MAAGA nagising si Cassandra kahit na wala siyang tulog. Ewan niya ba, at hindi siya komportable na may kasamang lalaki at estranghero sa loob ng mansyon. Lalo na't magkalapit sila ng silid, wala na siyang privacy at nawalan siya ng lugar na pupuntahan sa tuwing sasapit ang hapon. Madalas niyang tingnan ang paglubog ng araw sa silid na iyon, para itong ginto na sumabog sa buong kalangitan na nagbibigay kinang sa buong paligid. Lumabas siya ng silid at nagtungo sa lugar na pinupuntahan ng kanyang mommy, ang garden. Madalas silang nagbe-breakfast dito ng sabay-sabay, isang kinagawian na ng kanilang pamilya. Nagulat ang mga bodyguard nang makita siya, dahil simula nang mawala ang kanyang mga magulang, madalang na siyang lumalabas ng mansyon at madalas na nakakulong lamang sa kuwarto. "Good morning po, Ma'am Cassandra," bati ng isang bodyguard na nakatalaga sa labas ng mansyon. Ngumiti siya at patuloy na naglakad sa buong paligid ng garden. Nababawasan ang lungkot na nararamdaman dahil
Last Updated : 2025-08-28 Read more