!"Pagkatapos niyon ay basta na lang niya binagsak ang tawag. Bagsak ang balikat na hinitsa ko ang cellphone sa kama. Pumikit nang mariin at hinilot ang sentido. Nang magmulat ay sinulyapan ko si Arkan na inosenteng nakatingin sa akin.Malinaw na malinaw sa paningin ko ang kulay ng mga mata niya at tingin ko ay mas titingkad pa ang mga iyon habang tumatanda siya."Hindi kita kayang alagaan, Arkan," mas mahinang bigkas ko.Kahit na paunti-unting pinupunit ang puso ko ay buo pa rin ang desisyon kong ipaampon siya.Mas maaalagaan siya ng iba.Mas mamahalin siya ng iba.Mas bibigyan siya ng pansin at...Mabibigyan siya ng buong pamilya.Paulit-ulit na umiikot ang mga iyon sa isipan ko. Kaya kinabukasan kahit pa ramdam ko ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko, nagpasya akong maghanap ng
Walang tigil ang tibok ng puso ko sa kaba. Kagat ko ang labi habang nakatanaw sa pagbukas ng pinto ng sasakyan.Kalahati pa lang ng katawan ang nakikita ko ay alam kong si Aldo iyon. Tindig at awra pa lang ay siguradong siya iyon.Mula sa malayo ay tanaw ko ang pagtanaw nito sa resthouse. Hindi ko alam kung ilang beses akong nagdasal na sana ay huwag siyang pumasok sa loob bahay dahil alam kong oras na ginawa niya iyon, talo ako."Tatakas na naman ba tayo, Anak?" bulong na tanong ko kay Arkan kahit pa alam kong hindi siya makasasagot.Bagsak ang balikat na tinanaw ko na lang si Aldo. Nagtagal pa ang titig ko sa malapad niyang likod, at siguro taksil ang isipan ko para maisip pa ang nakaraangl na kasama siya.Mabilis kong pinilig ang ulo upang mawala ang mga alaala ngunit noong paglingon ko muli sa harapan ay wala na roon si Aldo pero ang sasakyan naroon pa.
"Uhm, nagpahangin lang sa labas–""Na may bag, Miss Selvestre?" Tumaas ang kilay nito bago ako nginisihan."Next time, weave a very effective lie," bigkas nito.Umismid ako at hindi na lang siya pinansin. Mas maganda na iyon kaysa mapilitan akong sabihin na binalak kong ipaampon si Arkan.Halos manghina ako matapos maalala ang ginawa. Napakasama ko yatang ina at naisip na gawin iyon sa anak ko. Nanlambot ako at halos hindi makahakbang.Paano pala kung hindi nagbago ang isip ko?Paano kung hindi ko makakasama si Arkan? Hindi masusubaybayan ang paglaki niya? Tapos mapupunta siya sa masamang pamilya? Paano?Nanakit ang lalamunan ko kaiisip ng mga iyon. Nangilid ang luha sa mga mata ko at unti-unting binibiyak ang puso ko."Are you okay?"Napakurap ako sa tanong ni Apollo. Doon lang
"Did he say Pa?"Ilang ulit na tanong ni Apollo. Sa palagay ko nga ay malaki pa ang pagkakangiti niya habang tinatanong iyon. Akala mo naman siya itong tatay."Hindi. Mali ka lang ng dinig-""Oh come on. I know what I have heard—"Mabilis kong pinatay ang tawag at pikit matang dinama ang kaba. Napahawak sa dibdib ko at ilang beses na napailing. Pagmulat ko ay napanguso akong tumayo habang buhat si Arkan."Baby naman. Mama muna bigkasin mo bago ang sa tatay mong damuho," mahinang maktol ko.Humagikhik ito na mas lalo kong kinanguso. Hindi yata ako nito papanigan at mas pipiliin pa rin ang tatay niyang damuho!Hindi lang iyon isang beses na nangyari. Maraming beses. Ni minsan nga yata ay hindi ko narinig na binigkas nito ang Mama. Kahit noong mag-isang taong gulang ito. Bibihira kung magsalita. Nagsusuplado pa at minsan kung tumitig ay seryoso."Alice, magtatampo na talaga ako! Lagpas isang taon na si Arkan pero hindi pa ri
