My Bodyguard

My Bodyguard

last updateLast Updated : 2025-08-28
By:  Miss ErylUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
2Chapters
7views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Cassandra Belmonte, anak ng isang kilalang Mafia boss, ay nasaksihan ang karumal-dumal na pagpaslang sa kanyang mga magulang. Isang gabing nababalot ng kulog at ulan, ang mga putok ng baril na nagmula sa kanilang silid ang sumira sa kanyang buhay. Dahil sa pangyayaring ito, kinailangan niyang magtago at protektahan ang kanyang sarili. Para sa kanyang kaligtasan, isang dating miyembro ng US Military Special Task Force na si Christopher Herrera, ay bumalik sa Maynila upang magsilbing kanyang bodyguard. Ngunit paano kung sa paglipas ng panahon, hindi lamang ang kanyang buhay ang kailangan niyang protektahan, kundi pati na rin ang kanyang puso? Magagawa kaya ni Christopher na pigilan ang pag-ibig na sumibol sa puso ni Cassandra, o mananatili lamang siyang isang tagapagbantay?

View More

Chapter 1

Chapter One

"CASSANDRA, time to take your medicine."

Inilapag ni Manang Gloria ang dala-dala niyang tray at dahan-dahan na isinara ang pinto.

Napapailing na lamang si Manang Gloria sa tuwing nakikita niya si Cassandra na nakatulala, nakatingin sa malayo. Nilapitan niya ang dalaga, hinawakan ang mga kamay nito at hinaplos ang maamong mukha.

She's too confident of doing this thing. Every time she did this, Cassandra would smile at her and then start telling stories about what happened during the day. But not this time. She remained staring at the sky, watching the sunset. Manang Gloria admits that it was difficult for her to get along with her ward because of the tragedy that happened to her parents. She doesn't go to school and is often silent. She's a different Cassandra than the one she knew.

"Cassy," tawag niya muli sa dalaga.

Tumingin lamang ito sa kanya at mapait na ngumiti.

"Manang, wala po akong sakit. Hindi ko na kailangan uminom ng mga tableta na ‘yan."

"Alam ko naman na okay ka. Pero, sabi ng doctor kailangan mo ito."

"Iniisip n’yo po ba na nababaliw ako?" malungkot na sabi ni Cassandra kay Manang Gloria at muling ibinaling ang tingin sa labas ng silid.

Katulad ng dati, ang buong mansyon ay napapaligiran ng mga bodyguards. Mas lalong naging mahigpit ang buong paligid simula nangyari ang pagpaslang sa kanyang mga magulang. Ngunit, hindi niya lubos maisip kung bakit napasok ng mga kriminal ang kanilang mansyon? She's thinking if there's someone behind the crime? Ito ang paulit-ulit na tinatanong niya sa sarili.

Ang buhay niya ay hindi na normal katulad ng dati, dahil kahit ang kaligtasan niya ay nanganganib na rin. Ilang death threats na ang kanyang natatanggap.

She deactivated her F******k account, deleted all her contacts, and changed her phone number. Kung papasok siya ng University ay dalawang sasakyan ang nakasunod, dahilan upang mag-agaw atensyon sa mga estudyante sa University na kanyang pinapasukan.

She decided to stop coming to University and temporarily stopped her studies. This is the best thing she can do para na rin makaiwas sa kapamahakan.

She doesn't socialize, limitado ang lahat ng kanyang galaw. Even her close friends ay hindi niya na nakakausap dahil sa mga nangyari. Lahat ng ito ay mungkahi ng kanyang Auntie Lucia, ang nakakatandang kapatid ng kanyang Daddy.

Isa na lang ang hindi niya tinatanggap ang umalis ng bansa at manirahan sa London kasama ng kanyang lolo at lola. She has a better life here, and besides, hindi niya kayang mamuhay sa ibang bansa dahil na rin sa ibang kultura at mga taong makakasalamuha.

Napatingin siya sa tray na inilapag ni Manang Gloria sa mini table. Tatlong tableta ang kanyang iniinom araw-araw, doctors prescribed, dahil na rin sa depression na kanyang nararamdaman. Hindi niya tuloy maiwasan na isipin na nababaliw na siya katulad na lang nang pagtrato ng ibang tao dito sa mansyon, bukod kay Manang Gloria ay wala na siyang ibang nakakausap.

She takes one tablet and then another. Kailangan niyang sundin ang payo ng doctor, dahil katulad ng sinasabi ng kanyang Auntie Lucia, this is the best way to overcome her depression.

Matapos na inumin ang mga tableta ay agad naman kinuha ni Manang Gloria ang tray.

