Share

CHAPTER 192

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-07-16 15:31:45

CHAPTER 192

Sandaling katahimikan naman ang namayani sa kanila roon at maya maya nga ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Louie.

“S-sige… gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tigilan na ni Mr. Rodriguez at ng kanyang anak si Harold. Pero ang kumpanya…” saglit naman na tumigil sa kanyang pagsasalita si Louie at muli nga siyang nagyuko ng kanyang ulo. “H-hindi ko maipapangako na mababawi ko pa iyon. Malaking halaga talaga ang kakailanganin ko para mabawi iyon at hindi ko iyon kayang mabayaran agad,” pagpapatuloy pa niya.

“Kung mawawala man sa atin ang kumpanya na iyon ay wala na tayong magagawa pa dahil kasalanan mo rin naman iyan. At kung yun na lang talaga ang tanging paraan para tigilan na ni Mr. Rodriguez at ng kanyang anak si Harold ay gawin mo na kesa naman magkagulo pa tayo at masira pa ang ating pamilya,” sagot ni Shirley.

Dahan dahan naman na tumango si Louie at sa totoo lang ay nanghihinayang talaga siya sa kanilang kumpanya na iyon sa London dahil iyon a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Aviana
Jillian nakabalik na si Harold.
goodnovel comment avatar
Michelle Castillo
tagal paba matapos ito..ganda sana kaso sobrang haba na ng kwento..tpos laging kapos sa next chapter...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 192

    CHAPTER 192Sandaling katahimikan naman ang namayani sa kanila roon at maya maya nga ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Louie.“S-sige… gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tigilan na ni Mr. Rodriguez at ng kanyang anak si Harold. Pero ang kumpanya…” saglit naman na tumigil sa kanyang pagsasalita si Louie at muli nga siyang nagyuko ng kanyang ulo. “H-hindi ko maipapangako na mababawi ko pa iyon. Malaking halaga talaga ang kakailanganin ko para mabawi iyon at hindi ko iyon kayang mabayaran agad,” pagpapatuloy pa niya.“Kung mawawala man sa atin ang kumpanya na iyon ay wala na tayong magagawa pa dahil kasalanan mo rin naman iyan. At kung yun na lang talaga ang tanging paraan para tigilan na ni Mr. Rodriguez at ng kanyang anak si Harold ay gawin mo na kesa naman magkagulo pa tayo at masira pa ang ating pamilya,” sagot ni Shirley.Dahan dahan naman na tumango si Louie at sa totoo lang ay nanghihinayang talaga siya sa kanilang kumpanya na iyon sa London dahil iyon a

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 191

    CHAPTER 191“Patawarin mo ako anak,” mahinang sabi ni Louie at saka siya nagyuko ng kanyang ulo. “Hindi ko ginusto na ganito ang mangyari. Hindi ko namalayan pa na masyado na pala akong nalibang sa ginagawa ko. Kaya sana ay mapatawad mo pa ako anak,” paliwanag pa niya kay Harold.“Dad, ano naman po ang kinalaman ko dun? Bakit po pati ako ay nadamay sa ginawa ninyo? Wala po akong kaalam alam sa ginagawa ninyo. Hindi nyo po alam kung gaano ako nahirapan habang mag isa ako roon. Sinunod ko po kayo kahit na labag sa kalooban ko na umalis ng bansa at iwan ang nobya ko. Sinunod ko po kayo dahil ayoko naman po na may masabi kayo sa akin. Pero bakit ganito po dad? Bakit naman nadamay ako sa gulo na ito? Naniwala po ako sa inyo na may problema ang kumpanya kaya nyo ako pinadala roon yun pala ay kayo po pala ang may problema at idinamay nyo pa po ako,” sagot ni Harold at talagang linabas na niya ang sama ng loob niya sa kanyang ama.“Patawarin mo ako anak. H-hindi ko naman gusto na madamay ka p

