NAPAKUYOM ang mga kamay ni Cassandra, mabilis ang tibok ng kanyang puso habang hinihintay ang paglabas ni Don Manuel, ang taong itinuring niyang pangalawang ama.Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang mga kamao nang makita si Don Manuel na papalapit. Nakasuot ito ng kulay kahel na uniporme ng mga preso. Malamlam ang mga mata nito, halatang pagod na pagod at kulang sa tulog. Ibang-iba ito sa Don Manuel na kanyang kilala—ang makisig, presentable, at maayos na lalaki. Ngayon, para itong pulubi sa lansangan: gulo-gulo ang buhok, wala na ang dati nitong ngiti at halakhak.Napatayo si Cassandra nang magkaharap na sila. Kung kanina'y sabik siyang makausap si Don Manuel, tila biglang nagbago ang lahat. Bumabalik sa kanyang alaala ang masaklap na pagkamatay ng kanyang mga magulang. Nag-uunahang tumulo ang kanyang mga luha nang hawakan ni Don Manuel ang kanyang mga kamay."Cassandra, hija. Nagpapasalamat ako dahil pinili mo pa ring makita ako, kahit alam kong nasusuklam ka sa akin," w
"DO SOMETHING! Humanap ka ng pwedeng daanan, estupido! Tonto!" sigaw ni Don Manuel sa driver. Tarantang iniikot nito ang manibela pakaliwa para umiwas sa trapiko, ngunit bigo pa rin. "Pasensya na po, Don Manuel. Wala na pong ibang daan," paliwanag nito. Napamura si Don Manuel at napahilamos ng mukha. Buhol-buhol ang trapiko at wala nang ibang daan na pwedeng daanan. "Hindi ako pwedeng mahuli ng pulis. Kailangan kong makalabas ng Pilipinas bago pa nila ako maabutan," aniya. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang takot at pangamba. Paminsan-minsan ay napapasulyap siya sa likuran ng sasakyan at sa paligid, natatakot na baka masundan siya ng mga pulis na humahabol sa kanya. "Pero, Don Manuel, si Hudson po? Hahayaan niyo na lang po siyang mabulok sa kulungan?" tanong ng driver. "Pinadala ko na ang pinakamagaling na abogado. Huwag kang mag-alala. Kailangan kong makalayo sa gulo kaya humanap ka ng paraan para makatakas tayo rito!" sigaw muli ni Don Manuel. Tarantang pinaandar ng driver an
"WHAT the hell are you doing, Hudson?” Napalingon si Don Manuel nang marinig ang boses ng kanyang ama. Nakatitig lamang ito sa kanya habang ibinubuga ang usok ng sigarilyo. Napangisi pa ito at umiling-iling. “What? Wala kang gagawin? Tingnan mo ang spoiled brat mong anak, ipapahamak pa tayo!” singhal ni Hudson sa kanyang ama. “Think of it, Papa. Siya ang dahilan kung bakit nakatakas si Cassandra at ang bodyguard niya, dahil si Aries mismo ang tumulong sa kanila!” Pasalampak siyang umupo sa sofa, bakas sa mukha ang galit kay Aries. “Hindi ka na nasanay sa kapatid mo. Alam mo namang walang isang salita ‘yan. And, I’m sure babaliktad din ‘yan at tayo pa rin naman ang pipiliin niya,” sabi ni Don Manuel. Lumapit siya kay Hudson at tinapik-tapik ang balikat nito. “Siguraduhin mo lang, Papa. Dahil kung hindi, kakalimutan kong kapatid ko siya,” giit ni Hudson, nakakuyom ang kamao at halos magkulay kamatis ang mukha sa galit. “Hudson, my son. Think better bago ka magwala diyan,” sabi ni
PASIKAT na ang araw pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Cassandra. Nakadungaw siya sa bintana, pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. lsang tasa ng kape ang iniabot ni Christopher. Umupo siya sa tabi ni Cassandra at pinagmamasdan din ang magandang tanawin. "Ang ganda, ano?" Napangiti si Cassandra kay Christopher at sinimsim ang kape. Napatango si Christopher at muling tumingin sa labas. "Oo, kasing ganda mo," bulong ni Christopher. Lalong lumapad ang ngiti ni Cassandra. Are you crazy, Papa? Kahit patayin mo si Lucia, wala kang makukuhang impormasyon.” Tumayo siya at kinuha ang handgun sa tabi niya, isinukbit ito sa beywang, at lumabas ng mansyon. “Stay here, Hudson. Don’t make any move. Mainit pa ang mata ng mga pulis sa atin,” pigil ni Don Manuel. Napangisi lamang si Hudson at itinutok ang baril sa sintido ni Don Manuel. “Relax, Papa. May mga lilinisin lang akong basura.” “I told you! You need to stay here kung ayaw mong tumira ng maraming taon sa rehas!” “Alam mo namang
Binaybay nila ang daan patungo sa bayan upang makalayo sa mga hudlom na gustong pumatay kay Cassandra. Habang minamaneho ni Aries ang sasakyan patungo sa kanilang tutuluyang private resort, nakatutok pa rin ang baril sa kanyang tagiliran. Kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap ang address na ipinadala ni Mrs. Lucia—isang alternatibong lugar na maaari nilang puntahan kung sakaling magkaroon ng problema sa rest house, tulad ngayon. "Brod, ilayo mo nga ang baril sa akin. Baka makalabit mo 'yan," puna ni Aries kay Christopher. Hindi siya mapakali sa pagmamaneho dahil sa matinding takot. Napangisi lamang si Christopher at mas diniin pa ang baril sa tagiliran ni Aries, na lalong nagparamdam ng takot dito. Pakiramdam ni Aries ay pinagpapawisan na siya nang husto dahil sa tensyon. Napapansin niya ang seryosong mukha ni Christopher na nakatuon lamang sa daan. "Magmaneho ka lang at siguraduhing tama ang pupuntahan natin," utos ni Christopher kay Aries. Maingat niyang sinusundan ng t
"UMALIS na kayo, Chris, at huwag mong pababayaan si Cassandra." Agad na tinakpan ni Manong Berting ng karpet ang maliit na pintuan at mabilis silang nagtungo sa kabilang silid. Pinindot nito ang maliit na buton na nakatayo sa ilalim ng mesa, at agad na pumasok silang mag-asawa, parang may remote control na kusa itong nagsara. Ito ay ang secret room na madalas na pinupuntahan ni Mrs. Lucia, at nasisigurado nilang magiging ligtas sila dito. Makipot ang daan palabas ng lihim na lagusan. Mabuti na lamang at may kasanayan si Christopher sa ganitong sitwasyon. Nakatulong ang pagiging X-US Military niya upang makatakas sila sa mga hudlom na humahabol sa kanila. Patagilid ang kanilang paglalakad at pilit na pinagkasya ang kanilang katawan. Magkaharap silang dalawa ngayon ni Cassandra; nakahawak si Cassandra sa leeg ni Christopher habang ang isang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa beywang ng dalaga, at ang mga paa nito ay nakapatong sa mga paa ng binata. Napatingala si Christopher nan