"Gusto mo bang bumaba at kumain na ng hapunan?"

"Mamaya na lang Manang."

"O sige, bumaba ka na lang kung nagugutom ka na."

Tumango lamang siya sa matanda at sinundan ng tingin palabas ng silid.

Kinuha niya ang remote at binuksan ang television. But that moment she turned on the television, her face immediately appeared.

She's on the national TV every now and then. She doesn't know when the news about her family will end. She knows that the reporters just keep repeating the same things, and half of it isn't true. What she wants to do now is find the criminal who murdered her parents.

Many reporters come to her to ask for an interview with her, pero palagi niya itong tinatanggihan. Wala pa siyang sasabihin hanggat walang malinaw na kasagutan sa kaso ng kanyang mga magulang. She turned off the television and decided to go outside her room.

"Manang," tawag niya sa kanyang yaya

Umikot siya patungo sa dirty kitchen upang hanapin si Manang Gloria. Tahimik ang buong paligid. Nakaramdam siya ng kaba nang hindi niya makita si Manang Gloria at ng iba pang kasamahan. Natatakot siya sa katahimikan ng buong mansyon, pakiramdam niya iiwanan siya ng lahat ng tao na malalapit sa kaniya.

Tumakbo siya agad sa main door. Halos kapusin siya ng paghinga dahil sa takot na nararamdaman. And the moment she opened the door, isang lalake ang bumulaga sa kanya.

May hawak itong balisong na akmang itutok sa kanya. Napaurong siya at sinubukan niyang tumakbo, ngunit hindi niya maikilos ang kanyang mga paa.

"Who are you?" Nanginginig ang kanyang boses dahil sa takot.

Nagpalinga-linga siya upang hanapin ang isa sa mga bodyguards niya, akmang hihilahin na siya ng lalaki nang biglang pumutok ang baril mula sa likuran. Sapol sa batok ang lalaki at napahandusay sa kanyang harapan. Nagsisigaw si Cassandra sa takot, napatutop ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig at napaiyak na lamang.

"Ma'am, huwag kang matakot. Ligtas na kayo."

Agad siyang nilapitan ng lalaki at inalalayan siyang tumayo. Nakilala niya agad ang lalaki dahil sa suot nitong kulay bughaw na uniporme. Isa siya sa mga bodyguard na nagbabantay sa mansyon.

Napatakip siya sa tenga nang muli siyang nakarinig ng putok ng baril. Mabilis na kumilos ang bodyguard at hinila siya upang ilayo sa panganib, ngunit sa mga oras na iyon ay nagdilim ang kanyang buong paningin.

Mabigat ang mga talukap ng mata ni Cassandra, ngunit pinilit niyang idinidilat ang mga ito. May naririnig siyang boses na nagsasalita at may malaking liwanag na nakatutok sa kanya. Hindi siya maikilos; pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang buong katawan.

"Cassandra, Hija." Nauulinigan niya ang boses, at hindi siya maaaring magkamali; boses iyon ng kanyang Auntie Lucia.

"Auntie.”

Nakatingin si Lucia kay Cassandra na mahimbing na natutulog. Nakaramdam siya ng pagkahabag para sa pamangkin dahil sa trahedyang sinapit ni Cassandra. Nag-agaw-pansin sa kanya ang newspaper na nakapatong sa lamesa. Binuklat niya ito at binasa ang nilalaman. Napapailing na lamang siya at bumuntong-hininga ng malalim nang mabasa ang nakasulat sa balita. It’s been almost a week, pero ang balita tungkol sa kapatid niyang si Rudolfo ay hindi pa rin humuhupa.

Alam niyang nahihirapan si Cassandra dahil kaliwa’t-kanan ang balita tungkol sa kanyang magulang, at nangangamba siya na hindi makayanan ni Cassandra ang trahedyang nangyari. Lalo siyang nababahala dahil sa nangyari kanina sa mansyon, at kung hindi agad na dumating ang bodyguard, nasaksak na siya ng lalaking pumasok sa loob ng mansyon.

Napatingin siya sa pinto nang biglang bumukas ito at niluwa nito ang doktor na tumitingin sa kalagayan ni Cassandra. Kasunod ang nurse na may hawak na tray ng mga gamot. Tumayo si Lucia upang batiin ito. Tumango lamang ang doktor at agad na pinuntahan si Cassandra upang i-check ang vital signs

"How is she, Doc?" pag-aalalang tanong ni Lucia.

"She will be okay. I advise na mas maganda pumunta siya sa lugar na malayo dito, para madali niyang makalimutan ang lahat ng masamang nangyari sa kanya."

