CHAPTER 228“Ayos lang naman yun. At isa pa ay siya naman talaga ang bumili ng bahay na ito. Nakakahiya na talaga dahil malaki na ang nagastos nyo sa akin sa ospital pagkatapos ay mayroon pa kayong ibinigay na bahay sa amin ni nanay. Sobra sobra na yata ito,” sagot pa ni Jillian.“Wag ka ng mahiya pa dahil soon ay magiging isang pamilya na rin naman tayo. At kaya ito ginagawa ni mommy ay dahil gusto niya na maging kumportable kayo ni nanay Leony,” sagot naman ni Harold at saka niya inakbayan si Jillian habang nakasunod pa rin sila sa kanyang ina.“Maraming salamat talaga sa inyo. Sobra sobra na talaga ito,” sabi pa ni Jillian at hindi na nga natapos ang pasasalamat niya kay Harold.“Tama na nga iyang pagpapasalamat mo na iyan sa akin dahil ilang beses mo na yata iyang sinabi sa akin. Hindi mo naman kailangan na palagi akong pasalamatan dahil ginagawa ko ito sa’yo dahil mahal kita at gusto ko na nasa maayos ka na lagay,” sagot naman ni Harold dito.Isang malalim na buntong hininga nama
CHAPTER 227Napagtanong tanong na kasi niya ang background ni Jillian noon pa at nalaman nga niya na may matalik nga itong kaibigan na palagi nitong kasama. Base pa nga sa mga nalaman niya ay dalawa raw ang kaibigan na iyon ni Jillian pero ang isa raw ay paminsan minsan na lamang kung pumunta sa dalaga at ang isa naman daw ay palagi nga nitong kasama at yun ay walang iba nga kundi si Jane.“Pero ma’m—” hindi naman na ituloy ni Jane ang kanyang sasabihin ng bigla na ngang nagsalita muli ang ina ni Harold.“Wala ng pero pero hija. Samahan mo na lamang din si Jillian dito at sigurado rin naman ako na mamimiss nyo ang isa’t isa kapag pinaghiwalay ko kayo. Kaya sige na hija… tanggapin mo na rin ang bahay na ito,” pagpuputol ni Shirley sa nais sabihin ni Jane dahil paniguradp siya na kagaya ni Jillian ay tatanggihan nito ang bahay na iyon.Napatingin naman si Jane sa kanyang kaibigan na si Jillian na nakangiti na sa kanya at ng mapansin nga nito na nakatingin siya rito ay tumango nga ito sa
CHAPTER 226Matapos nga nilang mag usap usap roon at nang medyo kalmado na nga ang mag inang Jillian at Leony ay inaya naman na ni Shirley sa loob ang mga ito. Hindi na kasi talaga sila nakapasok muna sa loob kanina dahil nga gusto ni Shirley na isorpresa ang mag ina sa labas pa lang ng bahay na iyon at hindi naman niya akalain na mag iiyakan pa pala sila roon.Pagkapasok nila sa loob ay agad ng iginala nila Jillian ang kanilang paningin sa loob ng bahay at talagang namangha sila sa ganda noon. Simple lamang naman ang bahay na iyon at isang palapag lamang pero napakalawak naman noon. Pinili talaga ni Shirley ang bahay na walang taas dahil nga sa baka mahirapan pa sa pagpanhik ang ina ni Jillian at isa rin sa inisip niya ay buntis nga si Jillian at baka mahirapan din ito na magtaas baba pa sa hagdan. Kaya naman isang malawak na bahay na lang ang kanyang pinili.Meron din ngang garden doon na mapaglilibangan ng ina ni Jillian na taniman at meron din nga roon na swimming pool na pwede r
CHAPTER 225“Po!? A-ano po ang ibig nyong sabihin?” tila naguguluhan pa rin na sabi ni Jillian.Bahagya naman na natawa si Shirley sa naging reaksyon ng kanyang mga kasama roon.“Ang sabi ko ay ito ang munting regalo ko para sa inyo. Nabanggit kasi sa akin ni Harold noon na nangungupahan lang nga raw kayo kaya heto… ang bahay na ito ay regalo ko na sa inyo,” pagpapaliwanag na ni Shirley sa mag ina.Napaawang naman ang bibig ni Jillian dahil sa pagkabigla sa sinabi na iyon ng ina ni Harold.“H-hindi nyo naman na po kami kailangang regaluhan pa. Sobra sobra na po ang naitulong nyo sa amin,” sagot ni Jillian sa ina ni Harold habang pigil niya ang sarili na maluha.“O-oo nga naman, Shirley. Baka naman nabibigla ka lang. At isa pa ay hindi simple ang bagay na ito dahil alam ko na mahal ito,” sabat naman ng ina ni Jillian nq gulat na gulat din sa kanyang narinig.Matamis naman na nginitian ni Shirley ang mag ina at saka niya hinawakan ang kamay ni Jillian.“Magiging isang pamilya na tayo ka
CHAPTER 224Akmang pasakay na sana sila sa sasakyan ni Harold ng bigla namang nagsalita si Shirley.“Sa tingin ko ay mas malaki ang sasakyan ko Harold at magkakasya tayong lahat dito kaya mabuti pa na dito na lamang tayo sumakay lahat at ipadrive mo na lamang kay manong ang iyong sasakyan,” sabi ni Shirley.“Kasya naman po kami rito mom,” sagot ni Harold.“No… dito na lamang kayo sumakay lahat. Sige na Harold,” sabi pa ni Shirley at saka niya tinanguan ang kanyang anak.Agad naman na nakuha ni Harold ang ibig sabihin na iyon ng kanyang ina kaya naman hinayaan na lamang niya ito sa nais nito at doon na nga niya pinasakay sila Jillian habang ang mga gamit nga ng mga ito ay sa kanyang sasakyan na lamang niya isinakay at ang isang driver na lamang din nila ang magdrive ng kanyang sasakyan.Pagkatapos na maiayos ni Harold ang mga gamit nila Jillian ay agad na rin siyang sumakay sa sasakyan ng kanyang ina. Habang nasa daan nga sila ay panay naman ang kwentuhan nila Shirley at Leony. Pero n
CHAPTER 223Pagkatapos naman na maasikaso ni Harold ang lahat ng mga kailangan sa paglabas ni Jillian ay hinintay na rin muna niya ang kanyang ina bago siya bumalik sa silid ni Jillian.Tinawagan kasi niya kanina ang kanyang ina at sinabi na niya rito ang magandang balita na lalabas na ng ospital si Jillian kaya naman nagmamadali ng pumunta ang kanyang ina roon.“Mom, pwedw nyo naman pong puntahan na lamang si Jillian sa kanilang bahay,” sabi ni Harold sa kanyang ina dahil nagpahintay talaga ito sa kanya dahil sasama raw ito sa paglabas ni Jillian.“Alam ko naman iyon anak. Pero kasi may surpresa ako para kila Jillian at sa kanyang ina,” nakangiti pa na sabi ni Shirley sa kanyang anak.Napakunot naman ang noo ni Harold dahil sinabi na iyon ng kanyang ina dahil wala naman itong nababanggit sa kanya na may pasurpresa nga ito sa mag ina.“Surpresa? Ano naman po ang surpresa nyo sa kanila?” hindi na maiwasang tanong ni Harold sa kanyang ina.“Basta… mamaya mo na lamang din malalaman. Ang