"Alice, narinig mo?! Tinawag niya akong Mama!"Sa tuwa ko ay mahigpit kong niyakap si Arkan. Halos maluha ako. Maging si Alice rin ay hindi mapigilan na yakapin kaming dalawa ni Arkan. Marahan pa nitong ginulo ang buhok ni Arkan."Good job, Kiddo! Dapat ganyan para hindi nagtatampo itong si Mama mo!"Suminghot ako at pilit pinigilan ang luha. Pinuno ko rin ng halik ang pisngi ni Arkan na kinahagikhik niya nang mahina."Love you, Arkan," masuyo kong bigkas na kinatigil niya.Tumitig sa akin ang magkaibang kulay ng mga mata niya. Matagal iyon na kinawala ng ngiti ko. Seryosong-seryoso ang asul at mala-pilak nitong mga mata. Hindi ko rin maintindihan na sa puntong iyon, hindi ko na masabi pa ulit ang salitang "I love you." Sa paningin ko ay si Aldo ang nakikita ko.Mabilis akong nag-iwas ng tingin at hinalikan na lamang nang matagal sa noo si Arkan. Mahigpit ko ulit na niyakap kahit pa binubugso ako ng kaba. Nang masulyapan si Alice ay nag-aala
Kahit gusto ko pang pakinggan ang irarason ni Apollo ay hindi ko na ginawa. Tahimik na lang akong pumasok sa Villa. Hiling ko lang ay huwag mag-ingay si Arkan kun'di ay makikita kami rito.Tahimik kong pinihit ang pintuhan ng Villa at walang ingay na pumasok sa loob. Nilapat ko ang pinto at doon sumandal para marinig ang usapan nila ngunit hindi naman abot sa tainga ko."Iba rin pandama ng tatay mo, Arkan. Hindi pa natin na-e-enjoy ang dagat, heto at nandito na siya agad!" mahinang hinanakit ko.Maliit itong nanguso na akala ko ay naiintindihan ako. Pinupog ko siya ng halik bago nilibot ang tingin sa loob ng Villa. Ngunit para din akong tinuklaw ng ahas matapos makita ang iilang mamahaling gamit, coat na nakasabit, at iilang longsleeve.Napaawang ang mga labi ko. Ayoko sanang mag-isip na kay Aldo ang Villa ngunit hindi ko mapigilan. Siguro naman may mayamang turista pa na pwedeng pumunta sa resort di ba?Muli kong nilibot ang tingin. Walang gusot a
"Here you are again, running," makahulugang bigkas nito.Pinanliitan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. Sa ilang beses na niya akong nakita at hindi sinusuplong ay nawala na ang takot ko sa kanya. Iba nga lang ngayon na seryoso ang titig niya kay Arkan."Ano na naman, Gueco? Do I need to be scared?" matapang kong tanong.Ngumisi siya bago pasimpleng tiningnan muli si Arkan."He does look like Aldo. He's carbon copied. He would be happy if he met him—""Don't tell him!" may kalakasang bigkas ko.Mahigpit kong niyakap si Arkan at akmang tataliwas ng daan ngunit nagawa pa rin kaming harangan ni Gueco."I don't really know why I am doing this, but come on, ihahatid na kita sa tirahan mo," anito bago tinuro kung nasaan ang magara niyang sasakyan."Kaya kong umuwing mag-isa. Atsaka, bakit mo ba 'to ginagawa?""I told you, I don't know. Sakay na, hindi ako nangangagat ng babae ng kaibigan ko." Pilyo siyang ngumisi at