Napabuntong-hininga ng malalim si Lucia at natitiyak niyang hindi aalis ng mansyon si Cassandra. Napatingin na lamang siya sa kanyang pamangkin at napapaluha, kahit siya ay nasaktan at nagimbal sa nangyari sa kanyang kapatid na si Rodulfo.

Napasimangot si Cassandra at binaling ang tingin sa labas ng bintana ng silid. Kung maaari lang na takpan niya ang dalawang tenga dahil sa paulit-ulit na pangungulit ng kanyang Auntie Lucia na tumira sa rest house nila sa Tagaytay.

Ayaw niyang umalis ng mansyon dahil pakiramdam niya ay buong-buo ang kanyang pagkatao kapag nanatili siya sa mansyon, at kahit nababalutan ng trahedya ang mansyon, hinding-hindi siya aalis. Higit sa lahat, hindi niya kailangan lumayo; wala siyang dapat iwasan. Aside from that, hindi siya nababaliw katulad ng iniisip ng iba.

She wants to stay in their mansion, dahil alam niyang nandoon lamang ang kasagutan sa lahat ng kanyang mga tanong.

Humarap siya sa kanyang Auntie Lucia, naka-cross ang mga kamay at sumandal sa pader. Matalim ang kanyang mga titig. Ipinapakita niya na tutol ang kalooban niya na pumunta sa rest house nila sa Tagaytay.

"No! Hindi ako aalis ng mansyon!" matigas niyang sabi sa kanyang Auntie Lucia.

"Bueno, kung ‘yan ang gusto mo. Hindi na kita pipilitin. Sa isang kondisyon."

"Condition? What is your condition?

"You need to have a bodyguard."

"What! I have lots of bodyguards. Auntie, 24 hours silang nakamadyag sa akin at magdadagdag ka pa ng isa? This is hell!"

"It’s for your safety. He will be your personal bodyguard. My decision is final."

"No! Hindi ko kailangan ang isa pang bodyguard."

Napataas lamang ng kilay ang kanyang Auntie Lucia at tuluyan nang lumabas ng silid. Pakiramdam niya ay hindi na siya ligtas dahil sa maraming taong nakapaligid sa kanya.

She can’t no longer take this. She needs air to breathe.

IT WAS A LONG JOURNEY for Christopher upang muling lumipad papuntang Pilipinas. Mabilis niyang kinuha ang mga baggage at inilagay sa troller. Tinahak niya ang exit ng terminal. Napahinto siya sa gitna at sinuyod ng tingin ang buong paligid. Isa-isa niyang pinagmasdan ang mga tao na nasa paligid. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na babae na kumakaway mula sa waiting area.

It's been a long time since the last time he saw his Tita Lucia. Walang anumang koneksyon ang nag-uugnay sa kanila bukod sa mag-bestfriend ang kanyang Mommy at si Lucia, na malapit din sa kanyang puso. He opened his arms wide at mahigpit na niyakap ang matandang babae.

"Oh, Chris! Hindi ako makapaniwala na ikaw na yan. You're such a man now and looking handsome."

"Tita, how are you? It's been so long."

"Nice to see you. How's your mom?"

"She's great. Syempre, alam mo naman ang mommy. She's busy with all sorts of stuff—gardening, running her small coffee shop business."

"Good. Mabuti na lamang at hindi mo ako binigo sa mga hiling ko sa'yo."

"Well, wala na akong magagawa," natatawang sabi nito.

Panay ang kamustahan nila habang naglalakad palabas ng terminal. Agad na kinawayan ni Lucia ang driver upang buhatin at ilagay sa compartment ng sasakyan ang mga maleta ng binata.

Lulan ng BMW X3, kampanteng naupo sa backseat si Christopher, katabi si Lucia na masayang nagkukuwento ng kung ano-anong mga bagay tungkol sa Pilipinas. Napapangiti na lamang si Chris sa mga sinasabi ni Lucia, hanggang sa maalala niya ang dalaga na tinutukoy sa kanya ni Lucia.

"By the way, Tita, I'm curious about the girl you said to me, Cassandra?"

"Oh, yes! Cassandra. She's my niece.

Kinuha ni Lucia ang cellphone at saka ini-open ang photo gallery at hinanap ang mga pictures ni Cassandra at ipinakita kay Christopher.

"Here, look at her pictures para maging pamilyar ka."

Tahimik na pinagmasdan ni Christopher ang mga larawan ni Cassandra. Hindi maiwasan na mapahanga siya nito dahil sa simpleng ganda nito at morenang kulay. Kung hindi siya nagkakamali, ay nasa edad bente pataas ang dalaga.

