Share

KABANATA 24.2

"Ah? Huwag mong sabihing sinabi mo na kay Aldo? Apollo naman!"

Gusto kong maiyak sa sitwasyon. Paano na lang kung basta kunin ni Aldo si Arkan? Malamang na hindi ako isasama at baka ipatapon pa ako sa malayo.

"Apollo, please naman. Hayaan mo munang makasama ko ang anak ko at huwag mo namang basta na lang ipaalam sa Kuya mo," pakiusap ko sa kaniya.

Sumeryoso ito. Bahagyang salubong ang kilay habang hawak ang paa ni Arkan.

"I cannot keep it for long, Miss Selvestre. Sabihin ko man o hindi, malalaman pa rin ni Kuya."

"Paanong hindi niya malalaman, sinabi mo na nga. Pinapabayad mo pa ang bills sa kanya! Iyon pa lang, ilalagay na niya sa utang ko."

Nagtaka ako nang kagatin nito ang labi sa pagpipigil matawa.

"Do you really think I will tell him now? Hindi. You have his black card, use it. Waste his money, it's all okay. Let him think I was wasting his money," mungkahi nito na kinaawang ng mga labi ko.

"Ayoko," matatag kong bigkas.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status