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 190

    CHAPTER 190Bumitaw naman na muna si Harold sa pagkakayakap sa kanyang mga kapatid at saka siya mabagal na naglakad papalapit sa kanyang ama na nakatulala na lang sa kanya.“Kumusta po dad? Hindi nyo po ba kami namiss ni mommy? Hindi nyo man lang po ba kami sasalubungin ng isang mahigpit na yakap? Nasorpresa po ba namin kayo sa biglaan naming pagdating ni mommy?” sunod sunod pa na tanong ni Harold habang nanatili nga siyang seryosong nakatingin sa kanyang ama.Napakurap kurap naman si Louie at napalunok pa nga siya ng sarili niyang laway lalo na ng tuluyan ng makalapit sa kanya si Harold.“B-Bakit hindi kayo nagsabi na uuwi na pala kayo? Sana ay nasundo namin kayo? At saka diba sabi ko sa’yo ay wag kang uuwi ng bansa hanggat hindi ko sinasabi? Bakit narito ka na?" sunod sunod pa na tanong ni Louie at pilit na niyang itinatago ang kaba na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Bigla kasing naisip ni Louie na hindi siya sinusuway ni Harold kaya malakas ang kutob niya na may alam na ito

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 189

    CHAPTER 189Bigla namang lumungkot ang mukha ni Shirley at hindi na rin niya naiwasang bumuntong hininga dahil sa mga sinabi na iyon ng kanyang anak.Hindi naman din kasi niya masisisi si Harold kung sasama ang loob nito sa ama nito dahil tama naman lahat ng sinabi nito ngayon lang. Kahit naman siya ay sumama ang loob at nagalit din sa kanyang asawa sadyang nagpipigil lamang siya sa kanyang matinding galit dahil ayaw naman niyang magkagulo sila.“Naiintindihan naman kita anak. Pero hanggat maaari o hanggat kaya mong magpigil ng iyong galit ay gawin mo. Hindi naman kasi natin ito mareresolba kung mag aaway away tayo. Kaya ako na ang nakikiusap sa’yo anak ha. Kumalma ka,” sabi pa ni Shirley.“Susubukan ko po mom,” mahinang sagot ni Harold at hindi na nga niya liningon pa ang kanyang ina.Nang tumigil na sa harapan ng kanilang mansyon ang taxi na kanilang sinasakyan ay nailibot na lang ni Harold ang kanyang paningin sa labas ng kanilang mansyon at namiss din talaga niya ang lugar na ito.

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 188

    CHAPTER 188“Oo naman kayang kaya ko kaya wag mo akong alalahanin,” nakangiti pa na sagot ni Jillian sa kanyang kaibigan.Napabuntong hininga na lamang muli si Jane at hinintay na lamang din niya si Jillian para may kasabay nga ito sa pagpasok sa trabaho dahil baka kung ano pa ang mangyari rito dahil pansin niya na para bang may nararamdaman pa rin ito pero hindi lang nga ito nagsasabi.Sa nakalipas din kasi na mga buwan ay ramdam ni Jillian na para bang nahihirapan talaga siyang magkikilos pero pilit niya lamang itong kinakaya lalo na at iniisip niya na ano na ang mangyayari sa kanila kung hindi siya magtatrabaho dahil wala naman silang ibang aasahan kundi ang sahod niya sa trabaho.Magpipitong buwan na rin nga ang tiyan ni Jillian at sa loob nga ng ilang buwan na iyon ay wala siyang ibang hiniling kundi ang sana ay maging malusog ang sanggol na nasa sinapupunan niya. At isa rin nga sa hinihiling niya at sana ay bumalik na si Harold.Sa nakalipas din nga na mga buwan ay madalas naman

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 187

    CHAPTER 187Samantala naman hinang hina na nakaupo si Jillian sa kanilang upuan at tila ba hindi na niya maikilos pa ang kanyang buong katawan sa labis na panghihina. Kanina kasi pa kasi masama ang kanyang pakiramdam at kanina pa rin nga siya suka ng suka sa hindi niya malamang dahilan.“Ano ba kasi ang ginawa mo anak? Bakit ka ba nagkakaganyan?” puno ng pag aalala na tanong ni nanay Leony habang hindi na niya malaman ang kanyang gagawin dahil talagang nataranta na siya ng makita niya na grabe ang pagsusuka ni Jillian.“Masama lang po talaga ang pakiramdam ko nay. Pero maya maya po ay mawawala na rin naman po ito kaya wag na po kayong mag alala pa riyan,” mahinang sabi ni Jillian at para bang hinahapo pa nga ito habang nagsasalita.“Hindi ka naman ganyan kagabi. Jusko. Ano ba ang gagawin ko sa’yong bata ka,” puno ng pag aalala na sabi ni nanay Leony habang tinitingnan niya ang kanyang anak.Bigla naman ngang dumating si Jane at agad na nitong linapitan si Jillian.“Ayos ka lang ba Jil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status