He's an ex-US Military Special Task Force. He decided to quit the military services simula nang mangyari ang kalunos-lunos na hidwaan sa Afghanistan. Halos kalahati ng troops nila ay nalimas dahil sa bombang sumabog sa kanilang base, at kasama doon ang babaeng kanyang pakakasalan na isa ring militar. Ang lahat ng kanyang pangarap ay naglaho; malaking bahagi ng buhay niya ang nawasak. Parang pira-pirasong pinupunit ang kanyang pagkatao. Nagpasya siyang umalis sa serbisyo upang buuin muli ang sarili, hanapin ang sarili, at kalimutan ang mga sakit na nag-iwan ng masamang alaala.

He never thought twice to accept the offer coming from his Tita Lucia. Agad niyang tinanggap ang alok na trabaho bilang isang bodyguard. Naisip niyang ito ang paraan upang makapagsimula at umalis ng Los Angeles. Baka sakaling kapag lumayo siya sa bansang kinalakihan, ay mahahanap niya ang kanyang sarili.

"Chris, nanahimik ka na diyan. Masyado mo yatang tinitigan ang mukha ng pamangkin ko."

Napataas siya ng tingin at binalik ang cellphone kay Lucia. "I'm just memorizing her face."

"Well, huwag kang mag-alala, makikilala mo rin siya ng personal. Syempre, sa mansyon ka niya titira para mababantayan mo ang pamangkin ko."

Inaasahan niyang ganon ang mangyayari, kaya't hindi na siya nagulat sa sinabi ni Lucia.

"Don't worry about Cassandra. She's kind, but there are times na umiiral ang pagka-spoiled brat niya. Later on, makikilala mo din siyang mabuti, and sana ikaw na ang mag-adjust sa ugali niya. She's suffering from depression because of a tragic event that happened in her life."

Napatango na lamang siya upang pagsang-ayunan ang mga sinabi ng kanyang Tita Lucia. All that he needed to do was to do his job.

She turned off the treadmill at tinanggal ang headset sa kanyang tenga bago humarap kay Manang Gloria. Kinuha niya ang towel at pinunasan ang pawisan na katawan.

"What is it, Manang?" sabay inom ng tubig at inubos ang laman ng bottled water.

"Nasa ibaba ang Auntie Lucia mo at may kasamang napaka-guwapong binata."

Napataas ang kanyang kilay at napaisip kung sino ang lalakeng kasama ng kanyang Auntie. Siguro si Raven, ang pinsan niya. Hindi pa nakikita ni Manang Gloria si Raven, kaya sa unang tingin ay nag-gwapuhan ang matanda. She will admit na guwapo ang pinsan niya, pero bagsak sa panlasa niya kung siya ang tatanungin.

"Nakahanda ka na po ba ng tanghalian? Maliligo lang ako, at pakisabi kay Auntie na baba rin ako agad."

"Pero, sandali, hindi mo ba tatanungin kung sino ang kasama niya?"

"No, Manang. I know him."

"Pero, siya daw ang—"

Napangisi lamang siya at hindi na natapos ang sasabihin ni Manang Gloria at pumasok sa loob ng kanyang kuwarto upang maligo.

Isang maluwag na t-shirt at maiksing shorts ang kanyang isinuot. Patakbo siyang bumaba ng hagdan upang batiin ang kanyang Auntie at ang kanyang pinsan na si Raven.

"Auntie Lucia, I'm glad you visited me here." Bati niya sa kanyang tiyahin na agad namang sumalubong sa kanya.

"Where's Raven? Akala ko kasama mo siya," takang tanong niya dahil hindi niya nakita si Raven.

Napailing na lamang si Lucia sa kanyang mga tanong. "No. Hindi ko siya kasama."

"So… sino ang sinasa—"

Parang kusang tumiklop ang kanyang mga labi nang makita niya ang lalake na nasa harapan. Napangiti sa kanya ang binata, dahilan upang mawala siya sa wisyo. Sa totoo lang, malakas ang dating ng lalake. Pakiramdam niya ay hinihigop ang kanyang mga mata upang lalo pa niyang matitigan. Matipuno ang pangangatawan at bakat na bakat ang mga pandesal sa dibdib dahil sa fitted na itim na t-shirt na suot, at simpleng maong. Napapikit na lamang siya at umiwas ng tingin sa binata, bumaling siya sa kanyang Auntie Lucia na may labis na pagtataka.

"Who is he?" tanong niya.

"Cassy, meet Christopher, your personal bodyguard."

