Share

KABANATA 91

Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone.

"Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.

Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—"

"Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call.

"What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.

Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din.

"I'm sorry."

Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?

"Ano?"

"Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"

Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?

"Not forgiven—"

"Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status