"What?" Halos nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kanyang Auntie Lucia. Hindi niya akalain na totohanin nito na kumuha ng isa pang bodyguard. She was against the idea of having a personal bodyguard. Halos isang dosena na ang bodyguards at hindi na kailangan magdagdag pa. Pakiramdam niya, lalong liliit ang kanyang mundo.

"Nice to meet you." Inilahad nito ang mga palad upang makipagkamay. Tinitigan niya lamang ang mga palad nito na para bang madudurog ang kanyang kamay kapag hinawakan siya nito.

Nakaramdam ng pagkapahiya ang binata sa kanyang inasal. Napapangiti na lamang ito at kusang inilayo ang mga palad.

"Auntie, I don't need a bodyguard. Don't you see? Isang dosena na ang nakapalibot sa akin! Ano naman ang gusto mong gawin sa sarili ko? Ang mabuhay na puro bodyguards ang nasa paligid ko?" angal niya pa.

"It's for your safety, Cassandra."

"No." Pabagsak siyang umupo sa mahabang sofa at pairap na tiningnan ang kanyang Auntie Lucia.

"My decision is final. Christopher will stay here."

"Ayaw ko!" Napatayo siya at pilit pa rin na tumatanggi sa kagustuhan ng kanyang Auntie Lucia.

Pinagmamasdan na lamang siya ni Christopher at lihim na napatawa sa kanyang mga ikinikilos. Isip-bata, saad niya sa sarili. Sa tingin niya, mahihirapan siyang pakisamahan ang isang Cassandra Belmonte.

Kahit anong gawing pagtutol ni Cassandra, wala siyang nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng kanyang Auntie Lucia.

Dalawa lamang ang kanyang pagpipilian: tumira sa rest house sa Tagaytay o manatili dito sa mansyon? Pinili niya ang tumira sa mansyon, ngunit ang kondisyon ay tanggapin si Christopher bilang personal na bodyguard.

Kahit mang-galaiti siya sa galit, wala siyang magawa. Kung bakit kasi sa katabing kuwarto niya pa ito gustong matulog. Kung tutuusin, malaki ang mansyon; pwede siyang mamili ng kuwarto sa ibaba o isang kuwarto sa second floor. Sa ikatlong bahagi ng mansyon ay nakalaan sa kanya ang sariling gym, library, at isang bakanteng silid na madalas niyang puntahan at doon magpalipas ng oras.

Alas onse na ng gabi at hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil sa inis na nararamdaman sa binata. Binuksan niya ang stereo at tinodo ang volume. Wala siyang pakialam kung mabulahaw ang Christopher na iyon. Sinasadya niya ito upang umalis si Christopher at lumipat ng ibang kuwarto.

Sunod-sunod na katok ang kanyang narinig, ngunit hindi niya ito binigyan ng pansin. Patuloy siya sa pakikinig ng music ni Taylor Swift habang sinasabayan ang kanta, kung kaya’t hindi niya napansin na pumasok si Christopher sa kuwarto.

Natigilan siya sa pagkanta nang namatay ang tugtog. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Sa gulat, halos mahulog siya sa couch nang makita ang binata na nakatingin sa kanya. Agad siyang tumayo at galit na hinarap si Christopher.

"What are you doing here?" pagtataray na tanong niya at inilagay ang mga kamay sa kanyang beywang.

"What are you doing?" tanong ni Christopher.

"It's my room! Wala kang karapatan na pumasok dito!"

"Sa pagkakaalam ko, meron. I'm your bodyguard."

Napaismid na lamang siya sa sinabi ng binata at sinusundan ang bawat galaw nito. Halos libutin nito ang buong silid. Binuksan ang dresser, banyo, at cabinet at sinilip ang loob na parang may hinahanap na kung anong bagay.

"It’s almost midnight. Hindi ka pa ba inaantok?" Bumaling ng tingin si Christopher sa kanya habang isinasara ang pinto ng banyo.

Hindi niya sinagot ang tanong ng binata; bagkus inirapan niya ito at parang batang paslit na nakikipag-away habang ginagaya ang bawat kilos at salita ni Christopher.

Lihim na napapangiti si Christopher. Hindi niya na lamang inintindi ang mga kilos ni Cassandra. Lumapit siya sa may bintana at saka sumilip sa labas. Isinara ang bintana at niladlad ang kurtina upang takpan ang kabuuan ng silid.

"Don't leave your window open," saad ni Christopher, at agad ding lumabas ng kuwarto.

Ibinalibag niya ng malakas ang pintuan nang lumabas ang binata at ini-lock ito. Lalo siyang nakaramdam ng inis dahil pakiramdam niya lahat ng kanyang kilos ay pakikialamanan ni Christopher.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
2 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status